Papunta ng lumang warehouse ay sakay siya sa motor niya. Si Hunter naman ang sumakay sa kotse nitong iniwan nina Senator. Nandoon pa rin naman ang susi at hindi nahugot sa susian. Si Elijah at Liam naman ay sa iisang kotse. Patuloy siyang nananalangin na sana ay may makuha silang impormasyon kung sino man ang aabutan nila doon sa warehouse. Habang patagal nang patagal ay lumalala ang problema. Pagdating nila doon ay nakaposas na ang mga tauhan ni Tita Abigail. Dalawang tauhan na lookout at saka si Harper ang kasama nitong lalaki.Masama ang tingin niya kay Harper habang papalapit sa mga ito. "C-Caleb? What are you doing here?""’Di ba ako dapat ang nagtatanong sa’yo niyan, Harper? Bakit n’yo bina-blackmail si Senator? Ano ang ugnayan mo kay Tita Abigail?""Nasaan na sila? Bakit hindi sila sumipot dito? Nasaan ang mommy ko?""Mommy? Sino ang mommy mo?"Natigilan si Harper. "Sino ang mommy mo, Harper?!" muling tanong nya"S-si Abigail… Mommy ko si Abigail..." maluha-luhang sabi nito
CALEB'S POV:Sakay ng kanyang motor ay alalay lang siya sa pagsunod sa kotse na sinasakyan nina Senator, Belle at Tita Abigail. Ayaw niya din na mahalata siya ni Tita Abigail at baka kung ano ang gawin nito kay Belle at Senator. Sa utak nitong kriminal ay hindi nila alam kung ano pa ang mga posibleng gawin nito.Habang sumusunod sa kotse ay hinarangan siya ng dalawang SUV na nauna sa kanya. Halos hindi na niya makita ang sinusundan niyang kotse. Hindi din siya nakasingit dahil wala ding planong pasingitin siya. Hanggang sa bigla itong pumreno at naalangan siya. Natumba siya sa kanyang motor. Ang nakapagtataka ay hindi man lang siya tinulungan ng nagmamay-ari ng SUV at mukhang na-hit and run pa siya.Natilapon siya sa gilid ng kalsada. Mabuti na lang at konti lang ang dumadaan doon. Hindi naman masama ang pagkakatumba niya, madami din ang tumulong sa kanya na mga motorista.“Mukhang na-hit and run ka, boss. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa’yo.” sambit ng isang nakamotor di
"Paanong babalik si Mommy kung pinatay mo na siya, Abigail!"Hindi na niya napigilan ang poot. Hindi niya na rin maatim na tawaging "mommy" ang babaeng minsang itinuring na ina. Ayaw na niyang magkunwari.“A-alam mo?” nagulat na tanong ni Abigail.“What are you talking about, anak?” tanong ng ama niyang naguguluhan at nanginginig na rin sa kaba.“Yes, Dad... tama ang narinig mo... si Abigail ang dahilan ng pagkawala ni Mommy. Narinig ko siyang may kausap noon, sinabing siguraduhing malinis ang pagkakapatay kay Mommy..." tumulo na din ang luha nya habang nagkukwento."Bata pa ako nun, pero hindi ko makalimutan ang boses niya… at habang lumalaki ako, unti-unti kong naiintindihan at napagtagpi-tagpi ang lahat...”“Totoo ba ’to, Abigail?” maluha-luhang tanong ng ama niya.“Oo, totoo!” sagot ni Abigail na halos manlilisik ang mata sa galit at pagkabunyag ng lihim.Tuluyan ng bumagsak ang luha ng daddy nya. Para itong binagsakan ng langit at lupa. "Napakasama mo Abigail... bakit mo ginawa i
Pumunta na si Senator at Belle sa kotse. Nandoon na, naghihintay si Tita Abigail at halatang ayaw talagang magpaiwan.“Babe, what are you doing? Mapapahamak ka…” bulong niya sa nobya habang hinahatid ito sa kotse.“I’m gonna be okay, babe. I promise. Kailangan kong siguraduhing walang mangyayaring masama kay Dad. Hindi niyo naman kami pababayaan, ’di ba?”“Yes, I promise you that. Pero mag-ingat ka, ha…”“Yes, babe. I promise.” pilit ang ngiti ni Belle na parang pinaparating sa kanya na wag cyang mag-aalala pero hindi nya mapigilan ang sarili... Delikado ang ginagawa nito.“Matagal pa ba kayo?” narinig nilang tila inip na inip na si Tita Abigail habang nakasandal sa kotse.“Bakit kasi sasama ka pa? Dito ka na lang!” sita ni Senator sa asawa. “No... wala din naman akong gagawin dito kung aalis kayong dalawa.” Alam nila kung ano ang plano nito kaya hindi nila mapipigilan si Tita Abigail na magpaiwan. Pasimpleng silang nagtinginan na tatlo, tila nag-uusap sa pamamagitan ng kanilang mga
Pagdating nila sa komedor, andoon na din ang mga magulang niya, pati si Hunter at Yassy.“Good morning, everybody!” Masayang bati ng daddy niyang walang kamalay-malay sa mga nangyayari. Hindi na nila sinabi sa mga ito ang tungkol kay Senator. Lalo lang gugulo kapag maraming nakakaalam.“Are you excited for our golf tournament later, balae?” tanong ng daddy niya.“Oo naman, balae! Tingnan mo mamaya, ako ang mananalo! Hahaha!”“Ay, ‘wag mo kaming ismolin! Baka magulat ka sa talent namin ni balae Joaquin sa paggo-golf!” Biruan ng mga ito.“Ikaw, balae, manonood ka ba mamaya sa tournament nila?” tanong ng mommy niya kay Tita Abigail.“Ah... baka hindi.”“Bakit? May pupuntahan ka ba? Kahapon ka pa namin hindi nakaka-bonding. Mukhang may pinagkakaabalahan ka ata... ano ba ‘yun, balae?” inosenteng tanong ng mommy niya.“Mom, sabi mo makikipag-bonding ka na kina Tita Helen at Tita Almira. You promised me yesterday!” sabi ni Belle. Lihim siyang napangiti. Medyo nakikipag-cooperate na si Belle
Habang nakaupo sa uluhan ni Belle at hinahaplos ang ulo nito habang natutulog, kinuha niya ang telepono at tinawagan si Hunter.Hinintay niyang sagutin nito ang tawag niya. Napatingin siya sa wall clock... ala una na pala ng umaga."Hello?""Hello, bro... nasaan ka?""Andito ako sa kwarto. Ikaw?""Andito din sa kwarto. Pupunta ako diyan. Tulog na si Yassy.""Sige, hintayin kita dito."Maya-maya ay may narinig cyang mahinang katok sa pinto niya. Agad siyang tumayo at pinagbuksan iyon. Si Hunter ang kumatok. Niluwagan niya ang pinto para makapasok ito."Bakit andito si Belle?" nagtatakang tanong nito."I can’t take a risk na iwan siyang mag-isa sa kwarto niya, bro. Gumagawa na ng paraan si Tita Abigail kung paano makuha si Belle.""Huh? What do you mean?"Tumingin muna siya sa mahimbing na natutulog na si Belle bago nagsalita."Yung pagkabutas ng gulong ko sa mall kanina... hindi 'yun napagtripan lang. Sinadya 'yun, bro. Nandoon si Harper at ang lalaking kasama nito na paikot-ikot din s