Share

CHAPTER 89

Penulis: dyowanabi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-28 22:39:51

***************

YASSY'S POV:

Nag-umpisa na ang pasukan. Nasa bench siya nakaupo habang hinihintay si Belle. Doon ang tagpuan nila lagi dahil sabay silang umuuwi.

It's been a week since umalis si Hunter at hiniwalayan siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakapag-usap. She missed him so much, pero baka nga ayaw na talaga ni Hunter sa kanya… Natiis kasi siya nitong hindi kausapin for a week.

Maya-maya ay nag-ring ang cellphone niya. It’s her dad.

"Hello, Pa?" Walang ganang sagot niya.

"Anak, kamusta ka na d'yan? Nag-umpisa na ba ang school mo?" masiglang sabi ng papa niya.

"Yes, Dad, nag-umpisa na. Okay naman ako dito."

"Kamusta si Hunter d'yan? Alam mo, anak, nagpapasalamat talaga ako na nandiyan si Hunter kasama mo. At least, hindi na ako mag-aalala sa'yo."

Natigilan siya. Hindi ba alam ng mga ito na umuwi na si Hunter last week pa? At hindi pa ba alam ng mga ito na break na sila?

Hindi niya alam kung bakit hindi sinabi ni Hunter. Marahil ay wala ring alam sina Tita Helen at Tito
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Billyjhane Legaspi
anghirap nman.every chapter.need pa manood ng 22 ads.kaumay.!
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update bkit hnd 0a Yan ipakulong si Phoebe kasama barkada niya
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 613

    Habang nag-aayos ng kanyang mga gamit ay tinawagan niya sina Tanya at Tere. May GC silang tatlo kaya mabilis niyang na-contact ang dalawa ng sabay. Nag-video call sila.“Pwede ba tayong mag-meet sa labas ng campus, mga friend?” sabi niya.“O, bakit parang malungkot ang boses mo?” tanong ni Tanya“Mamaya ko na ipapaliwanag. Punta na kayo ngayon sa campus. Papunta na ako doon.”“Huh? Bakit naman nagmamadali ka? Kakatawag mo lang tapos ngayon agad-agad pupunta?” si Tere naman ang nagsalita.“Wag na kayong magtanong. Basta punta na kayo ngayon. Mag-taxi na kayo, babayaran ko ang pang-taxi niyo.”“Sige... kung di ka lang namin love eh, hmp!”Pagkatapos nilang mag-usap ay sandali siyang umupo at gumawa ng letter para kay Elijah. Makikipaghiwalay siya sa kanyang nobyo. Hindi niya alam kung kailan pa sila magkikita muli. Ayaw niyang paasahin ang lalaki. Hindi niya alam kung hanggang kailan sila sa China at kung kailan sila babalik sa Pilipinas... o baka nga hindi na.Tumutulo ang kanyang luha

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 612

    “Bakit ka pa naghahanap ng lalaking apo, Lolo? Ayan si Paulette, ga-graduate na siya. Siya ang hahawak sa negosyo mo. Matalino ‘yang apo mo, ‘wag mo nga lang akong asahan dahil hindi ako nakapag-aral simula nang lumayas ako at napunta sa bahay-ampunan,” malungkot na sabi ng mommy niya.“No, Elise. ‘Wag mong sisihin ang sarili mo kung bakit hindi ka nakapag-aral. ‘Wag mo nang intindihin ‘yan dahil may mga anak ka na magtutulong-tulong para palaguin ang mga negosyo natin sa Elise Corporation.”“Elise Corporation?” tanong niya.“Oo, iha... bakit?” nagtatakang tanong ni Lolo Li.“Ah eh... wala po, Lolo... narinig ko lang sa mga balita. Sa inyo pala ‘yung Elise Corporation?”“Sa atin, iha..." pagtatama ng lolo nya. "Pinangalan ko sa mama niyo ang kompanya dahil siya ang nag-iisa kong tagapagmana at umaasa ako na magkikita pa kami... at eto na nga, nangyari na.”Natahimik siya... ‘Di ba ang pinagtatrabahuhan ngayon ni Elijah na bagong Chinese company ay sa Elise Corporation? Kumpanya ba ng

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 611

    Kinabukasan, habang nagbe-breakfast sila ng kanyang mga kapatid, ay nahalata niyang may bumabagabag pa rin sa kanyang mama.“Ma, are you okay?”“Ok lang ako, anak.”“Iniiisip mo pa rin ba ang text na natanggap mo kagabi?”“Hindi ko lang lubos maisip kung paano ako nahanap ni Daddy. It’s been years... Kung kailan nahanap ako ni Lolo ay saka naman din nahanap din ni Daddy... bakit ganun?”“Ang mabuti pa, sabihin natin kay Atty. Chan.” suwestyon nya“‘Wag mo nang intindihin ‘yun, anak. Ako na ang bahala. Kumain ka lang diyan.”Hindi na siya muling nagtanong pa at pinagpatuloy ang kanyang pagkain. Gusto niyang bigyan ng oras ang kanyang mama para makapag-isip-isip.Maya-maya ay may kumatok sa kanilang pinto. Siya ang tumayo para lumapit sa pinto, pero bago pagbuksan ay tiningnan muna niya sa peephole kung sino ang naroon. Napangiti siya nang makita si Atty. Chan. Agad niya itong binuksan.“Good morning, Paulette,” nakangiting bati ni Atty. Chan.“Good morning din, Atty.,” nahihiyang sabi

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 610

    Bumalik siya sa veranda at tinawagan muli si Paulette para ma-divert ang kanyang atensyon sa kamunduhan. Pero hindi nito sinasagot ang tawag niya.“Di bale, bukas na lang ulit… baka tulog na siya.”Akmang babalik na siya sa loob nang mag-ring ang cellphone niya. Napangisi siyang nang makita si Paulette ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot.“Hi, babe… miss me?” Ang lapad ng ngiti niya, pakiramdam niya ay abot hanggang tenga.“Heh… ikaw nga ang naka-miss sa akin! Nag-call back lang ako sa’yo,” pasupladang wika nito.“Hahaha… bakit, hindi mo ba ako na-miss?”“N-na-miss.”“‘Yun naman pala, eh… I miss you, babe. Ilang araw na tayong ‘di nakapag-usap… pasensya ka na ha, busy lang…”“I understand… kamusta nga pala ang work mo d’yan?”“Okay naman. Bukas may meeting ulit kami with the local government. Sobrang busy… sa gabi lang ako nakakapagpahinga talaga ng ganito.”“Ganun ba? Sa graduation ko pala pupunta ka?”“Oo naman, ‘di ba napag-usapan natin ‘yan? Kahit gaano ako ka-busy dito, I will

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 609

    ELIJAH'S POV:Kasalukuyan siyang nasa kanyang hotel room sa Cebu. Dalawang araw na sila doon dahil sa kanilang trabaho ni Nova. Kung sino-sinong malalaking tao na ang nakakausap nila. Aaminin niyang nagkaroon siya lalo ng confidence sa sarili dahil sa panibagong challenge na ito sa kanya. And he likes the feeling.Kasalukuyan siyang nasa veranda at may hawak na baso ng alak habang nakatingin sa mga ilaw ng Cebu. Napakaganda iyon tingnan mula sa kinatatayuan sa 10th floor ng suite niya.Na-miss na niya si Paulette. Simula nang dumating siya doon ay hindi pa sila nag-usap. Kinuha niya ang cellphone para tawagan ang nobya. Alas-nwebe pa lang naman ng gabi kaya siguradong gising pa ito.Pero bago pa man mag-ring ang telepono ay may kumatok sa kanyang pinto. Pinagpaliban niya ang pagtawag at binuksan ang pinto. Si Nova ang kumakatok. Agad niya itong pinagbuksan.“Hi, mayor…” malanding sabi nito. Nakaroba lang ang dalaga at mukhang bagong ligo. Magkaharap lang ang hotel suite nila kaya mabi

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 608

    Pagkatapos nilang kumain ay gumala naman sila sa department store. Shoulder bag na mamahalin ang binili ni Tanya. Si Tere naman ay konti lang ang binawas sa perang binigay niya. Naghihinayang itong gumastos dahil hindi naman daw ito materialistic. Mas mabuti daw na ibigay na lang sa nanay nito para pangkain ng pamilya nila.Naawa siya kay Tere, ganun na ganun ang nararamdaman niya noong walang-wala sila. Si Tanya naman ay mabilis lang namang magkaroon ng pera dahil madami itong raket. Pero lately ay mahina daw ang kita kaya tuwang-tuwa nang bigyan niya ng pera.“Sa graduation n’yong dalawa, sasama ako ha.” sabi ni Tanya“Oo naman! Dapat andoon ka. Hindi ako papayag na hindi ka pupunta. Tapos mag-bonding ulit tayo.” Pangako niya sa dalawa. Pipilitin niyang muling i-treat ang dalawa sa huling araw nila sa Pilipinas.“’Wag na, Paulette! Kahit doon na lang tayo sa McDo o Jollibee.”“Hindi… ako ang bahala sa inyo.” pamimilit nya“Pero pupunta din si Mayor, di ba? Baka mawalan ka ng time sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status