CHAPTER EIGHTY-SEVEN: OUTING PART VI - SEMINAR✧FAITH ZEICAN LEE✧THE first light of dawn seeped through the curtains, gently stirring me awake. Nagbaba ako ng tingin kay Poppy na nakayakap sa ‘kin, her breathing soft and steady. Without thinking, I pressed a kiss to her forehead, savoring the warmth of her skin against my lips.Nanatili akong pinagmamasdan siya habang natutulog, nag-aalanganin akong kumislot sa pag-aalalang magising ko siya. Hindi natuloy ang nangyari sa ‘min kagabi matapos niyang masaktan. Nang makita kong puno ng nerbyos ang mukha niya, I decided to stop and tell her na ‘tsaka na lang namin ituloy kapag ready na ulit siya. Natulog lang kaming magkatabi at magkayakap.Nag-beeped ang cell phone ko sa nightstand, inabot ko ‘yon at tiningnan kung sinong nag-text. Si Mom. Inuutusan na kaming mag-prepare at bumaba sa lobby para magkasabay-sabay raw ulit kami sa almusal. Doon kasi ulit ang breakfast buffet.Matapos kong reply-an si Mom, ginising ko na si Poppy. Ayokong mag
CONTENT WARNING! Please note: The following chapter contains s*xual scenes and is intended for mature audiences only! This material is not suitable for minors. Reader discretion is advised. CHAPTER EIGHTY-EIGHT: FINALLY ✧FAITH ZEICAN LEE✧ THE AFTERNOON sun bathed Villasis Park in a golden hue as we arrived back home from our vacation. The air was warm and welcoming, just like the familiar scent of the gardenias that lined the pathway leading to the main entrance. Naglalakad si Poppy sa tabi ko, her gaze taking in every detail of the estate. Ito ‘yong bahay namin na para talaga sa ‘min. Hindi lang namin nagawang tirahan noon dahil mas pinili ni Mom at Dad na mag-stay kami sa poder nila for Poppy’s safety. Pero kahapon, noong nasa hotel pa kami, tinanong kami ni Dad kung ano ang plano namin ni Poppy. Kung magsasama ba ulit kami sa bahay namin, sa Villasis Park o mansyon. Hindi ako sumagot agad dahil gusto kong i-consider ang suggestion ni Poppy kaya ang sabi ko sa kanila, mag-uusap
CHAPTER EIGHTY-NINE: THE PROPOSAL✧FAITH ZEICAN LEE✧“BASED on my source, sugar lolo ni Chloe ang nagpalaya sa kaniya at ginamit lang ang pangalan mo para saktan si Sugarpop,” ani Hope. Kaharap ko sila ni Love, habang nakaupo ako sa paanan ng kama ko.Sumaglit ako ngayon dito sa bahay namin, kasama ko si Poppy para kuhanin ang iba ko pang gamit. Pero si Poppy ay nasa baba, kasama si Mom dahil wala si Summer ngayon, may lakad kasama ang mga kaibigan niya. At tiyempo ang pagdating namin dahil may balita na raw sila kung sino ang nag-send ng email kay Poppy.“Sino’ng source mo?” tanong ko sa kaniya, naninigurado.Natawa siya. “Si Detective Conan.” Ngunit agad din siyang sumeryoso nang samaan ko siya ng tingin. “’De joke lang. ‘Yong detective na pinahawak nila Mommyla sa kaso, of course! Hindi pa ba binanggit sa ‘yo ni Mommyla?”“Hindi pa.”“Hina mo talaga. Lagi kitang nauunahan sa balita.” He laughed.Wala pang nabanggit sa ‘kin si Mommyla, pero ang daddy ni Poppy ay mayro’n na. Hindi ng
CHAPTER NINETY: THE WEDDING✧FAITH ZEICAN LEE✧One month later.HANGGANG ngayon, para pa rin akong nananaginip. Dumating na ang araw na pinakahihintay ko since the moment I realized how much Poppy meant to me—ang pakasalan siya at makitang nakasuot ng magarbong wedding gown imbes na simpleng white dress lang.Standing in front of the mirror, I take a moment to soak it all in. The white suit looks better than I’d hoped. The fabric is smooth and cool, feeling like it was tailored just for me. The jacket fits perfectly, hugging my shoulders and chest just right without being too tight. The notched lapels give me a classic look, while the minimalist buttons keep it sleek and modern.I adjust the crisp white shirt underneath, noticing how it contrasts subtly with the suit. The silk tie adds a touch of elegance, its soft ivory hue blending seamlessly. The pocket square tucked into my jacket pocket finishes off the look, and I can’t help but smile.Habang ina-adjust ko ang tie ko para kalmah
Epilogue FAITH ZEICAN LEE (Eight years old...) I was excited to leave school when I saw Lolo Don A waiting for us. Naroon na siya sa gate, nakatayo sa tabi ng itim niyang limousine, kasama niya ang personal assistant niyang si Sir Dan. Habang naglalakad kami nila Hope at Love palapit sa direksyon nila, takang napatanong si Love. “Saan kaya tayo dadalhin ni Lolo Don A?” “Baka mag-s-shopping or kakain tayo sa labas,” sabi ni Hope na hindi rin sigurado. Ako rin ay hindi sigurado. Ngayon lang kasi ginawa ‘to ni Lolo Don A, na nag-volunteer kay Daddy at Mommy na siya ang susundo sa amin sa school, gayong dapat ay sabay-sabay kaming uuwi nila Daddy mamayang hapon dahil sa Lee University naman kami pumapasok at kabila lang ng Elementary Department ang College Department kung saan namin pinupuntahan si Dad after ng klase namin. “Hi, Lolo Don A!” nakangiti kong bati sa kaniya paglapit namin, sunod na ring bumati ang dalawang kakambal ko. Maging si Sir Dan ay binalingan namin para
CHAPTER ONE: EPIC TRIO ✧THIRD PERSON POV✧ "FAITH! Faithfully! Lovey-dudes! Yoohooo!" Um-echo ang boses ni Hope sa loob ng malaki nilang bahay, kararating lamang nito. Sabado kasi ngayon at natural nang hindi napapanuto ang puwet niya sa bahay kapag weekend. Pero ang kagandahan naman, it's either galing siya sa kanilang Mommyla, his Mom's mother, or sa kanilang Tito Betlog. Habang ang kambal niyang si Faith at Love naman, at ang nakababata nilang kapatid na babae, si Summer, maging ang kanilang ina, si Keycee, at ang mister nito, si Ace, ay nasa bahay lang. Lalo na kung wala silang naka-schedule na family trip. Nagkataong wala ngayon dahil kagagaling lamang nila sa Thailand just last week. "Ano na naman kaya'ng tsismis ang nasagap n'yan sa labas?" Napailing si Love habang busy pa rin sa game controller niya. Ganoon din si Faith. Dalawa silang naglalaro rito sa living room, habang si Summer na twenty-one years old na ngayon ay kasalukuyang wala sa kanilang bahay, lumabas ito kani-ka
CHAPTER TWO: ENGAGEMENT HAS BEEN DECIDED ✧THIRD PERSON's POV✧ "Hi, darling!" Sunud-sunod na b****o si Stephanie sa kaniyang mga guwapong apo, sa triplets, habang malapad ang ngiti. Ganoon din kay Summer. "Kumusta kayo?" Nasa likuran nito ang mister na si Carlo Vivar, kilala ring businessman, at ang bunso nilang anak na si Amethyst, na kung tawagin ng triplets at ni Summer ay Tita Baby. Twenty-three na ngayon si Amethyst dahil isang taon lang naman ang age gap nito sa triplets. "We're fine, Mommyla. Pero si Faith, not so fine." Bumungisngis pa si Hope kaya napukol ito nang masamang tingin ng kanilang Daddy na si Ace. Pisting yawa kasi itong si Hope. Kinakabahan na nga ang kapatid na si Faith, lalo pa itong hindi mapanuto dahil sa kaniyang panunukso. Alam na kasi nila ang rason ng pagpunta ngayon dito ng kanilang Mommyla. Ipinagpatuloy nila ang kumustahan habang patungo sila sa dining area. Nauuna ang dalawang mag-asawa, habang nasa likuran naman ng mga ito ang kanilang mga bagets.
CHAPTER THREE: FAITH'S DATE ✧FAITH ZEICAN LEE✧ KASALUKUYAN akong busy sa opisina ko, may ni-re-review akong spreadsheet nang may kumatok sa pinto, kasunod ang pagbukas no’n. Hindi ko na kailangan pang magtanong kung sino ‘yon dahil secretary ko lang naman na si Colleen ang kadalasang pumapasok dito. Bago rin may makapasok na iba, daraan muna sa kaniya para i-inform ako kung mayroon man naghahanap sa ‘kin. “Sir Faith.” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Mas matanda siya sa ‘kin nang dalawang taon kaya naiilang ako kapag tinatawag niya akong Sir. Pero siya naman ang may gusto n’yon. Sinabi ko na sa kaniya dati na kahit Faith lang ang itawag niya sa ‘kin ay walang problema. Pero ang katuwiran niya, kailangan niya raw akong i-address nang tama. “May naghahanap sa ‘yo." Dati rin siyang gumagamit ng 'po' at 'opo' sa akin noong bago pa lang siya, pero 'yon ang sinikap kong ipaalis sa kaniya dahil hindi talaga ako sanay na may nag-po-po at opo sa akin na mas may edad sa akin. Gayon pa man