Share

LOVE HAS NO GENDER:mahal kita ngayon,bukas at magpakaylanman
LOVE HAS NO GENDER:mahal kita ngayon,bukas at magpakaylanman
Author: Yellowbelle

CHAPTER 1 PANAGINIP

“Sandali! Ang bilis mo namang tumakbo….!” Napakaliwanag na lugar sa damuhan ang tumambad sa akin. Nasa gitna ako nang malawak na damuhan. Halos hindi ako makatingin ng diritso sa aking harapan dahil sa napakalakas na sinag ng araw na akala mo ay tanghaling tapat. Napagod ako sa katatakbo, hinahabol ko siya. Hindi ko alam kong sino siya, ang nakikita ko lang ay ang likod niya.

She has a long colored dark brown hair, wearing a long pink dress. She’s tall approximately around 5’8” ft with a fair complexion. Hindi siya lumilingon, patuloy lamang siya sa kanyang pagtakbo. Pawis na pawis na ako sa kahahabol sa kanya.

“Miss!..Sandali lang!... ba’t ba ang bilis niyang tumakbo. Nahihingal na ako sa katatakbo at kahahabol sa taong hindi ko naman kilala.

“Miss! Miss!... misssss…! Aray!... Shit!!! Ouch…! Ang sakit natapilok pa ako…

Araaaay!!!... aray!.. namulat ang mata ko, pawis na pawis ako at hinihingal. Basa yong damit ko sa pawis parang daig ko pa ang nagjogging. Manipis at maluwang na white t shirt at maikli na cotton short ang suot ko na pantulog.

Mataas na pala ang sikat ng araw. Anong oras na ba? Tiningnan ko ang alarm clock na nasa study table ko sa harap ng aking kama.

“naku, 6am na pala, malalate na naman ako nito sa klase.” Dali-dali akong bumangon at inayos ang higaan. Patungo na sana ako sa banyo ng mahagip ng paningin ko ang picture frame namin ni Paul ang boyfriend ko. Nakaramdam ako ng lungkot ng makita ko ang sweet naming picture.

“makaligo na nga.”

7:00 am… University

“Hay Salamat buti nalang wala pa si prof.” napakastrikta pa naman nun, laging on time, first period pa naman namin sya ngayon. Maladragon kong magalit parang laging naglilihi animo’y umuusok lagi ang ilong at taenga kong galit. Ayaw na ayaw pa naman nun ang mga late comer. Once pumasok na sya sa classroom automatic na close na ang door ng room namin hindi kana makakapasok kong late kana.

Kong hindi lang mahaba ang pasensya at tyaga ko I’m sure isa na rin ako sa quitter kagaya ng iba na tumigil na kasi hindi kinaya ang pressure ng studies.

Saktong sakto wala pa nga ang aming professor, Nakita kong andoon na ang bestfriend kong si maige. Anak ng isang businessman si Maige, Filipino-Chinese ang kanyang ama at pure filipina naman ang kanyang ina. Kahit mayaman sila hindi siya kagaya ng iba na matapobre ganon din ang pamilya niya. Ngumiti siya ng Makita niya akong pumasok ng aming classroom, naging singkit lalo ang kanyang mata ng makita ako. Kahawig niya si Kim Chiu madaldal at chinita.

“Hay Salamat wala pa si Prof. napakastrikta pa naman nun parang pasan ang mundo laging nakasimangot dagdag pa ang singkit nitong mga mata feeling maganda e ang dami namang pimples at acne marks at kabaliktaran ng sexy ang figure, in short mataba.” Bungad niya.

Nakita ko ang bestfriend kong paparating. Himala ang aga nya ngayon. Worried na rin ako sa kanya kasi ilang beses na siyang hind nakakapasok ky prof lagi kasing late. Nasa isip ni maige.

“hello besh, ang aga mo ngayon ha, Mabuti naman at hindi ka na naman nalate may exam pa naman tayo. Ready kana ba? sa tingin ko naman ay ready kana you’re so fresh.”ngiting litanya niya.

“By the way, nag-usap na ba kayo ni Paul? sa pagkakatanda ko its been three months na hindi na kayong nagkita at nag-usap”. Hindi ko maitago ang lungkot ng banggitin niya si Paul.

Naupo ako sa tabi niya. Wala pa naman ang professor namin. “Hindi pa after what happened.” Sagot ko.

“Ayoko muna siyang pag-usapan besh, hindi ko pa alam kong anong next step ko gusto ko magfocus muna sa ating exam.”tugon ko, feel ko kasi na sumasakit yung ulo ko pag naalala ko ang nangyari.

Nandoon pa rin yong sakit after sa nangyari sa amin ni Paul. He wants to reach out to explain pero ako na ang lumayo. I block him on my social media account at maging sa mobile phone ko. Ilang beses rin siyang nagtangkang lumapit sa akin pero umiiwas ako. Ayokong makita ang pagmumukha niya. Three months na pala ang nakalilipas after sa pangyayaring hindi ko inaasahan.

Paul was may first boyfriend at ako rin yong first girlfriend niya. For almost two years naming relationship ay masaya naman kami kaya ang sakit lang na magagawa niya iyon sa akin…ang lokohin ako.

Erase!..erase…no more paul na…move on na Isabelle. Napailing ako.

“Oy! Are you okey?”. Pagtataka ni maige. Nakita niya na natigilan ako saglit at umiling.

“Wa-wala, by the way I dream last night the same dream happen na naman.”sumbong ko.

Hindi ko na rin mabilang kong ilang beses ko ng napanaginipan ng paulit-ulit ang babaeng tumatakbo sa damuhan. Pilit ko siyang hinahabol pero hindi ko siya maabutan.

“Naku beshy sino kaya siya? Im sure may part siya sa life events mo. Gusto mo I consult natin sa lola ko marunong siyang magbasa ng kapalaran ng tao sa palad.”suggestion ni Maige.

“Sino kaya siya? Bakit ko siya napapanaginipan? Magiging totoo kaya siya?”tugon ko. Nagtataka talaga ako kung bakit nananaginip ako ng paulit-ulit.

Nagkatinginan na lamang kami ni Maige na nakakunot ang noo ng dumating ang aming professor. Tumayo na ako at pumunta sa aking silya at nagsimula na ang aming klase.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status