LOGINNICOLAS POV:Business launch ng partnership nila ni Noah at ni Mr. Li ngayong gabi. Maaga pa lang ay nasa hotel na siya upang siguraduhing maayos ang lahat. Abala ang mga staff sa kani-kanilang gawain habang unti-unti nang dumarating ang mga bisita.Naroon na rin ang kanyang pamilya. Halatang excited ang mga ito na makita si Mr. Li. Kung tutuusin, parang gusto lang naman ng mga itong makapagpapicture sa matanda.Ngunit kahit gaano siya kaabala, hindi pa rin mawala sa isip niya si Marise. Dalawang linggo na... dalawang linggo na mula nang huli niya itong makita. Parang sadya siyang iniiwasan ng dalaga.May mga sandaling gusto na lamang niyang sumuko. Ngunit hindi ganoon kababaw ang nararamdaman niya para basta na lang bumitaw. Naging abala lang siya nitong mga nakaraang araw dahil sa launching na ito, pero pagkatapos ng gabing ito, sisiguraduhin niyang muli niyang hahanapin si Marise... At hindi siya titigil hangga’t hindi niya ito nakikita.“Uncle…”Naputol ang kanyang pag-iisip nang
“What happened, Nicolas? Something wrong?” nagtatakang tanong ni Mr. Li.Bigla siyang natauhan. Mukhang napansin nito ang pagkawala niya sa focus. Napasandal siya sa upuan at mariing napapikit sandali.Hindi pa tuluyang naa-announce ang partnership nila. Maaari pang umatras ang matanda kung sakaling hindi nito magustuhan ang pakikitungo niya. Isa pa, hindi biro ang oportunidad na iyon. Si Mr. Li ay isa sa pinakarespetadong negosyante sa buong mundo. Kaya hindi siya pwedeng magbigay ng maling impresyon.“Ah… no, Mr. Li,” mabilis niyang sagot habang pilit na pinapakalma ang sarili. “May iniisip lang po ako tungkol sa trabaho.”“Hahaha!” malakas na tawa ng matanda. “Baka naman napapagod ka na sa kakatrabaho at wala ka nang lovelife?”Napailing siya habang bahagyang napapangiti.“Bakit hindi ka muna mag-relax at makipag-date?” biro pa nito.Tipid siyang ngumiti kahit hindi naman siya nakikita ng kausap.“Wala po akong panahon sa mga ganyan, Mr. Li,” sagot niya. “Lalo na’t ilo-launch na na
“I have to see her, Uncle,” mariing sabi ni Anthony. “Kailangan kong magpaliwanag sa kanya.”At bago pa siya makapagsalita, mabilis na itong tumalikod at pumasok sa grocery. Naiwan siyang nakatayo roon. Tahimik na nakatitig lamang sa salaming pinto habang magulong-magulo ang isip niya.Lumipas ang ilang minuto. Pakiramdam niya ay napakabagal ng oras habang hinihintay ang paglabas ni Anthony. Hindi niya alam kung ano ang mas kinatatakutan niya, ang makitang nagkabalikan ang dalawa… o ang mapagtantong wala talaga siyang lugar sa puso ni Marise.Wala pang sampung minuto nang bumukas muli ang pinto ng grocery. Lumabas si Anthony na bagsak ang mga balikat at halatang dismayado.“What happened?” hindi niya napigilang itanong.“Wala raw si Marise,” mahinang sagot nito. “Hindi na raw pumapasok dito simula last week. Nagbakasyon daw kasama mama niya.”Hindi siya umimik dahil iyon din mismo ang sinabi sa kanya ng mga staff noong minsang palihim siyang nagtanong.“Baka…” nag-angat muli ng tingin
NICOLAS POV:Isang linggo na ang lumipas, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makontak si Marise. Simula noong may muling nangyari sa kanila, hayagan na siyang nilayasan ng dalaga, parang bula itong naglaho nang walang kahit anong paliwanag.Noong una, akala niya ay magiging madali lang ang lahat. Akala niya, sapat na ang isang tawag, isang utos, o isang pagpunta niya upang bumalik agad si Marise sa kanyang piling.Pero nagkamali siya, Hindi pala ganoon kadali. Lalo na ngayong saka lang niya tuluyang naintindihan ang tunay niyang nararamdaman.Sa loob ng maraming taon, pilit niyang ikinukubli sa sarili ang damdaming iyon. Pilit niyang ipinapakitang wala lang si Marise sa kanya, na isa lang itong babae sa napakaraming kayang mapalapit sa kanya anumang oras niya gustuhin.Ngunit ngayong wala na ito… ngayon niya narealize kung gaano kalaki ang espasyong iniwan nito sa buhay niya. At kung gaano kasakit ang pagkawala nito.Napabuntong-hininga siya at napasandal ng upo sa kanyang sa
“Just give it a try, iha…” pangungulit ni Lolo Li. “Kapag nagkagustuhan kayo, well and good. Pero kung hindi… hahanap ulit tayo ng iba.”Napahalakhak pa ito. Napasimangot naman siya habang napapailing. Mukhang siya na talaga ang bagong project ni Lolo Li ngayon.Palibhasa siya na lang ang natitirang single sa pamilya... Si Paulette, masaya nang naikasal kay Mayor Elijah, ganun din si Ate Elise kay Governor Felix. Si Noah, nagkaayos na rin kay Tessa.At siya… Siya na lang talaga ang mag-isa. Puwera sa mga anak ni Ate Elise na sina Asherette at Charlotte na mga bata pa.Kung sana katulad ni Mayor Elijah ang ipakilala ni Lolo sa kanya… Napangiti siya sa sariling isip... Joke lang!Dati lang naman niyang crush si Mayor Elijah. Noon pa ‘yon sa mga panahong puno pa siya ng inggit kay Paulette. Gumawa pa nga siya noon ng kung anu-anong kalokohan para maagaw dito si Elijah.Pero wala rin siyang napala. Sobrang mahal kasi ni Elijah si Paulette.At saka matagal na iyong nakaraan. Noong mga pa
MARISE POV:Nakasimangot si Noah habang nagda-drive papuntang Quezon. Halatang hindi nito gusto ang sitwasyon sa loob ng sasakyan.“Bakit ba sumama kayong lahat? Si Tessa lang ang uuwi tapos sumama din kayo, Mama… Marise… pati ikaw, Lolo?”Nakakunot pa ang noo nito habang mahigpit ang hawak sa manibela.“Bakit ba? Gusto din naman naming mag-unwind no. Pagod na rin kami sa pagtatrabaho. Magbabakasyon lang kami ng konti.” depensa agad ng kanilang mama.“Eh paano ang grocery?” reklamo ni Noah. “Porket stable na ang grocery, iiwan niyo na naman ng ganun-ganun? Pababayaan niyo?” Halatang badtrip ito.Sa totoo lang, siya lang talaga dapat ang sasama kay Ate Tessa pauwi ng Quezon dahil iyon ang napag-usapan nila kagabi. Kailangan niyang lumayo muna sa Maynila para kahit paano ay makaiwas kay Nicolas. Pero nang malaman iyon ng mama nila, agad itong nagprisintang sumama matapos marinig kay Tessa na maraming puno ng prutas sa bahay nila sa Quezon.Na-excite agad si Mama. At dahil gusto rin suma
PAULETTE’S POV:Nagdaan pa ang mga buwan ay medyo nasasanay na sila sa China. Pinakilala na din siya bilang apo at tagapagmana ni Lolo Li sa lahat ng negosyo nito. Ang mama niya ay nag-aaral sa college sa Paris. Unti-unti itong nagkakaroon ng confidence sa sarili. Ang mga kapatid niya ay doon din na
Kinabukasan ay maaga silang nagising. Ayaw man niyang makisabay sa kanyang mga kapatid, pero aaminin niyang excited din siya sa kanila pag sa shopping. Sino ba naman ang taong hindi excited mag-shopping?Sabay-sabay silang lumabas sa kanyang kwarto ng matapos na silang makabihis lahat. Alam nya hin
“M-Master Li?” nauutal na sabi ng manager at dalawang sales girl nang makita ang lolo nila.“Lolo... ayaw nila kaming papasukin dahil hindi daw namin kayang magbayad.” sumbong niya.“Says who?” nakakunot ang noong tanong nito.“Sila pong tatlo. Pinahiya nila kami dito!”“Did you really say that to
Kinabukasan ay maagang syang nagising. May nakita siyang gym sa loob ng hotel at gusto niyang mag-exercise kahit isang oras lang. Hindi na niya niyaya si Nova dahil alam niyang masama ang loob nito mula kagabi. Masama din naman ang loob niya pero ang pag-gym ay paraan niya para ma-relax ang sarili.







