แชร์

CHAPTER 423

ผู้เขียน: dyowanabi
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-04 22:58:33
Habang tinititigan ang note na nakalakip doon sa bigay ni Liam ay nag-ring ang cellphone niya. Muntik pa siyang mapatalon sa gulat. Sobrang tutok kasi ang utak niya sa kung bakit pa siya pinadalhan ni Liam ng prutas at vitamins.

Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bag.... Si Yassy ang tumatawag.

"Hello?" Walang gaanong sabi niya.

"Hello, Ate... saan ka?"

"Sa bahay. Kakakarating ko lang galing school."

"Ganun ba. Punta ka dito sa bahay. May pa-dinner si Kuya Caleb at Belle."

"Bakit? Ano meron?"

"Wala lang. Babalik na kasi sila sa Manila bukas dahil aasikasuhin ni Kuya ang restobar."

"Ano ba ulam diyan?" Muli niyang tanong.

"Ano ka ba, ang dami mo pang tanong! Punta ka na. Sige, bye," inis na sabi ni Yassy.

Wala kasi sana siyang planong pumunta, madami pang syang gagawin kaya pinapatagal niya ang usapan. Pero dahil pinatayan na siya nito ng telepono, ay wala na siyang magagawa.

Hindi na siya nagbihis ng kanyang uniform. Makikikain lang naman, saka uuwi ulit. Ayaw niya
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (2)
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
ayan na liam iwanan kna n almira pag matanggap n cia sa etaly sabihin mona feelings mo di pa huli ang lahat
goodnovel comment avatar
Anita Valde
sabihin muna hiramin mo lng nman pang apply bibigyan Ka nila
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 740

    Namula ang kanyang mama sa tinuran ni Tito Felix. “Just call me Elise, Felix. No need for formality.”Palit-palipat ang tingin niya sa dalawa. Mukhang may naamoy siyang kakaiba.“Tama si Daddy, Tita Elise. Dito muna kayo sa bahay. Kami na ang bahala sa problema n’yo. Me and my friends will help you too. We have connections.” tila proud na sabi ni Elijah. Kung sa China ay teritoryo ni Lolo Li, ito naman sa Pilipinas. Marami itong matatawagan at mahihingan ng tulong kung sakali.“Saan nga pala si Charlotte at Asherette, Tita?” dagdag nito.“They are in Paris. They are safe there. You have nothing to worry about. Si Paulette lang ang iniintindi namin dahil siya ang habol ni Gary.”Lalo siyang nanginig sa sinabi ng kanyang mama. Pero para sa kanyang pamilya ay magpapakatatag siya. Hindi siya magpapatalo kay Gary.“Bueno, mamaya na natin pag-usapan ’yan. Let’s enjoy the food first,” putol ng kanyang Lolo Li. “Governor, salamat sa pagtanggap mo sa amin ng anak at apo ko.”“Oh, it’s nothing,

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 739

    Mag-aalas-siyete pa lang nang nakarating sila sa mansion ng mga Flores. Nagulat sila nang may iba pang mga kotse na nakaparada doon.“May bisita ba kayo? Ang aga naman?” nagtatakang tanong niya.Mukhang walang tao sa labas, lahat ay nasa loob. Pero madaming security na nakapagalid, lahat ay armado. Maging ang kotse ng mga kaibigan ni Elijah ay nandoon din. Ibig sabihin, nandoon din sina Hunter, Caleb, at Liam?Pagpasok nila sa loob ay nagulat sila nang andoon ang lahat. At ang mas nakakagulat, nandoon din ang kanyang Lolo Li at Mama Elise.“Lolo, Mama!” sigaw niya, saka dali-daling lumapit sa dalawa at yumakap. “Bakit kayo andito?” naluluhang sabi niya. Miss na miss niya ang mga ito.“Anak, nabalitaan namin ang tungkol sa pagkidnap sa’yo. We are worried sick about you kaya kami napasugod dito.”Napangiwi siya, wala talagang maitatago sa kanyang pamilya“At isa pa, iha… may dapat kang malaman,” sabi naman ng lolo niya.“Nakatakas si Atty. Gary Chan, at mukhang maghihiganti siya.”Nagka

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 738

    Ngunit kahit nakapikit na siya, hindi pa rin tuluyang humupa ang kaba sa kanyang dibdib. Pilit niyang pinakikinggan ang bawat tunog sa paligid… ang mahinang lagaslas ng hangin, ang bahagyang paglangitngit ng kahoy, at ang mabagal na paghinga ni Elijah sa tabi niya.Maya-maya, naramdaman niyang gumalaw si Elijah. Dahan-dahan itong umangat at naupo sa gilid ng kama. Agad siyang napadilat.“Babe?” mahina niyang tawag.“Andito lang ako, babe… kukuha lang ako ng tubig,” bulong ni Elijah.Tumango siya, pero hindi niya maiwasang sundan ng tingin ang bawat kilos nito. Nang makalabas si Elijah papunta sa kusina, muling bumigat ang pakiramdam niya. Parang may kung anong presensyang bumabalot sa buong kwarto. Hindi nakikita pero ramdam niya.Muling sumagi sa isip niya ang pigura ng babae na nakita niya kanina. Hindi iyon nawawala sa isip niya kahit anong ang kanyang gawin.Bigla niyang napansin ang bahagyang pagbukas ng kurtina sa may bintana. Hindi iyon ganoon kanina!Napaupo siya sa kama, yaka

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 737

    “Gusto mo bang maligo?” tanong ni Elijah.“Sige, let’s go swimming. Pero dito lang sa loob, bukas doon naman tayo sa beach.”“Sige, magpalit ka na ng suot mo.”Siya’y tumayo at pumunta sa kanyang bag. Doon napansin niya ang kanyang dalang swimsuit. Pinili niya talaga iyon, ang pinakaseksi para maakit lalo si Elijah sa kanya.Pagkatapos niyang isuot ay bumalik siya sa kinaroroonan ng ng nobyo. Sandali itong natulala habang papalapit siya.“Damn, Paulette, is that you?”“Sino pa ba sa akala mo?” nakangising sabi niya. “Tayo lang naman ang andito.”“God, you’re so sexy, babe!”Lumapit ito at hinapit siya sa bewang. Diniikit nito ang sarili sa kanya. Naramdaman niya ang umbok ng pagkalalaki nito kaya agad siyang napangiti. Madali lang painitin si Elijah... parang switch lang ito ng ilaw na madaling i-on at off.“Ano ba... akala ko maliligo tayo?” aniya saka kumalas sa pagkakayakap nito. Napakamot ng ulo si Elijah.“I’ll be back. Magpapalit lang ako ng damit.” sagot naman nito saka pumasok

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 736

    “Good evening, Mayor Elijah.”Nabaling ang atensyon nila sa isang staff na bumati sa kanila.“Good evening, Elisa. Naka­handa na ba ang tinawag ko sa’yo?”“Yes, Mayor. Naka­handa na po.”Nahihiyang ngumiti sa kanya ang babaeng staff.“This is your Ma’am Paulette, by the way...girlfriend ko.”“H-hi…” nahihiyang bati niya rin sa staff.Lalong lumaki ang ngiti ng babae. “Ang ganda naman ng girlfriend n’yo, Mayor. Bagay po kayo.”“Salamat, Elisa.” ang laki ng ngisi ni Elijah na parang proud na proud sa kanya.“Ikaw na ang bahala dito. Pupunta na kami sa room namin.”“Okay po, Mayor. Tumawag na lang po kayo kapag may kailangan kayo.”Tumango si Elijah saka hinatak na siya papunta sa isang villa. Iyon ang pinakamalaking kwarto doon. Para na iyong bahay. Medyo malayo iyon sa beach kaya may privacy silang dalawa at hindi maiistorbo ng mga guest.Pagpasok sa villa ay namangha siya sa ganda ng lugar. May swimming pool doon sa loob mismo at may jacuzzi pa. May nakahandang pagkain sa table at may

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 735

    Pagkatapos nilang kumain ay isa-isang umalis ang mga kaibigan nila. Halatang pinagtabuyan na ito ni Elijah, parang gusto talagang mapag-isa kasama siya. Walang tumutol, alam ng lahat na hindi biro ang pinagdaanan nila ngayong araw.Kasalukuyan silang nasa kwarto. Nakahiga lang siya sa kama, nakapikit at pilit nagpapahinga. Ngunit kahit anong pilit niya, hindi pa rin tuluyang kumakalma ang kanyang dibdib.Maya-maya, tumabi si Elijah sa kanya at niyakap siya nang mahigpit, parang takot na takot itong mawala ulit siya.“Hindi mo lang alam kung gaano ako natakot kanina nang malaman na kinidnap ka ni William, babe,” mahina ngunit puno ng galit na sambit nito. “Parang gusto kong halughugin ang buong Quezon Province, makita ka lang agad.”Humigpit pa ang yakap nito. “Kung ako lang, ipapakulong ko ang lalaking ’yon. He will not mess with my woman. Nasa teritoryo ko siya, kaya dapat lang siyang matakot.”Marahan niyang hinawakan ang braso nito. “It’s okay, babe… kapag ginawa mo ’yon, lalo lang

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status