LOGINNaaalala niya noon na si Yassy ang unang babae na nagustuhan niya, pero si Hunter ang gusto nito at hindi siya. Nagpaubaya siya dahil magkakaibigan sila. Sa huli ay nawala din naman ang pagkagusto niya kay Yassy at nalipat kay Lilac. Naging masaya naman sila ni Lilac noon. Maging ang mga kaibigan niya ay boto din kay Lilac. Kabilang na nga ito sa kanilang barkada. Pero nung pinadala niya si Lilac sa America para doon mag-aral, ay nagbago ang lahat. Hindi na ito masyadong tumatawag sa kanya. ‘Yun pala ay may bago na itong karelasyon na Kano sa America. That broke his heart big time! Ang akala niya ay si Lilac na ang magiging asawa niya. And then Paulette came. Unang kita pa lang niya kay Paulette ay nainlove kaagad siya. Sa pagkagulat niya ay agad ding na-erase si Lilac sa puso at isip niya. Parang may kapangyarihan si Paulette na baguhin ang sarili niya. Naging masaya siya ulit… pero panandalian lang pala.Nakatanaw lang siya sa labas ng bintana habang inaalala ang lahat ng mga nap
Pagkatapos nilang mag-meeting ay iniwan na sila ng kanyang daddy. Umalis na rin ang mga tauhan ni Hunter at bumalik sa opisina nito. Silang tatlo na lang ang naiwan sa opisina niya.“Puntahan natin si Caleb, inom tayo.” aya niya.“Damn, bro! Kakasabi lang ni Tito Felix sa’yo tapos iinom ka na naman? Tapos idadamay mo pa kami? Baka pati kami mapagalitan?” inis na sabi ni Liam.“Sige na, sekreto lang natin. Malaki na ako, kaya ko na ang sarili ko. Saan ba si Caleb?” pamimilit niya.“Nasa Manila.”“Then let’s go to Manila.”“Damn you, Elijah!… maka-aya ka sa amin parang wala kaming pamilya ah!” si Hunter naman ang nagsalita.Nagtampo siya sa sinabi ni Hunter. “Sige, ‘wag na lang…”Nagkatitigan si Liam at Hunter. “Tara na nga! Pero babalik din tayo bukas, ha.”Lihim siyang napangiti. “Sabado bukas at wala kaming opisina. Tumulong naman tayo kay Caleb sa resto.”“‘Wag mo kaming lokohin, Elijah. Gusto mo lang malasing doon nang hindi ka masinghalan ni Tito Felix dito!”“Wala na ba kayong pa
Natigilan siya... Oo nga, siya ang nagkwento. Nilabas lang niya ang kanyang sama ng loob noong time na iniwan siya ni Paulette.Ayon kina Tere at Tanya, na mga kaibigan ni Paulette, ay sumakay ito sa isang magarang kotse kasama ang matandang Instik. Nag-iwan pa ito ng tig-iisang milyon sa mga kaibigan nito.Nang pumunta siya sa bahay ni Paulette ay nagpatotoo pa ang mga kapitbahay na totoo ngang may bagong nobyo si Paulette na mayaman at iniwan ang bahay para sumama sa lalaki.Siya ang nagkwento ng lahat ng iyon sa mga kaibigan nya pero may parte sa kanyang puso na hindi naniniwala kahit pa klarong-klaro na... Ayaw maniwala ng puso niya dahil deep inside alam niyang mahal siya ni Paulette.Tanga ka, Elijah! Nagpapakatanga ka na naman sa isang babae! Katulad ng pagpapakatanga mo kay Lilac. Ano pa ba ang kailangan mong ebidensya para maniwala ka? asik ng kanyang utak.Ipinilig niya ang kanyang ulo sa mga naiisip saka tinapos ang pagbibihis. “Let’s go!” tipid na sabi niya saka naunang lu
3 MONTHS LATER:ELIJAH'S POV:Nagulat siya sa malakas na katok sa kanyang pinto, pero hindi siya bumangon sa kanyang higaan. Lasing siya kagabi at gusto pa niyang matulog.“Bro, wake up!” Narinig niya ang boses ng kanyang pinsan na si Liam nang pumasok. Hindi siya sumagot.“Bakit ka na naman naglasing? Sabi ni Tito Felix, inumaga ka na ng uwi. Saan ka ba galing?” singhal nito sa kanya.“Leave me alone!” inis na sabi niya saka nagtakip ng unan sa kanyang ulo. Pagsasabihan na naman kasi siya nito. Ayaw niyang pinakikialaman siya ng kahit na sino. Walang nakakaintindi sa pinagdadaanan niya.“Gusto man kitang pabayaan pero may meeting tayo sa munisipyo,” dagdag pa nito.Lalo siyang napasimangot at tumayo sa higaan. Ayaw man niya pero kailangan. Kasama nila sa meeting ang kanyang daddy at pagagalitan na naman siya nito kapag male-late siya.Nasa Quezon Province siya ngayon. Ilang araw pa lang ang nilalagi niya doon dahil sa Cebu siya namalagi dahil sa project nila sa Elise Corporation. Nga
Pagkatapos nilang mag-shopping ay kumain muna sila sa isang Chinese restaurant.“Ang mall na ito, iha, ay isasalin ko din sa pangalan mo sa pagdating ng panahon. Gusto kong ikaw na din ang mamahala dito.”“Lolo... baka hindi ko na kaya ang lahat ng ito.”“Of course you can, iha. I believe in you. Kanina lang ay nakita ko kung paano mo i-handle ang problema. Hindi ka nagpapatinag. May paninindigan ka. Ugali iyon ng isang magaling na negosyante.”Hinawakan ng kanyang mama ang kanyang kamay na parang proud na proud sa kanya. “Hindi ka ipapahiya ng anak ko, Lolo. Magaling siyang bata. Bukod sa may utak siya, ay meron din siyang puso.”“Mana ka talaga sa angkan natin, iha.” nakangiting sabi ng lolo“Ikaw naman, Elise, I want you to study and finish your schooling.”“Lolo, matanda na ako. Baka mag-classmate pa kami ni Charlotte niyan?” natatawang sabi ng mama niya.“Ayaw kong panghinayangan mo ang mga nawala sa’yo. Bata ka pa, you’re only 40 years old. There are a lot of opportunities ahead
“M-Master Li?” nauutal na sabi ng manager at dalawang sales girl nang makita ang lolo nila.“Lolo... ayaw nila kaming papasukin dahil hindi daw namin kayang magbayad.” sumbong niya.“Says who?” nakakunot ang noong tanong nito.“Sila pong tatlo. Pinahiya nila kami dito!”“Did you really say that to my girls?” tanong ni Lolo sa tatlo.Nanginginig ang manager sa harap nila. “Please forgive us, Master Li. We didn't know...”“And who are you to say that my girls can’t pay? Forgiveness is not enough. You embarrassed my girls. Apologize to them!" utos ni Lolo sa manager.“Ma’am, I’m sorry, I didn’t know that you were actually telling the truth.” nagkukumahog ang manager sa paghingi ng tawad, halos lumuhod na ito sa harap nila.“You embarrassed my family. Do you know what that means?”“S-sorry, Master Li. I didn’t know they were actually saying the truth." sabi ng isang saleslady.“What we wear is not the basis of who we are!” naiinis na sabi niya.Tumingin si Lolo sa kanya na para bang proud







