Share

BULWAGAN(PAGTATAKDA)

last update Last Updated: 2021-05-06 13:40:50

Nuong ikatlong linggo ng ikalimang araw at pangalawang buwan ng taong 1941 ay naganap nga ang pagtatakda sa unang bulwagan.

" Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang maitatakdang bagong taga pag mana ay hihirangin ng konseho bilang itinakdang Prinsipe."wika ng hariK Kahit na batid ng niya na maaring mag karoon ng matinding hidwaan sa pagitan ng mga angkan, ay maluwag nya paring ipinahayag ang pagtatakda sa bagong prinsipe. At kahit pa magiging isang daan ito ng pag aaklas ay nag bakasali parin siyang imungkahi ang gusto niya. Kaya naman sa harap ng buong kapulungan ay walang halong pangamba niyang inilahad ang kanyang sa loobin kasabay ng pilit na pagkubli sa kanyang malubhang karamdaman.

"Paunmanhin sa aking kapangahasan kamahalan, subalit hindi kaya napaka aga pa upang mag takda ng bagong prinsipe?

Ang pag-uusisang katanungan ng punong ministro. Na nag papahiwatig ng maraming ibig sabihin sa mga kasapi ng konseho. At dahil sa hindi tapat na kapanalig ang punong ministro,kaya bumubuo siya ng palaisipan sa utak ng mga tao sa loob ng bulwagan.

Gayunpaman, sa umpisa pa lang ay batid na ng hari na maraming tututol. Subalit ang bagay na iyon ay isa lamang ding paraan ng kamahalan nang saganun ay matiyak niya kung sino ang mga taong nasa panig niya.

"Anu ang ibig mong sabihin ministro?"

tanong naman ng isa sa maharlikang angkan.

Kaya naman ang lahat ng nasa bulwagan ay napa lingon sa punong ministro dahil sa nararamdaman nila ang palaisipang binubuo nito. Kung kaya't ni nais nilang tukuyin ng punong ministro ang kanyang nais na iparating

"Hindi naman siguro maitatago ang malakas na pangangatawan ng ating kakamahalan. Kaya naman papaano nyo po naisipang mag takda ng bagong prinsipe sa agarang pagpapasya?"puno na wika ng punong ministro kasabay ng bahagyang pag yuko.

Subalit sa likod ng pag galang ay may itinatagong pangungutya sa kanyang mukha .

Ito ay dahil batid niya ang karamdaman ng Hari, kaya batid niyang hindi lang nito kayang sabihin sa lahat na ang dahilan ng kanyang pag tatakda ng bagong prinsipe ay upang itago ang kanyang sakit.

Kung saan ang katotohanang ito ay matagal ng natuklasan ng ministro, sapagkat nuon pamang hirangin siya bilang Hari ay may isang tagna na patungkol sa sakanya.

Isang tagna na siya ay baba sa kanyang trono dahil sa isang malubhang karamdaman, kaya naman para sa ministro ay isa itong pag kakataon para sa tapat na angkan.

"Subalit ministro wala namang masama kung magtatakda ng bagong prinsipe ang ating kamahalan!! hindi ba mga kasama?"tugon naman ng ikalimang ministro ng konseho

"Sang ayon ako sa sinabi ni ministro Iso, dahil mas maiging pumili ng bagong itatakda ang ating kamahalan habang siya ay malakas pa. Upang maiwasan din ang kaguluhan sa hinaharap, At Ng saganun ay maisagawa ang preparasyon para sa pagsasanay ng bagong itinakda."

pagsasang-ayon naman ng maharlikang nasa ikatlong lalawigan. Kaya naman dahil sa pag ugong ng kanilang saloobin ay biglang napalitan ng bagong simpatsa ang kapulungan, at sa halip na alamin ang palaisipang binitawan ng punong ministro ay nabago ng biglaan ang pananaw ng lahat tungkol sa pag tatakda ng Hari, Isang dahilan Kung bakit nawalan na ng kakayahang tumugon ang punong ministro.

"Kamahalan, kinagagalak po naming malaman kung sino ang inyong itatakda." Wika naman ng Isa sa mga nasa tapat na angkan.

"Kamahalan, nais po naming malaman kung sino ang tinatangi nyo bilang bagong itinakda." Tanong naman ng ikatlong ministro ng konseho.

At ang iba naman ay nag papahayag ng kani-kanilang katapatan sa pagtakda ng bagong prinsipe.

"Kung ganun, nais kong ihain sa pulong ang prinsipeng si shattu!"

Sagot naman ng hari sa Buong kapulungan.

Nang sandaling tukuyin ng mahal na Hari ang pag kakakilanlan ng baong itinakda ay natahimik ang lahat at mula sa ibaba ay rinig ang kani-kanilang mga bulong bulungan na para bang may mga bumabagabag sa kanila, ang iba naman ay makikita na para bang bigla silang nabuhayan ng pag-asa dahil sa batid nilang mahusay nga ang prinsipeng nais na itakda ng Hari.

Ilan pang mga sandali, habang nakaupo sa trono ang Hari ay nakaramdam ito bigla ng pag katakot at lungkot dahil sa isang katotohanang balang araw ay iiwan niya ang trono, bayan at mamamayan sa mga taong na sa kanyang harapan. Kaya naman labis ang kanyang pangamba dahil sa kanyang nakikita.

" Kamahalan,(yuyuko) ipagpaumanhin Po ninyo, subalit si prinsipe shattu ay dalawampung taong gulang palamang kaya paano nya pamumunuan ang bayan!? wika naman ng ikalawang anak ng Hari na si HAGAN.

Ang kanyang mga sinabi ay bahagyang pumukaw sa mahal na Hari. Sapagkat batid ng kamahalan na hindi talaga ito nag-aalala para sa kakayahan ng kanyang pamangkin, bagkus ito ay isang hudyat ng paninibugho dahil sa hindi siya ang pinili ng kanyang Ama.

"Hindi bat sa ganung gulang ko rin napamunuan ang bayan ng Virgania? Sagot naman ng Hari kung saan ang lahat ng nasa bulwagan ay sumang-ayon sa sinabi nito

"Sang-ayon po ako sa sinabi nyo kamahalan, sapagkat tunay na hindi maitatanggi ang inyong kagitingan bilang Hari. Gayunpaman, hindi po ako tumututol sa sinabi ni prinsipe HAGAN sa kadahilanang hindi nyo po katulad ang prinsipeng si shattu. Maaaring nakikitaan nyo po sya ng mga kakayahan, subalit hindi po iyon sapat. Isa pa naririto at buhay pa ang inyong anak na si prinsipe HAGAN at hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mahusay din siya sa pamumuno, bakit hindi nalamang sya ang inyong itakda kamahalan".

Pagpapaliwanag ng punong ministro sa kanyang saloobin. At nang mga sandaling iyon ay nabaling sa prinsipeng si HAGAN ang attensyon ng lahat nang nasa bulwagan atsaka bago tumango-tango ang ilan na nagpapahiwatig ng kanilang suporta sa minungkahi ng punong ministro.

"Sumasang ayon ako sa mga iminungkahi mo punong ministro. tipid na sagot ng Hari

At dahil dito'y palihim na napangiti ang punong ministro habang bahagyang nakatingin sa prinsipe, dahil sa katotohanang si prinsipe Haggan talaga ang pinag lilingkuran niya at hindi ang Hari ang bayan o ni mamamayan. Sapagkat tanging si prinsipe Haggan lamang ang nag ahon sa kanya. Dahil mula sa pagiging isang maharlika ay tumaas ang kanyang kinabibilangang angkan, at ngayon ay isa na sya sa mga nasa Tapat na angkan.

"Subalit, ang pagiging Hari ay hindi lamang sa pakinabang ng iilan kundi ng buong bayan!!at hindi lahat ay ganito ang hangarin kaya nga hindi rin lahat ng prinsipe ay nakatakdang maging Hari".

matalinhagang tugon ng Mahal na Hari. Kaya naman agad siyang tumayo at nag salita upang wala nang makapag salungat sa kanya, dahil batid na niya ang maaaring mangyari.

At upang maitala sa kasaysayan ang kauna-unahang pagpupulong para sa pagtatakda ng bagong Prinsipe ay ipinag utos naman ng Hari sa punong manunulat na itala ang lahat ng kanyang mga sasabihin.

Kaya gamit ang panulat at pinaghabing mga kawayan ay itinala nga ng punong manunulat ang pagtakda sa unang prinsipeng hahalili sa trono.

"At ngayon ipinahahayag ko sa harap ninyong lahat at sa bulwagang ito na si prinsipe shattu ay hihirangin bilang bagong itinakdang prinsipe ng palasyo, At sampung araw mula ngayon ay masasaksihan ng buong bayan ng Virgania ang kanyang nalalapit na pagpapakasal. Kayat sino mang maibigan ng prinsipe ay hihirangin bilang bagong Reyna"

Pagkatapos ay hinawi niya ng bahagya ang kanyang kasuotan upang ibaling ang tingin sa bandang kanan, kung saan nakatayo ang mga kasapi ng konseho.

"Punong ministro, sa sandaling makapili ng irog ang mahal na prinsipe nais kung maisakatuparan mo at ng iyong mga kasama ang kautusan para sa araw ng paghirang sa prinsipe bilang bagong Hari."

"Masusunod kamahalan"(tugon Ng punong ministro kasabay ng pag yuko niya at ng mga sumangguni sa bulwagan bilang tanda ng pag galang) .

Subalit kasabay din ng pag galang na iyon ay ang isang malaking dagok sa kanya at sakanyang angkan ang pag tatakda sa prinsipeng si shattu.

Sa kabilang banda naman ay pansin at dama rin ng mahal na Hari ang labis na pag kadismaya sa sarili ng kanyang anak na si prinsipe Haggan.

Maya-maya pa pag katapos ng Haring mag salita ay tumayo naman ang punong manunulat atsaka iniabot sa Hari ang kautusan, upang itoy maselyuhan at maitala sa buong bayan ng Virginia.

Kaya naman sa parehong araw at oras ay naselyuhan ang kautusan iyon. Kaya naman ang lahat ay wala nang nagawa pa, at sa halip na sumalungat ay sumangyon nalamang ang buong kapulungan.

Gayunpaman, sa likod ng pag sang-ayon ay ang katotohanang pagiimbot ng mga kalooban. Sapagkat, ang kautusan ng Hari ay pabor sa mga kapanalig niya, Subalit naging Isang malaking dagok para sa ibang angkang nag hahangad ng trono.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   ANG UNANG HIMIG

    Sa paglisan ni Gatu, sakay sa kanyang kabayo. Ang kanyang puso’y puno ng kalungkutan at pag kabigo. Ang kanyang mga mata’y namumugto sa mga luha na hindi niya maaaring pigilan. Ang kanyang dibdib ay parang sasabog sa sama ng loob na kanyang nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya binibigyan ng importansya ng kanyang amang Hari.Habang nag lalakbay siya, ang kanyang mga mata’y nag lilibot sa kanyang paligid. Ang mga puno at halaman ay parang nag bibigay sa kanya ng kahalumigmigan, ang mga ibon na nag liliparan sa kalangitan ay parang nag papahiwatig sa kanya ng isang matayog na pag-asa na hanggang ngayon ay pinang hahawakan niya, dahil isa lang naman ang nais niya at yon ay tanggapin siya ng kanyang Amang Hari. Ang kanyang damdamin ay puno ng kalungkutan at pag kabigo. Hindi naman niya hinahangad ang trono, ang nais niyay kahit isang araw man lang ay maiturin niya ang sarili na kasapi sa pamilya.Ilan pang sandali ay nakarating na nga si Gatu sa hangganan ng Viraga

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   PALIGSAHAN

    KAHARIAN NG VIRGANIAAng paligsahan ng Virgania ay binubuo ng iilang pangkat. Una ay ang piling pangkat ng mga mandirigma na syang isinasanay mula pa sa pag kabata kung kayat maagang nahihiwalay ang mga anak na lalaki sa kanilang pamilya upang ihanda ang mga ito para mag lingkod at ipag tanggol ang kanilang bayan.Ikalawa ay ang mga pantas na maalam sa agham, sila ay ang mga nag-aaral sa mga buwan, bituin at araw upang mag matyag sa ipinapahiwatig ng kalangitan at nagbabasa ng mga panaginip, sila rin ang nag sasabi kung kailan darating ang tag-araw at tag-ulan, kung kailan ang tamang panahon ng pag tatanim at kung kailan naman hindi dapat mananim upang maiwasan ang pag kasira o pag katuyo ng mga ito at kung minsan ay ginagamit din itong hudyat sa pakikipag digmaan kung mananalo ba o silay malulupig ng kaaway. Ito ang dahilan kung bakit iginagalang ang mga pantas sa loob at labas ng palasyo dahil isa sila sa pinag kakatiwalaan ng Hari.Pangatlo ay ang pangkat ng sining at musika, sila

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   MAKALIPAS ANG DALAWAMPUNG TAON

    EMPERYO NG BABELONIA"Kamahalan.........." Ang nuoy malakas na sigaw ni manggani habang nag hahanap sa prinsessa.At habang paikot-ikot na nag hahanap ay nakarinig ito ng mabilis na yapak na nuoy gumagawa ng ingay dahil sa tuyong mga dahon na nakakalat sa paligid. Samantala, kasabay ng malakas na hangin ay ang matulin na pag bulosok ng pana mula sa kawalan kung saan ay natamaan nito ang isang malaking baboy ramo na nuoy nasa unahan lamang ni manggani dahilan para mapako ito sa kinatatayuan niya at manginig dahil sa takot.Sa kabilang banda ay isa namang babae ang lumabas, nakasuot ito ng damit at pang ibaba na yari sa balat ng hayop, habang ang panyapak nito ay gawa sa ibat-ibang mamahaling beads at tela na pinag halo rin sa balat ng hayop na nuoy umaabot hanggang sa kanyang tuhod.Nakatayo nuon ang isang maningkinitang babae habang hawak ang kanyang palaso, naka wayway ito ng kanyang buhok na sya namang sumasabay nang pag indayog sa ihip ng hangin. Nakasuot ito ng isang sambalilo na

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   KALAGUYO

    KAHARIAN NG VIRGANIA"Sabihin nyo, nahanap na ba ang mahal na Reyna" Bungad na sabi nuon ng Hari habang nakaupo sa kanyang trono.May isang buwan narin nuon ang nakalipas at hanggang sa araw na yon ay wala paring nangyayari sa kaniyang pag papahanap. Kaya naman nag patawag ng pag pupulong nuon ang Hari sa unang bulwagan."Paumanhin kamahalan subalit sinuyod na po namin ang labas ng kaharian pati na ang hangganan nito subalit bigo po kaming mahanap ang reyna" Nakayukong pag-uulat nuon ng inatasan na mag hanap sa reyna."Ang lakas ng loob mong tumungo dito na wala karin namang magandang iuulat. Isa pa kung kakaunti lang kayong nag hahanap sa reyna ay tiyak na hindi nyo sya mahahanap." Pag didiin na sabi nuon ng prinsipeng si Haggan habang nakatuon sa lalaki.Napalingon naman non ang Hari sa kanyang tiyuhin, samantala bigla nuong bumukas ang tarangkahan ng bulwagan ng pumasok ang tagapag-ingat atsaka ito yumuko upang mag bigay ng pag galang."Kamahalan, paumanhin sa pang gagambala subalit

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   SAGIP 3

    Kinabukasan ay magaagang nagising ang reyna kung saan ay nakita nya rin nuon na nag hahanda na ang pinuno at ilan sa mga tauhan nito. Matapos makapag agahan ay ibinilin ng pinuno sa ilang tauhan ang mga maiiwang bihag at pag katapos ay nag si pag handa na ito ng mga kagamitan.Ibinalot nuon ng reyna ang prisessa sa isang kulay puting tela na ipinagkaloob nuon ng pinuno, atsaka nag simula ito sa kanilang pag lalakbay pabalik sa lugar kung saan nila huling nakita nuon ang reyna. Ayon sa reyna ay anak siya ng isang mag sasaka at hindi niya batid kung paano siyang napunta sa lugar na iyon at kung sino ang dumukot sa kanila ito ang alibay na ginamit niya upang hindi malaman ng mga ito na isa siyang virgania.Dahil dito ay hindi rin naman nag dalawang isip pa na muling mag tanong ang pinunong si Igam at sa halip na usisain pa ito ay walang kibo nalamang nitong binaybay ang patungo sa hanggan.Gayunpaman, wala pa sila nuon sa kalagitaan ng bigla naman silang harangin ng mga murawi na nuoy na

  • LEGEND OF THREE KINGDOM(Day After Tomorrow)   SAGIP 2

    Matapos makapag pahinga ay muling inalalayan ng reyna ang pinuno habang binabaybay ang daan patungo sa pook ng mga Bagantok ito ay ang lugar kung saan namamalagi ang mga Babaylan ng Emperyong Babelonia.Sa loob ng isang talon ay may maliit na kweba kung saan naroon ang mga bihag pati na ang kanang kamay na pinuno na si Gatyong. At ito ay malapit lamang sa palasyo ng emperador na si Na-am na nuoy may sampung taon ng namumuno sa bayan ng Babelonia matapos mamatay ang kanyang ama.Kilala nuon ang Babelonia sa isa sa may pinaka malawak na pagawaan ng ibat-ibang uri ng tela at mamahaling mga palamuti na kung saan ay nakikipag kalakalan ito sa iba't-ibang bansa.Nang makapasok sa loob ang reyna habang inaalalayan ang pinuno na nuoy pilit na kinakaya ang kanyang katawan ay agad namang sumalubong si Gatyong upang tulungan ang kanyang pinuno at malapit sa ginawa nilang apoy ay duon nila pinaupo ang lalaki.Sa kabilang banda naman ay agad na ginamot ng kanilang tauhan ang sugat na nuoy natamo ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status