Ang bayan ng VIRGANIA ay nagsasagawa ng pag-aalay sa bundok ng kuhom isang beses bawat buwan ang kanilang itinalang pagsasagawa nito at tumatagal ng isang linggo.Ang pag-aalay sa bundok ng kuhom ay isinasagawa lamang ng mga sagradong angkan, dahil ito ay isang pag-alaala sa dakilang layunin ng mga angkang nag alay ng kanilang mga buhay.
Si Pitan ay bunsong kapatid ng Mahal na Hari, siya ay itinuturing matapat na kapanalig ng hari at palasyo. Ayon sa kasaysayan ang bayan ng VIRGANIA ay may pinaka malakas na hukbo ng sandatahan at ang pangalang Pitan ay kinatatakutan ng mga mandirigma sa ibat-ibang bayan, kaya naman tinagurian siya ng palasyo bilang PUNONG MAESTRO ng sandatahan
Ang kinaroroonan ng bundok ay nasa kanlurang bahagi kaya naman mula dito ay matatanaw ang pag lubog ng araw, Masasabing maaliwalas ang bundok na ito dahil dalawampung tao ang maaaring makadalo sa pag-aalay. May matatagpuan ding ilang puntod ng mga bato na nag papatong-patong mula sa malaki hanggang sa maliit upang isimbulo ang bilang ng pag-aalay sa bundok , Ang pagsasagawa ng pag aalay ay mataimtim kaya Ang paligid ay sobrang tahimik na tanging huni lamang ng mga ibon sa Parang ang naririnig, mayroon ding mga hinabing ibat-ibang kulay ng bandera sa paligid na nagsisimbulo sa pagkakakilanlan ng isang kaharian. at ito ay ang puting tela na nasa kaliwang bahagi ng maliit na mesa(simbolo ng KADALISAYAN) Asul na nasa kanang bahagi Ng mesa(simbolo ng KAPAYAPAAN) Dilaw na dekorasyon sa itaas na bahagi(simbolo ng KATAPATAN) at Berde na nasa itaas ding bahagi(simbolo ng KAGITINGAN),at ang pinaka malaking telang may sagisag ng bayang VIRGANIA na nakalagay sa harapan ng maliit na mesang pinaglalagyan ng mga alay.Masasabi ding maaliwalas at may kalinisan ang buong paligid nito dahil sa mga pino at ligaw na damo na matagal ng tumutubo rito kaya naman ang mga nag-aalay ay nag huhubad ng kanilang mgapanyapak.
Pag sapit ng takip silim sa bundok ng kuhom ay muling nagsagawa ng huling pag-aalay ang MAESTRO Kung saan pinuno ng katahimikan ang paligid.
Habang nakaluhod ay nakapikit at taimtim na nag aalay ang General, makalipas ang ilang Sandali ay hindi niya namalayang dahan dahan na pala siyang napahimbing habang naka luhod, at sa kanyang pagkahimbing ay isang matalinhagang tagna ang nag dalaw sa kanyang panaginip kaya naman agad niyang naimulat ang kanyang mga mata at bahagyang tumayo, samantalay tama ring dumating ang mensaherong ipinadala ng tagapayo ng Mahal na Hari)
"Mahal na General"(sambit nito kasabay ng pag yuko bilang tanda ng paggalang).
"Ipagpaumanhin nyo, subalit ipinag uutos ng Hari na kayoy bumalik na sa palasyo"
"Pinag uutos ng Mahal na Hari?
Nagtataka nyang tugon, dahil alam niyang batid nang Hari kung gaano ka sagrado ang pag aalay sa bundok, at walang sinu mang maaaring gumambala sa mga taong nag sasagaw nito kung kaya hindi niya lubos maisip na ipatatawag siya ng Mahal na Hari sa huling araw ng pag-aalay. Isa pa, mahalaga ang huling pag-aalay sapagkat nagbibigay ito ng mga tagna para sa hinaharap.
Kaya naman napa-isip siya nang mabuti, nang maalalang dapat nga ay sa huli pa ng pag-aalay makikita ang mga tagna. Subalit, hindi pa siya natatapos ay ipinakita na sa kanya ito, kaya nga sa pag kakataong iyon tila nagulumihanan siya sa mga pangyayari. Sa kabila nito ay naiisip din niyang maaari ngang napaka halaga ng pakay ng Hari kaya siya agarang ipinasundo, ngunit kahit isipin kung anu ito ay hindi kayang marurok ng kanyang isipan. Sapagkat nakikita niyang wala namang kaguluhan sa kaharian.
"Opo,ganunpaman ay hindi ko po tiyak ang kanyang layunin subalit ninanais ng kamahalan ang iyong agarang pag babalik" Puno ng mensahero.
Kaya naman agad na itinuloy ang kanyang bahagyang pagtayo at dali-daling nilisan ang bundok ng kuhom upang tupdin Ang kahilingan Ng kanyang kamahalan.
Sa paglisan ni Gatu, sakay sa kanyang kabayo. Ang kanyang puso’y puno ng kalungkutan at pag kabigo. Ang kanyang mga mata’y namumugto sa mga luha na hindi niya maaaring pigilan. Ang kanyang dibdib ay parang sasabog sa sama ng loob na kanyang nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya binibigyan ng importansya ng kanyang amang Hari.Habang nag lalakbay siya, ang kanyang mga mata’y nag lilibot sa kanyang paligid. Ang mga puno at halaman ay parang nag bibigay sa kanya ng kahalumigmigan, ang mga ibon na nag liliparan sa kalangitan ay parang nag papahiwatig sa kanya ng isang matayog na pag-asa na hanggang ngayon ay pinang hahawakan niya, dahil isa lang naman ang nais niya at yon ay tanggapin siya ng kanyang Amang Hari. Ang kanyang damdamin ay puno ng kalungkutan at pag kabigo. Hindi naman niya hinahangad ang trono, ang nais niyay kahit isang araw man lang ay maiturin niya ang sarili na kasapi sa pamilya.Ilan pang sandali ay nakarating na nga si Gatu sa hangganan ng Viraga
KAHARIAN NG VIRGANIAAng paligsahan ng Virgania ay binubuo ng iilang pangkat. Una ay ang piling pangkat ng mga mandirigma na syang isinasanay mula pa sa pag kabata kung kayat maagang nahihiwalay ang mga anak na lalaki sa kanilang pamilya upang ihanda ang mga ito para mag lingkod at ipag tanggol ang kanilang bayan.Ikalawa ay ang mga pantas na maalam sa agham, sila ay ang mga nag-aaral sa mga buwan, bituin at araw upang mag matyag sa ipinapahiwatig ng kalangitan at nagbabasa ng mga panaginip, sila rin ang nag sasabi kung kailan darating ang tag-araw at tag-ulan, kung kailan ang tamang panahon ng pag tatanim at kung kailan naman hindi dapat mananim upang maiwasan ang pag kasira o pag katuyo ng mga ito at kung minsan ay ginagamit din itong hudyat sa pakikipag digmaan kung mananalo ba o silay malulupig ng kaaway. Ito ang dahilan kung bakit iginagalang ang mga pantas sa loob at labas ng palasyo dahil isa sila sa pinag kakatiwalaan ng Hari.Pangatlo ay ang pangkat ng sining at musika, sila
EMPERYO NG BABELONIA"Kamahalan.........." Ang nuoy malakas na sigaw ni manggani habang nag hahanap sa prinsessa.At habang paikot-ikot na nag hahanap ay nakarinig ito ng mabilis na yapak na nuoy gumagawa ng ingay dahil sa tuyong mga dahon na nakakalat sa paligid. Samantala, kasabay ng malakas na hangin ay ang matulin na pag bulosok ng pana mula sa kawalan kung saan ay natamaan nito ang isang malaking baboy ramo na nuoy nasa unahan lamang ni manggani dahilan para mapako ito sa kinatatayuan niya at manginig dahil sa takot.Sa kabilang banda ay isa namang babae ang lumabas, nakasuot ito ng damit at pang ibaba na yari sa balat ng hayop, habang ang panyapak nito ay gawa sa ibat-ibang mamahaling beads at tela na pinag halo rin sa balat ng hayop na nuoy umaabot hanggang sa kanyang tuhod.Nakatayo nuon ang isang maningkinitang babae habang hawak ang kanyang palaso, naka wayway ito ng kanyang buhok na sya namang sumasabay nang pag indayog sa ihip ng hangin. Nakasuot ito ng isang sambalilo na
KAHARIAN NG VIRGANIA"Sabihin nyo, nahanap na ba ang mahal na Reyna" Bungad na sabi nuon ng Hari habang nakaupo sa kanyang trono.May isang buwan narin nuon ang nakalipas at hanggang sa araw na yon ay wala paring nangyayari sa kaniyang pag papahanap. Kaya naman nag patawag ng pag pupulong nuon ang Hari sa unang bulwagan."Paumanhin kamahalan subalit sinuyod na po namin ang labas ng kaharian pati na ang hangganan nito subalit bigo po kaming mahanap ang reyna" Nakayukong pag-uulat nuon ng inatasan na mag hanap sa reyna."Ang lakas ng loob mong tumungo dito na wala karin namang magandang iuulat. Isa pa kung kakaunti lang kayong nag hahanap sa reyna ay tiyak na hindi nyo sya mahahanap." Pag didiin na sabi nuon ng prinsipeng si Haggan habang nakatuon sa lalaki.Napalingon naman non ang Hari sa kanyang tiyuhin, samantala bigla nuong bumukas ang tarangkahan ng bulwagan ng pumasok ang tagapag-ingat atsaka ito yumuko upang mag bigay ng pag galang."Kamahalan, paumanhin sa pang gagambala subalit
Kinabukasan ay magaagang nagising ang reyna kung saan ay nakita nya rin nuon na nag hahanda na ang pinuno at ilan sa mga tauhan nito. Matapos makapag agahan ay ibinilin ng pinuno sa ilang tauhan ang mga maiiwang bihag at pag katapos ay nag si pag handa na ito ng mga kagamitan.Ibinalot nuon ng reyna ang prisessa sa isang kulay puting tela na ipinagkaloob nuon ng pinuno, atsaka nag simula ito sa kanilang pag lalakbay pabalik sa lugar kung saan nila huling nakita nuon ang reyna. Ayon sa reyna ay anak siya ng isang mag sasaka at hindi niya batid kung paano siyang napunta sa lugar na iyon at kung sino ang dumukot sa kanila ito ang alibay na ginamit niya upang hindi malaman ng mga ito na isa siyang virgania.Dahil dito ay hindi rin naman nag dalawang isip pa na muling mag tanong ang pinunong si Igam at sa halip na usisain pa ito ay walang kibo nalamang nitong binaybay ang patungo sa hanggan.Gayunpaman, wala pa sila nuon sa kalagitaan ng bigla naman silang harangin ng mga murawi na nuoy na
Matapos makapag pahinga ay muling inalalayan ng reyna ang pinuno habang binabaybay ang daan patungo sa pook ng mga Bagantok ito ay ang lugar kung saan namamalagi ang mga Babaylan ng Emperyong Babelonia.Sa loob ng isang talon ay may maliit na kweba kung saan naroon ang mga bihag pati na ang kanang kamay na pinuno na si Gatyong. At ito ay malapit lamang sa palasyo ng emperador na si Na-am na nuoy may sampung taon ng namumuno sa bayan ng Babelonia matapos mamatay ang kanyang ama.Kilala nuon ang Babelonia sa isa sa may pinaka malawak na pagawaan ng ibat-ibang uri ng tela at mamahaling mga palamuti na kung saan ay nakikipag kalakalan ito sa iba't-ibang bansa.Nang makapasok sa loob ang reyna habang inaalalayan ang pinuno na nuoy pilit na kinakaya ang kanyang katawan ay agad namang sumalubong si Gatyong upang tulungan ang kanyang pinuno at malapit sa ginawa nilang apoy ay duon nila pinaupo ang lalaki.Sa kabilang banda naman ay agad na ginamot ng kanilang tauhan ang sugat na nuoy natamo ng