LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE

LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE

last updateHuling Na-update : 2025-08-07
By:  ARYAXXIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
14Mga Kabanata
13views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

“I need a bride,” Drayce said, eyes burning into hers. “And the moment I saw you, I knew—I’d burn the world just to make you mine.” Noong mamatay ang mga magulang ni Zseya ay naiwan siya sa pangangalaga ng kaniyang Auntie Isadora. They treated her like a maid, at tinanggap niya ’yon ng walang angal. Ngunit nang dahil sa isang pangyayari ay pinalayas siya ng kaniyang Auntie Isadora, at itinakwil siya ng kaniyang Lolo Delfin sa pamilyang Arguelles. Sa labis na hirap at sakit, mas pinili na lamang niyang umalis — she didn’t expect to meet the man who’s gonna change her life. Drayce Zamora is a multi-billionaire. A man sculpted by power, precision, and pain. Born into wealth but shaped by loss. His father died under scandal. His mother abandoned the limelight. Drayce rebuilt the Zamora legacy from ashes, swearing he would never be weak again. He owns half the city, but no one owns him. Love? That’s a distraction. Until he met her — Zseya Arguelles. Inalok niya si Zseya na tumira sa mansion niya, pag-aaralin, at handa niya itong protektahan mula sa pamilyang umabandona, kapalit ng pagpapakasal nito sa kaniya. Tatanggapin kaya ni Zseya ang alok ng binata o mas pipiliin niyang tumayo sa sarili niyang mga paa kahit alam niyang mahihirapan siya? Eh, paano kung no choice na siya dahil Boss niya rin ito? Naku, mukhang wala na talaga siyang kawala!

view more

Kabanata 1

CHAPTER 1: SET HER UP

Zseya’s POV

“Lolo Franco, hindi po ako ‘yon… maniwala po kayo…” iyon lang ang nasambit ko habang nakaluhod sa malamig na sahig.

Nasa harapan ko si Lolo ngunit tahimik lang siya na parang hindi ako kilala. Nasa tabi niya si Cassey—nakataas ang kilay, may bahagyang ngisi sa mga labi, at tila sabik na pinapanuod akong nagmamakaawa.

Habang si Auntie Isadora ay hawak ang cellphone niya. Pinapakita niya ang viral video ng paulit-ulit. Kita ang mukha ko—o kung sino mang kamukha ko—hubad, binababoy ang sarili sa harap ng camera, kasunod nito ang isang lalaki na n*******d din at gumagawa sila ng kabastusan.

Hindi ako ‘yon. Hinding-hindi ko magagawa ‘yon.

“Zseya, umamin ka na, kasi nakita na ni Lolo— halos hindi nga niya matapos at tingnan dahil sa kababuyan mo!” sigaw ni Cassey.

“Hindi nga ako ‘yan! H–Hindi ko alam kung paano ko naging kamukha ‘yan!”

“Anong hindi ikaw?!” sigaw ni Auntie, habang nanginginig ang kamay sa galit. “Kitang-kita ang mukha mo sa video at sa mga kumakalat na pictures! Huwag mo kaming gawing tanga!”

Napailing na lang ako. Hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag ang isang bagay na hindi ko ginawa.

“H–Hindi po talaga ako ‘yon…” namamaos kong tugon habang patuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. “Hindi ko magagawa ang bagay na ‘yon…”

Ngayong araw dapat ang isa sa pinakamasayang araw ko. It’s my 21st birthday, pero imbes na saya, tila itinapon ako sa impyerno habang nanonood ang buong pamilya ko.

“Cut your act, Zseya. Huli na ang kalandian mo!” sambit ni Cassey. Walang awang nangingislap ang mga mata sa tuwa habang sinasaksak ako ng mga salita niya. “Nagpaka-anghel ka pa, eh, ikaw pala itong babaeng patago kung umasta.”

Napapikit ako. Hindi ko kayang tanggapin ang kahihiyang ito. Wala akong ginagawa. Ni wala nga akong boyfriend. Halos gugulin ko ang sarili ko sa pagtatrabaho at pagsisilbi sa kanila, kaya paanong magkakaroon pa ako ng oras na na lumabas, makipag-inuman at gumawa ng kahihiyan?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako, kahit nanginginig sa galit. “No, it’s not me! Baka ikaw!” balik sigaw ko kay Cassey, ngunit kasunod nito ay malakas na sampal ni Auntie Isadora.

Tumagilid ang mukha ko, at napaatras ako. Tila nagkaroon ng katahimikan ang lahat pero sa tenga ko, ang tanging maririnig ay ang malalakas kong hikbi.

“Don’t you dare talk like that to your cousin!” sigaw niya. “Wala kang galang!”

Kahit noon pa man, hindi na ako tinuring ng maayos ni Auntie Isadora. She’s my father’s sister, pero kung ituring niya ako ay parang hindi kamag-anak.

Isa na lang naman ang dahilan ko kaya ako nananatili rito… ang mga labi ng magulang ko, narito sa likod ng mansion, dahil kasama iyon sa tradisyon ng pamilya, ang ilibing sa Villa Arguelles.

Napalingon ako kay Lolo Delfin. Umaasa na sana kahit siya, sabihin niya na hindi ako gano’n. He knows me better than anyone else.

Pero wala, tahimik lang siya. Nakatungo na parang hindi niya ako kilala. Parang ikinahihiya niya ako.

“Today is my birthday…” mahinang sambit ko sa aking isipan. “Wala ni isa sa inyo ang bumati. Pero ang bilis niyong maniwala sa kasinungalingan.”

Napahikbi ako lalo nang maalala ko sila Mom and Dad. Kung nandito lang sila… hindi nila ako hahayaan na masaktan at mapahiya ng ganito.

“Tama na! Tumigil ka na sa kakaiyak mo!” galit muling sigaw ni Auntie Isadora. “Malayong malayo ka sa Daddy mo! Ikaw ang sisira sa pamilyang Arguelles! Papa, palayasin niyo na ang apo niyong ‘yan, bago pa bumagsak ang kompanya at pamilya natin. She doesn’t deserve to be Arguelles! Nakakahiya!”

Napailing ako. Hindi puwede. Ayokong iwan ang mga magulang ko rito. Ngunit nang tingnan ko si Lolo ay huminga siya nang malalim, saka tumingin sa akin ng malamig.

“Lumayas ka na.”

Para akong tinamaan ng kidlat. Hindi ko alam kung tama ang narinig ko.

“L–Lo… Lolo… please, pakinggan niyo po ako…”

Tumingin ako sa kanya at umaasa pa rin. Kahit kaunting pag-aalinlangan. Pero wala. Ang titig niya sa akin ay puno ng pagkadismaya.

“Itinatakwil na kita bilang apo ko.”

Parang gumuho ang lahat sa loob ko. Tila huminto ang paghinga ko habang ang mga tuhod ko ay nanigas sa kinatatayuan ko.

“L–Lolo…” mahina kong sambit habang tuloy-tuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko.

“Lalayas ka o ipapadampot pa kita sa mga guwardiya?!”

Nakita kong tumango si Lolo sa akin, na para bang sinasabi niyang, “Sige na, umalis ka na kaysa masaktan ka pa ng Auntie mo.”

Sa paraang ‘yon, nakita ko na hindi gusto ni Lolo ang sinabi niya. Ngunit tila wala rin siyang magawa. Kaya habang hawak ang dibdib ko, sinubukan kong pigilan ang pagbagsak ng natitirang lakas ko.

Hindi na ako nagsalita pa at tinalikuran ko sila.

Habang papalabas ako ng bahay, sakto namang narinig ko ang mahinang bulungan sa pagitan nina Auntie Isadora at Cassey.

“Sigurado ka bang hindi tayo mabubuko?”

“Don’t worry, Mommy. Ginamitan ko ng deepfake ‘yong video. Masyado nang popular si Zseya sa kompanya. Kailangan nang tanggalin sa eksena, at tiyak naman na ikaw na ang papaburan ng board members bilang bagong CEO, eh.”

At doon ako tuluyang napatigil. So this was all planned? Sinira nila ako, para makuha nila ang kompanya ni Daddy?!

Napakuyom ako sa aking kamao, at sumulyap muli sa kanila at kitang-kita ko pa rin sa mga mata nila ang kasamaan na kanilang ginawa.

“Ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Layas na!” sambit muli ni Auntie Isadora.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
14 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status