 LOGIN
LOGIN



Bumalik siya sa veranda at tinawagan muli si Paulette para ma-divert ang kanyang atensyon sa kamunduhan. Pero hindi nito sinasagot ang tawag niya.“Di bale, bukas na lang ulit… baka tulog na siya.”Akmang babalik na siya sa loob nang mag-ring ang cellphone niya. Napangisi siyang nang makita si Paulette ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot.“Hi, babe… miss me?” Ang lapad ng ngiti niya, pakiramdam niya ay abot hanggang tenga.“Heh… ikaw nga ang naka-miss sa akin! Nag-call back lang ako sa’yo,” pasupladang wika nito.“Hahaha… bakit, hindi mo ba ako na-miss?”“N-na-miss.”“‘Yun naman pala, eh… I miss you, babe. Ilang araw na tayong ‘di nakapag-usap… pasensya ka na ha, busy lang…”“I understand… kamusta nga pala ang work mo d’yan?”“Okay naman. Bukas may meeting ulit kami with the local government. Sobrang busy… sa gabi lang ako nakakapagpahinga talaga ng ganito.”“Ganun ba? Sa graduation ko pala pupunta ka?”“Oo naman, ‘di ba napag-usapan natin ‘yan? Kahit gaano ako ka-busy dito, I will
ELIJAH'S POV:Kasalukuyan siyang nasa kanyang hotel room sa Cebu. Dalawang araw na sila doon dahil sa kanilang trabaho ni Nova. Kung sino-sinong malalaking tao na ang nakakausap nila. Aaminin niyang nagkaroon siya lalo ng confidence sa sarili dahil sa panibagong challenge na ito sa kanya. And he likes the feeling.Kasalukuyan siyang nasa veranda at may hawak na baso ng alak habang nakatingin sa mga ilaw ng Cebu. Napakaganda iyon tingnan mula sa kinatatayuan sa 10th floor ng suite niya.Na-miss na niya si Paulette. Simula nang dumating siya doon ay hindi pa sila nag-usap. Kinuha niya ang cellphone para tawagan ang nobya. Alas-nwebe pa lang naman ng gabi kaya siguradong gising pa ito.Pero bago pa man mag-ring ang telepono ay may kumatok sa kanyang pinto. Pinagpaliban niya ang pagtawag at binuksan ang pinto. Si Nova ang kumakatok. Agad niya itong pinagbuksan.“Hi, mayor…” malanding sabi nito. Nakaroba lang ang dalaga at mukhang bagong ligo. Magkaharap lang ang hotel suite nila kaya mabi
Pagkatapos nilang kumain ay gumala naman sila sa department store. Shoulder bag na mamahalin ang binili ni Tanya. Si Tere naman ay konti lang ang binawas sa perang binigay niya. Naghihinayang itong gumastos dahil hindi naman daw ito materialistic. Mas mabuti daw na ibigay na lang sa nanay nito para pangkain ng pamilya nila.Naawa siya kay Tere, ganun na ganun ang nararamdaman niya noong walang-wala sila. Si Tanya naman ay mabilis lang namang magkaroon ng pera dahil madami itong raket. Pero lately ay mahina daw ang kita kaya tuwang-tuwa nang bigyan niya ng pera.“Sa graduation n’yong dalawa, sasama ako ha.” sabi ni Tanya“Oo naman! Dapat andoon ka. Hindi ako papayag na hindi ka pupunta. Tapos mag-bonding ulit tayo.” Pangako niya sa dalawa. Pipilitin niyang muling i-treat ang dalawa sa huling araw nila sa Pilipinas.“’Wag na, Paulette! Kahit doon na lang tayo sa McDo o Jollibee.”“Hindi… ako ang bahala sa inyo.” pamimilit nya“Pero pupunta din si Mayor, di ba? Baka mawalan ka ng time sa
“Huy, Paulette! Saan ka kumuha niyan?! Ang dami mong pera!” nanlaki ang mga mata ni Tanya“’Wag mo sabihing na-encash mo na ang isang milyon na binigay ni Gov. Felix sa’yo.” Dugtung naman ni Tere “Huh? Anong isang milyon?” gulat na tanong ni Tanya. Sila naman ang nagtinginan ni Tere.“Kasi ang daddy ni Mayor Elijah, binayaran si Paulette para layuan si Mayor dahil hindi daw siya ang gusto para sa anak niya.”“Huh? Ang yabang naman nila!” inis na sabi ni Tanya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin, Paulette?”“Pasensya ka na, Tanya. Hindi ko na nasabi… hindi naman importante. Saka hindi ko in-encash noh! Ibabalik ko ang isang milyon niya. Hindi ko kailangan ’yun.” Mayabang na sabi niya.“Saan ka kumuha ng pera kung ganun?”“Basta!” tipid na sagot niya. Bawal sabihin ang totoong estado niya ngayon.“Anong basta!… baka nagbebenta ka ng drugs ha? Imposible naman na magkaroon ka ng ganyan kalaking pera!?”Humugot siya ng malalim na hininga. Kating-kati na ang dila niya na i-share ang kanyang ka
Namumula pa din siya habang pabalik sa kanyang mama at mga kapatid na ini-enjoy ang lambot ng kama.“O, bakit parang hindi ka maihi na pusa diyan?” nagtatakang tanong ng mama niya.“Ah, eh wala ma…” sagot niya. Ayaw niyang ikuwento ang kanyang nahahalata na parang nagpapa-cute si Atty. Chan sa kanya. Baka sabihin ng mga ito na kapal ng mukha niya.“Ma, ang sarap pala maging mayaman kapag ganito kalambot ang kama at ganito kaganda ang tinitirhan!” sabi ni Charlotte na pagulong-gulong sa kama.“Madami pang pagkain dito sa lamesa, ate. May chocolates at cake!” excited naman na sabi ni Asherette habang puno ang bunganga ng pagkain.“Kulang pa ito, anak. Kapag makapunta tayo sa China ay baka malula kayo sa karangyaan natin.”“Nakapunta ka na ba sa China, ma?” tanong nya.“Oo naman, doon ako pinanganak eh. Ang daddy lang ang nagpumilit na dito kami titira sa Pilipinas. ’Yun pala, dahil may kabit siya dito at para hindi makikita ni lolo ang kanyang gagawing pananakit kay mommy.”“Napakawalan
Nakahiga siya sa kanyang kama. Mag-a-alas dose na pero hindi pa rin siya makatulog. Iniisip niya ang pinag-usapan nila ng kanyang mama Elise. Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa kanyang utak na mayaman pala sila... at hindi lang basta mayaman, isa sa pinakamayaman sa buong mundo!Ang dami niyang hugot sa buhay dahil sa kahirapan. Kung ano-anong trabaho ang pinasok niya para lang mabuhay sila. Isang beses naging escort pa siya. Nagkaroon siya ng maraming insecurities dahil sa kahirapan nila. But now, the tables have turned... Hindi pa rin niya alam kung panaginip ito o isa lang prank.Nakatitig lang siya sa kisame habang nakahiga. Ano na ngayon ang gagawin niya? Bukas ay mayaman na sila, pero bakit parang hindi siya masaya? Siguro dahil may maiiwan siya... si Elijah.Kapag sinabi ba niya kay Elijah na mayaman talaga sila, matutuwa ito? Pero kabilin-bilinan ng mama niya na walang makakaalam hangga’t nasa China na sila. Walang pwedeng makaalam ng totoong pagkatao nila dahil delikado. Bukod








