مشاركة

CHAPTER 597

مؤلف: dyowanabi
last update آخر تحديث: 2025-10-25 19:13:49

Paglabas niya ng resto bar ay sinalubong siya ng isang babaeng pamilyar sa kanya... si Nova.

“Mayor, anong nangyari sa’yo? Bakit may pasa ka sa mukha?” nag-aalalang sabi nito habang hinahaplos ang mukha niya. Napatitig siya sa dalaga, halata ang pag-aalala nito sa kanya.

“Napaaway lang,” tipid na sagot niya. “Bakit ka pala andito?”

“I’m just so happen na andito ako sa Manila. Nabanggit ng dad mo na isa ka sa may-ari ng resto bar na ‘to. Nagbabakasakali lang ako na andito ka. Gusto ko lang mag-unwind.”

Tumango siya.

“Saan ka pupunta? Gusto mo, dalhin kita sa ospital para magamot ang pasa mo?” Patuloy ito sa paghaplos ng mukha niya.

“Hindi na. Kaya ko na ‘to. Uuwi na ako sa condo.”

“Gusto mo, samahan kita para may mag-alaga sa’yo?”

Tinitingnan niya ng maigi si Nova. Kita sa mga mata nito ang pag-aalala. Tumango siya. Ngumiti naman ito ng tipid saka sabay silang pumunta sa kotse niya.

“Kotse ko nalang ang gamitin natin, ako na ang magda-drive. Magpahinga ka na lang. Mukhang madami ka ri
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق
تعليقات (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
Elijah Baka magsisi Ka kapag hnd Ka iiwas kay Nova
goodnovel comment avatar
H i K A B
Nakakakaba ang POV ni Elijah about Nova… we’ll see…
عرض جميع التعليقات

أحدث فصل

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 605

    Nakahiga siya sa kanyang kama. Mag-a-alas dose na pero hindi pa rin siya makatulog. Iniisip niya ang pinag-usapan nila ng kanyang mama Elise. Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa kanyang utak na mayaman pala sila... at hindi lang basta mayaman, isa sa pinakamayaman sa buong mundo!Ang dami niyang hugot sa buhay dahil sa kahirapan. Kung ano-anong trabaho ang pinasok niya para lang mabuhay sila. Isang beses naging escort pa siya. Nagkaroon siya ng maraming insecurities dahil sa kahirapan nila. But now, the tables have turned... Hindi pa rin niya alam kung panaginip ito o isa lang prank.Nakatitig lang siya sa kisame habang nakahiga. Ano na ngayon ang gagawin niya? Bukas ay mayaman na sila, pero bakit parang hindi siya masaya? Siguro dahil may maiiwan siya... si Elijah.Kapag sinabi ba niya kay Elijah na mayaman talaga sila, matutuwa ito? Pero kabilin-bilinan ng mama niya na walang makakaalam hangga’t nasa China na sila. Walang pwedeng makaalam ng totoong pagkatao nila dahil delikado. Bukod

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 604

    “Ang daddy ko ay nagkaroon ng kalaguyo na pinay at gustong mawala ang mommy para masolo ang lahat na mamanahin ni mommy at magsama na sila ng kanyang kabit. Alam ko kung anong hirap ang dinanas ni mommy sa daddy, sinasaktan niya si mommy ko. May muwang na ako noon kaya nasaksihan ko ang lahat. Wala namang mapagsabihan si mommy dahil nasa China ang gung-gung at po-po ko. Kami lang dito sa Manila at walang ibang pamilya, kaming dalawa lang ang magkakampi." Naluluhang kwento ng mama nila. Ramdam nila ang sakit dulot ng kabataan nito"Naging sakitin si mommy hanggang sa namatay siya. Nalaman iyon ng gung-gung Li at gusto akong kunin pero ayaw akong ibigay ni daddy dahil ako lang ang susi para sa mana ni mommy. Pero naglayas ako, ayaw kong magtagumpay si daddy sa kanyang plano. Napunta ako sa isang bahay ampunan, at doon ko nakilala ang tatay n’yo. Nabuntis ako ng maaga sa’yo, Paulette, sixteen lang ako nun. Tumakas kami ng papa nyo sa bahay-ampunan at dito kami napadpad. Nagsama kami hang

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 603

    Malungkot siyang umuwi sa kanilang bahay. Kahit pa nag-explain na si Elijah sa kanya tungkol kay Nova, ay hindi pa rin mawawala sa isip niya ang magduda at magselos.Habang papalapit sa kanilang bahay ay may nakita siyang magarang kotse na naka-park sa harap ng bahay nila. Imposible naman na kay Elijah iyon dahil nasa Quezon ang nobyo at kakatapos lang nilang mag-usap.Bigla siyang natakot nang makitang pinagtitinginan na naman ng mga kapitbahay ang kotse. Baka magasgasan na naman iyon at sila ang mapagbintangan.“Paulette!” tawag sa kanya ni Aling Conching. “Sino ang bisita n’yo? Mukhang may manliligaw ang mama mo na mayaman ah.”Napakunot ang kanyang noo. Wala namang nababanggit ang mama nila na may nanliligaw dito. Saka hindi nga ito lumalabas ng bahay. Wala din itong social media... Paano nangyari ‘yun?Nainis siya dahil mukhang may niluluto na namang tsismis ang mga kapitbahay tungkol sa kanila. Dali-dali siyang pumasok para malaman kung sino ang kanilang bisita.Pagpasok niya ay

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 602

    PAULETTE'S POV:Tahimik lang siya habang nanonood ng TV. Nasa bahay siya ni Tere at tumatambay. Si Elijah ang nasa TV, may press conference tungkol sa bago nitong trabaho bilang project manager ng isa sa pinakamalaking kompanya sa buong mundo. Dapat ay masaya siya para sa nobyo dahil sa tinatamasa nitong tagumpay, pero alam niyang ang Nova na kasama nito ang gusto ni Gov para kay Elijah."Paulette... okay ka lang? ‘Yung Nova na ‘yan, siya ba ang gusto ni Gov para kay Mayor Elijah?""P-parang ganun na nga...""Mukhang wala kang panama sa kanya, girl. Kita mo naman, ang yaman niya at sopistikada. Hindi naman sa hinahamak kita, pero parang bagay sila ni Mayor."Nalungkot siya."Uyy, sorry ha. Nagsasabi lang ako ng totoo.""O-okay lang. Nahihiya na din ako sa sarili ko... nanliliit ako... paano kapag malaman ng iba na ako ang nobya ni Elijah? Siguradong ikukumpara ako ng mga ‘yon kay Nova. Ano ba naman ako? Isa pa lang akong graduating student at wala pang napapatunayan. Kaya nga gusto k

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 601

    Pagdating nila sa restaurant ay nagulat siya nang mukhang naka-reserve iyon para sa kanila lang. Pero ang ikinagulat niya ay nang makitang may mga press people.“Bakit may press dito, Nova?”“I don’t know. Ang daddy mo ang nagpatatawag ng lunch meeting na ‘to.”Nang makita niya ang kanyang daddy ay ngumiti ito pero may halong pagbabanta.“Iho... can I talk to you in a minute?”Tumayo ito at pumunta sa dulo kung saan silang dalawa lang. Nakasunod siya dito.“What is it, Dad? And what is the meaning of this? Bakit may press?”“Press conference ‘to ng pagiging Project Manager mo sa Elise Corporation. Kailangan natin ‘to para sa publicity mo. Sa buong Pilipinas, ikaw ang may connection sa Elise... and that is because of Nova.”Tumahimik siya. ‘Yun naman talaga ang gagawin nya sana, pero hindi niya naisip because he was preoccupied with Paulette.“At ano na naman itong nabalitaan kong nakipagsuntukan ka sa Manila?”Nagulat siya. Nakarating na pala sa dad niya ang ginawa niya.“Caleb will t

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 600

    Pagdating niya sa munisipyo ay nakaabang na si Liam sa opisina niya.“What have you done, cuz?”Ito agad ang bungad sa kanya. Di man lang nangumusta, eh buong weekend silang hindi nagkita.“Done what?”“Ano itong mabalitaan ko na nakipag-trouble ka daw sa resto-bar? Bakit?”Sinimangutan niya ito. “Tapos na ‘yun.”“Bakit mo nga nagawa ‘yun? Hindi ka naman dating gano’n?”“I don’t know. Lasing lang ako.”Simula ng trouble niya sa bar ay hindi na muna siya pinapunta nina Caleb at Hunter doon. Hindi na rin alam kung bakit nalaman ni Liam ang tungkol doon. Baka lumuwas ng Manila ang pinsan niya pero hindi na sila nagkita.“Balita ko magkakaso daw ang lalaki sa’yo.”Nagulat siya. Hindi naman niya alam na totohanin ng lalaki na kakasuhan siya.“Nalaman ng lalaki na mayor ka kaya mukhang mamemera. Bad publicity pa sayo yan. Sasabihin nilang warfreak kang mayor. Eh umiiwas nga tayo sa mga balitang ganyan. Alam mo naman ang social media ngayon.”Humugot siya ng malalim na hininga. Kahit paano a

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status