Share

Chapter 4

Lalo kaming nagkalapit ni Sophia pagkatapos namin mag usap sa coffee shop na kung minsan sinasama na din namin sya ni Carol kung kami ay kakain sa canteen, yun ay kung sabay ang break time namin. May konting tampo sakin si Carol nang sinabi ko sa kanya na gustong makipag kaibigan sakin ni Sophia subalit nagkaayos naman kami agad.

"Carol!!" nandito ako ngayon sa labas ng kanilang bahay. Lunes ngayon at wala kaming pasok kaya napagpasyahan namin na mag movie marathon. May bumabagabag din sa aking isipan lalo na sa bahay nung nakaraan kaya gusto kong i-share at ikwento ito sa kanya

Nakailang tawag pa ako sa kanya nang lumabas na siya.

"Tagal mo" sabi ko at pinagbuksan na nya ako ng gate.

"Naliligo po kasi ako madam pasensya na ho" sabi nya na may halong irap pa.

"Tusukin ko mata mo dyan eh" 

"Gawa" mabilis nyang sagot.

"Teka, san pala si Phia kala ko sasama?" tanong ni Carol sakin. Naglalakad na kami papuntang pinto at tumigil ako para sagutin sya.

"Busy daw" sagot ko at dumiretso na sa kanilang sala.

"Sayang naman" sabi ni Carol at dumiretse na sa kanilang kusina.

"Dala ka madaming chips ha! Pati inumin ayoko ng plain na tubig gusto ko may kulay!" sigaw ko sa kanya at dumiretso na ako sa kanyang kwarto sa taas. Ganito ako sa kanila feel at home lang dahil parang pamilya ko na rin itong sila Carol sa tagal na naming magkaibigan. May isang kapatid si Carol na panganay yun ang ate nya na naging nobya ni kuya noon. Ang parents naman ni Carol ay tuwing sabado lang umuuwi dahil malayo ang kanilang pinagtatrabahuan.

"OO!! noted ho!!" tugon nya.

Nang makapasok na ako sa kanyang silid humiga agad ako sa kama, kinuha ang remote at binuksan ang tv, habang hinihintay si Carol.

Matagal pa bago nakarating ng silid si Carol kaya nadatnan ako nitong nagbabasa ng kanyang manga books, mahilig ito sa anime kaya madami sya nito.

"Hoy babae" tawag nya sa akin at nakita kong dumungaw sya sa may pinto bago pumasok.

"Bagal ah" sabi ko at niligpit ang aking binabasa.

"Nakakahiya naman sa may ari ng bahay" sagot nya

Marami itong dala, iba't ibang snacks at nakalagay ito sa paperbag ang inumin naman ay bitbit nya din nakaka-guilty naman at di ko tinulungan, next time na lang.

Binaba nya ang kanyang mga dala sa study table malapit sa higaan at tinabihan ako sa kama.

"may napili ka na ba?" tanong nito at kinuha ang remote saka nag browse sa netflix.

"Ano bang latest ngayon?" tanong ko.

"tignan na lang natin" saad ni Carol

Namili sya nang namili at napagpasyahan na lang namin na comedy ang panoorin.

"Nga pala Carol" sabi ko sa kalagitnaan ng panonood namin. Busy naman ito sa panonood at sa kanyang kinakain.

"Oh?" sagot nya tutok pa rin ito sa tv.

"Fan ka ba ng Jasper the ghost?" tanong ko

"Huh?" nilingon nya ako saglit at saka kumuha ng panibagong snack sa may study table.

" Di mo alam yun?" tanong ko at kumuha na din ng pagkain.

Tinuro naman nito ang kanyang sentido na parang nag iisip.

"Ahh! Yung movie? Matagal na yun diba? Bakit gusto mo ba yun na lang panoorin natin?" aniya.

"Hindi tinanong ko lang" sabi ko naman at binuksan ang snack na aking hawak saka kumain. "May ikukwento kasi ako sayo" dugtong ko.

"Spill na" sabi niya

"Yung bahay kasi namin need ko na ata ipa-bless"

Napalingon naman ito sakin ng nagtataka

"Bakit? May nagpaparamdam? Lagot kaaa!"

"Parang ganun na nga" sabi ko

Itinigil muna nito ang aming pinapanood at tinuon ang atensyon sakin. 

"Pano? May nagparamdam sayo?" nanlalaking matang tanong nya.

"Yup, tsaka eto oh" may dinukot ako sa aking bulsa at pinakita ang papel.

"Nice, average type of body huh" basa nya sa nakasulat. "ano to kanino galing" dugtong nya at sinuri ang papel.

"Hindi mo naman penmanship, baka kapitbahay nyong manyakis yan ha nako ka Ellie!" hinampas pa nya ako sa balikat.

"Wala naman kaming ganong kapitbahay, sulat yan ng multo!" sabi ko.

Napatitig naman si Carol sakin at humagalpak ng tawa.

"PFFT HAHAHAHAHA WAG KA NGANG MAGBIRO NG GANYAN ELLIE HAHAHAHA" wala pa rin syang tigil sa pag tawa.

"Gaga totoo nga! Hindi kapani-paniwala pero yun ang totoo"

"Funny Ellie papasa ka na bilang clown"

Hirap namang paniwalain ng babaeng to.

"Totoo nga promise!!" sabi ko at tinaas ko pa ang aking kamay na parang nanunumpa. 

Tinignan naman ako nito ng blankong ekspresyon at tinuon na lamang ang atensyon sa aming pinapanood. 

Tinignan ko naman sya at nabigla na lang ako ng tumawa sya ng malakas. 

" HAHAHAHHAHAHA PFFT" tumingin pa ito sakin. 

"Edi wag ka maniwala!" inirapan ko ito ng pabiro at tumayo ako para mag cr. 

"San punta mo?" tanong nya. 

"CR" tugon ko. 

"Kaya pala nagtatanong ng Jasper the Ghost, bakit kakaiba ba yang multo na yan?" 

Nilingon ko sya at pinakita ulit ang papel na pinakita ko sa kanya kanina. 

"This" sabi ko at saka binuksan na ang pinto ng kanyang kwarto para mag cr sa baba. 

"Ganda naman! HAHAHAHAHA" dinig kong sabi nya pa bago ko isara ang pinto. 

"Tse!" sigaw ko sa kanya. 

.....

Hindi din kami nagtagal sa panonood ni Carol ng movie, kaya napagpasyahan naming pumunta muna sa mall na malapit lang sa kanila.

"Ellie, lika dito dali tignan mo bagay to sayo" nandito kami ngayon sa department store at pinakita nya sakin ang dress na kulay navy blue. Maganda ito at sexy tignan.

"Ang price maganda din ba?" tanong ko at nilapitan sya.

"Kaya naman, tara sukat mo" hinila nya ako papuntang fitting room at binigay sakin ang dress.Wala tao ngayon sa fitting room at solo namin ito. 

"Oh sukat mo ha, pakita mo din sakin" bigla nyang sinarado ang pinto at ni-lock ko naman ito.

Binilisan ko ang pag bihis at nang masukat ko ito kita kong fit na fit ito sa aking katawan, nakikita na din curves ng katawan ko wala naman kaso sakin iyon dahil proud naman ako sa curves ng katawan ko. Nang matapos sa pagbihis binuksan ko na ang pinto.

"Carol eto--" naputol ako sa pagsasalita ng makita kong wala si Carol dito. San naman kaya nagpunta yun.

"Carol?" wala ito rito at sinilip ko pa ang ibang fitting room isa isa baka nagsusukat lang din sya. Nagulat na lamang ako ng biglang bumukas ang isang pinto na dapat ay aking sisilipin nang biglang may lumabas na lalaki.

Napatigil naman ako at ganun din sya, tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Gwapo ito masasabi ko at parang kasing edad lang namin ni Carol. Tinitigan ko sya ng maigi maamo ang kanyang mukha at mapungay ang mga mata, medyo mahaba din ang buhok nito na umaabot na hanggang balikat.

Hindi pa rin ako umaalis sa aking kinatatayuan dahil pakiramdam ko di ako makakakilos.

"So, yeah? You look great it suits you" biglang sabi nito at ngumisi pa.

Bumalik naman ako sa katinuan at kumurap kurap pa.

"Huh?" wala sa sarili kong tanong.

Tinignan naman ako nito ng ilang sandali at saka ako tinalikuran at lumabas na ng fitting room.

Tinignan ko naman ito mula sa kanyang likod hanggang mawala sya sa paningin ko. Bigla naman sumulpot si Carol mula sa pinto ng fitting room at kita kong madaming bitbit na mga damit.

"Ellie! Ang ganda!!! Bagay sayo yan!" sigaw nya sakin at binigay ang iba pang mga damit.

"Oh sukat mo pa 'tong iba dalii"

"Huh? Ang dami naman nito" tinignan ko ang mga damit isa isa at binigay sa kanya. "Ikaw na lang sukat mo" dagdag ko.

"Ayaw mo ba? ang gaganda kaya" tinignan nya pa ito samantalang ako tinuon na lang ang pansin sa fitting room kung saan nanggaling ang lalaki.

"Hoy! nakikinig ka ba? " sinundot nya ang pisngi ko kaya napabaling naman ang tingin ko sa kanya.

"Huh?" takang tanong ko?

"Ay oh tignan mo hindi nakikinig, napapano ka ba?" nagpamewang sya sa harap ko. "Pansin ko may tinitignan ka ah anong meron?" tanong nya.

"Uh- wala naman nagugutom na kasi ako" palusot ko sabay hawak ko sa aking tiyan.

"Agad? kumain naman tayo sa bahay ah bago umalis" saad ni Carol.

"Eh nakakagutom kaya maglalakad lakad" 

"Sya tara na magbihis ka na dun ibabalik ko lang tong mga damit, tsaka bilhin mo na yang damit bagay naman sayo"

"Kala ko libre mo?" pagbibiro ko

"Hindi moko nanay gaga ka" binelatan pa ako nito saka umalis na ng fitting room. agad din naman ako nagbihis at pagkatapos nun lumabas na din bit bit ang damit papuntang cashier tinext ko na lang si Carol para ipaalam na babayaran ko na ito.

*Dito na ako sa pila ng cashier ako na magbabayad* 

Kalaunan nag reply din naman agad siya.

*ikaw naman talaga magbabayad nyan loka ka, wait me*

Mahaba ang pila kaya baka matagalan pa ako dito.

"Nice choice, bibilhin mo nga talaga yan?"

Gulat naman ako ng biglang may nagsalita sa aking likuran, hindi ko na lang nilingon at baka may kausap.

"Aww, I did compliment you pero snob lang ako?" patuloy lang sa pagsasalita nito ako naman ay nakikinig lang sa usapan nila. " You look great in that navy blue dress" dugtong nya.

Hindi ko alam pero napalingon na ako sa aking likuran at nakita ang lalaking kaninang nakasama ko sa fitting room. Nakangisi itong nakatingin sakin na animong nang aasar.

"Hi" saad nito at kinaway ang kamay.

Tinanguan ko lamang siya dahil ang awkward para sakin ng sitwasyon. Ang lakas pa ng loob nya.

"Uh-thanks?" biglang sabi ko

Tinalikuran ko na ito at chineck ang phone kung may text na si Carol. Ang tagal naman nya ata.

"Fuck" rinig kong bulong ng lalaki sa aking likuran. 

Hindi ko na lang ito pinansin.

"JP!!" may bigla naman sumigaw sa may likuran at pamilyar ang boses na ito kaya lumingon ako.

"Ellie?" nagulat ako ng makita ko si Sophia.

"Uyy Phia, anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"You two know each other?" singit naman ng lalaki na ngayon ay katabi ng Sophia.

"Yes Uhm she's my friend" sagot ni Sophia. "Btw this is my cousin JP" siniko nya pa ang lalaki na pinsan nya pala.

"uh-hello" tugon ko

"Great , Ellie right?" tinanong nya pa ako at mas lalong ngumisi.

"Stop it JP" saway sa kanya ni Sophia.

"Mag isa ka lang Ellie? Asan si Carol?" dugtong nya.

"Nandyan lang sa tabi tabi, pabalik na din yun" sabi ko at nginitian sya.

"Oh yun naman pala, Sabay na kayo samin kain tayo, my treat" aya ni Sophia.

"Kasi--" naputol ang aking sasabihin ng biglang dumating si Carol.

"Ellie!, huy Phia andyan ka pala!" masiglang sabi nito. At tumingin kay JP.

"Boyfriend mo?" tanong nito kay sophia.

"Nope, cousin" sagot ni Phia

"Oh, Hii I'm Carol" pakilala nya kay JP at nginitian naman sya nito.

"Guys tara my treat kain tayo" pagyaya ulit ni Phia

"Ay libre? G agad tara naa" saad ni Carol. "Ano Ellie tara?" tanong nya sa akin.

"Sige tara"  tugon ko

Sa isang resto na namin napagdesisyonan na kumain at ito din ang pinili ni Sophia dahil masarap daw ang mga sineserve dito mukang mamahalin pa.

Nakapili na din kami ng aming table magkatabi kami ni Carol at magkatabi naman si Sophia at JP na kanina pa tahimik.

"We used to eat here kasama si Nathan" biglang sabi ni Sophia. Kita ko naman na kumunot ang noo ni JP sa sinabi ni Sophia.

"I miss him" malungkot na saad ni Sophia. Nagkatinginan namn kami ni Carol at bumaling kay Sophia.

"Order na tayo" singit naman ni JP at kinuha ang menu.

Naging tahimik ang aming table hanggang sa dumating ang pagkain hindi ko alam ako lang ba ang nakakahalata na parang may tensyon sa pagitan ni Sophia at JP.

Hindi ko na ito pinansin at pinagpatuloy na lamang ang pagkain, May kakaiba kay JP sigurado akong naging malapit din siya kay Nathan noon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status