Share

CHAPTER 5 - HER RETRIBUTION

last update Last Updated: 2022-12-23 11:26:35

Biglang napatingin si Thomas at Senyora Madeline ng pabagsak na umupo si Shane sa couch, habang nanonood sila ng TV. Tiningnan ni Senyora Madeline ang oras, Alas syete na ng gabi.

“Hoy, Shane, anong nangyari sa lakad mo? Akala ko ba, doon ka matutulog sa mansyon ni Dustin?”

Galit na tinapunan ng tingin ni Shane ang ina. “Ang tangang babaeng ‘yun, pa epal kasi eh! Talagang umakyat ang dugo ko sa kanya! Nang dahil sa kanya, kaya pinagtabuyan ako ni Dustin! Ahhh! Tangina talaga siya!” galit na hinagis ni Shane ang Remote control na nadampot niya mula sa tabi niya. Muntik pang matamaan ang TV dahil sa sobrang galit niya.

“Tanga ka pala eh! Magpapatalo ka nalang ba sa babaeng yun!? Alam kong may natitira pang pagmamahal sayo si Dustin! Subukan mo ulit gamitin ang kalandian mo! Hindi yung puro na lang pakikipag sex sa ibang lalaki ang inaatupag mo!”

“Mom, hindi ko pwedeng aasahan na lang ang kalandian ko! Nakita mo naman kung gaano kaganda ng mukha at katawan ng babaeng yun! Di hamak na mas maganda yun kaysa sa akin! Sa tingin mo kaya mas pipiliin ako ni Dustin kaysa sa kanya!?"

"Bakit ba yan ang pinoproblema mo!? Baka nakalimutan mong bulag si Dustin, at hindi niya nakikita kung sino ang mas maganda sa inyo ni Rihanna!"

"Ano naman ang gusto mong gawin ko!? Alam mo ba, nung hinalikan ko siya kanina, malamig pa sa yelo ang pagtanggap niya sa akin? Hinayaan nga niya akong halikan siya sa labi, ngunit hindi naman siya gumaganti. Ayun pinahiya pa ako ng tanginang babaeng ‘yun sa harapan niya!”

Saglit na nag-isip ang senyora. Biglang may pumasok sa isipan niya, dahilan upang balingan niya si Shane at ngumiti. “May naisip na akong paraan, tingnan lang natin kung hindi ipatapon ni Dustin si Rihanna, sa gagawin natin.”

“Sigurado, ka ba dyan sa naisip mo mommy? Baka mamaya, bumalik na naman sa akin yan, at ako ang patapon ni Dustin.”

Tumawa ng malutong ang senyora, bago sumagot, “Siguradong-sigurado ako Shane, ang kailangan mo lang gawin, ay ang bumalik sa mansyon ni Dustin, at muling kunin ang loob nya, upang magawa mo ng maayos itong nasa isip ko.”

**

Samantala sa mansyon ni Dustin, halos natuyo, na ang lalamunan ni Rihanna, sa kakaungol ng pangalan ni Dustin, habang pinapaligaya siya nito sa kama. Hindi na niya matandaan kung pang, ilang rounds na nila ito, dahil, kanina pa siya lasing na lasing sa mga yakap at halik nito sa kanya. Tila ba hindi ito disable, dahil wala man lang itong kapaguran sa kama.

Nang nakaramdam ng pagkapagod si Dustin saka palang ito, humiga sa tabi ng kanyang asawa, at muli naman niyang pinaunan ang ulo nito sa bisig niya. Habang yakap-yakap, nakapikit si Rihanna, na tinanong si Dustin, “Sakaling bumalik ulit ang Ex-wife mo, tatanggapin mo ba siya? Di ba isa din naman siya sa dahilan kung bakit mo ako pinakasalan?”

Nang nararamdaman ni Rihanna na wala pa ring balak si Dustin na sagutin ang tanong niya, muli siyang nagsalita. “Nevermind na lang, alam ko naman na mahal mo pa rin siya hanggang ngayon. Kung sakaling gusto mo ng umatras sa kasunduan nating dalawa, pwede naman na,,”

“No,” tumigil si Rihanna sa pagsasalita ng marinig ang sagot ni Dustin. “Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, basta’t ang alam ko, gusto ko lang maghiganti sa kanya, sa pamamagitan mo. Kaya, hindi pa tapos ang kontrata ng kasunduan natin. Kailangan mo pa siyang pagselosin, yung tipong, magsisisi talaga siya kung bakit niya ako iniwan noon.”

Tahimik lang si Rihanna, ngunit puno ng maraming katanungan ang isipan niya. Dagdagan pa ng puso niya na hindi niya maintindihan kung sumasang-ayon pa ba sa sinasabi ng utak niya. Kaya niyang pagselosin si Shane, ngunit, yun nga ba ang nangyayari? Dahil sa tuwing lumalapit ito kay Dustin, parang siya pa ang nagseselos at hindi si Shane. Ngunit kailangan niyang patayin ngayon palang ang anumang naramramdaman niya. Hindi pwedeng magpadala siya sa silakbo ng kanyang damdamin, dahil masisira lahat ng mga plano niya. “Basta, sabihin mo lang sa akin, kung kailangan na nating tapusin ang larong ito, nakahanda akong umalis.”

Nakasalubong ang kilay ni Dustin ng marinig ang sinabi ni Rihanna. Bakit pakiramdam niya, may himig pagtatampo ang paraan ng pagkakasabi nito sa kanya? Niyakap na lang niya ito at hinalikan ito sa noo. “Wag mo nang isipin ang Ex wife ko. Ang paghandaan mo, ay ang pagiging bagong CEO ng Crawford Empire. Hinanda ko na ang mga taong tutulong sayo, hindi mo ako makakasama, kaya, sarili mo lang ang maaasahan mo. Hindi basta-basta ang mga kalaban ko sa negosyo. At asahan mo na rin, na mga tauhan pa ni Tomas ang nasa paligid mo."

**

Kinabukasan, alas sais palang ng umaga nakaabang na si Zack at Celine sa labas ng building ng Crawford Empire. Inaabangan nila ang pagdating ng bagong CEO. Ngunit tatlong oras na ang nakalipas, hindi pa rin ito dumating. Pinuntahan nila ang information desk at tinanong. "Miss, anong oras ba, darating ang bagong CEO ng kumpanya?"

"Kanina pa po siya dumating ng alas syete." Agad na sagot ng info clerk dahilan upang magkatinginan silang dalawa.

"Huh?, bakit hindi namin napansin? Saan siya dumaan?"

"Sa top floor po, hinatid siya kanina ng private chopper ng asawa niya."

Bakas ng panghihinayang ang makikita sa mukha ng dalawa.

"Pwede ba kaming makakuha ng appointment sa kanya? Hindi kasi namin alam kung sino ang personal secretary niya" Tanong ni Zack na bakas na ng pagkabahala ang mukha. Kailangan niyang makausap ang CEO ng Crawford Empire dahil ito lang ang alas niya upang hindi siya pababain ng ama sa kanyang posisyon bilang CEO. Kailangan niyang e- close deal ang project na ito.

"Si Kim, Mijares, po yung personal secretary niya sir."

"Kim Mijares?" Gulat na tanong ni Celine. Kilalang-kilala niya kasi si Kim Mijares, dahil personal Secretary ito ni Rihanna sa R.A. Smith Corporation, ang kumpanya na pagmamay-ari nito. Ngunit pinatalsik ng kanilang ama si Rihanna, kaya nagresign din ang kanyang napaka loyal na secretarya. Hindi niya akalain na ang tanga na sekretarya niya, ay lumipat pala sa Crawford Empire.

"Miss, pwede mo ba siyang tawagan? Sabihin mo gustong kumuha ng appointment, ni Celine Montes, ang may-ari ng R.A.Smith Corporation."

"Subukan ko po mam ha, kasi kasalukuyang nasa board meeting si Miss President ngayon, hindi ko alam kung kailan matatapos." Pagkasabi, agad siyang tumawag sa telepono ng sekretarya ng kanilang Presidente.

Ilang sandali pa'y, inilapag na nito ang telepono at muli silang hinarap.

"Sorry po ma'am, sobrang busy daw po ngayon si Miss President, sabi ng Sekretarya nya. Puno daw ang schedule niya eh."

Biglang bumagsak ang balikat ni Zack dahil sa narinig. Ngunit hindi siya susuko. Ngayong araw lang ang palugit sa kanya ng kanyang ama. Muli niyang hinarap ang info clerk. "Miss, ano oras siya bababa?"

"Hmmm, wala po akong ideya sir eh. Kung gusto nyo po, abangan nyo na lang siya sa may lobby, sigurado po akong bababa rin siya mamaya."

Walang nagawa ang dalawa kundi ang maghintay sa lobby.

SAMANTALA sa loob ng president's office, kanina pa pinanonood ni Rihanna ang kanyang step-sister at Ex boyfriend mula sa CCTV monitor ng kanyang opisina.

"Hanggang kailan mo sila paghihintayin, Miss President?" Narinig niyang tanong sa kanya ni Kim.

Ngumiti siya at halatang nag-eenjoy sa kanyang pinanonood. "Hayaan mo muna silang maghintay kung kailan sila kausapin ng isang puta na katulad ko. Tingnan mo ang hilaw kung kapatid, suportado talaga ang Ex boyfriend ko. Hahaha, hindi nila alam, walang presidente na magpapakita sa kanila. Hahaha"

Napailing na lang si Kim, habang nakatingin sa hindi maputol-putol na tawa ng babaeng boss niya. Naintindihan din naman niya ito. Hindi kasi madaling kalimutan ang lahat na mga ginawa ng mga ito sa kanya.

"Coffee?" Alok ni Kim sa kanyang boss at inilapat ang coffee na kanyang tinimpla sa table nito. Kanina pa siya nagmamasid dito.

Limang oras na ang nakalipas, nang matapos aralin ni Rihanna, lahat ng mga financial accounts, at sitwasyon ng kumpanya. Halata ang sobrang stress sa mukha niya. Hindi niya inakala na ganito kalaki ang problema na haharapin niya, dahil kay Thomas. Kanina nahirapan pa siya na kontrolin ang lahat ng board, dahil hindi sumasang ayon ang mga ito sa mga plano niya. Mabuti na lang at hinampas niya sa pagmumukha ng mga ito, na 80% ng shares ng kumpanya ay binili na niya, kaya walang magawa ang mga ito kundi ang sundin siya, sa takot na rin na patalsikin niya.

Matapos inumin ang kape, muli niyang tiningnan ang cctv screen monitor, at napansin niyang wala na ang dalawa sa inuupuan nito kanina. Binalingan niya si Kim, "I feel exhausted. Gusto ko ng umuwi." Wika niya at tumayo na kaagad. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, Biglang sumagi sa isipan niya ang kanyang asawa. Nagtataka siya kung bakit hindi man lang ito tumawag sa kanya. Kinabahan siya, paano kung bumalik na naman si Shane at wala siya doon, upang bantayan ang kanyang asawa? Agad din naman na niligpit ni Kim ang mga gamit ng boss niya, nang makitang lumabas na ito ng kanyang opisina.

“Mr. Larson, bawal po kayo dito ng walang pahintulot.”

Biglang tumigil si Rihanna sa kanyang paglalakad ng marinig ang apelyido ng Ex-boyfriend niya mula sa bunganga ng guwardiya. Umangat siya ng mukha at nagtama ang kanilang mga mata. Ilang beses tiningnan ni Celine ang malaking sign tag na nakalagay sa pintuan na pinanggalingan ni Rihanna. “Office of the President” ang nakalagay, paanong doon nanggaling si Rihanna? Nilapitan niya ito at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

“So, nag-upgrade ka din pala ngayon? Anong ginagawa mo sa loob ng opisina ng presidente? Nag-apply ka ba bilang sekretarya? Bakit hindi mo na lang sinubukan na mag-apply sa akin, sigurado akong hindi mo na kailangan pang magbigay ng resume, tatanggapin kita kaagad, yun nga lang isang labandera. hahaha."

“Rihanna, Kahit na may pinag-aralan ka at naging Vice President ng R.A. Smith Corp. hindi mo pa rin maitatago ang katotohanan, na nabahiran na ng dumi ng Twilight X Club ang pagkatao mo, kaya kung ako sayo, mag apply ka nalang bilang maintenance ng city hall.”

Tumaas ang kilay ni Rihanna dahil sa mga pinagsasabi sa kanya ng dalawa. Ngunit wala siya sa mood, para harapin ang dalawa. Hahayaan muna niya ang mga ito, na habul-habulin siya na parang aso. Hihintayin niya ang araw na luluhod ang mga ito sa kanyang harapan, makahingi lang ng tawad sa kanya. Nagpakawala siya ng nakakainsultong ngiti sa dalawa, bago nagsalita, “Sorry, Do I know you?”

Bakas ng pagkagulat at pagtataka ang makikita sa mukha ng dalawa. Mas lalo silang nasindak, ng marinig ang dagdag sa sinabi nito sa guwardya.

“Guard, How often do I need to say that I don't want strangers to just walk into my office? If those two faces show up in front of me again, I'll fire you.” Pagkatapos sabihin ‘yun ay agad na siyang nagpatuloy sa paglalakad. Masyado na siyang nag-aalala sa asawa niya.

Bigla naman namutla ang mukha ng gwardiya dahil sa sinabi ng kanilang presidente. Galit na binalingan niya ang dalawa, na hanggang ngayon, nakaawang parin ang mga labi habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Rihanna. “Hoy! Kayong dalawa, alam nyo ba kung ano ang ginawa nyo!? Muntik pa akong mawawalan ng trabaho dahil sa katigasan ng ulo nyo eh. Umalis na kayo ngayon din kung ayaw nyong ipakaladkad ko pa kayo sa mga pulis sa kasong trespassing!”

“Wait,” pigil ni Celine sa gwardiya, habang tinutulak sila. “Please, just this time, kailangan naming makausap ang bagong CEO, hayaan mo muna kaming pumasok sa opisina niya.” pamimilit pa rin ni Celine, dahilan upang lalong magalit ang guwardiya.

“Tanga naman pala kayo eh! Gusto nyong makausap ang presidente, ngunit hindi nyo naman pala siya kilala! Ang babaeng iniinsulto nyo kanina, siya ang bagong CEO ng Crawford Empire.”

“What!?” sabay na bigkas ng dalawa. Bakas sa kanilang mga mukha ang sobrang pagkasindak. Paanong nangyari na si Rihanna ang naging CEO ng kumpanya na hinahangaan nila?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1144)
goodnovel comment avatar
imee bijo
hello po miss author.bakit nkalock po ngayon ko lang balij na open nagbabayad nman ako po noo.n bakit balik ako sa impisa ang laki na pong binayaran ko hanggang naabot ko yong c daniel ba yong ang kontrabida c trisia..
goodnovel comment avatar
Sunshine Claire Ajeto Cotejar
chapter 7 pls
goodnovel comment avatar
Nan
Nice story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 78 - THE END

    Pagdating sa garden-themed reception area na punong-puno ng fairy lights at hanging flowers, may isang malambot at romantic na instrumental music ang tumutugtog. May personalized na photo wall sa gilid na may neon sign: The Wedding of the Century: “From Crawford - Albrecht” ganun din sa kabilang side, may neon sign naman na rin na nakalagay “From Crawford - Lockheart” Umupo na sa bridal table ang mag-asawa, Seidon at Dharylle.At umupo naman sa table ang mag-asawang Dharyne at Luke, pero bago pa makakain ang lahat,, Tumayo si Dustin at kinuha ang mic. “Bago pa lamunin ng gutom ang lahat… isang toast muna para sa bagong Mr. and Mrs. Luke and Dharyne Lockheart, ganun din sa Bagong Mr. and Mrs. Dharylle Albrecht!”“Cheers!” sigaw ng lahat, sabay taas ng wine glasses. Clinking and laughter filled the air. Sa di kalayuan, napatingin si Dharylle kay Seidon. “Feeling mo ba may one up na tayo sa vows?” Seidon smirked. “Feeling ko may sequel na ang comedy ng kasal natin.”Tawanan ulit ang p

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 77 - WEDDING VOWS (CRAWFORD+LOCKHEART)

    Seryoso ang tono ni Luke nang una siyang magsalita, ngunit may laging nanlalarong ngiti sa kanyang labi habang tinititigan si Dharyne na parang wala nang ibang tao sa mundo."I never dreamed of a perfect woman until I met the most unpredictable one. You were never easy to understand. Sometimes, you push me away just to see if I’d stay. Other times, you build walls just to check if I’d break them down. But sweetheart, I loved every version of you, even when you were too hard to love yourself."(Tumawa ang ilan, ngunit muling naging malambing ang tono ni Luke.)"Hindi ko makakalimutan ang araw na hiniling ko sa Diyos na sana huwag kang gawing monghe, bagkus ibigay ka Niya sa akin, at pareho tayong dalawa ang magsisilbi sa Kanya, kasama ang ating binubuong pamilya. Salamat na lang at binigay ka Niya sa akin kahit ayaw mo pa. Gusto mo yata magmadre!" (Tumawa ang buong crowd, lalo na ang pamilya ni Dharyne. Napahampas si Dharyne sa braso ni Luke. Naudlot ang pagsinghot niya dahil sa kapil

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 76 - WEDDING VOWS (CRAWFORD-ALBRECHT)

    Huminga muna ng malalim si Seidon upang maibsan ang sobrang kaba at sandaling katahimikan. Pagkatapos ay ngumiti sa asawa habang hawak ang kamay at hinahanda ang ipasuot na singsing. “Luv,They say men are bad with words. But the truth is, I just didn’t know how to say sorry without breaking. I didn't know how to love you right until I almost lost you for good. I thought I was strong, but the day you walked away, I realized… I was never whole without you.Nagpause muna si Seidon upang pigilan ang pagbadya ng luha dahil halata na sa boses niya na para na siyang iiyak. Muli siyang nagpatuloy.Noong mga panahon na binitawan mo ako, doon ko narealize na nasaktan na pala kita nang hindi ko alam. And honestly, mahal…ang hirap mong suyuin. Daig ko pa ang isang kulog na nakikipagtagisan sa kidlat. But you know what was the most exciting part? It was when you didn’t want to marry me…but your dad did.Nagtaas ang dalawang kilay ni Dustin nang marinig ito. Ngunit sumabay na rin sa tawanan ng mg

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 75 - THE WEDDING (CRYSTAL AETHERIALES)

    Wala nang mas marangya pa sa kasalang ito. Ang langit ay bughaw na bughaw, at sa gitna ng walang katapusang dagat ay unti-unting umaangat ang dambuhalang plataporma ng yelo at kristal—ang tinaguriang Crystal Aetherealis, isang eksklusibong wedding sanctuary na dinisenyo lamang para sa mga pinakamakapangyarihan sa mundo. Lumulutang ito sa ibabaw ng Glacemer Sea, at sa paligid nito'y tila naglalaro ang mga ulap at sinag ng araw, sumasayaw sa ibabaw ng salamin ng dagat.Ang buong ceremonial hall ay gawa sa translucent crystal, bawat detalye ay handcrafted mula sa pinakamahal na yelo ng hilaga—glass flowers, frozen archways, snowflake chandeliers na kumikislap sa bawat galaw ng liwanag. Sa pinakagitna, ang aisle na tila isang dumadaloy na ilog ng liwanag at tubig, umiilaw ang ilalim na parang bahagyang alon sa bawat yapak.Mula sa himpapawid, nakatutok ang mga drone cameras na live na nagbo-broadcast sa buong mundo. Sa bawat dako ng siyudad, malls, at luxury lounges, nakapako ang mata ng

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 74 - LIHAM NG PAGBABAGO

    Two Weeks Later Mainit ang araw pero malamig sa puso ni Seidon habang dahan-dahan siyang naglalakad palabas ng ospital. Kasama niya si Dharylle na mahigpit na nakahawak sa kanyang braso. "Sure ka bang kaya mo na?" tanong nito habang pinapahiran ng pawis ang kanyang noo. Ngumiti si Seidon, matipid. "Kailangan kong gawin ‘to. Kailangan ko siyang kausapin." Inside the Detention Facility Sa malamig na silid ng kulungan, nakaupo si Scarlet sa luma at kalawangin na bangko. Tahimik siyang nakatingin sa pader nang marinig ang pagbukas ng bakal na pinto. “Ms. Zimmer, may bisita ka.” ani ng pulis. Lumingon siya na may bakas ng pagtataka. Lumabas siya at pumunta sa visitor’s lounge. Doon siya pinapahintay ng pulis. Di nagtagal, pumasok si Seidon. Tila huminto ang oras para sa dalaga. Napatitig si Scarlet, bakas sa mata ang gulat at pagkalito. Hindi siya makapaniwala sa presensyang kaharap niya ngayon—ang taong akala niyang wala na. "You’re alive…" aniya, halos pa-whisper. "Bakit ka nandi

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 73 - BALA NG KATOTOHANAN (BULLET OF TRUTH)

    Sa kalagitnaan ng pag-uusap nina Dharylle at Rhayan sa labas ng operating room, biglang bumukas ang pintuan. Sumilip ang ilaw mula sa loob, kasabay ng paglabas ng doktor na suot pa rin ang kanyang surgical mask."Doctor!" Agad na salubong ni Dharylle, nanginginig ang tinig. "Kumusta na po si Seidon?"Inalis ng doktor ang kanyang mask at tumango. "Ligtas na siya. Agad naming natanggal ang bala mula sa kanyang dibdib. Sa awa ng Diyos, hindi tinamaan ang puso, pero ilang milimetro na lang at baka hindi na siya umabot."Bumuhos ang luha ni Dharylle. Napaluhod siya sa sahig, parang nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. Agad siyang inalalayan ni Rhayan habang pilit ding tinatago ang nag-uumapaw na emosyon."Salamat, Doc..." mahinang sambit ni Rhayan."Makikita n’yo na siya mamaya, pagkatapos naming mailipat sa recovery room."Pagkaalis ng doktor, muling lumitaw ang hologram ni Ciela AI sa ere. Makinis, malamig ang boses nito, ngunit dala ang katotohanan."Detecting critical data," anito.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status