Share

CHAPTER 18: Helping a friend?

Kinaumagahan ay maagang nagising si Aula para maghanda ng almusal.

Nang lumabas siya sa kanyang silid ay nakita niyang wala na sa sala si Nicolo. Maging ang mga gamit nito ay wala na rin doon. Maliban lang ang electricfan nito sa gilid na malamang iniwan na lang nito iyon.

Hmn, baka napagtanto din nito na hindi talaga maganda na tumira ito sa kanila at malamang hindi naging komportable ang naging higaan nito sa sofa nila na yaring kawayan pa naman.

Humigikhik siya.

Ano ka ngayon Nicolo, sinasabi ko na sayo hindi mo kaya ang buhay ng probinsya!

Grabe hindi talaga siya makapaniwala kagabi na nagtungo ito sa bahay nila. Biruin mo naman, isang artista nakikitira sa bahay nila? Hindi lang iyon baka may makakita dito na taga bukid at malaman nilang naroon sa kanila si Nicolo.

Pagkatapos nilang kumain kagabi at tumulong sa kusina ay nagtungo agad siya sa kanyang silid. Ayaw niyang harapin si Nicolo dahil nagagalit at naiinis siya rito.

Mabuti na lang at napasarap naman ang tulog niya kagabi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status