BELL'S POV:"Mom! Help Daddy... ayaw ko siyang mamatay huhuhu...""Oo, anak, tutulungan natin ang Daddy mo. Dadalhin natin siya sa ospital."Mabilis namang binuhat ng mga tauhan ang Daddy niya saka sinakay sa kotse. Nasa likod siya kasama ang Daddy niya habang ang Mommy niya ay nasa front seat. May nakasunod din sa kanilang mga tauhan ng mommy nya. "Bilisan mo, kuya... baka kung ano na ang mangyari kay Daddy!" utos niya sa driver. Hindi niya maatim na mawala ang Daddy niya, hindi niya kakayanin.Nang makarating na sila ng ospital ay agad itong dinala sa emergency room. Hindi niya mapigilang hindi umiyak. Awang-awa siya sa ama niya."Mom, can I borrow your phone? Tatawagan ko lang si Caleb." Hindi na siya nag-abala pang magpaliwanag kung sino si Caleb sa buhay niya. Malamang ay alam na ito ng Mommy niya since mas madami pa itong nalalaman kaysa sa kanila ng Daddy niya. Napaisip tuloy siya kung may tauhan ba itong palaging nagbabantay sa kanila. Alam kasi nito ang lahat tungkol sa kani
Nagkatinginan sila ni Belle. Maging si Abigail ay nagulat din."Lolo po kita? Daddy ka po ng mommy ko?""Yes, iha… I'm your lolo. Come here."Hindi niya alam pero agad namang lumambot ang puso niya para sa matanda. Marahil ay pareho sila ng naramdaman ni Belle kaya tumayo ito at lumapit sa matanda saka humalik sa pisngi nito."Totoo po bang lolo kita?""Yes, iha. I'm your lolo... Napakalaki mo na… Pero hindi naman ako nagulat dahil palagi naman kaming naka-monitor sa'yo.""Sino pong 'kami'?""Ako, anak..." wika ng isa pang boses na lumabas din sa isang kwarto. Lalong lumaki ang mga mata niya nang makita ang kanyang asawang si Lourdes… buhay na buhay!Agad siyang tumayo para lapitan ito pero pinigilan siya ng mga tauhan nito."Mommy? Is it really you?""Yes, anak. Ako ito.""Huhuhu… Mommy, mommy! Ang akala namin ay patay ka na… Huhuhu…" umiiyak na sabi ni Belle habang nakayakap sa ina. "Hindi! Hindi maaari ito!" sigaw ni Abigail. "Patay ka na, Lourdes! Pinapatay na kita!""Kanino mo a
SENATOR BENIGNO'S POV:Sakay sila ng itim na SUV na hindi nila alam kung saan sila dadalhin. Naka-bonnet ang mga taong armado at naniniwala naman siya na hindi ito mga kasamahan ni Abigail dahil maging ito ay takot na takot din. Kung pwede nga lang na patayin na sila doon ngayon din ay okay lang.At kung patayin man sila doon mismo, ay ipapakiusap niyang siya ang pumatay kay Abigail bago siya patayin. Galit na galit siya sa babae. Lalo na nang nalaman niya na ito pala ang nagpadukot kay Lourdes para patayin.Parang dinurog ang puso niya sa nalaman. He loves his wife so much... Ilang taon na ang nakalipas ay umaasa pa siyang buhay pa din ang asawa kaya hanggang ngayon ay pinapahanap pa din niya ito. Hindi siya sumuko pero nang malaman niya sa bibig mismo ni Abigail na ito mismo ang nagpapatay kay Lourdes ay parang gusto na din niyang mamatay. Dahil lang sa tukso ni Abigail sa kanya noon kaya nasira ang pamilya niya.... at pinagsisihan niya iyon ng malaki.At ano na naman itong nangyaya
Papunta ng lumang warehouse ay sakay siya sa motor niya. Si Hunter naman ang sumakay sa kotse nitong iniwan nina Senator. Nandoon pa rin naman ang susi at hindi nahugot sa susian. Si Elijah at Liam naman ay sa iisang kotse. Patuloy siyang nananalangin na sana ay may makuha silang impormasyon kung sino man ang aabutan nila doon sa warehouse. Habang patagal nang patagal ay lumalala ang problema. Pagdating nila doon ay nakaposas na ang mga tauhan ni Tita Abigail. Dalawang tauhan na lookout at saka si Harper ang kasama nitong lalaki.Masama ang tingin niya kay Harper habang papalapit sa mga ito. "C-Caleb? What are you doing here?""’Di ba ako dapat ang nagtatanong sa’yo niyan, Harper? Bakit n’yo bina-blackmail si Senator? Ano ang ugnayan mo kay Tita Abigail?""Nasaan na sila? Bakit hindi sila sumipot dito? Nasaan ang mommy ko?""Mommy? Sino ang mommy mo?"Natigilan si Harper. "Sino ang mommy mo, Harper?!" muling tanong nya"S-si Abigail… Mommy ko si Abigail..." maluha-luhang sabi nito
CALEB'S POV:Sakay ng kanyang motor ay alalay lang siya sa pagsunod sa kotse na sinasakyan nina Senator, Belle at Tita Abigail. Ayaw niya din na mahalata siya ni Tita Abigail at baka kung ano ang gawin nito kay Belle at Senator. Sa utak nitong kriminal ay hindi nila alam kung ano pa ang mga posibleng gawin nito.Habang sumusunod sa kotse ay hinarangan siya ng dalawang SUV na nauna sa kanya. Halos hindi na niya makita ang sinusundan niyang kotse. Hindi din siya nakasingit dahil wala ding planong pasingitin siya. Hanggang sa bigla itong pumreno at naalangan siya. Natumba siya sa kanyang motor. Ang nakapagtataka ay hindi man lang siya tinulungan ng nagmamay-ari ng SUV at mukhang na-hit and run pa siya.Natilapon siya sa gilid ng kalsada. Mabuti na lang at konti lang ang dumadaan doon. Hindi naman masama ang pagkakatumba niya, madami din ang tumulong sa kanya na mga motorista.“Mukhang na-hit and run ka, boss. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa’yo.” sambit ng isang nakamotor di
"Paanong babalik si Mommy kung pinatay mo na siya, Abigail!"Hindi na niya napigilan ang poot. Hindi niya na rin maatim na tawaging "mommy" ang babaeng minsang itinuring na ina. Ayaw na niyang magkunwari.“A-alam mo?” nagulat na tanong ni Abigail.“What are you talking about, anak?” tanong ng ama niyang naguguluhan at nanginginig na rin sa kaba.“Yes, Dad... tama ang narinig mo... si Abigail ang dahilan ng pagkawala ni Mommy. Narinig ko siyang may kausap noon, sinabing siguraduhing malinis ang pagkakapatay kay Mommy..." tumulo na din ang luha nya habang nagkukwento."Bata pa ako nun, pero hindi ko makalimutan ang boses niya… at habang lumalaki ako, unti-unti kong naiintindihan at napagtagpi-tagpi ang lahat...”“Totoo ba ’to, Abigail?” maluha-luhang tanong ng ama niya.“Oo, totoo!” sagot ni Abigail na halos manlilisik ang mata sa galit at pagkabunyag ng lihim.Tuluyan ng bumagsak ang luha ng daddy nya. Para itong binagsakan ng langit at lupa. "Napakasama mo Abigail... bakit mo ginawa i