Share

CHAPTER 25: LOST IT

Author: ARYAXX
last update Huling Na-update: 2025-08-17 23:48:43

Bago pa ako makatalikod, mabilis na lumapit si Nathan sa direksyon ko. May kung anong ningning sa mga mata niya, hindi basta ngiti ng pang-aasar, kundi para bang isang lihim na plano ang binabalak niya.

“Interesting,” bulong niya habang nakatayo sa pagitan namin ni Drayce. “Ngayon sigurado na ako. Hindi lang tingin, hindi lang pahiwatig… she’s the reason you’re acting different.”

Mas lalo akong nanlamig nang mapansin kong lalong nagdilim ang mga mata ni Drayce. Tumigil siya saglit, pero ang bawat hakbang niya papalapit kay Nathan ay parang nagdadala ng bagyo.

“Back off, Nathan,” mariin niyang utos, halos nanginginig sa pagpipigil ng galit.

Pero imbes na umatras, mas lalo pang ngumisi ang pinsan niya. “Or what? Lalabas ka na lang bigla at aamin sa lahat? You’re too careful for that. Which makes me wonder…” Bahagya siyang tumagilid, diretsong nakatingin sa akin, “…how far are you willing to go para protektahan siya?”

“Don’t,” mariin kong bulong, halos hindi lumalabas ang boses ko. “Nath
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 26: HIDDEN TRUTH?

    Kinabukasan, pagmulat ng mga mata ko ay naamoy ko agad ang mabangong aroma ng kape at tinapay. Napaangat ako ng ulo at doon ko nakita si Drayce, nakasuot lang ng simpleng puting shirt at pantalon, abala sa pag-aayos ng tray sa gilid ng kama. May kasama pa itong maliit na vase na may isang pirasong bulaklak na tila pinulot lang niya sa garden.“Good morning, my love,” bati niya, kasabay ng isang banayad na ngiti. Para bang wala ngang nangyari kagabi, wala ang bigat, ang tensyon, at ang mga salitang nagdulot ng kaba sa dibdib ko. Ang nakikita ko ngayon ay ang Drayce na kilala ko, maalaga, laging iniisip ang ikakagaan ng araw ko.Umupo siya sa gilid ng kama at iniabot ang tray. “Breakfast in bed. I figured you deserve something special today.” Hinawakan niya pa ang braso ko nang marahan, parang ayaw niyang makaramdam ako ng kahit kaunting bigat.“Drayce…” mahina kong tawag, habang nakatitig sa kanya. Hindi ko mapigilang maalala ang nangyari kagabi, pero ayokong sirain ang kasalukuyang sa

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 25: MYSTERY

    Narinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang nananatiling nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin agad o hintayin muna siyang kumalma. Pero bago pa man ako makapagsalita, bigla siyang bumitaw sa kamay ko at naglakad papalayo, huminto sa tapat ng bintana.Nakatalikod siya, mga kamay nakasuksok sa bulsa ng pantalon, balikat niyang bahagyang nakayuko. Para bang pilit niyang kinokontrol ang sariling damdamin na kanina lang ay muntik nang sumabog.“Drayce... please, calm down...” pagsubok ko nang pagpapakalma sa kaniya.“S–Sorry...” rinig kong bulong ni Drayce bago ito humarap sa akin, at hinawakan ang kamay ko.Saglit kaming nanatiling nakatitig sa isa’t isa, pareho pa ring ramdam ang bigat ng sitwasyon. Ngunit sa halip na muli siyang magpadala sa emosyon, huminga nang malalim si Drayce at dahan-dahang bumitaw sa kamay ko. Lumapit siya sa mesa, inilapag ang cellphone at saka siya umupo, parang sinusukat ang mga susunod na sasabihin.“Alam kong natakot ka sa sinab

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 26: OTHER PERSONALITY?

    Pagkatapos akong halikan ni Drayce sa noo ay nanatili kaming magkatitig sa gitna ng tahimik na hallway. Para bang huminto ang mundo sa paligid, pero ramdam kong pareho kaming nilalamon ng bigat ng nangyayari.Bigla niyang hinila ang kamay ko, mahigpit pero marahan, at mabilis kaming umalis sa lugar na iyon. Hindi na niya inalintana ang mga mapapansing empleyado o ang mga matang maaaring nakasulyap kanina sa tensyon nila ni Nathan. Lahat ng hakbang niya ay puno ng pagmamadali, parang ang tanging importante sa kanya ay mailayo ako sa kahit anong panganib.Pagpasok namin sa opisina niya, mariin niyang isinara ang pinto at saka siya napasandal dito, humihingal na parang galing sa laban. Ako naman, nakatayo lang sa gitna ng silid, pinagmamasdan siya. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ko, hindi dahil sa takot kay Nathan, kundi dahil sa lalim ng damdaming ipinakita ni Drayce.“Drayce…” mahina kong tawag, lumapit ako ng bahagya.Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, parang nahihirapa

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 25: LOST IT

    Bago pa ako makatalikod, mabilis na lumapit si Nathan sa direksyon ko. May kung anong ningning sa mga mata niya, hindi basta ngiti ng pang-aasar, kundi para bang isang lihim na plano ang binabalak niya.“Interesting,” bulong niya habang nakatayo sa pagitan namin ni Drayce. “Ngayon sigurado na ako. Hindi lang tingin, hindi lang pahiwatig… she’s the reason you’re acting different.”Mas lalo akong nanlamig nang mapansin kong lalong nagdilim ang mga mata ni Drayce. Tumigil siya saglit, pero ang bawat hakbang niya papalapit kay Nathan ay parang nagdadala ng bagyo.“Back off, Nathan,” mariin niyang utos, halos nanginginig sa pagpipigil ng galit.Pero imbes na umatras, mas lalo pang ngumisi ang pinsan niya. “Or what? Lalabas ka na lang bigla at aamin sa lahat? You’re too careful for that. Which makes me wonder…” Bahagya siyang tumagilid, diretsong nakatingin sa akin, “…how far are you willing to go para protektahan siya?”“Don’t,” mariin kong bulong, halos hindi lumalabas ang boses ko. “Nath

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 24: A THREAT?

    Paglabas ko ng opisina ni Drayce, ramdam ko pa rin ang init ng labi niya sa akin. Pilit kong inayos ang sarili ko habang naglalakad, pero halatang-halata sa repleksyon sa glass wall na namumula pa ang pisngi ko.“Ma’am Zseya?” tawag ni Mia mula sa desk niya, nakatingin sa akin na para bang may nahuli siyang lihim. Napatigil ako sandali, pero mabilis ding ngumiti at nagkunwaring normal.“Coffee lang ako sa pantry,” sabi ko, halos pabulong.Tumango siya, pero hindi nawala ang maliit na ngiti sa labi niya.Pagdating ko sa pantry, mabilis kong kinuha ang baso ng tubig at uminom. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko, parang hindi pa rin lumulubay ang kaba at kilig na dala ng ginawa namin ni Drayce.Habang nakapikit ako, trying to calm myself, biglang may boses mula sa gilid.“Interesting morning, huh?”Muntik ko nang mabitawan ang baso nang makita kong si Nathan pala, ang isa sa mga department heads at sa pagkakaalam ko ay pinsan rin ni Drayce. Nakapamulsa ito, nakatingin diretso sa a

  • LOVE CLAIMED BY CONTRACT: THE ZILLIONAIRE'S SECRET WIFE   CHAPTER 23: SEDUCTIVE LOOK

    Kinabukasan, maaga akong pumasok sa company. Kahit gustuhin ko mang magpahinga pa at magpaka-busy sa ibang bagay para hindi isipin ang envelope kagabi, wala akong choice kundi magpakita, lalo’t alam kong makikita niya agad kung absent ako.Pagbukas ko pa lang ng elevator, napansin ko agad ang titig ng ilang empleyado. Yung iba, tahimik na bumubulong sa isa’t isa habang sinusundan ako ng tingin. Yung tipong hindi mo alam kung may sinabi na ba si Drayce tungkol sa’kin, o talagang sanay lang sila mag-obserba ng bawat galaw ng kahit sino na malapit sa kanya.“Good morning, Ma’am Zseya.” Ngumiti si Mia, ang secretary ni Drayce, pero ramdam ko yung mas matalim kaysa karaniwang tono ng pagbati niya. “Boss is waiting for you inside.”Pagpasok ko, nakatayo si Drayce sa harap ng desk niya, naka-dark suit at may hawak na ilang dokumento. Naka-smile siya, 'yung tipong para bang walang nangyari kagabi, at ako lang ang laman ng mundo niya sa sandaling iyon.“There you are,” sabi niya, sabay lapit a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status