INICIAR SESIÓNPagbalik nina Liam at Fatima sa malaking bahay, wala na sina Kendra at Daniloa.Napansin agad nila ang mga tingin ng ilang kasambahay na kanilang nadaanan. Bagaman magalang pa rin ang pagbati ng mga ito, halatang may mga gustong itanong. May ilan pang palihim na nagkakatinginan.Hindi naman kataka-taka. Marami ang nakarinig sa naging rebelasyon niya kanina tungkol sa pagkakaroon niya ng asawa. At mukhang may kutob na rin ang mga ito kung sino ang tinutukoy niya. Hindi na niya iyon pinansin. Sa dami ng nangyari ngayong gabi, wala na siyang pakialam kung ano ang iniisip ng iba.“Tita!”Si Imelda ang sumalubong sa kanila pagpasok sa sala. Mabilis itong lumapit kay Fatima.“Tita, totoo ba? Liam is married?”Tumango si Fatima. “Yes.”“Sino ang asawa niya?” tanong ni Imelda kahit may kutob na.“Yes…. Si Andeng.”Napasinghap pa rin si Imelda.Napatingin ito kay Liam, na naglakad paakyat ng hagdan.“But how? I mean, kailan pa sila nagpakasal?”“Imelda, I'm sorry, pero saka na natin pag-usa
Ngayon ay magkakaharap silang lima sa sala. Magkatabi sa isang sofa sina Mang Andoy at Aling Minda, habang nasa kabilang upuan nakaupo si Fatima.Katabi ni Liam ang asawang tahimik na idinidiin ang malamig na compress sa namamagang pisngi niya. Kanina pa siya nakatingin kay Dina at pilit na hinuhuli ang tingin nito pero hindi naman ito nakikipaglabanan ng titigan sa kanya.Napailing-iling si Mang Andoy habang nakaharap sa dalawa at masama ang tingin na ipinupukol kay Liam., saka to napatawa nang mahina, yung labas sa ilong.“Akalain mo nga naman... ikaw nga talaga 'yung manlolokong ama ni Lian. Kung hindi lang ako nahihiya kay Senyora, baka naputol ko na ang kaligayahan mo!”“Andoy!” saway ni Aling Minda sa asawa.Doon ay hinarap ni Liam ang biyenan.“Pasensya na po kung nasaktan ko ang anak nyo. Kasalanan ko po.”“Mabuti’t alam mo.”Hindi na sumagot si Liam. Bahagya siyang napangiwi nang medyo naidiin ni Dina ang compress sa pasa niya.Sunod na binalingan ni Mang Andoy si Dina.
Mabilis na lumabas ng bahay si Liam na parang hindi naririnig ang mga tawag sa kanya.“Liam!” habol ni Fatima.Hindi huminto ang binata. Diretso lang itong naglakad papunta sa kanyang sasakyan habang mahigpit na hawak ang susi.“Liam, wait! Ano bang nangyayari?” naguguluhan wika ni Fatima na nakasunod sa kanya.“You heard me. I need to see my wife. Baka kung ano na ang iniisip niya sa nakita kanina.” nag-aalang tugon ni Liam pero hindi humihinto sa paglalakad.Pagbilis ng lakad niya ay siyang pagbilis din ng lakad ni Fatima.“Anong asawa? Sino ba ang sinasabi mo?”“Mom, I really need to go.” aburidong tugon ni Liam.“Liam! Will you please stop for a second?!” malakas na wika ni Fatima.Sa pagkakataong iyon ay tumaas na ang boses niya. Hinawakan niya sa braso ang anak at pinaharap sa kanya.Napahinto si Liam pero halatang di pa rin mapakali.“Now, tell me what's going on.” mariing tanong ni Fatima.“Dina. She's my wife.”Napatitig sa kanya si Fatima.“Si… Andeng?”“Yes. I told you I w
Samantala, kadarating lang ni Dina sa malaking bahay upang sunduin si Lian. Nagpahatid siya sa kuya Ariel niya.Pagbaba niya ng sasakyan ay napansin niyang may ilang magagarang kotse sa harap ng bahay.“Nanay Edna, may handaan po ba?” tanong niya sa matandang kasambahay na una niyang nakita pagsilip sa pintuan.“Oo, Andeng. May family gathering nila ngayon. Pinag-uusapan ang engagement ni Senyorito Liam at Miss Kendra.”Napahinto si Dina.“Engagement?”“Oo. Nandito ang vice governor at si Miss Kendra para pag-usapan ang engagement nila.”“Ah, ganon po ba? Sige po, susunduin ko lang si Lian.” mahinang sagot niya. Pinapasok siya ni Aling Edna. Hindi na sana siya papasok pero mukhang abala ang lahat kaya siya na mismo ang kukuha sa anak.Pagpasok ay narinig niya ang boses ng isang babae.“Okay, one more picture!”Napatingin siya sa sala.Doon niya nakita sina Liam at Kendra na magkatabi habang kinukuhanan ng litrato kasama ang iba pang mga naroon.Napahinto si Dina. Nagulat sa nakita p
“Liam, are you even listening?” iritang tanong ni Danilo.Agad na pumagitna si Kendra at pinakalma ang ama. Kahit alam niyang hawak nilang mag-ama ang baraha, ayaw din niyang bigla na lang umayaw si Liam dahil lang sa hindi pagkakasundo sa maliit na bagay. Kapopost pa naman niya sa group chat (GC) nilang magkakaibigan.., at sinabi niya sa mga ito na pinag-uusapan na ngayon ang darating nilang formal engagement ni Liam. Nagsend pa nga siya ng picture ni Liam na patago niyang kinunan upang ipakita sa chat.Kilala kasi ng mga kaibigan niya si Liam dahil magkakababayan sila. At alam niyang maging ang mga ito ay gaya niyang may paghanga rin sa binata. Kaya naman siya ang panalo sa kanilang lahat.“Dad, Liam isn't really into these things. I'll take care of the preparations.” singit ni Kendra upang alisin ang tensyon.Hindi agad sumagot si Danilo. Tiningnan nito ang binata na hindi man lamang nag-abalang itago ang cellphone.“Liam, please…” bulong ni Famita dahil kanina pa niya nararamdama
Pag-uwi ni Dina, alam niyang nakabalik na ang kanyang mga magulang kaya hindi na siya tumuloy sa bahay ng tiyahin niyang si Neneth, na pinag-iwanan niya kay Lian kaninang umaga.“Nanay, nasaan po si Lian?” tanong niya kay Aling Minda.“Sinundo raw ni Seyora Fatima kanina.”Napahilot sa noo si Dina. Nakalimutan niyang ibilin sa mga ito na huwag munang dalhin doon si Lian habang naroon si Imelda.“Bakit, anak? May problema ba?”“Wala naman po, Nay. Susunduin ko na lang siya.”Hindi na niya sinabi sa ina ang tungkol kay Imelda. Mas kailangan muna niyang kunin si Lian at ihanda ito sa pagkikita nilang mag-ama.Ngayon pa lamang ay kinakabahan na siya. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagpapaliwanag sa anak.Hindi pa niya nasasabi sa mga magulang ang tungkol kay Liam. Mamayang gabi na lamang niya ikukuwento ang lahat. Siguro mas mabuti kung isasama na rin dito sa bahay si Liam para sabay silang humarap at magpaliwanag sa mga magulang.“Sige po, Nay. Pupuntahan ko muna si Lian.”“O,







