LOGINNang matapos na ang kanilang pagluto ay tinulungan niya na rin mag-ayos ng lamesa si Manang Lydia. May iba pa namang katulong doon pero nag-insist siya na tutulong. Sa garden sila nag-set up ng lamesa dahil basa ang mga ito sa pag-swimming.“Ang saya pala dito, parang may party palagi.” natatawang sabi niya.“Kay dito na lang kayo tumira, Tita. I don’t mind, and I’m sure Dad won’t mind too.” biro ni Elijah.Namula siya sa biro nito. Pero saan nga ba si Felix? Nag-uumpisa na silang mag-lunch ay wala pa ito. Nahihiya naman siyang magtanong kay Elijah kung uuwi ang daddy nito sa lunch.Habang kumakain ay nagulat siya nang may nagsalita sa kanyang likuran.“Am I late for lunch?”Biglang naningas ang kanyang katawan. Naramdaman niyang sobrang lapit ni Elijah sa likod niya. Gusto niya itong lingunin pero pinigilan niya.“No, Dad, you're just on time. Umupo ka na.”“Bakit andito na naman ang mga asungot?” iritang sabi nito sabay isa-isang tingin sa mga kaibigan ni Elijah.“Tito, hindi ka pa
Naramdaman niya agad ang biglang pagbigat ng dibdib. Parang may malamig na hangin na dumaan sa pagitan nila ni Felix. Kahapon lang, ramdam na ramdam niya ang pag-aalala at pag-aalagang ipinapakita nito… pero ngayon? Parang isa lang siyang bisita sa bahay.Hindi niya namalayang napabuntong-hininga siya. Hindi naman siguro siya dapat masaktan. Siya naman ang tumanggi, ’di ba? Kaya ano bang inaasahan niyang trato mula kay Felix? Na ngingitian pa rin siya nito? Lalapitan? Tatanungin kung kumusta ang tulog niya?“Ma? Are you okay?” tanong ni Paulette, napakunot ang noo habang tinitingnan siya.“A-ah, oo… inaantok pa ata ako, sandali at magtitimpla lang ako ng kape.” pilit niyang ngiti.“Wag ka na tumayo tita, papahatiran na lang kita ng kape dito.” sabi ni Elijah“Okay lang, iho. Gusto ko din kasi ang lakad-lakad.” aniya at tumayo, gusto niya munang lumayo para hindi mapansin ng mga ito na may dinaramdam siya.Pagdating sa kusina ay nakita niya si manang Lydia na naghahanda para sa lunch.
"W-wag ka nga magbiro ng ganyan Felix!" nahihiyang sabi niya.“K-kung… kung sakali, papayagan mo ba akong liligawan ka, Elise?”Doon na siya natahimik. Hindi na ito pahaging lang. Diretsahan na siyang tinanong ni Felix. Ano ang isasagot niya? Alangan namang OO… paano naman si Paulette? At kung HINDI naman, paano naman siya? Ang hirap ng sitwasyon niya!“M-magkarelasyon ang mga anak natin, Felix. Hindi maganda na liligawan mo ako. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?” mahina niyang sabi.Sandaling tumahimik si Felix. “K-kung ganun… basted ako?”Hindi siya nakasagot.“Sorry... pasensya ka na sa akin. Masyado ata akong mabilis. Pero naiintindihan ko, Elise. It’s just that ngayon na lang ulit ako nagka-interes sa isang babae pagkatapos mawala ang asawa ko. Pero mukhang tama ka… hindi nga pwede.”Gusto niyang bawiin ang kanyang sinabi, gusto niyang sabihin na pwede naman nilang itago ang kanilang relasyon na hindi malalaman ni Paulette at ni Lolo Li… pero hindi niya alam kung paano sasa
ELISE POV:"Kita mo tong si Paulette, gustong magkasama kami sa iisang kwarto pero iniiwan na naman ako dito. Saan naman kaya pumunta yun? ’Di kaya sa kwarto na naman ni Elijah?" tanong nya sa sariliHindi na siya istrikto kay Paulette pagdating sa lovelife nito. Napatunayan naman ni Elijah na mahal nito ang anak niya at gusto niya din ang lalaki para kay Paulette.Pero itong si Paulette ay tila sobrang istrikto sa kanya. Oo, aaminin niyang kinikilig din siya sa mga pinapakita ni Felix na atensyon sa kanya. First time niyang pinagtuunan ng pansin ng isang lalaki.Ang tatay nina Paulette ay parang naging sandalan niya lang noon para makatakas sa bahay-ampunan at makapagtago sa kanyang ama na si Lester.Dahil bata pa siya noon ay hindi na niya alam ang kanyang mga ginagawa. Nagkaroon siya ng tatlong anak sa kanyang asawa na hindi naman niya pinagsisihan dahil lumaki namang mababait, magaganda at responsable ang mga anak niya. Mabuti na lang at nagmana sa kanya at hindi sa asawa niyang i
GARY POV:Kasalukuyan siyang nasa isang bodega, naka-upo lang siya doon sa isang lumang sofa, hindi naman naka tali ang mga kamay at paa nya.Hindi niya alam kung bakit andoon siya at kung sino ang tumulong sa kanya para makatakas sa kulungan.“Gising ka na pala...” sabi ng isang lalaking nagbabantay sa kanya. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil isang bombilya lang ang nakaandar doon.“Nasaan ako, sino kayo?” Isa-isa niyang tiningnan ang mga lalaking naroroon, baka sakaling may kilala siya kahit isa man lang sa kanila… pero wala.“Andito ka na sa Pilipinas.”“Sa Pilipinas? Bakit ako napunta dito? Sa China ako nakakulong, ’di ba?” nagtatakang tanong niya.“Tinulungan ka ni Boss para makalabas ng kulungan sa China. Kinarga ka namin sa cargo para makapasok ka ng Pilipinas kahit walang papeles.”Sa isip-isip niya, maimpluwensiyang tao siguro ang tumulong sa kanya dahil mahirap ang ginawa nitong pagpupuslit mula China papunta sa Pilipinas. “Sino ang boss n’yo at bakit niya a
Napalunok si Paulette habang pinagmamasdan ang mama niya at si Tito Felix. Para silang nagde-date! Mas lalo pa siyang kinabahan nang nginitian siya ng kanyang mama… ’yung ngiting mukhang may tinatago.“Ma!” sigaw niya habang nagmamadaling lumapit. “Andito ka? Akala ko nasa kwarto ka lang kanina!”Tinapunan siya ng mama niya ng matalim na tingin pero may halong lambing. “Bakit? Hindi ba pwedeng lumabas? Anak naman… mababaliw ako kung mag-isa ako sa kwarto. Wala akong kausap, iniwan mo pa ako. Saan ka ba nagpunta?”Palipat-lipat ang tingin ni Mama sa kanya at kay Elijah, napatayo siya nang tuwid. Parang binabasa nito ang galaw niya.“Ah… sa kwarto ni Elijah, may pinakita lang siya sa akin.” sagot niya, pilit nagpipigil ng kaba.Doon ngumiti nang nakakaloko si Tito Felix. “Ahh… may pinakita lang pala…”Napakunot ang kanyang noo. “Ano po ang nakakatawa, Tito Felix?”Umiling si Tito Felix, halatang nagpipigil ng ngisi. “Wala naman, iha. Hayaan mo na ang mama mo. Hindi naman pwedeng nasa kw







