Share

CHAPTER 55 - IDENTICAL TWINS

Alas singko na ng hapon ng makarating sila sa lugar kung saan itinago nila si Sandra. Pagkatapos tawirin ang ilog, di nagtagal ay nakapasok na rin sila sa lumang bahay kung saan ito nakakulong. Pinaiwan nila si Allaric sa loob ng sasakyan, upang mamonitor niya ang mga nangyayari sa paligid. Mayroon lamang dalawang elites siyang kasama doon upang maprotektahan siya sa anumang pwedeng mangyari mamaya. Lahat sila ay nakasuot ng earpiece upang mapanatili pa rin ang komunikasyon nila sa isa't-isa.

"Sandra, pakakawalan ka na namin mamaya, malaya ka ng makakaalis." wika ni Amarah, habang tinatanggalan ng piring ang mga mata ni Sandra. Ngunit lingid sa kaalaman ng babae, mabilis din ang isang kamay ni Amarah sa paglagay ng hidden spy camera sa butones ng damit niya.

Matapos matanggalan ng piring, muling nagliwanag ang mata ni Sandra, habang umiikot ang kanyang paningin sa buong silid. Kahit naghilom na ang kalahati ng nasunog niyang mukha dulot ng acido na binuhos sa kanya ng mga nakaraang b
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Monica Lastimosa
Ano pala ang title ng kay Allaric?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status