Share

CHAPTER 4 - STAY HERE

Nagising siya sa isang silid na hindi pamilyar sa kanya. Inikot niya ang kanyang paningin at sinuri ang buong paligid.

Agad niyang nakita ang maliit na mesa malapit sa kanyang higaan. Sa ibabaw nito ay may nakapatong na gamot na parang hindi pa nabubuksan at sa tabi nito ay isang maliit na palanggana na may nakababad na maliit na tuwalya sa loob. Akmang babangon na siya ng makaramdam siya ng pagkahilo. Mabigat pa rin ang ulo niya. Bumalik muna siya sa pagkakahiga. Kailangan niyang makaipon ng lakas para makalabas ng kwarto at hanapin si Marco.

Bakit niya, siya dito dinala? Napakalaking kwarto nito, atsaka mukhang mamahalin baka di niya kayang bayaran ang renta dito. Atsaka teka, bakit parang naka pajama siya? takang tanong niya sa sarili.

Tiningnan niya ang sarili sa ilalim ng kumot, kaagad siyang napasigaw at napabalikwas ng makitang iba na ang suot niya na damit.

Bakit iba na ang damit ko, sinong nagbihis sa akin? Oh my!!!

Kagabi napanaginipan niyang kahalikan niya si Marco.. Sobrang saya niya dahil pareho sila ng nararamdaman sa isa't-isa. Pero panaginip lang ba talaga yun? Siya ba ang nagbihis sa akin? puno ng kaba at pagkahiya sa sarili ang nararamdaman niya, sa kanyang mga naiisip.

Nasa ganun siyang imahinasyon ng marinig niyang may nagbukas ng pinto at iniluwa doon ang matangkad at gwapong mukha ng lalaki papasok sa loob ng kwarto habang pilyong nakangiti sa kanya.

"Kumusta na ang pakiramdam ng asawa ko?" tanong nito sabay hawig ng kakapirasong buhok na nakatakip sa pisngi niya.

Bigla siyang nataranta sa ginawa nito. Parang agad siyang pinamulahan dahil sa kung anong mainit na enerhiya na ang biglang dumaloy sa kanyang buong katawan. "At anong sabi niya? Asawa?" umangat siya ng tingin at tinititigan ang lalaki na parang nagtatanong.

"M-Marco, Sinong nagpalit ng damit ko? Hindi ikaw yon diba?" bakas ang kaba sa mga tanong ni Katleah.

"Bakit?, wala namang masama kong ako, dahil magiging asawa naman kita diba?" pang-aasar nito sa kanya

.

"Marco! Ano ba! hindi ako nagbibiro.!" naiinis na inirapan niya ang binata.

"Okay.. Okay.. inaasar lang kita, bakit ba ang dali - dali mong mapikon.? kaumpisa ko pa nga lang eh." nakangiti paring wika ni Marco.

"Pwes wala ako sa mood para maki pagbiruan sayo.! at saka ang dami ko pang itatanong sayo. Kanino yong bahay na'to? baka ang buong sahod ko dito lang mapupunta sa upa. Di ba sa..."

"Hey.. Hey.. listen wife.. si nanay martha ang nagbihis sayo okay, atsaka mamaya na tayo mag -usap tungkol sa bahay na to. You need to eat first and take your medicine." sabay lagay ng kamay nito sa noo ni Katleah at pinakiramdaman kung may sina't pa ito.

"Medyo may sina't kapa.Hindi ka nakainom ng gamot kaninang madaling araw. Humiga kana muna diyan dahil hindi mo pa kaya. Papadalhan kita ng almusal kay nanay Martha at pagkatapos inumin mo ang gamot mo, Hmmm... Wife? do you hear me?"

Speechless siya sa inasal ng lalaking nasa harapan niya. Ano ba ang nakain nito at parang masyado naman yata itong biglang bumait? Dati tingin nito, sa akin mukhang pera, tapos biglang mag-aalok ng kasal, then ngayon kung ituring niya ako para akong asawa niya?" nalilitong tanong ni Katleah sa sarili. Tumingala siya at inirapan ito.

"Hindi pa ba na tanggal yang kakapalan ng pagmumukha mo madman? Nahihiwagaan na ako sa ugali mo.Tsaka tigil-tigilan mo na nga yang pagsasabi ng wife o Asawa sakin, nag sitatayuan mga balahibo ko sa tuwing tinatawag mo ako sa ganyan."

"Feeling ko gusto kitang yakapin, ayoko lang umasa baka may ibang plano ka.." bulong niya sa sarili.

"Kung ganun anong gusto mong itawag ko sayo baby? sweetheart?" may himig panunudyo ang sagot ni Marco sa dalaga.

"Bakit ba ang hirap mong kausapin? Sinabi ko na ngang ayoko ng mga pabebeng tawag mo na yan di ba? Wala naman tayong relasyon, kaya tumigil ka't baka marinig ka ng mga tauhan mo at ano pa ang isipin nila." saway niya sa binata.

Tok! Tok!Tok!

"Iho! andito na ang almusal na pina handa mo kanina." wika ni nanay Martha sa labas ng pinto.

"Ipasok nyo nalang ho dito Nanay Martha."

Agad na pumasok si Nanay Martha dala ang Food tray na may lamang iba't-ibang pagkain.

"Nanay Martha kuhanan niyo na rin ho ako ng isa pang plate, dito narin ho ako kakain". pahabol ni Marco sa matanda ng mapansing lalabas na ito.

Napaawang ang labi ni nanay Martha pag karinig sa sinabi ng kanyang alaga. "Bakit dito siya kakain? Di ba ayaw niyang kumakain sa kwarto?, kahit nga noong siya ang nagkasakit pinipilit niya talaga ang bumangon para sa dining area siya kumain. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Natisod kaya siya?" nalilitong usal ni Nanay Martha sa sarili.

"Nanay Martha? okay lang po ba kayo? kanina pa po kayo tulala diyan?" nag tatakang tawag ni Marco sa matanda.

"Ah ha..? Ah... wala iho... cge magdadala ako ulit ng plato". sagot nito tsaka nagmamadaling umalis.

"Hindi mo naman kailangan na kumain dito. Kaya ko pa ang sarili kong lumabas at doon kumain." wika ni Katleah habang pinipilit ang sarili na bumangon, ngunit agad namang sinaway ni Marco.

"No! Huwag ka na ngang mapilit. Hindi kapa umiinom ng gamot at may lagnat kapa. Halika tulungan na kitang maka-upo ng maayos." sabay lagay ng dalawang kamay nito sa likod niya na parang niyayakap siya at inalalayan siyang makasandal sa headboard ng kama.

Amoy na amoy niya ang pabango nito na naging pamilyar na sa tuwing lumalapit ito sa kanya. Nakaka addict kung baga. Ipinilig niya ang kanyang ulo sa kung ano-anong wild imagination ang pumapasok sa kokote niya.

"No.. it's okay.. please stop it Marco.. Ano bang ginagawa moh? baka naman masanay ako sa ginagawa mo at hahanapin kita.. kaya itigil mo na yan.." pabiro pa niyang saway sa lalaki.

"Eh di hanapin mo, sooner or later mag-aasawa din naman tayo eh." agad namang pinatulan ni Marco ang pagbibiro niya.

"May pagkatigasan din pala ng ulo itong si Marco." sa isip niya. Hindi na lang siya sumagot at tahimik na lang na inabot ang kanyang pagkain. Agad din naman sumabay si Marco sa kanya na kumain pagkatapos maihatid ni Nanay Martha ang set ng kubyertos sa binata.

Habang kumakain sila ay naisipan niya ulit itanong dito ang tungkol sa alok nito kagabi na upa ng bahay.

"Siya Nga pala Marco, yung alok mo kagabi na upa ng bahay saan yon? baka pwede akong makiusap na sa susunod na araw na lang ang bayad sa downpayment." seryosong tanong niya sa binata.

"Ahmm.. Dito yon. At ito na ang magiging kwarto moh. Dont worry sa renta libre ito wala kang babayaran. Atsaka.. huwag ka nang bumalik sa trabaho mo. Magresign kana doon". parang nag-uutos nitong sagot sa kanya.

Biglang nawalan ng gana si Katleah sa mga narinig niya mula sa lalaki. "Ano? Ito na naman ba tayo Marco? paulit-ulit nalang?" naiirita na tanong niya.

"Bakit? wala namang masama sa sinasabi ko ah. Ang gusto ko ..."

"STOP! I don't want to hear it again from you." pigil niya sa iba pang sasabihin nito. "Unang -una wala akong plano na ipaasa sayo ang buhay ko, kaya ayokong tumira dito na walang bayad, di bale na lang.. hahanap na lang ako ng ibang mauupahan. "Pangalawa huwag mo akong utusan na mag resign sa trabaho ko dahil yon lang ang hanapbuhay ko.." namumula ang mukha niya sa inis sa binata.

"Alright Katleah listen first please....? Una, Hindi kita sisingilin ng upa dahil dito kana titira. Pangalawa kailangan mo ng umalis sa trabaho mo dahil mayroon akong offer na bagong trabaho sa'yo, at mas malaki ang sahod kaysa doon sa mall na pinagtatrabahuhan mo. So okay na ba yon sayo? " wika ni Marco.

Bigla siyang napaisip sa alok nito sa kanya, kung sabagay mas kailanganin niya ang malaking sahod para mabilis siyang mkaipon upang may pambayad sa isang private detective na siyang tutulong sa kanya upang mahanap ang tunay niyang mga magulang. Umangat siya ng tingin sa lalaki.

"At anong klase ng trabaho naman ang inaalok mo? Makakaya ko ba yan?." may himig pagdududa sa tanong niya.

"Ikaw ang magiging personal Secretary ko." agad namang sagot ni Marco

"Personal Secretary? Di ba mayroon ka non? baka sabihin pa non inagawan ko siya ng trabaho." pangontra niya sa inaalok nito.

"No.. personal secretary ko siya pero sa labas siya ng office, at pumapasok lang siya sa tuwing may importanteng dokumento na kailangan kong permahan. Pero ikaw sa loob ka ng office ko, mag timpla ng aking kape, at mag- aayos ng mga files sa loob." mahabang paliwanag ni Marco.

"O-okay sige, tatanggapin ko ang offer mo basta nagtatrabaho ako ng malinis. Ayokong laging umaasa sa iba." kakasabi niya lang ng muli itong magsalita.

"And One more thing.. Be my Wife.. dagdagan ko ang sahod mo bilang asawa ko." pahabol na sabi ni Marco habang inaaral ang magiging expression ng mukha ni Katleah.

"Sinasabi ko na nga ba eh, may iba ka talagang plano Madman ka!". sabay pukol nito ng unan sa lalaki na halata ang pagkainis.

Agad naman itong sinalo ni Marco at nilagay sa kanyang tabi. Sumilay ang ngiti sa labi nito habang nakatitig sa dalaga.

"Anong ngingiti-ngiti mo dyan? sa tingin mo nakakatawa ka?" sabay irap dito ni Katleah.

"I know. Di ko lang kasi mapigilan, sa tuwing naasar ka lalo kang namumula, dahilan para mas lalo kang naging cute."

"Marco! Isa pa! agad niyang saway sa binata. Pulang pula na ang mukha at tainga niya sa sobrang kahihiyan kaya naisip niyang inisin din ito. "Hinding hindi ako pakakasal sayo!" agad niyang nasabi.

Biglang napalis ang ngiti mi Marco dahil sa sinabi ni Katleah.."Bilisan mo na at uminom ng gamot atsaka magpahinga ulit. Bukas ka na pumasok sa opisina." wika na lang niya.

"Hindi pwede, papasok ako ngayon sa supermall kailangan kong makapag paalam ng maayos at makapagpasa na rin ng resignation ko." agad namang tutol niya sa binata.

"Tatawagan ko nalang ang branch manager mo at ako na ang bahalang magpaalam para sayo. Kailangan mong magpahinga muna sa ngayon, upang makabawi at para maihanda mo narin ang sarili mo pagpasok bukas ng kompanya." pangungumbinsi pa rin nito sa kanya.

Hindi na siya nakikipagtalo pa sa lalaki.. after niyang kumain uminom na kaagad siya ng gamot at nagpahinga.

"Sige aalis muna ako. Rest well baby okay?" sabay halik nito sa kanyang noo bago lumabas ng kanyang silid.

Hanggang ngayon napaawang parin ang labi niya habang hinahawakan ang noo niyang kanina lang ay hinalikan ni Marco. Para siyang nalulunod sa ulap ng maramdaman niya ang mainit na halik ng lalaki. Katulad ito ng halik sa kanyang panaginip.

"Oh no! wag naman sana akong ma fall in love sa lalaking yon, ayaw kong umasa at baka masaktan lang ako. baka ganun lang talaga siya sa mga babaeng kasama niya" pangungumbinsi niya sa sarili, saka bumalik sa pagtulog.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jake D Tan
Ohhh noh. katleah alagaan ang Puso.. wahahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status