Share

RISING QUEEN JOURNEY

last update Last Updated: 2024-04-01 15:04:05

Kamusta kayong lahat? Kung isa ka sa musugid kong tagasubaybay at naghihintay na maipagpatuloy ko ang aking mga akda, gusto kong sabihin na sobrang thankful ako dahil nandyan kayo. Hindi madali para sa akin ang pinagdadaanan ko ngayon, ngunit para sa inyong lahat gusto kong ibahagi ang ilang parte ng kwento ng buhay ko sa free chapter na ito. Para na rin maintindihan nyo kung paano at bakit ako dumating sa punto na ito ng buhay ko na kailangan ko munang iwanan pansamantala ang pagsusulat para sa nag-iisang tao sa buhay ko.

Taong 2010, nang iniwan ako ng ex-boyfriend ko dahil nabuntis niya ang kanyang ex-girlfriend. Noong time na iyon nag-aagaw buhay ako sa ospital dahil inatake ako ng hika at alergy sa puso. To cut that story, lumabas ako ng ospital na tanging best friend ko ang siyang sumalo at sumama sa pain na nararamdaman ko. That best friend of mine is my now so called husband. Naging kami one year after akong niloko ng ex boyfriend ko. Sya ang knight in shinning armour ko kung baga. So, year 2011 nagsimula ang relasyon namin bilang newly born couple. Ang relasyon namin maraming ups and down tulad ng iba at madalas rin nababasa sa mga nobela. Lapitin ng babae ang boyfriend ko kaya madalas on and off ang relasyon namin. Dahil sa dami ba namang babae niya na sinabay sa akin, makakaya ko ba ang ganung relasyon? Kahit laging ako ang pinipili niya at iniiwan niya ang mga iyon para sa akin, napapagod na rin akong umiyak at umintindi. Hanggang sa nagkalayo kami dahil lumuwas ako ng maynila, year 2013. Sinundo niya ako upang umuwi ngunit hindi ako sumama. Lumuhod sya sa parents ko para lang mapauwi ako, ngunit hinintay ko pa ang one year bago umuwi. Mula noon hindi na siya nagcommunicate pa sa akin. Noong umuwi ako nabalitaan ko ikakasal na siya, year 2015 na yun. Nasa abroad yung babae. Hindi pa sila nagkita. Ibig sabihin ang relasyon nila thru calls ang text lang social media, etc. Hindi ko alam na tinawagan siya ng mother ko upang ipaalam na umuwi na ako. Nagulat na lang ako x-mas nang time na yun, pumunta siya sa bahay namin. Aaminin ko mayroong bahagi sa puso ko na hindi ko maipaliwanag ang saya ng makita ko siya. Hinayaan kami ng mother ko na na mag-usap. Nang dalawa na lang kami. walang isa sa amin na nagsalita. Naghihintayan kami pareho at Pinakiramdaman ang isa't-isa. Hanggang sa gumalaw ang kamay niya at nasagi nito ang kamay ko. Pareho kaming nagkatinginan. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil na rin siguro sa kakaibang kuryente na naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko alam pareho rin pla kaming nararamdaman. Narinig ko pa ang paglunok niya bago magsalita. Ang sabi niya, "K..kamusta ka na?" Sabi ko "heto buhay pa." Dahil sa sagot ko ngumiti siya ng napakatamis. Napangiti na rin ako nang time na yun. Muli siyang nagtanong. "Babalik ka pa ba ng maynila?"

Hindi muna ako sumagot. Naalala ko kasi na ikakasal na siya. Nang may lakas na ako ng loob na sumagot sabi ko, "Wala pala tayong formal break-up. Nabalitaan ko ikakasal ka na. Ibigay ko ang kalayaan mo..."

"No," agad niyang pinutol ang pagsasalita ko. Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi man siya tumitingin sa akin ngunit ramdam ko ang paghihirap ng kalooban niya. "Ikaw kasi eh.." sabi niya. "nawalan na kasi ako ng pag-asa na umuwi ka pa. I'm sorry kung mabilis akong mag give up."

Hindi agad ako nakapagsalita. Maya'y sabi ko, "Sorry, napagod na rin kasi ako sa relasyon natin. Sa tuwing may babae ka, kapag pinpapili kita, masaya akong ako lagi ang pinipili mong mag stay sa buhay mo. Pero kasi narealized ko hanggang kailan na masaya lang ako kapag pinipili mo? Paano kung dumating sa point na hindi na ako ang pipiliin mo. Baka mas lalong masakit."

"Handa akong magbago. Patunayan ko sayo."

Nagulat ako sa sagot niya. "Paano ang papakasalan mo?" tanong ko.

"Sasabihin ko sa kanya hindi na matutuloy ang kasal namin. Any way hindi pa naman kami nagkita dahil sa ibang bansa pa siya. sa f* lang kami nagkakilala." paliwanag niya sa akin.

Hindi ko na siya sinagot. Ewan ko ba, pero noong time na yun hinayaan ko na lang ang tadhana ang magdikta para sa amin kung kami talaga magkakabalikan kami. pero kung hindi, tatanggapin ko naman. After naming mag-usap kinagabihan tawag ng tawag ang girl sa kanya. Nag-usap sila at narinig ko nga nakipag break siya sa girl. Syempre narinig ko dahil sa bahay siya natulog. Gusto pa daw niya maka bonding family ko. Doon siya nag xmas sa bahay.

So to make it short, naging kami ulit year 2015. Nagdecide kami magpakasal. Ngunit sabi ko, after ko nang makapagtapos sa college. Pumayag naman siya. Tinulungan niya akong makapag-aral dahil 2 years na lang ang tatapusin ko sa course na business management. Huwag nyo nang itanong bakit iyon ang kinuha ko samntalang pagsusulat naman ang passion ko. Nagtrabaho kami pareho sa iisang kumpanya lang at provide ng kumpanya namin ang bahay na aming tinutuluyan. Masaya kami dahil alam naman ng lahat ang relasyon namin with blessing naman ng aming boss. Anyway, April 2018 Graduation ko na sa college. So nagset kami ng wedding date namin May 16, 2018. Medyo hectic ang date na iyon para sa akin dahil dalawang beses ako magmarcha, sa stage at sa gitna ng aisle.

Ngunit tulad nga ng madalas na nababasa ninyo sa mga novels o napapanood sa mga drama series, ang relasyon ay hindi perpekto. Umabot kami sa point na hindi na maitutuloy ang kasal namin dahil nalaman ko nagkaroon sil ng relasyon ng officemate namin. At ang masakit Secondary sponsor pa namin siya sa aming kasal. Parang gusto kong magwild ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Lalo na nalaman ko may nangyayari sa kanila sa tuwing sila ang sabay na inuutusan ng boss namin na mag out of town. Kaya pala ilang buwan ko na naramdaman habang papalapit ang kasal namin parang nanlalamig sya sa akin. Pinatawag ko silang dalawa. In short nagkaharap harap kami. Muli kami nauwi sa "sige this time pumili ka. Hindi natin itutuloy ang kasal." Di ba ang hangal ko? So stupid I am na kung sa mga nobela makikipag break agad ang babaeng bida sa fiancee niyang nanloko. kaibahan nangyari sa akin. siguro nga mahal ko talaga siya that's why i chose to made him decide kung sino sa amin ng babae pipiliin niya. Nagsorry siya sa babae, dahil ako ang pinili niya. Malaki ang pinagbago ng aming relasyon after nangyari iyon. Ang trust nawala na sa akin. Pero dahil sa stupidity ng puso ko, still I chose to marry him. One month after ng graduation ko naka set na lahat para sa aming kasal. May 16, 2018, natuloy ang aming pag-iisang dibdib and guess what? Bridesmaid pa rin namin ang babae. Bakit? Dahil mas gusto kong ipakita sa kanya na ako pa rin ang pinili at laging pipiliin ng asawa ko sa buong buhay niya. Kahit ilaNg babae pa ang makarelasyon niya laging sa akin pa rin sya babalik.

Hindi ako nagsisi na pinili kong bigyan siya ng pagkakataon na magbago. Mas pinili kong pakasalan siya at tinanggap lahat ng pagkukulang at pagkakamali niya. Pinatunayan naman niya ang pagmamahal at pagbabago niya sa loob ng ilang taon na pagsasama namin. Hindi siya natutulog kung walang yakap at halik na matatanggap mula sa akin. Sa tuwing umaga, ginigising din niya ako ng mga yakap at halik niya bago siya bumagon at ipagluluto ako. Gush, hindi lang puso ko ang pinataba niya kundi pati katawan ko tumaba na rin dahil sa pag-aalaga niya. Mula sa walang-wala, nagsumikap siya hanggang sa makaipon at pinatayuan ako ng pangarap naming bahay. Hindi man siya tulad ng iba na sobrang laki, pero para sa akin malaki na ang dalawang palapag na concretong bahay para sa aming dalawa. Hindi kami binayayaan ng anak dahil nakunan ako nag kasagsagan ng pandemic. Nagkaroon din ako ng polycystic ovary (PCOS) kaya hirap na akong mabuntis. Sa loob ng limang taon na aming masayang pagsasama bilang mag-asawa. Masasabi kong swerte ko sa kanya. Sa kabila ng lahat ng pain na naranasan ko bilang girlfriend pa lang nya noon, sinuklian nya iyon ng pagiging mabuting asawa niya sa akin. walang oras o araw na hindi nya pinaramdam sa akin ang pagmamahal niya. Hindi ako maluho o materialistic na babae kaya masaya na ako sa tuwing sunday na date namin sa kahit saang senehan, sa restaurant man o hotel, beach o hiking o mall shopping. Masaya ako bastat kasama ko siya. Hanggang sa nagdecide syang bumili ng sarili naming sasakyan dahil iyon na lang daw ang isa sa pangarap namin na hindi pa niya tinupad. Hinayaan niya akong magsulat dahil iyon ang passion at pangarap ko. Sinuportahan niya maging ang lagyan ako ng sarili kong maliit na office sa bahay para hindi ako maistorbo habang nagsusulat.

And all of a sudden, Ang buhay reyna na kinagisnan ko ay biglang naglaho nang taong 2023 na diagnosed siya sa sakit na Tongue cancer. Stage 2 pa lang siya noong time na yun. Buo ang tiwala namin sa isa't-isa na malampasan namin iyon. Isang buwan din siya sa ospital at sa ICU. Sobrang saya namin pareho noong makalabas na siya sa ospital. Dahil ako maipagpatuloy ko na pagsusulat samantlang siya makakabalik na rin sa normal niyang buhay. Ngunit sadyang malupit ang tadhana sa aming dalawa dahil nagkaroon ng infection ang operasyon niya sa leeg. bumalik ang tumor niya at kahit labas pasok kami sa ospital pra lang gamutin ang infection nya. Wala pa ring nangyari. To the point na umiiyak ako at lumuhod sa harap ng Diyos, sabi ko ibalik lang ny asawa ko kahit pagsusulat ko iwanan ko. Ngunit dahil may ibang plano si God, anim na buwan lang binigay niya sa asawa ko para makasama ko bago nya ito bawiin sa akin. Masakit, mahirap, lalo na at lahat ng makikita ko sa bahay naipundar nya. Nilagay niya ako sa isang pedestal, inayos nya ang buhay ko at siniguro na hindi ako mahihirapan..Ngunit anhin ko lahat ng iniwan niya kung wala naman siya? It's like living in hell.. araw araw akong nagigising sa katotohanan na wala na siya. Ngayon kailangan kong tanggapin alang alang sa mga taong naghihintay sa akin.

Maraming salamat sa inyong paghihintay. Hindi ko maipangako kung tulad pa rin bg dati ang pagsusulat ko gayong may sugat pa rin ang puso ko ngunit susubukan kong makabawi at buuhin ulit ang sarili ko para sa inyo.

Sana nandyan pa rin kayong lahat..Maraming salamat.

Mamayang gabi po ang update ko sa zillionaire Series. See yah..

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (169)
goodnovel comment avatar
Rizza Lina
thanks,ang galing mo gumawa ng story.ptuloy pdin kming andto pra sa pag subaybay s story na to.Condolence.God bless us all
goodnovel comment avatar
Myrna Elizaga Bartolome
condolence miss A,Ang sakit ng nangyari s u,pero nakakagawa k p rn ng maayus n kwento,at NAPAKAGANDA ng inyong mga kwento,bakit dm itry ialok s mga director to make them pelikula,saries in a tv show,sobrang ganda ng mga kwento m,mas maganda p kaysa probinsyano n coco MARTIN..
goodnovel comment avatar
Virgie Flores
sobrang ganda ng stories na to.. npakalawak ng imagination mo po. sarap basahin. sna po magkaron ulit ng ganito kaexciting na nobela.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 78 - THE END

    Pagdating sa garden-themed reception area na punong-puno ng fairy lights at hanging flowers, may isang malambot at romantic na instrumental music ang tumutugtog. May personalized na photo wall sa gilid na may neon sign: The Wedding of the Century: “From Crawford - Albrecht” ganun din sa kabilang side, may neon sign naman na rin na nakalagay “From Crawford - Lockheart” Umupo na sa bridal table ang mag-asawa, Seidon at Dharylle.At umupo naman sa table ang mag-asawang Dharyne at Luke, pero bago pa makakain ang lahat,, Tumayo si Dustin at kinuha ang mic. “Bago pa lamunin ng gutom ang lahat… isang toast muna para sa bagong Mr. and Mrs. Luke and Dharyne Lockheart, ganun din sa Bagong Mr. and Mrs. Dharylle Albrecht!”“Cheers!” sigaw ng lahat, sabay taas ng wine glasses. Clinking and laughter filled the air. Sa di kalayuan, napatingin si Dharylle kay Seidon. “Feeling mo ba may one up na tayo sa vows?” Seidon smirked. “Feeling ko may sequel na ang comedy ng kasal natin.”Tawanan ulit ang p

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 77 - WEDDING VOWS (CRAWFORD+LOCKHEART)

    Seryoso ang tono ni Luke nang una siyang magsalita, ngunit may laging nanlalarong ngiti sa kanyang labi habang tinititigan si Dharyne na parang wala nang ibang tao sa mundo."I never dreamed of a perfect woman until I met the most unpredictable one. You were never easy to understand. Sometimes, you push me away just to see if I’d stay. Other times, you build walls just to check if I’d break them down. But sweetheart, I loved every version of you, even when you were too hard to love yourself."(Tumawa ang ilan, ngunit muling naging malambing ang tono ni Luke.)"Hindi ko makakalimutan ang araw na hiniling ko sa Diyos na sana huwag kang gawing monghe, bagkus ibigay ka Niya sa akin, at pareho tayong dalawa ang magsisilbi sa Kanya, kasama ang ating binubuong pamilya. Salamat na lang at binigay ka Niya sa akin kahit ayaw mo pa. Gusto mo yata magmadre!" (Tumawa ang buong crowd, lalo na ang pamilya ni Dharyne. Napahampas si Dharyne sa braso ni Luke. Naudlot ang pagsinghot niya dahil sa kapil

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 76 - WEDDING VOWS (CRAWFORD-ALBRECHT)

    Huminga muna ng malalim si Seidon upang maibsan ang sobrang kaba at sandaling katahimikan. Pagkatapos ay ngumiti sa asawa habang hawak ang kamay at hinahanda ang ipasuot na singsing. “Luv,They say men are bad with words. But the truth is, I just didn’t know how to say sorry without breaking. I didn't know how to love you right until I almost lost you for good. I thought I was strong, but the day you walked away, I realized… I was never whole without you.Nagpause muna si Seidon upang pigilan ang pagbadya ng luha dahil halata na sa boses niya na para na siyang iiyak. Muli siyang nagpatuloy.Noong mga panahon na binitawan mo ako, doon ko narealize na nasaktan na pala kita nang hindi ko alam. And honestly, mahal…ang hirap mong suyuin. Daig ko pa ang isang kulog na nakikipagtagisan sa kidlat. But you know what was the most exciting part? It was when you didn’t want to marry me…but your dad did.Nagtaas ang dalawang kilay ni Dustin nang marinig ito. Ngunit sumabay na rin sa tawanan ng mg

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 75 - THE WEDDING (CRYSTAL AETHERIALES)

    Wala nang mas marangya pa sa kasalang ito. Ang langit ay bughaw na bughaw, at sa gitna ng walang katapusang dagat ay unti-unting umaangat ang dambuhalang plataporma ng yelo at kristal—ang tinaguriang Crystal Aetherealis, isang eksklusibong wedding sanctuary na dinisenyo lamang para sa mga pinakamakapangyarihan sa mundo. Lumulutang ito sa ibabaw ng Glacemer Sea, at sa paligid nito'y tila naglalaro ang mga ulap at sinag ng araw, sumasayaw sa ibabaw ng salamin ng dagat.Ang buong ceremonial hall ay gawa sa translucent crystal, bawat detalye ay handcrafted mula sa pinakamahal na yelo ng hilaga—glass flowers, frozen archways, snowflake chandeliers na kumikislap sa bawat galaw ng liwanag. Sa pinakagitna, ang aisle na tila isang dumadaloy na ilog ng liwanag at tubig, umiilaw ang ilalim na parang bahagyang alon sa bawat yapak.Mula sa himpapawid, nakatutok ang mga drone cameras na live na nagbo-broadcast sa buong mundo. Sa bawat dako ng siyudad, malls, at luxury lounges, nakapako ang mata ng

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 74 - LIHAM NG PAGBABAGO

    Two Weeks Later Mainit ang araw pero malamig sa puso ni Seidon habang dahan-dahan siyang naglalakad palabas ng ospital. Kasama niya si Dharylle na mahigpit na nakahawak sa kanyang braso. "Sure ka bang kaya mo na?" tanong nito habang pinapahiran ng pawis ang kanyang noo. Ngumiti si Seidon, matipid. "Kailangan kong gawin ‘to. Kailangan ko siyang kausapin." Inside the Detention Facility Sa malamig na silid ng kulungan, nakaupo si Scarlet sa luma at kalawangin na bangko. Tahimik siyang nakatingin sa pader nang marinig ang pagbukas ng bakal na pinto. “Ms. Zimmer, may bisita ka.” ani ng pulis. Lumingon siya na may bakas ng pagtataka. Lumabas siya at pumunta sa visitor’s lounge. Doon siya pinapahintay ng pulis. Di nagtagal, pumasok si Seidon. Tila huminto ang oras para sa dalaga. Napatitig si Scarlet, bakas sa mata ang gulat at pagkalito. Hindi siya makapaniwala sa presensyang kaharap niya ngayon—ang taong akala niyang wala na. "You’re alive…" aniya, halos pa-whisper. "Bakit ka nandi

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 73 - BALA NG KATOTOHANAN (BULLET OF TRUTH)

    Sa kalagitnaan ng pag-uusap nina Dharylle at Rhayan sa labas ng operating room, biglang bumukas ang pintuan. Sumilip ang ilaw mula sa loob, kasabay ng paglabas ng doktor na suot pa rin ang kanyang surgical mask."Doctor!" Agad na salubong ni Dharylle, nanginginig ang tinig. "Kumusta na po si Seidon?"Inalis ng doktor ang kanyang mask at tumango. "Ligtas na siya. Agad naming natanggal ang bala mula sa kanyang dibdib. Sa awa ng Diyos, hindi tinamaan ang puso, pero ilang milimetro na lang at baka hindi na siya umabot."Bumuhos ang luha ni Dharylle. Napaluhod siya sa sahig, parang nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. Agad siyang inalalayan ni Rhayan habang pilit ding tinatago ang nag-uumapaw na emosyon."Salamat, Doc..." mahinang sambit ni Rhayan."Makikita n’yo na siya mamaya, pagkatapos naming mailipat sa recovery room."Pagkaalis ng doktor, muling lumitaw ang hologram ni Ciela AI sa ere. Makinis, malamig ang boses nito, ngunit dala ang katotohanan."Detecting critical data," anito.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status