Tahimik pa rin kaming nakahiga, at halos makatulog na ulit ako sa dibdib niya nang biglang tumunog ang cellphone ni Drayce sa nightstand. Pareho kaming napatingin doon.Kinuha niya iyon, at sa nakita niyang pangalan sa screen, agad kong napansin ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon niya—parang naging mas seryoso, mas alerto.“Who is it?” tanong ko, medyo nag-aalangan.“Business,” tipid niyang sagot, bago sinagot ang tawag. “Yes?”Tahimik lang ako habang pinapakinggan ang tono niya. Malamig. Matigas. “When?… How the hell did that happen?” Saglit siyang tumingin sa akin, tapos bumalik sa kausap niya. “No, keep them there. I’ll be on my way.”Pagkababa niya ng tawag, bumangon siya mula sa kama, nagsimulang magbihis nang walang pasabi.“Drayce, ano ‘yon?” tanong ko, pilit hinahabol ang tingin niya.“Something came up,” malamig niyang tugon habang isinasara ang butones ng polo niya. “May nangyaring hindi dapat mangyari sa isa sa mga proyekto ko. Kailangan kong puntahan.”Tumayo rin ako, a
Pagkatapos ng mahaba at magulong gabi, sa wakas ay nakalabas na rin kami ng venue. Tahimik kaming naglalakad papunta sa kotse, tanging tunog ng takong ko at yabag ni Drayce ang maririnig sa paligid.Pagpasok namin sa loob, hindi ko na napigilan ang tanong. “Bakit mo binago ang usapan?”Saglit siyang tumingin sa akin bago pinaandar ang sasakyan. “Anong usapan?” tanong niya na para bang wala siyang ideya.“Drayce,” mariin kong sabi, “Nagkasundo tayo na ngayong gabi, admin assistant lang ako. Pero halos buong gabi… para kang—” natigilan ako, hindi ko alam kung itutuloy ko ba, “—para kang seloso.”Umangat ang gilid ng labi niya, pero hindi iyon full smile. “Because I am.”Napakurap ako. “Seryoso? Ikaw pa may ganang magselos? Eh, ikaw nga ‘yung may mga babaeng lumalapit at humahalik sa pisngi mo kanina.”“Exactly,” tumingin siya saglit sa kalsada bago muling ibinalik ang tingin sa akin, “And I hated every second of it.”Hindi ako nakapagsalita agad.Huminga siya nang malalim, parang sinusu
Pagdating ng gabi, nasa loob na kami ng sasakyan ni Drayce, papunta sa venue ng gala. Tahimik akong nakatingin sa bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw ng siyudad na kumikislap sa dilim. Sa gilid ng mata ko, ramdam ko ang tingin niya, hindi sa kalsada, kundi sa akin.“Stop staring,” mahina kong sabi, pero hindi ko maitago ang ngiti. “Baka matunaw ako.” dagdag ko.“Can’t help it,” sagot niya, habang bahagyang hinahaplos ang kamay ko. “You look like trouble tonight.”Napatingin ako sa kanya, kunot-noo. “Trouble?”“Yes,” ngumisi siya, ‘yung tipong alam mong may kasamang biro pero may halong intensyon. “Trouble… for every guy in that room who’s going to wish they were me.”Bago ko pa siya masagot, huminto ang sasakyan sa harap ng engrandeng hotel. Pagbukas ng pinto, agad kaming sinalubong ng flash ng mga camera. Ramdam ko ang mahigpit na hawak ni Drayce sa kamay ko, parang sinasabi niyang kahit gaano karami ang mata sa paligid, sa kanya lang ako.Pagpasok namin sa loob, isang babaeng naka-e
Paggising ko, ramdam ko agad ang init ng katawan ni Drayce sa tabi ko. Nakahiga siya patagilid, bahagyang nakatakip sa amin ang kumot, at kita ko pa ang maayos na hulma ng balikat at dibdib niya.Hindi ko mapigilang paglaruan ang ilong niya gamit ang daliri ko. Napakunot siya pero hindi dumilat.“Hmm…” ungol niya, parang batang ayaw magising.Niyakap ko siya, idiniin ang pisngi ko sa dibdib niya. Amoy ko pa rin ang halimuyak ng cologne niya na halos nakatatak na sa unan.“Sorry pala kahapon, ah?” mahina kong sabi.“Why?” tanong niya, hindi pa rin binubuksan ang mga mata, pero ramdam kong gising na siya.“Ang mahal ng gown ko…” bulong ko, parang nahihiya. “One point five million. Mahal ‘yon, Drayce.”Bumukas ang isang mata niya, saka siya ngumiti—’yung tipong nakakapagpainit ng umaga kahit hindi ka pa nagkakape.“Then it’s worth it,” sagot niya, at hinaplos ang pisngi ko, “dahil mahal din naman kita.”Natawa ako, pero hindi ko na tinangkang kontrahin. Kasi sa tono ng boses niya, alam k
Matikas na humarap si Gordon sa saleslady na kanina lang ay halos itaboy ako palabas.“Get the most exclusive gown in your latest collection. The one in the VIP room. And bring matching accessories,” utos niya, malamig pero authoritative.Nagkandautal ang saleslady. “A-ah, y-yes, Sir… pero… pero ‘yung gown na ‘yon—”“Charge it to this account,” putol ni Gordon, at inabot ang gold credit card na unli swipe. “And make it fast. Miss Zseya doesn’t have time to waste.”I swear, kung may popcorn lang ako, kakain ako habang pinapanood ko ang pagbagsak ng confidence ng saleslady. Kanina, grabe kung titigan ako nito mula ulo hanggang paa. Ngayon? Para siyang contestant sa fastest service award.Habang umaalis ito para kunin ang gown, napansin kong nanlilisik ang mata ni Cassey. “So… sino ba ‘tong bago mong lalaki?” tanong nito nang tila nangungutya pero nagpapapansin.Ngumiti ako ng matamis. “Hmm? Bakit type mo ba?”“Yuck! Hindi ko siya type! Besides, Marky is my boyfriend. Ang Daddy niya, ay
Zseya’s POVKinabukasan, habang nagkakape kami ni Drayce sa balcony, bigla siyang nagsalita.“Love, next week na ‘yung anniversary ng Zamora’s Legacy,” casual niyang sambit, parang simpleng event lang. Pero alam ko, malaki ‘to. Lahat ng high-profile clients, investors, at board members nando’n.Tumango ako. “So… kailangan ko bang maghanda?”Ngumiti siya. “I want you there. Beside me. And looking like the queen that you are.”Napalunok ako. Queen? Grabe, parang gusto ko tuloy mag-wear ng crown. Pero knowing Drayce, hindi ito simpleng lakad lang. Gusto niyang makita ng lahat kung sino ako sa buhay niya.Kaya that afternoon, sinama ko si Andrea sa mall para maghanap ng gown. “Bes, ikaw ang stylist ko today,” biro ko habang pa-swagger walk papunta sa high-end boutique.“Syempre! Dapat lahat ng ex at haters mo mapanganga,” tawa niya.Pagpasok namin sa boutique, agad kong napansin ang interior—soft lighting, glass racks, gowns na parang galing sa red carpet. At syempre, isang saleslady na m