Kinabukasan maaga siyang nagising. Nasa tabi pa din niya si Almira, masarap ang tulog nito habang nakayakap sa kanya. Napangiti siya. Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay nitong nakayakap sa dibdib niya saka lumabas ng kuwarto. Plano niyang magluto ng breakfast para kay Fern at Almira. Maagang aalis ang mga ito para magtrabaho.Paglabas niya ng kuwarto ay andoon na si Fern at nagkakape."Good morning..." bati niya. Tango lang ang sagot nito."Dyan natulog si Almira sa kuwarto mo?" diretsahang tanong nito.Tango lang din ang sagot niya. Umupo siya sa tabi nito."Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Liam. Mahal mo pa din ba si Almira?""Kung sasagutin ko ang tanong mo ay wala na ding silbi. I think it’s too late, Fern. I'm losing her. May nobyo na siya."Bumuntong-hininga ito. "Alam mo, ikaw at si Almira lang din ang nagpapahirap sa mga sarili nyo. Halata naman na mahal nyo pa ang isa't isa pero bakit hindi kayo makapagdesisyon ng tama para sa mga sarili nyo?"Bago pa man siya nakasagot ay
LIAM'S POV:Fuck! sigaw niya nang makapasok na siya sa kuwarto. Automatikong tumulo ang kanyang masaganang luha. He didn't see this coming. Kanina lang ay masaya sila ni Almira, bakit nito biglang sinagot si Antonio? Sana ay hindi niya hinayaan na makalapit si Antonio sa dalaga nang sa ganoon ay hindi ito nagkaroon ng pagkakataon na masolo si Almira.Pero kahit pa hindi niya ito hinayaan makasama si Antonio, kung may plano na talagang sagutin ni Almira ang lalaki ay mangyayari at mangyayari iyon.Damn! Napasabunot niya ang kanyang buhok. Ang sakit-sakit ng dibdib niya, para iyong pinipiga. Hindi na tuloy niya alam kung tama ang ginawa niyang hindi muna nagsabi agad kay Almira ng pakay niya dito sa Italy. Kung bakit kasi naisipan niyang ipakitang kaibigan lang ang gusto niya? Baka nagkaroon ng impresyon si Almira na hindi na niya ito mahal."Ang bobo mo, Liam!" sambit niya saka sinabunutan muli ang sarili. Tumayo siya mula sa kama at pumasok sa banyo. Maliligo siya nang sa ganoon ay ma
Hindi niya alam pero bakit biglang bumigat ang kanyang dibdib. Dapat ay masaya siya dahil sa wakas ay may nobyo na siya. Tama ba ang desisyon niyang sagutin si Antonio o nagpadalos-dalos siya? Bakit pakiramdam niya ay may kulang? Bakit hindi siya gaanong masaya?Nang makadaong ang mga bangka, agad na lumapit si Fern at Liam sa kanila. "Congrats, Almira, Antonio! Finally! Akala ko forever ka nang maghihintay kay Liam," biro nito.Pinandilatan niya ito ng mata. Mabuti na lang at hindi narinig ni Antonio ang sinabi ni Fern pero nakatingin lang si Liam sa kanya at sigurado siyang narinig nito ang sinabi ni Fern. Napayuko na lang siya."Congrats, bestfriend," nakangiting bati ni Liam pero bakit parang may pait sa mga mata nito."This calls for a celebration! Dahil sinagot na ako ng loves ko ay treat ko ngayon," sabi ni Antonio saka siya inakbayan. Akmang hahalikan pa siya nito sa pisngi pero umiwas siya. Hindi naman iyon binigyang-pansin ni Antonio. Hindi ibig sabihin na porke’t sila na ay
Natigil ang pagpapantasya niya nang may nag-doorbell. Malamang si Antonio na iyon."Hi.." agad na sabi nito nang pagbuksan niya. Naka long-sleeve at slacks ang lalaki. Naka sapatos din itong balat. Hindi niya alam kung gagala ito o magsisimba."You look gorgeous in that dress, Almira."Napangiti siya. "Thanks..." Maybe Liam was right, bagay sa kanya ang damit na yun.Hindi naman nagtagal ay lumabas din si Liam sa kwarto. He is wearing khaki shorts and white T-shirt at mukhang fresh na fresh ang lalaki. Naka sneakers lang din ito na lalong nagpaka-cool sa porma ni Liam.Napaka-angas nito tingnan. Hindi halatang isa itong councilor sa Pilipinas. "You look good, bestfriend.." hindi niya napigilan ang sariling purihin ang lalaki."Thanks bestfriend. You look good too. Bagay sa’yo ang pinili kong damit mo.""Ikaw ang pumili ng damit na isusuot niya?" nagtatakang tanong ni Antonio na parang naiilang sa closeness nilang dalawa ni Liam."Yeah.. ako palagi ang nagde-decide kung ano ang isusuot
"Why? Pangit ba?"Alam niyang bagay iyon kay Almira pero ayaw niyang iyon ang isusuot nito sa date nito kay Antonio."Too revealing." sagot niya. Napangiti naman ito."Ganito na ako ngayon dito sa Italy. Nakita mo naman ang mga foreigner dito di ba? Sumusunod lang ako sa uso." nakangiti nitong sabi habang binabalik ang damit at muling naghanap ng iba."You've changed, Almira... not to mention na sobrang ganda mo na.." mahina niyang sabi. Napatingin si Almira sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mga mata.Dahan-dahan siyang tumayo sa kama at lumapit sa dalaga habang hindi pinuputol ang kanilang pagtitinginan. Nang makalapit ay hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang likod ng kanyang kamay.Pero bigla siyang natauhan."Wear this." sabi niya saka kinuha ang isang damit na hindi sleeveless at hindi din spaghetti strap. Bagamat sexy pa din naman iyon dahil hanggang tuhod ang haba nun at medyo backless.Napangiwi si Almira. "This? Eh luma na to eh. Madami pa kong damit na hindi nagagamit. Kaka-s
"Good morning..." Napatingin siya sa dalawang kakalabas lang ng kwarto. Magulo pa ang buhok at naka T-shirt lang na mahaba. Tila sanay ang dalawa na ganung damit at nakalimutan ata ng mga ito na lalaki siya. Pero infairness sa dalawa ay may bra naman na suot ang mga ito.Nabaling ang atensyon niya kay Almira. Pakamot kamot pa ito ng ulo at hindi nakapagsuklay pero maganda pa din ito sa paningin niya."Upo na kayo. Matatapos na itong luto ko." sabi niya. Pinagtimpla niya ng kape ang dalawa."What's for breakfast?""Pasensya na, hindi ko alam kung ano ang gusto niyo. Nangialam lang ako dito sa ref kung ano ang available. Tocino at longganisa ang niluto kong ulam. Konti na lang at maluluto na ang kanin.""Wow sarap! Matagal na yan sa freezer pero hindi namin maluto-luto ni Almira dahil sa pagkabusy."Napangiti siya. "Don't worry, andito ako at ako magluluto para sa inyo. Aalagaan ko kayo.""Ow, ang sweet mo naman, consi? Pwede ka bang maging boyfriend?""Ahm, tanong mo muna sa bestfrien