Share

CHAPTER 242

Author: dyowanabi
last update Huling Na-update: 2025-06-23 23:31:34

Pagmulat niya ng kanyang mata ay puro puti ang nakikita niya... puting dingding, puting kurtina...

"Nasaan ako? Nasa langit na ba ako?" tanong niya. Pinakiramdaman niya ang sarili.. nararamdaman pa naman niya ang kanyang katawan. Napangiwi siya nang pinilit niyang tumayo pero hindi niya magawa dahil mahina ang katawan niya.

Muli niyang nilibot ang tingin sa paligid... nakita niya si Yassy na nakahiga sa kabilang kama at si Hunter naman ay naka-upo pero natutulog habang hawak ang kamay ng asawa nito.

Sa ospital pa lang pala siya. Hindi pa siya patay tulad ng inaakala niya.

Napatitig siya sa kisame... "Bakit kung kailan gusto kong mamatay ay tila napakailap naman sa'kin?"

Nakita niyang nagising si Yassy. Tila naramdaman nitong nagising na din siya.

"Kuya... gising ka na ba?" Agad itong tumayo sa kinahihigaan pero agad naman itong pinigilan ni Hunter. Buntis ang kapatid niya at iniingatan lang ito ng asawa.

"Be careful, babe..." wika ni Hunter.

Dahan-dahang bumaba si Yassy sa kama at
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 243

    2 YEARS LATERCALEB'S POV“Bro, asan na kayo? Kanina pa ako naghihintay sa inyo dito!” inis na sabi niya kay Hunter sa telepono.Opening ng kanilang restaurant sa Makati... isang modernong restobar na pinangalanan nilang Tambayan. Partners silang magkakaibigan... siya, si Hunter, si Elijah, at si Liam.Sa tagal ng pagkakaibigan nila, ngayon lang talaga nila naisipang pumasok sa ganitong klaseng negosyo. May kanya-kanya silang pinagkakaabalahan... isa siyang abogado at may sariling law firm. Si Hunter naman ay may construction company, si Elijah naman ay mayor na ng kanilang lungsod sa Quezon Province, at si Liam naman ay number one city councilor. Hindi ito tungkol sa pera, libangan lang sana nila at napag-usapan lang. Pero dahil sa pagpupursige niya ay kinumbinsi niya ang mga kaibigan na ituloy ang naisip nilang negosyo.Siya ang halos gumawa ng lahat... mula sa pagpili ng design ng building, pag-aasikaso sa permits, hanggang sa pag-hire ng mga tao. Gusto niyang abala siya. Kailanga

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 242

    Pagmulat niya ng kanyang mata ay puro puti ang nakikita niya... puting dingding, puting kurtina... "Nasaan ako? Nasa langit na ba ako?" tanong niya. Pinakiramdaman niya ang sarili.. nararamdaman pa naman niya ang kanyang katawan. Napangiwi siya nang pinilit niyang tumayo pero hindi niya magawa dahil mahina ang katawan niya.Muli niyang nilibot ang tingin sa paligid... nakita niya si Yassy na nakahiga sa kabilang kama at si Hunter naman ay naka-upo pero natutulog habang hawak ang kamay ng asawa nito. Sa ospital pa lang pala siya. Hindi pa siya patay tulad ng inaakala niya.Napatitig siya sa kisame... "Bakit kung kailan gusto kong mamatay ay tila napakailap naman sa'kin?"Nakita niyang nagising si Yassy. Tila naramdaman nitong nagising na din siya. "Kuya... gising ka na ba?" Agad itong tumayo sa kinahihigaan pero agad naman itong pinigilan ni Hunter. Buntis ang kapatid niya at iniingatan lang ito ng asawa. "Be careful, babe..." wika ni Hunter.Dahan-dahang bumaba si Yassy sa kama at

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 241

    "S-sorry Caleb... hindi ko alam... Hindi ko alam na hindi natuloy ang kasal niyo..."“That is because of you!” nanlilisk ang mata nya habang nakatitig dito.Yumuko ito at natahimik.“I didn’t mean to hurt you, Caleb. Nainggit lang ako dahil masaya ka sa buhay pag-ibig mo habang ako ay binubugbog ng nobyo ko. Nakikita kong mahal na mahal mo ang nobya mo and I wish I was her. Ako sana dapat ang nasa position niya kung hindi tayo nagkahiwalay...”“Stop this bullshit, Chantal! Kahit anong gawin mo ay hindi ko ipagpapalit si Belle sa’yo. She is all that I have. Pero dahil sa ginawa mo ay sinira mo kami. Now, hindi ko na alam kung nasaan siya!”“S-sorry, Caleb...”“Wala na din magagawa ang sorry mo dahil wala na si Belle. Iniwan na niya ako...”“I can make it up to you, Caleb. I can love you the way Belle loves you... Mahalin mo lang ako.”“No! Hinding-hindi mo mapapalitan ang pagmamahal ni Belle, Chantal! Kaya tumigil ka na!” sigaw niya saka agad na tumayo mula sa kama. Hindi na niya mataga

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 240

    CALEB'S POV:It’s been a month pero hindi pa rin nagpapakita si Belle sa kanya. Nalagpasan na ang kasal nila. Hindi lang alam ng lahat kung anong hiya ang nararamdaman niya sa mga oras na 'yon. Halos wala na siyang mukhang ihaharap sa mga tao. Hindi na rin niya alam kung paano i-e-explain na nawawala ang bride niya. Iniwan na sa kanya ni Senator ang responsibilidad na 'yon. Hindi siya nito tinulungan mag explain sa lahat dahil maging ito ay galit din sa kanya. Kasalukuyan siyang nasa isang sikat na bar at nagpapakalasing. Ayaw niya ng may kasama, ang gusto lang niya ay mag-isa siyang magpakalunod sa kanyang lungkot at sakit.Pinuntahan niya si Senator sa bahay nito para sana kausapin kung may balita na tungkol kay Belle pero wala ito sa bahay. Ang sabi ng katulong ay mawawala daw ang senador ng matagal at hindi naman sinabi kung saan pumunta. Ang hula niya ay nakipag-communicate na si Belle sa ama nito at nakipagkita na si Senator kung saan man ang nobya niya. Naiwan siyang mag-isa

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 239

    Madami pa silang napag-usapan ng daddy niya. Halatang na-miss talaga siya nito. Iniwasan din nitong banggitin si Caleb sa pag-uusap nila. Marahil ay ayaw nitong maging malungkot siya.Nang matapos ang kanilang usapan ay tila nakahinga siya ng maluwag. Kahit paano ay sumaya siya.“Bibisitahin tayo ni Dad, Mom… I’m excited! Masaya ka din ba, Mom?” Namula ang mommy niya sa tanong niya.“O-of course, anak,” nahihiyang sabi nito. Kinilig siya sa mga magulang. May pag-asa pa ang mga itong magkabalikan. Halata sa mga ito na nagmamahalan pa din kahit pa ilang taon na ang mga itong magkahiwalay.Napangiti siya ng pait. “Sana all…” aniya sa sarili.Kahit anong tagal ng paghihiwalay, kung sila talaga para sa isa’t isa, ay maghahanap ng paraan ang tadhana na muling pagtagpuin ang dalawang nilalang.Sila kaya ni Caleb? Ano kaya ang tadhana nilang dalawa? Aaminin niyang mahal pa din niya ang nobyo. Kung sakali mang hindi na sila mabibigyan ng pagkakataon, ay hindi na siya magmamahal ng iba dahil na

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 238

    BELLE'S POV:“Anak…”Tawag-pansin ng mommy niya habang nasa kwarto siya. Kasalukuyan siyang nasa UK kasama ang lolo at mommy niya. Dalawang linggo na siya doon at lumipas na ang kasal niya. Wala siyang balita kung ano ang nangyari kay Caleb o kanino man sa mga kaibigan niya dahil pinutol na niya ang lahat ng ugnayan niya sa lahat.“Sabi ng lolo mo, ‘di ka daw lumalabas ng kwarto mo?” umupo ang mommy nya sa gilid ng kanyang kama.“Masama ang pakiramdam ko, Mom…” sambit niya. Hindi naman siya nagsisinungaling doon. Pagising niya kanina ay bigla siyang nahilo at nasusuka kaya hindi na siya umalis ng kama.“Uminom ka na ba ng gamot?”“Wala pa, pero mawawala din ito mamaya.”“Anak… bakit ‘di mo tawagan si Caleb? Nakakaawa naman siya.”“Ako ang mas kawawa, Mom. Niloko niya ako. Alam niyang ayaw ko ng manloloko. Nagkahiwalay na kami dati dahil doon tapos inulit na naman niya.” Naiiyak na sabi niya. Naalala niya ang panloloko ni Caleb sa kanya.“Bakit ‘di kayo mag-usap? Malay mo, may paliwana

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status