LOGINThey had lost control of what society expected of them. As well as their trust in one another in light of their unexpected circumstances. Despite their desire to give it another shot, fate has been unkind to them, and it has become impossible for them both to mend not only their relationship but also themselves. How can you expect to love someone else if you can't love yourself? This is true, at least according to Garette. It will always be Garette and no one else for her, with the thought 'Losing control of the things around them' at the same time, losing Garette in the process.
View MoreMabilis kong itinabi ang hawak-hawak kong papel. Isinabay ko na rin ang pagligpit ng librong mas nauna ko nang binabasa kanina lang. Sandali pa't napatingin na rin ako sa orasang nakasabit malapit sa direksyon ko. "Tulungan na kita diyan. Ibabalik mo ba yan o dadalhin mo sa classroom?" muling banat ng binata. Aktong kukunin na nito ang mga gamit ko't aalalayan din ako. Marahan akong umiling upang senyasan ito na kaya ko na ang pag babalik ng hiniram kong libro."Hindi ko napansin ang oras," maikling saad ko. Tumayo na rin ako at tinungo ang pinagkuhanan ko ng babasahin. Dama ko naman ang pagsunod noon ni Benjo. Sa parehong oras, idinulas ko na rin sa bulsa ang kapirasong papel na napulot ko kanina mula sa libro ni Garette."Halata nga. Galing na ako sa room hindi kita nakita. Sakto naman ibabalik ko rin yung mga hiniram kong libro. Mabuti pala nahagip ka ng tingin ko," paliwanag ng lalaki habang sinusubukan kong abutin ang ikatlong seksyon ng shelf.Sa parehong pagkakataon, napansin
Nagkatinginan kami ng katabi matapos ang sinabing iyon ng guardian niya. Though, aware naman ako sa gender ng mga nasa harapan ko. Iyon nga lang, medyo di ko mapigilang hindi mailang gayong tila may laman ang huling saad ng nakatatanda. I managed to console myself by hugging myself inadvertently. Ganon na lang din at nagpabalik-balik ang titig ni Garette sa akin at pati na rin sa mga nagsisilbing magulang nito. Napansin ko iyon kahit pa sa gilid lang ng mga ko siya tinitignan. Maging ang pagtapon ng dalaga ng masamang tingin, hindi nakalampas sa bista ko. Ganon na lang ba talaga ang pag aalala nito para sa iisipin ko? Kung gayon pala'y may natatagong konsensya tong taong to. Sa unang tingin kasi eh' tila nabubuhay lamang para sa sarili tong si Garette. Nakakatuwa rin na may concern din pala siya sa iba. "I've already told you, Tita. Just stop. Arni is uncomfortable because of you," Garette said. Halata sa tinig nito ang pagkainis. Kung iyon ang nais makita ng mga guardian niya eh' mu
Tinungo ko agad ang direksyon ng pamilya ko. Inabutan ko roon ang mga kapatid ko na sinisimulan na ang pagkain na dala-dala nga ni Daddy. Inimbitahan ko ang sarili sa isa sa mga upuan at sinaluhan na rin sila Asha."Kamusta naman ang Engineer namin?" panimula ni Dad habang aktong pinagsasandok pa siya ng kanin ni Mama. "Ayos lang Dad. Kaya pa naman," tugon ko at saka ipinasa ni Kuya Arson ang straw pati na rin ang milktea. Kinuha ko iyon at mabilis na tinusok sa ibabaw noong inumin."Ako Dad hindi mo ba ako kakamustahin?" baling ni Kuya. Nakangisi pa siya habang sumisipsip sa milktea. Nalipat tuloy ang tingin sa kanya ng parehong magulang namin at sabay pa ngang umani ng pabirong singhap. "Mukhang hindi mo na kailangan non Arson. Asha? Hindi ka nagsasalita ah? Kamusta so far ang pagiging high school?" lipat tanong ni Daddy. Nagpatuloy lang ang gabi sa pangangamustahan. Gabi-gabing ritwal na iyon sa tahanan namin. That gives me comfort because, despite their busy schedules, my paren
Armani's POV Nakasakay kami sa loob ng tricycle ngayon. Katabi ko itong kapitbahay namin habang nasa likod naman yung kapatid ko. Madilim na ang dinadaanan at tanging mga streetlights na lang ang nagsisilbing liwanag na mapapansin mula rito sa loob ng sinasakyan namin. Pansin ko naman na walang imik tong isa kaya naman ako na ang nag-umpisa ng usapan. "Buti sinusundan mo kami ni Benjo kanina?" Kahit madilim, nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya mula sa salamin sa harapan namin. Yumuko siya pero maya-maya ay tumingala rin. Umubo pa siya bago alangang sumagot. "I d-didn't followed you..." sandali niyang pinutol ang sinasabi at saka muling yumuko. Itinuloy niya rin iyon. Aniya, "I did. I followed you. Sasabay sana ako umuwi." Sinuklian ko ng mahinang tawa ang sinabi niya. Unlike earlier, her confidence is barely showing. Naiintindihan ko naman kung bakit ganon na lang ang reaksiyon niya. Maaaring nahihiya dahil sa naunang encounter namin. Kahit ako, tanda ko iyon at aaminin ko rin
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.