Jusko po. Ngayon lang yata ako kinilig sa 1-year-old at 8 years old. Hahaha! Sa mga nag-r-request po ng special chapters, sa physical book na po 'yon magiging available at hindi po rito sa app. Kaya sa mga gusto pong umorder ng physical copy, kindly message lang po sa epbi page ko na Miss Ahyenxii. December 2024 po ang released ng books ni Faith at Poppy. :)
CHAPTER ONE: EPIC TRIO ✧THIRD PERSON POV✧ "FAITH! Faithfully! Lovey-dudes! Yoohooo!" Um-echo ang boses ni Hope sa loob ng malaki nilang bahay, kararating lamang nito. Sabado kasi ngayon at natural nang hindi napapanuto ang puwet niya sa bahay kapag weekend. Pero ang kagandahan naman, it's either galing siya sa kanilang Mommyla, his Mom's mother, or sa kanilang Tito Betlog. Habang ang kambal niyang si Faith at Love naman, at ang nakababata nilang kapatid na babae, si Summer, maging ang kanilang ina, si Keycee, at ang mister nito, si Ace, ay nasa bahay lang. Lalo na kung wala silang naka-schedule na family trip. Nagkataong wala ngayon dahil kagagaling lamang nila sa Thailand just last week. "Ano na naman kaya'ng tsismis ang nasagap n'yan sa labas?" Napailing si Love habang busy pa rin sa game controller niya. Ganoon din si Faith. Dalawa silang naglalaro rito sa living room, habang si Summer na twenty-one years old na ngayon ay kasalukuyang wala sa kanilang bahay, lumabas ito kani-ka
CHAPTER TWO: ENGAGEMENT HAS BEEN DECIDED ✧THIRD PERSON's POV✧ "Hi, darling!" Sunud-sunod na b****o si Stephanie sa kaniyang mga guwapong apo, sa triplets, habang malapad ang ngiti. Ganoon din kay Summer. "Kumusta kayo?" Nasa likuran nito ang mister na si Carlo Vivar, kilala ring businessman, at ang bunso nilang anak na si Amethyst, na kung tawagin ng triplets at ni Summer ay Tita Baby. Twenty-three na ngayon si Amethyst dahil isang taon lang naman ang age gap nito sa triplets. "We're fine, Mommyla. Pero si Faith, not so fine." Bumungisngis pa si Hope kaya napukol ito nang masamang tingin ng kanilang Daddy na si Ace. Pisting yawa kasi itong si Hope. Kinakabahan na nga ang kapatid na si Faith, lalo pa itong hindi mapanuto dahil sa kaniyang panunukso. Alam na kasi nila ang rason ng pagpunta ngayon dito ng kanilang Mommyla. Ipinagpatuloy nila ang kumustahan habang patungo sila sa dining area. Nauuna ang dalawang mag-asawa, habang nasa likuran naman ng mga ito ang kanilang mga bagets.
CHAPTER THREE: FAITH'S DATE ✧FAITH ZEICAN LEE✧ KASALUKUYAN akong busy sa opisina ko, may ni-re-review akong spreadsheet nang may kumatok sa pinto, kasunod ang pagbukas no’n. Hindi ko na kailangan pang magtanong kung sino ‘yon dahil secretary ko lang naman na si Colleen ang kadalasang pumapasok dito. Bago rin may makapasok na iba, daraan muna sa kaniya para i-inform ako kung mayroon man naghahanap sa ‘kin. “Sir Faith.” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Mas matanda siya sa ‘kin nang dalawang taon kaya naiilang ako kapag tinatawag niya akong Sir. Pero siya naman ang may gusto n’yon. Sinabi ko na sa kaniya dati na kahit Faith lang ang itawag niya sa ‘kin ay walang problema. Pero ang katuwiran niya, kailangan niya raw akong i-address nang tama. “May naghahanap sa ‘yo." Dati rin siyang gumagamit ng 'po' at 'opo' sa akin noong bago pa lang siya, pero 'yon ang sinikap kong ipaalis sa kaniya dahil hindi talaga ako sanay na may nag-po-po at opo sa akin na mas may edad sa akin. Gayon pa man
CHAPTER FOUR: ENGAGEMENT PARTY ✧FAITH ZEICAN LEE✧ ISANG buwan na kaming nasa dating stage ni Chloe. Sinamantala ko ang pagkakataong 'yon para kilalanin siya, and so far, I'm starting to like her. Why not? She's a sweet girl. Kung noong una ay kinakabahan pa ako kapag nakakaharap siya, ngayon ay naging panatag na ako dahil hindi siya mahirap pakisamahan. Magaan siyang kasama at marunong siyang bumuhat ng usapan kapag napapansin niyang natatahimik ako dahil may pagkamahiyain ako minsan. Bulok ang source ni Tito Betlog na napag-alaman kong 'yong assistant niya, dahil may kaibigan daw ito na nagtatrabaho sa Herald company kaya nito iyon nasabi. Pero taliwas ang nasagap nilang balita sa nakita ko kay Chloe. She's kind and sweet. Mayroong pagkakataon na may nadaanan kami sa lansangan, isang matandang namamalimos. Usually, kapag may nakikita akong pulubi, humihinto talaga ako para magbigay. Pero no'ng time na 'yon, tiniis kong hindi muna huminto dahil naalangan ako na baka hindi maging ko
CHAPTER FIVE: POPPY ✧FAITH ZEICAN LEE✧ "Hey, babe." Malapad ang ngiti sa 'kin ni Chloe nang pumasok siya sa opisina ko. Kararating niya lang, may bitbit siyang box ng pizza. Kapansin-pansin din ang engagement ring sa daliri niya. Si Mommy ang pumili niyon noong bumili ako, isinama ko siya dahil wala akong alam sa mga singsing. Hindi ko alam kung ano ang taste ni Chloe, at para masiguro ko na magugustuhan niya 'yon, si Mommy ang pinag-decide ko dahil pareho naman silang babae. "Hey." Tumayo ako sa working chair ko at sinalubong siya nang nakangiti. Noong magkaharap na kami, tumingkad siya para dampian ng halik ang pisngi ko. I had gotten somewhat used to it, as it had been two weeks since we officially got engaged. During those two weeks, she often came here at the company after her shift at Herald Enterprise para kahit papaano ay magkaroon kami ng bonding. Anyway, she's a finance manager at their company, so she's busy just like me. We only get time to go on dates during the weeken
CHAPTER SIX: DINNER ✧FAITH ZEICAN LEE✧ “Oo. Poppy is my sister, Faith.” Nakatingin pa rin sa akin si Chloe. “Sobrang mahiyain n’ya. Hindi s’ya sanay makihalubilo sa mga tao kaya hindi namin s’ya napilit na maki-join noong engagement party natin,” she explained. Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kaniya. Oo, halata nga na mahiyain si Poppy noong nakita ko siya noong gabing ‘yon. Parang ayaw niya akong kausapin. Narinig ko lang ang boses niya noong sinabi niya ang pangalan niya. Pero hindi ko na rin siya nakausap dahil agad na siyang umalis dala ang food niya. “Mas gusto n’ya nang nakakulong lang s’ya sa kuwarto kaysa makipag-socialize,” dagdag pa ni Mrs. Herald kasunod ang pagbuntong-hininga niya at pagbaling kay Chloe. “Chloe, tawagin mo Poppy, para maipakilala mo sa fiancé mo. Para makasabay na rin sa ating kumain.” Tumango agad si Chloe. “Yes, Mom.” ‘Tsaka siya tumayo sa upuan niya matapos niya akong sulyapan para magpaalam. Tinanaw ko siya hanggang sa makalabas siya sa d
CHAPTER SEVEN: GIFT FOR POPPY ✧FAITH ZEICAN LEE✧ TULAD ko ay twenty-four na rin si Hope at Love, pero daig pa nila si Summer kung maghanap ng pasalubong sa tuwing manggagaling ako sa isang business trip. Tulad ngayon, kararating ko lang galing sa New Jersey, pero kinakalkal na ni Hope ang suitcase kong nasa paanan ng kama. Nakaupo rin si Love sa tabi niya at nakIkisali na rin sa paghahalungkat sa suitcase ko. Napailing na lang ako at ibinaling ang atensyon sa phone ko. Hinanap ko agad ang contact number ni Chloe para matawagan ko siya. Three days akong nanatili sa New Jersey for business purposes at masyado akong naging busy kaya naman hindi kami nagkausap. Gayon pa man, nangako naman ako sa kaniya na paglalaanan ko siya ng oras once na makabalik ako sa bansa. “Hello?” I spoke first nang sagutin niya ang tawag ko. “Babe! Oh my gosh! Nakabalik ka na?” I couldn't see her, but I could imagine her jumping for joy; it was evident in her voice. I smiled at the thought. “Yes. One hour a
CHAPTER EIGHT: POPPY'S CONDITION✧FAITH ZEICAN LEE✧MASAYANG nakikipagkuwentuhan si Chloe sa pamilya ko habang nasa living room kami rito sa bahay. Matapos kasi ang dinner date namin ay naisipan naming pumasyal dito dahil sa request ni Mommy noong nakaraan na dalhin ko rito si Chloe. When I mentioned it to Chloe, she had no objections; instead, she was delighted.Mag-iisang oras na rito si Chloe at puro si mommy ang kakuwentuhan niya. Katabi ni mom si dad, pero madalang itong kumibo dahil tulad namin ay hindi kami maka-relate sa usapan nilang puro pampaganda. Chloe will be launching a new cosmetics product in the coming months. It's her own business, and I feel quite proud that her name will be featured on the products. She plans to call it CHLOE’S.“Sana next time ma-meet din namin si Poppy.” Natahimik kaming lahat sa biglang sinabi ni Hope na 'yon. Magkakatabi sila nila Love at Summer, pero tulad ni daddy ay madalang silang kumibo simula pa kanina dahil hindi rin sila maka-relate sa