"Okay ka lang ba?" Agad niyang niyakap si Kim, at hinayaan ang kanyang mga luha sa pagpatak. Bahagya namang, tinapik-tapik ng kaibigan ang kanyang likuran, tanda ng pagdamay nito sa sakit na nararamdaman niya. Nang makita ni Kim kanina, na lumabas ng silid ni Dustin si Rihanna habang umiiyak, mabilis niya ring sinundan ang kaibigan. "Sige lang, iiyak mo lang yan Rhiann, alam ko, walang pagsubok na dumating sa buhay mo na hindi mo na kayang lampasan.""Kim, hindi ko na maintindihan si Dustin, may mga oras na pinaparamdam niya sa akin na mahalaga rin ako sa kanya, may mga oras naman, na galit na galit siya, at ayaw akong makita. Naiinis ako sa sarili ko, dahil habang tumatagal mas lalo ko lang siyang minamahal. I'm fucking in love with him, kahit anong gawin ko hindi ko na kayang pigilan ang puso ko na mahalin siya." Nasa ganoong sistema si Rihanna ng mapansin, ang lunch box na nakabalot sa loob ng maliit na plastic bag. Agad siyang kumalas sa pagyakap kay Kim, at pinahid ang mga luha
Nang buksan ni Mr. Stuart ang lunch box, kunot-noong tiningnan niya si Rihanna. Naintindihan naman ni Rihanna ang ibig sabihin ng mga tingin nito sa kanya, kaya nagsimula na siyang magpaliwanag."Mr. Stuart, bago ko ipaliwanag sayo kung ano ang tungkol sa lunchbox na yan, nais ko munang tanungin ka. Sino ang nagprepare ng lahat ng mga pagkain na niluto ko noon upang ilagay sa lunch box bago ipadala sa opisina?"Sandaling nag-isip si Mr. Stuart. Pilit inaalala ang mga nakalipas na araw. "Sa naalala ko, walang ibang nagbalot ng mga pagkain kundi si Emily lang, ang bagong mayordoma ni Master sa loob ng mansyon. Bakit senyorita, ano bang mayroon sa lunchbox na ito?" Naguguluhang tanong ng matanda.Sinulyapan muna ni Rihanna ang pintuan, nang matantong naka lock 'yun, muling siyang humarap kay Mr. Stuart. "Kanina nanggaling ako sa kaibigan kong Doctor of Alternative Medicine. Pinasuri ko sa kanya ang tungkol sa mga nakakalat na powder na iyan sa gilid ng lunchbox, at nadiskubre niyang, isa
Punyeta ka talaga Shane! Ano na lang ang gagawin natin ngayon!? Puro ka talaga palpak! Hindi ka talaga maaasahan!"Galit na galit si Senyora Madeline ng ikinuwento ni Shane ang nangyari sa kanya sa mansyon ni Dustin."Kasalanan kasi ng babaeng yun eh! Kung hindi sana siya pa epal, na inject ko na sana kay Dustin ang gamot! Mabuti na lang at naparami ang huling lagay ko ng gamot sa pagkain niya. Doon na lang talaga ako umaasa na sana tuluyan ng masira ng gamot na yun ang utak ni Dustin, para naman makaganti ako kahit papaano sa babaeng 'yun! Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya, mommy! Bakit hindi na lang natin siya, patayin upang tuluyan na siyang mawala sa landas natin?""Ganyan talaga ang mangyayari sa kanya, maghintay ka lang. Darating bukas ang daddy mo. At siya na ang bahala na magligpit ng putang babaeng yun! Teka, si Dustin nga pala, ano ang kondisyon niya ng umalis ka doon?""Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya kanina, dahil naabutan siya ni Rihanna na nawalan ng malay
Halos dalawang linggo na rin ang nakalipas na palaging pinapainom ni Rihanna ng gamot si Dustin. At natutuwa siyang makita ang improvement nito. Minsan may mga oras na, nagagalit pa rin ito sa kanya kahit walang dahilan, ngunit at least hindi na ito kagaya ng mga nakalipas na araw na halos palagi na lang sila nag-aaway. Palagi lang naman siya nitong pinagtatabuyan, minsan nauuwi pa sa sakalan. Ngunit lahat ng 'yun, tiniis niya para lang gumaling si Dustin. "Rhiann, pinapabigay pala ito ni Hernan sayo. Nagkita kami kahapon sa pharmacy, kaya binigay niya yan sa akin. Tawagan mo daw ang numerong 'yan sakaling gusto mong malaman ang tunay mong pagkatao."Tinanggap ni Rihanna, ang calling card na binigay sa kanya ni Kim. Kasalukuyan siyang nakahiga sa kanyang kama at tinatamad na bumangon. Masakit ang buong katawan niya. Dito muna siya natulog sa Guest room sa ibaba, dahil ayaw ni Dustin kagabi na tabihan niya. Pinilit niyang bumangon, kailangan pa niyang ipagluto si Dustin, upang makaino
"Master, huminahon po kayo, hinahanap na namin ngayon si Senyorita Rihanna. Hindi titigil ang mga tauhan mo hanggat hindi nabalik sayo ang asawa mo." Natataranta na wika ni Mr. Stuart kay Dustin. Hindi niya alam kung paano pahupain ang galit nito. Kanina pa ito nagwawala sa loob ng kanyang silid, habang sinisigaw ang pangalan ni Rihanna. Simula ng magising ito, hinanap na nito kaagad si Rihanna, ngunit walang may nakakaalam kung nasaan siya. "Tangina, gusto kong makita ang asawa ko! Buong araw na kayong naghahanap, Alas syete na ng gabi, bakit hindi nyo pa rin siya mahanap!? Kung hindi nyo sya mahanap ako maghahanap sa kanya!" Akmang lalabas na ng silid niya si Dustin, ng agad siyang hinabol ni Mr. Stuart upang pigilan. "Master, Master, please..nawawala po ang asawa ninyo, at hindi natin alam kung kagagawan ba ito ng mga kalaban mo. Paano kung makita ka nila na nakakalakad ka na pala? Mas makabubuti kong isipin ng mga kalaban mo na mahina ka pa nang sa ganun, mapapalabas natin sila
Five years later…Kasalukuyang nakaupo si Dustin sa kanyang swivel chair sa loob ng kanyang opisina, habang kunot-noong nakatitig sa mensahe na nag pop-up sa email niya. Naka cc pa ang email message sa lahat ng lalaking CEO ng iba't-ibang kumpanya. Paulit-ulit niya itong binasa."I invite you to attend my mommy's birthday party which will be held at Wales Snowdonia Hotel this coming week. That day is special because I will choose a qualified man to be my daddy. You can just click the link below, and answer the questions about your personality. That's my basis for choosing my future daddy. -from Prince Rhayan-"Nakagat ni Dustin ang ibabang parte ng kanyang labi kasabay ng pamimilog ng kanyang mga mata, nang buksan niya ang link. Nasindak siya ng nag pop-up ang mukha ng limang taon na batang lalaki, kasama ang background personality na hinahanap niya sa kanyang magiging daddy.Kamukhang-kamukha niya talaga ito, ang pinagkaiba lang dahil blue ang mga mata nito which is kapag tinititigan
LARSON INDUSTRIESOFFICE OF THE CEOMatapos basahin ni Zack ang mensahe, sa kanyang computer, saglit siyang napaisip. Walang masama kung paunlakan niya ang imbitasyon na ito. Matagal na silang hiwalay ni Celine, simula ng malaman niya na hindi lang pala siya ang lalaki sa buhay nito. Nagduda pa nga siya kung anak niya ba talaga ang pinagbubuntis nito noon, na nalaglag dahil kay Rihanna. Gayunpaman nagpapasalamat na lang siya na wala silang anak, hindi naging mahirap sa kanya ang pakikipaghiwalay dito. Huling balita niya kay Celine ay nangibang bansa ito para pumasok bilang modelo. At siya, simula ng mamatay ang kanyang ama 3 years ago, dahil sa aksidente, muli siyang iniluklok sa pwesto bilang CEO ng Larson Industries.Tinawag niya ang kanyang personal secretary upang magpa book ng ticket. Susubukan niyang umattend ng birthday party sa Wales, baka sakaling makahanap siya ng mapapangasawa niya sa mga pagtitipon. "Sir, sorry po, hindi ako nakapag book ng ticket sa oras at petsa na gust
"Fuck!" Napamura siya ng ipaalam sa kanya ni Lindsay na nagbabalak si Trina na sundan siya sa Wales. Bigla tuloy sumakit ang ulo niya. "Tell the pilots to ignore what she says." "Huli na po Sir, kakaalis lang po ng private Jet nila." "Tanginang babae yan!" Parang umakyat ang dugo sa ulo ni Dustin dahil sa narinig. Hinahamon talaga ni Trina ang pasensya niya. "Lindsay, please inform all the modeling agencies, from now on I have severed ties with Trina's modeling career. I have already terminated my sponsorship agreement with her, and I will shut down the operation of whoever hires her." "Right away, boss." Halata ang tuwa sa boses ni Lindsay. At least nakaganti man lang siya di ba? Karma is real. Ngayon, matitikman ni Trina ang totoong batas ng boss niya. SAMANTALA, nasa biyahe na si Trina ng bigla siyang inulan ng mensahe at tawag, mula sa malaking advertising company na humahawak sa kanya. "You're full of Fucking Bullshit, Trina! There is no need for my business to get involved i