MasukMARISE POV:Kinabukasan, late na siyang nagising. Mabigat pa rin ang ulo niya at tila may natitirang sakit mula sa magulong gabi, pero pinilit pa rin niyang bumangon. Ayaw niyang manatili sa kama at magpakain sa lungkot.Paglabas niya ng kwarto ay nakita niya si Tessa na nakaupo mag-isa sa sala. Tahimik itong umiinom ng kape habang nakatingin sa bintana. Nang mapansin siya nito ay agad itong tumayo.“Gising ka na pala, Marise…” malambing nitong bati.“Nasaan sila, Ate?” tanong niya habang inaayos ang gusot niyang buhok.“Ang mama mo, pumunta na sa grocery. Si Lolo Li at si Noah, umalis ulit. Ako lang mag-isa dito kasama ang mga katulong.” Lumapit ito at sinipat ang mukha niya. “Kamusta ka na?”“Okay naman, Ate.”Hindi na niya binanggit na tumawag si Nicolas kagabi. Wala naman siyang balak makipagkita rito. At tungkol kay Anthony… kung makikipagkita man ito sa kanya, desidido na siyang makipaghiwalay. Sa ganoong paraan, mapuputol na rin ang anumang natitirang koneksyon niya kay Nicolas
"Pasensya na, Mr. Monteverde, pero hindi na ako ang dating Marise na kilala mo."Natawa ito sa kabilang linya. “Hahaha… bakit ang pormal mo naman, Marise? At ano bang ibig mong sabihin sa ‘dating Marise’? Kahit paano, may pinagsamahan din naman tayo, hindi ba? For old time’s sake… puwede ba tayong magkita?”Sandali siyang nag-alangan. Gusto niya itong makita muli... hindi bilang dati niyang kliyente, kundi bilang lalaking minsan niyang minahal.“Sorry, pero busy ako.”“O, come on, Marise. Hindi mo man lang ba ako pagbibigyan? Dati, kapag tinatawagan kita, agad kang dumarating.”“Leave me alone, Mr. Monteverde. May nobyo na ako… at pamangkin mo siya.”Biglang natahimik si Nicolas sa kabilang linya.“Hindi mo kilala si Anthony, Marise,” seryoso nitong sabi.Napataas ang kilay niya sa inis. “Bakit, ikaw ba kilala ko? Hindi rin naman, hindi ba?”Mariin niyang sinabi iyon. Wala itong karapatang pangunahan siya sa sarili niyang desisyon.“Mahal ko si Anthony, at mahal niya ako. Kaya lubayan
Naalala niya nang ipakilala siya ni Anthony kay Nicolas at sa mga magulang nito kanina.FLASHBACK:Sinundo siya ni Anthony sa bahay upang sabay silang pumunta sa hotel kung saan ginaganap ang birthday party ng lola nito.“You’re so gorgeous, Marise…” bulong ni Anthony habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.Nakasuot siya ng itim na off-shoulder na bestida na hapit sa kanyang katawan, dahilan upang lalong lumitaw ang hubog ng kanyang kurba. Marami na ang nagsasabing seksi siya. Hindi siya payat... voluptuous ang tamang salita para sa kanyang pangangatawan. Mala-Kim Kardashian ang dating. Maliit ang baywang ngunit litaw ang dibdib at balakang.Akma sana siyang hahalikan ni Anthony, ngunit umiwas siya.Sa loob ng tatlong buwan nilang relasyon, wala pang namamagitan sa kanila. Ni halik ay hindi pa niya naibibigay sa nobyo. Ang totoo, hindi naman niya ganoon kagusto si Anthony. Nakulitan lang siya sa walang sawang panliligaw nito kaya niya ito sinagot.Gwapo naman si Anthony. Mayaman at
Nagdaan pa ang mga araw, at naging abala na sina Noah at Lolo Li sa madalas na pag-alis at pag-asikaso sa iba’t ibang lakad sa labas ng bahay.Sina Cynthia at Marise naman ay halos buong oras na nasa grocery store. Paminsan-minsan ay sumasama siya roon upang tumulong. Siya ang kadalasang nauupo sa kahera, ngunit may mga araw ding sa bahay lang siya nananatili dahil ayaw ni Cynthia na mapagod siya.Habang nasa sala siya ay umuwi si Marise na umiiyak. Nagkasalubong sila sa may pasilyo, ngunit dumiretso lamang ito sa silid nito nang hindi nagsasalita.Agad niya itong sinundan. “Marise… bakit ka umiiyak? May nangyari ba?”“W-wala, Ate…” mabilis nitong sagot habang agad na pinupunasan ang mga luha.“Tell me. Baka makatulong ako.”Sa tagal nilang magkasama sa iisang bubong, unti-unti na rin silang naging malapit sa isa’t isa. Hindi na tulad noon ang pakikitungo nila sa isa’t isa.“May problema ako…”“Ano’ng problema mo?”Sandali itong tumingin sa kanya, tila nag-aalangan kung sasabihin ba an
Pagkaraan ng ilang oras na pagkakaidlip, naunang magising si Tessa kaysa kay Noah. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mapayapang mukha ng kanyang nobyo. Na-realize niya na kapag pala bumabait ang isang tao, lalong gumagwapo ang hitsura nito. Para sa kanya, mas gwapo si Noah ngayon kaysa noong una silang magkakilala.Inangat niya ang kanyang kamay at dinala ang daliri sa matangos na ilong ni Noah. Marahan niya itong pinaraan doon, ngunit agad ding hinuli ni Noah ang kanyang kamay. Gising na rin pala ito."Kung ayaw mo akong pagbigyan, huwag mo akong landiin, Tessa," wika ni Noah habang nakapikit pa rin ang mga mata.Napangisi siya. "Hanggang sa pagtulog ba naman, 'yan pa rin ang iniisip mo?" natatawang sabi niya.Dahan-dahan siyang umahon mula sa pagkakahiga. Dahil sapat na ang kanyang naging pahinga, naisipan niyang ibigay na ang kanyang sorpresa."Where are you going?" nagtatakang tanong ni Noah. Nanatili itong nakahiga habang nakatingin sa kanya.Hindi siya sumagot. Sa halip, l
“Tara na sa loob. Alam naming pagod kayo sa biyahe. Dad, ipinagluto kita ng mga paborito mo,” masayang sabi ni Cynthia habang inalalayan si Lolo Li papasok ng bahay. Hawak nito ang kanang kamay ng matanda, samantalang si Marise naman ang nasa kabilang tabi.Sa tagpong iyon, dama ni Tessa ang init ng pagtanggap ng pamilya. Hindi niya inasahang darating ang araw na makakapasok siya sa bahay na ito nang walang alinlangan, walang pangamba, at walang bigat sa dibdib.Si Noah naman ay lumapit sa kanya at agad siyang inakbayan. Hindi niya napigilan ang sariling yumakap sa nobyo, mahigpit, na para bang doon niya gustong manatili habambuhay.“Ano’ng sabi ko? Hindi ba sabi ko tanggap ka na nila?” bulong nito sa kanyang tainga.Napangiti siya. “Oo nga… hihihi. Salamat, babe.”Umiling si Noah at marahang hinaplos ang buhok niya. “Ako ang dapat magpasalamat sa’yo, Tessa. Pakiramdam ko kasi dati… hindi bagay ang pamilya ko sa’yo. Parang masyado kaming magulo.”“Hmp! Ang arte mo. O, ayos na nga tayo
“Paano naman kung ang mahal ng apo mo ay ang lalaking may sabit, Mr. Li?” nakangising sabi ni Gary na halatang may tinutumbok, halatang gustong manira.“Ano ang ibig mong sabihin, Gary?”“Wala naman po, Mr. Li… napansin ko lang kasi na nagiging close si Mayor Elijah kay Paulette. Hindi ka ba nababa
Naaalala niya noon na si Yassy ang unang babae na nagustuhan niya, pero si Hunter ang gusto nito at hindi siya. Nagpaubaya siya dahil magkakaibigan sila. Sa huli ay nawala din naman ang pagkagusto niya kay Yassy at nalipat kay Lilac. Naging masaya naman sila ni Lilac noon. Maging ang mga kaibigan
ELIJAH'S POV:Kasalukuyan nasa airport sila ni Nova at naghihintay ng kanilang flight papunta sa Beijing, China.“Saan nga pala tayo mag-stay pagdating natin doon?”“Mr. Li’s secretary booked a hotel for us. Nakalimutan kong sabihin na may party palang idadaos si Mr. Li para sa kanyang mga bisita b
Natigilan siya... Oo nga, siya ang nagkwento. Nilabas lang niya ang kanyang sama ng loob noong time na iniwan siya ni Paulette.Ayon kina Tere at Tanya, na mga kaibigan ni Paulette, ay sumakay ito sa isang magarang kotse kasama ang matandang Instik. Nag-iwan pa ito ng tig-iisang milyon sa mga kaibi







