FATE'S POVNakakulong lang ako ngayon sa kwarto na tinutulugan ko dahil wala akong pupuntahan o gagawin. Sayang lang at hindi natuloy sa pagpunta rito si Vien kahapon dahil kinailangan n'yang mag over time sa trabaho. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang laptop na nasa bag. Ilang araw na rin akong hindi nakakapagsulat.Binuksan ko 'yon at dumiretso sa G Drive—dito ko kasi tinatambak lahat ng mga isinulat ko. Panay scroll lang ako hanggang makita ko yung kwentong isinulat para sa kaniya. Matagal na panahon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin 'yon binubura. Bukod kasi sa pagod at oras na ipinundar ko para lang matapos 'yon ay nagbabakasakali pa rin ako na balang araw ay magkakaroon ako ng pagkakataon na ipaba 'yon sa kaniya. Ayaw ko rin burahin 'to dahil para ko na rin kinalimutan ang mga alaala naming dalawa ni Jerome.Nakita kong tumatawag sa cellphone ko. It's my mom. Sinagot ko 'yon at pinalakasan ang volume dahil panay sulyap ko pa rin sa bawat pahi
THIRD PERSON'S POVNasa may sala sina Sebastian at Xavier ng makita nila si Fate na pumasok sa pintuan. "Kumusta ang lakad mo?" Tanong ni Sebastian. Napahinto naman si Fate sa paglalakad. Nanatili s'ya sa kinaroroonan n'ya habang nakayuko. Namumugto kasi ang kaniyang mga mata at ayaw n'yang makita nino man."O-okay lang. Papasok na ako sa kwarto." Saad nito at nag paunahan sa pagpaalis. Nanatiling walang imik si Xavier habang ang kaniyang mga mata ay nakatuon sa dinaanan ni Fate. Naninibago siya dahil hindi ito maingay."Fate and I will be out tomorrow." Nabaling ang atensiyon ni Sebastian sa kaniya. Binigyan s'ya nito ng makahulugang ngiti."We'll be attending her sister's engagement party." Dagdag nito."Balita ko inagaw daw ng kapatid n'ya ang boyfriend ni Fate. Kaya may alitan silang dalawa hanggang ngayon. Paniguradong hindi pupunta si Fate dahil makikita n'ya ang ex boyfriend at kapatid n'ya na masaya."Komento ni Sebastian. "That would be great. Besides, her ex-lover is now th
"I've been waiting you for so long and it's worth the wait. I know you're still recovering but always remember that you have me on your side. I'll protect you and take care of you 'til my last breathe." They held each other's hand. Nag palitan sila ng engagement ring. Napatuko ako ng wala sa oras. It hurts."I forgot to give you this." Kunot-noo akong napatingin kat Xavi. May ipinakita s'yang kwentas sa'kin."Para saan na naman 'yan?" Tanong ko. Tumayo s'ya at isinuot 'yon sa'kin. What are you up to Xavi? Ngayon ko lang napansin ang mga matang nakatingin sa'min. I saw flashes of cameras na dapat sana'y nakatuon kina Liandra. To my surprised, silang dalawa ay nakatingin din sa'min.Ng makababa silang dalawa ay doon nag simula ang kasiyahan. Lumapit ako sa kina mama at papa na ngayon ay nakangiti sa'kin."Hi Ma, Pa," bati ko sa kanila."Gummy Bear hindi mo sa'min sinabi na may boyfriend ka na pala. Sa pananamit palang halatang mabuting bata s'ya. Komento ni mama. Muntikan ko ng maibuga
FATE'S POVNagising akong mabigat ang pakiramdam at masakit ang paa ko. Inilibot ko ang kabuuan ng kwarto at doon ko napagtantong nasa bahay pala ako ni Xavi. Sinubukan kong igalaw ang mga paa ko pero masakit pa rin. Biglang bumukas ang pinto at dumungaw doon si Vien. Teka!"BIIII!!!!!!""BRUHAAAAAA I MISSED YOU!!" Agad itong nag tatakbo at niyakap ako."Oh my gosh sobrang na miss kita Fate." Maluha-luha nitong sabi sa'kin. Muntikan na akong matawa dahil sa hitsura n'ya."Bii 'wag kang umiyak. Ang pangit mo na nga tapos gusto mo pang pumangit lalo?" Panunukso ko sa kaniya. Inirapan n'ya lang ako."Bakit ka pala nandito? Teka, alam ba ni Xavi na pumunta ka rito? Naku baka pagalitan ka nun." Pag aalala ko sa kaniya."H'wag kang mag alala kasi sa katunayan s'ya ang nag papunta sa'kin dito. Wala ka raw kasama at walang mag aalaga sa'yo." Saad nito at bumalik sa may pintuan. Sinarado n'ya 'yon at ni lock. Pagkatapos ay humiga sa tabi ko."Bakit kailangan pa akong alagaan? Kaya ko naman eh.
FATE'S POVKasalukuyan kaming nasa kotse nina Sebastian at Xavi. Ngayon ang unang araw ko bilang secretary n'ya at sana naman ay maging maayos ang lahat. Kinakabahan ako dahil wala akong alam sa posisyong pinasukan ko basta ang mahigpit na bilin sa'kin ni Xavi ay sundin ko raw lahat ng ipinag uutos n'ya. Kapag ginawa ko raw yun ay walang magiging problema. Ang ipinagtataka ko lang ay kung susundin ko s'ya palagi eh what's the point of hiring me as her secretary? I mean, yung reasons kung bakit n'ya ako pinili diba? So, I decided na susuwayin ko rin s'ya minsan lalo na kapag sa tingin ko ay mali s'ya."Fate, are you listening to me?" Nabalik ako sa katinuan ng marinig ko ang boses n'ya."Ha? Tinatawag mo ba ako?" "You're not paying attention. Be attentive all the time especially when we're at the company. What's my schedules for today?" Binuklat ko naman ang folder na binigay sa'kin ni Sebastian kagabi. "Here's your today's schedule Xavi. 9:30 am you have a meeting with the sharehol
FATE'S POVNasa meeting kami ngayon kasama ang mga leader ng bawat department. Itong kabuuan ng meeting room ay doble pa sa laki ng inuupahan kong bahay. Gusto ko sanang maglibot pero mamaya nalang siguro."Sir Xavier, napakaraming natanggap nating manuscript mula email. Unfortunately, ang iba sa kanila ay hindi gaanong kasikat ang genre na pinili nila kaya for sure ay marami rin ang ma rereject." Sabi ng isang babae na katabi sa upuan ni Xavi. Ganito pala ang ginagawa ng mga kompanya kapag may natatanggap silang manuscript?"Decline those unpopular tropes and review the manuscripts that will remain." Utos ni Xavi. Kung ganoon ay basta-basta nalang nilang itatapon 'yon?"P-permission to speak." Lahat naman sila ay napatingin sa'kin. Ng mapansin kong tahimik lang sila ay doon ako muling nag salita."It's unfair kung basta-basta nalang e rereject ang isang manuscript dahil lang sa hindi popular ang tropes nila." Nakita kong napataas ang kilay ng iba."Ms. Secretary, bago ka palang dito
FATE'S POVTahimik kaming umuwi kanina sa bahay. Ayaw ko muna s'yang kausapin dahil sa nangyari kanina. Samantala, bilang pasasalamat sa kaniya ay ipinagluto ko s'ya ng adobong manok. Napansin ko kasing hindi n'ya ginalaw yung pagkain na pinaorder n'yang friend chicken. Wala rin naman akong makausap dahil wala rito si Sebastian, inutusan kasi s'ya ni Xavi at baka bukas pa makauwi. Dala-dala ang food tray ay tinungo ko ang opisina n'ya. Kumatok ako ng tatlong beses pero wala pa rin akong natatanggap na sagot. Kaya naman ay nag lakas-loob akong pumasok. Wala akong nadatnan.'Nasaan kaya s'ya?'Muli akong lumabas sa opisina n'ya at balak kong puntahan s'ya sa kaniyang kwarto —kaharap lang 'yon ng kwarto ko. Kumatok ulit ako ng tatlong beses at doon ay nabuhayan Ako ng marinig ko s'yang magsalita. Pumasok ako sa loob at doo'y nakita ko s'yang nakahiga sa kama n'ya."Okay ka lang?" Tanong ko at dali-daling hinawakan ang noo n'ya. Inaapoy s'ya ng lagnat."May lagnat ka. Teka lang, hintayin
JEROME'S POV"Love, breakfast ka muna dali." Sabi ng fiancee ko. Napangiti naman ako. Hindi nga ako nagkamaling minahal ko s'ya. She's caring and lovable everyday."Thanks, love." "I almost forgot ahm may new upcoming movie ako sa mga susunod na buwan. Pwede bang ihatid mo ako kapag nag simula na kaming mag taping?" No one can resist her charming...not even me haha."Sure."Pagkatapos ay pumasok na ako sa opisina. Binati nila ako then ngumiti naman ako sa kanila. Kakaturned over lang ni Daddy nitong kompanya sa'kin. Sa totoo lang, ang ate ko talaga ang namahala rito simula ng pumunta kami sa States nila Daddy. Kung ano man ang narating ng kompanyang ito it's all thanks to her.Kumatok muna ako bago pumasok, then there she is, busy na naman sa desktop n'ya. "It's too early to be workaholic ate." Napasulyap naman s'ya sa'kin at muling ibinalik ang tuon sa ginagawa n'ya."I need to work for the company." She answered. Muli akong lumabas sa opisina n'ya. Nakasanayan ko nalang siguro na