DELA VEGA CORP. CONFERENCE ROOM
"Alright! that's all for now. Dismissed.! agad nang tinapos ni Marco ang meeting. Hindi na kasi siya makapag concentrate ng maayos sa mga dinidiscuss na report ng mga department heads ng bawat departamento ng kanyang kompanya. Puro mukha nalang ni Katleah ang kanyang nakikita. Hindi siya mapakali sa sobrang excitement sa tuwing kanyang maiisip na bukas lagi na niya itong makakasama.
Makikitang nakayuko ang lahat na mga empleyado habang mabilis ang mga hakbang na nagsisilabasan ng conference room sa takot na baka mapansin at mapagbuntunan pa ng galit ng kanilang boss.
"James?"
" Yes, Boss?"
" Ipaayos mo ang loob ng opisina ko. Gusto kong lagyan mo ng isa pang table sa loob. Doon banda sa makikita kaagad ng mga mata ko."
"Teka Boss, para saan po ba yung isa pang table sa office nyo?" tanong nito habang nakakamot sa ulo.
"James? Ako ba ang boss o ikaw? Baka gusto mo nang magbakasyon at mananatili sa bahay mo? sabihin mo lang.. ayoko nang secretary na masyadong maraming tanong."
"Biro lang Boss. hehe.. ngayon kaagad boss ipapaayos ko ang loob ng office mo, siyanga pala boss darating bukas si Sandra Montenegro para pumirma ng kontrata bilang bagong model ng De la Vega Airlines."
Nakakunot noo na binalingan niya si James. "Ikaw na ang bahalang humarap sa kanya bukas. Si dad naman ang may gustong gawin siyang modelo."
Alam niya kung bakit si Sandra Montenegro ang piniling maging model ng dad niya, dahil sa gusto nitong magkalapit silang dalawa, hanggang sa ito na ang mapili niyang pakasalan. Kababata niya si Sandra at halos sabay na silang lumaki at nag-aral sa Amerika. Kaisa-isahang anak ito ng ka business partner din nila sa negosyo at matalik na kaibigan ng kanyang ama. Kahit ganun pa man, wala siyang pagtingin sa babae dahil masyado itong liberated. Matagal na nitong binibigay ang sarili sa kanya pero hindi niya ito pinapansin. Kaya mas pipiliin niyang si James nalang ang haharap dito bukas, para hindi masisira ang araw niya.
Lumabas siya ng conference room at derektang pumasok sa kanyang opisina ngunit kakaupo niya pa lang ng magring ang kanyang telepono.
"Hello Nanay Martha, napatawag ka? Si Katleah kumusta na ang pakiramdam niya?" naeexcite niyang tanong sa matanda.
"Yan nga ang dahilan na tumawag ako sayo iho..kasi pupunta daw siya ng Supermall. Sinabihan ko na antayin ka, pero ayaw talaga magpa pigil. Umalis siya na hindi man lang naghatid sa driver. Baka hindi pa yon magaling at mapaano sa daan." nag-aalala na wika ng matanda.
"Ako na ang bahala sa kanya Nanay Martha. Salamat."
Pagkababa ng telepono agad niyang tinawag ang kanyang Secretary.
"James! Ipahanda mo ang kotse aalis tayo ngayon din."
"Yes Boss" agad namang tumalima si James upang ihanda ang sasakyan.
SUPERMALL DEPT. STORE
"Ano ba Katleah? Hindi mo ba sineseryoso ang trabaho mo? Pumunta ka dito ng half day tapos magreresign ka? Ano to? hindi ko tatanggapin yan." sabay balik ng Department Manager ng resignation letter sa kamay ni Katleah.
" Pero sir, kailangan ko po talaga kasing mag immediate resign. Segi na sir, payagan nyo na po ako."
"Huh? Nagpapatawa kaba Katleah? May protocol tayong sinusunod dito. You have to render your resignation within 15 days!. Eh.. ano tong sayo? pupunta ka dito tapos magpapaalam ng ganun lang kadali? Eh di mag AWOL kanalang." pagalit na sagot ng kanyang Department Manager.
"Kaya wala akong tiwala sa Katleah na yan eh, lumapit sakin yan nakaraan nanghihiram ng pera, hindi ko pinahiram dahil wala akong tiwala." Tsk.. di nga ako nagkamali. Tingnan niyo magreresign ang bruha.. Thank you nalang sana ang pera ko, kung nagkataon na pinahiram ko siya."
"Sa akin nga, nanghiram din yan eh... pero hindi ko rin pinahiram. natakot ako baka hindi pa ako bayaran, buti nalang talaga at tama ang ginawa ko."
Parang maiiyak si Katleah ng mapagtanto niyang siya ang pinag-uusapan ng mga kasamahan niya sa trabaho. Pilit niyang pinatatag ang kanyang loob. "Kaya mo yan Katleah.. Kaya mo."
Muli niyang hinarap ang kanilang Department Manager at sumang-ayon sa gusto nito.
"Sige po sir, pwede bang absent nalang muna ako ngayon kasi alanganin na po ang pasok ko sa trabaho. Tatapusin ko nalang po ang another 15 days bago ako mag resign. Papasok na lang poh ako bukas sir."
" At sinong nagsabi na papasok ka pa dito bukas?"
Lumingon ang lahat sa pinanggalingan ng boses. Napaawang ang kanilang mga labi ng makita kung sino ang nagsalita. Maging ang lahat ng mga kababaihan ay hindi mapigilan ang sobrang kilig. Ang ibang mga customers naman ay napahinto sa pag shopping dahil sa isang big shot na pumasok sa loob ng mall. Nakabusiness suit ito at sa likod niya ang may dalawang grupo ng body guard na maigi lang nakamasid sa paligid at nakaabang ng posibleng ipag-uutos ng boss nila.
"Shocks! ang gwapo niya girl" Crush ko na siya kaagad. Mabuntis niya lang ako okay na ako doon kahit hindi na niya ako panagutan." wika ng isang salesgirl na tumatalon-talon pa sa sobrang kilig habang tinititigan ang gwapong mukha ni Marco.
"Paano ka naman niya mabubuntis eh hindi ka naman kapansin-pansin. Ako siguro pwede pa". sabad naman ng kasama niyang sales girl, na may kakapalan din ang mukha sa make-up.
" Hoy tumigil nga kayong dalawa diyan. Di ba kayo nagbabasa o nanonood man lang ng balita? Hindi niyo man lang siya kilala? Mahiya nga kayo sa mga sarili ninyo." saway ng isang ginang na customer na nakarinig sa pag-uusap nilang dalawa.
"Huh? Bakit? Sino ba ang lalaking yan?"
"Naku mga laki sa bundok talaga kayo. Siya si Marco Dela Vega ang nagmamay-ari ng sikat na Dela Vega Airlines at TOPMOST HOTELS sa buong bansa. Kaya kayo, tumigil na diyan sa kaka ilusyon niyo."
Hindi makapaniwala ang mga katrabaho ni Katleah sa narinig nila. Pero bakit nandito ang isang Marco Dela Vega sa loob ng mall?
Hindi naman siya pumunta, sa mga ganitong mall di ba?
Nasa ganoon silang palaisipan ng magsalita ulit si Marco sa harap ng Manager.
"Kailangan mong tanggapin ngayon ang kanyang resignation letter dahil hindi na siya babalik bukas."
" P-Pero sir?
"Tawagan mo ang boss mo ngayon din. Sabihin mo gusto ko siyang makausap." pang -aagaw niya sa sinasabi nito.
Kinuha kaagad ng Department Manager ang kanyang Cellphone sa bulsa at mabilis na tinawagan ang kanyang boss. Ipinaliwanag niya dito ang lahat ng nangyari. At ng sabihin niya ang salitang isang Marco Dela Vega ang naghihintay sa kanya, bigla itong napasigaw.
"Ano? Marco Dela Vega!? Bakit mo pa ako tinawagan? Sana binigay mo na ang gusto niya.! Bakit mo pa ba ginagawang komplikado ang lahat? Hindi mo ba alam na siya ang may pinakamalaking share sa lahat ng mga mall dito sa bansa?Pupunta ako dyan ngayon din."
Agad na namutla ang mukha ng department Manager dahil sa kanyang narinig. "Naku!mawawalan na ba ako ng trabaho?" kinakabahan na usal niya sa sarili. Pagkalipas ng isang minuto ay dumating na ang Branch Manager. Sumaludo kaagad ito ng makita si Marco.
"Ahhmmm.. s-sir.. Sorry for the inconvenience.. nagkamali po yong tao ko." patay malisya nitong paghingi ng tawad.
"No, wala namang mali sa kanya dahil ginagawa niya lang ang kanyang responsibilidad. Ipinatawag kita since hindi naman siya makapagdecide ng maayos, it's better na sayo ko na lang sasabihin since ikaw naman ang nagmamanage ng branch na ito. I want you to receive her resignation." sabay lingon kay Katleah na kanina pa nalilito sa mga ginagawa niya. Hinawakan niya ito sa kamay at hinila palapit sa kanyang tabi.
"Marco, ano bang ginagawa mo?" saway ni Katleah.
Binalingan siya ni Marco ng naka kapasong tingin. Woman, hindi ba sinabi ko na sayo na sa bahay kalang at mag papahinga? Hindi ka pa lubos na magaling."
"Ilang beses ko bang sabihin sayo na huwag mo akong pakialaman sa mga desisyon ko.? Kaya ko ang sarili ko, kaya huwag mo akong tratuhin na parang anak mo na laging ikaw Knight Shining Armour sa tuwing nagkakaproblema ako." inis na inirapan niya ito, bago tinalikuran at padabog na umalis.
Kunot-noo ng sinundan siya ni Marco ng tingin.
"Aahhhmmm, Ah.. sir pwede bang magtanong kung kaano -ano niyo po si Katleah?" nagtataka ng tanong ng Regional Manager na hanggang ngayon nahihiwagaan pa rin sa inaakto ng dalawa.
" She's My Woman, and soon to be my Wife. so I don't want her to work here anymore, understand?" sabay talikod nito habang malalaki ang mga hakbang na sinundan si Katleah. Agad niyang hinawakan ang kamay nito palabas ng Department Store.
Napakamot nalang sa ulo ang manager habang tinitingnan sila palabas na magkahawak kamay.
Bumagsak na naman ang panga ng lahat na umaasa.
" Wala na pala tayong pag-asa kay sir Marco, mukhang si Katleah ang type niya." mangiyak-ngiyak na wika ng isa.
"Sana pinahiram ko nalang si Katleah ng pera noon, may dahilan sana akong makilala at makausap si sir Marco. Ang gwapo talaga niya." nanghihinayang na sagot din ng isa.
Samantala sa loob sasakyan....
Mahigit isang oras ang nakalipas, bumukas ang pintuan ng operating room, inliuwa nito ang nanlulumong katawan ni Doc Amy. Mabilis na umalis si Allaric mula sa pagka kayakap ng kanyang lolo, at tumakbo papunta sa babaeng doctor. Pinipigilan ni Doc Amy ang kanyang sarili na mapaluha habang nakatingin kay Allaric na punong-puno ng pag-asa, sa pag-akalang buhay pa ang kanyang ina. "Tita Amy, si Mommy, kamusta na si Mommy?" puno ng pag-asa na tanong ni Allaric. Sandaling lumuhod si Doc Amy upang maging pantay sila ng bata. Halatang nahihirapan siyang magsabi ng totoong nangyari sa kanyang ina. "Boy, I'm sorry. Your mom needs you to be strong para sa mga kapatid mo. Gusto pa niyang lumaban ngunit ayaw na ng katawan niya. We have to let her go. Just think that she's now happy with your dad in heaven." "No, hindi totoo yan!, Buhay pa ang mommy ko! Iniwan na kami ni Daddy, alam kong hindi niya kami iiwan! Mommmmyyy!" Niyakap ni Doc Amy si Allaric na ngayon ay naglulupasay na sa sahig dahil
Samantala, hawak-hawak ni Marco ang mga kamay ni Marcus, na nakaposas habang naglalakad sila patungong execution chamber ng Aerie. Biglang tumigil sa pagpapalitan ng mga putok ang mga tauhan ni Marcus, ng makita na nabihag na ni Marco ang kanilang boss. Wala na silang nagawa kundi ang sumuko, dahil kaunti na lang sa kanila ang natitira. Wala silang kalaban-laban sa dami ng mga mafia na bumaliktad sa kanilang boss, dahil halos lahat sila ay pumanig na sa Demon King. Dagdag pa dito, ang underboss na si Troy ang namumuno sa kanila, sa pakikipaglaban. Mabilis namang hinuli ng team Elite na pinamumunuan ni Lieutenant Mike Javier ang mga tauhan ni Marcus, na sumuko. Biglang nagliwanag ang mukha ng mga Aeta ng makita nila na sa wakas, nakatagpo din ng katapat ang kanilang Eagle King. At last, matatapos na ang kalbaryo na dinanas nila ng ilang taon, simula ng mawala ang kanilang Eagle Queen. Kahit past midnight na, lahat sila ay nagsilabasan pa rin sa kani-kanilang lungga, at di nagtagal napu
“Anak, maniwala ka, ako ang totoo mong ama, patawarin mo si daddy, iniwan ka ni daddy na nag-iisa at hinayaan ang buhay mo na manipulahin ni Marcus. Patawarin mo ako anak, wala akong nagawa upang makatakas sa kulungan na ito. Kung alam mo lang, ilang taon kong dinadasal na sana darating pa ang araw na ito na magkikita tayong muli.”"Pero bakit? Bakit ka kinulong dito, samantalang ang kakambal mo malayang nagpapasarap sa buhay niya sa labas?" Ang hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Sandra.Sandali munang nag pahid ng luha si Alex at mahinang naglakad pabalik sa kanyang maliit na kama, bago muling nagsalita.“Nangyari ang lahat ng mga nangyari, dahil sa kagustuhan ni mama na makapaghiganti sa pamilya ng mga Dela Vega.”Biglang nagka salubong ang kilay ni Marco matapos banggitin ni Alex, ang pamilya Dela Vega.Hindi muna siya nagtanong, hinayaan muna niya ang sarili na makinig sa anumang sasabihin ni Alex. Nakita niyang umupo ito at malamlam ang mga mata habang nakatingin sa labas.
Alas singko na ng hapon ng makarating sila sa lugar kung saan itinago nila si Sandra. Pagkatapos tawirin ang ilog, di nagtagal ay nakapasok na rin sila sa lumang bahay kung saan ito nakakulong. Pinaiwan nila si Allaric sa loob ng sasakyan, upang mamonitor niya ang mga nangyayari sa paligid. Mayroon lamang dalawang elites siyang kasama doon upang maprotektahan siya sa anumang pwedeng mangyari mamaya. Lahat sila ay nakasuot ng earpiece upang mapanatili pa rin ang komunikasyon nila sa isa't-isa. "Sandra, pakakawalan ka na namin mamaya, malaya ka ng makakaalis." wika ni Amarah, habang tinatanggalan ng piring ang mga mata ni Sandra. Ngunit lingid sa kaalaman ng babae, mabilis din ang isang kamay ni Amarah sa paglagay ng hidden spy camera sa butones ng damit niya. Matapos matanggalan ng piring, muling nagliwanag ang mata ni Sandra, habang umiikot ang kanyang paningin sa buong silid. Kahit naghilom na ang kalahati ng nasunog niyang mukha dulot ng acido na binuhos sa kanya ng mga nakaraang b
Matapos dalhin ni Marco ang asawa sa kanilang silid upang makapag pahinga ng maayos, agad na siyang lumabas ng silid at hinahanap si Allaric.Naabutan niya ito sa loob ng sariling silid na nakadapa sa kanyang kama, habang nakatitig sa sariling laptop. Tumingala siya sa kanyang ama ng maramdaman na pumasok ito.Umupo si Marco sa gilid ng kama, katabi ng kanyang anak; nakita niya mula sa video si Alex Montenegro na kausap ang isang matandang babae at batang lalaki na kasing edad lang din siguro ni Allaric."Mama, kailangan kong iligtas si Sandra. Apo mo pa rin siya, at hindi pwedeng hahayaan ko na lang siya, sa mga kamay ng bwisit na Marco, na yan!" Wika ni Alex sa matanda."Kahit kailan talaga, puro na lang sakit ng ulo ang dala ng babaeng yan! Kung hindi dahil sa anak siya ni Alex, hahayaan ko na lang yan, mamatay!""Kalma lang mama, may plano na ako sa babaeng yan, mamayang gabi mismo, pagkatapos siyang maitakas ng mga tauhan ko, ikukulong ko din yan kasama ni Alex sa kanyang kulungan
“Da….ddy!” nauutal na sambit ng more than 1 year old na si Zale ng makita ang ama.Muntik ng bitawan ni Amarah ang kanyang anak ng paglingon niya, biglang niluwa ng nakabukas na pintuan ang katawan ng kanyang asawa na puno ng dugo. Hindi niya alam kung sariling dugo niya iyon o dugo ng kanyang mga pinatay. Nakatayo ito at nakatitig sa kanya na para bang ilang taon na siyang hindi nakita. Mabilis na nilagay ni Amarah si Zale sa kanilang crib kasama ng mga kapatid niyang quadruplets.“Babe,” naiiyak niyang wika habang patakbong niyakap ang asawa. Wala siyang pakialam sa maraming dugo na nakakapit sa katawan nito, dahil pagka sabik ang namayani sa kanyang puso sa mga oras na ito.Naluluha na ring niyakap ni Marco ang asawa at matamang tinitigan ang mukha nito. Hindi niya akalain na mas lalong gumanda ito, after niyang mag undergo sa cosmetic surgery. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at hinila ang asawa papuntang bathroom.“Teka, sandali babe, ang mga bata.” pigil ni Amarah ng mahalatang