Mabilis na kumawala si Katleah mula pagkakayakap ni Marco sa kanya. Umiwas siya ng tingin at mahinahon itong tinanong.
"Anong ginagawa mo dito? Di ba umuwi kana kanina?, Bakit ka bumalik?"
" Ang tanong ko ang dapat mong sagutin. Bakit ka nakahiga dito at nagpapaulan? Gusto mo bang magkasakit?" agaw ni Marco sa sasabihin niya.
" Wala kanang pakialam doon. Tsaka bakit kaba nangingialam? Inaano ba kita? Bakit sinabi ko bang puntahan mo ako dito at magpapaulan din kasama ko? Hindi naman diba?" pilosopong sagot niya kay Marco.
Napangiwi si Marco sa naging sagot ng dalaga sa kanya. Hindi niya inaasahan na magiging masungit pa ito sa kabila ng pag-aalala niya.
"Talaga bang ganyan kayong mga babae? Sadyang nagsusungit pag pinapakitaan ng concern ng isang lalaki? O baka, yong mga katulad mo lang ang sadyang pinaglihi sa tigre. Bakit ba ganyan ka.? Napaka hot-tempered mo". wika ni Marco habang nakasalubong ang dalawang kilay.
"Oh! So ngayon ako pa ang masama? dahil hindi maganda ang pakikitungo ko sayo sa kabila ng concern mo? Bakit sinabi ko bang maging concern ka sa akin? Kaya ko nga hindi sinabi sayo na dito ako matutulog eh dahil ayoko ng concern mo!" Bigla niyang tinakpan ang kanyang bibig dahil sa huli niyang sinabi. Tumalikod siya dito at akmang aalis ng magsalita ito kaagad.
" Ibig sabihin plano mo nga talagang dito matutulog?"
"Eh ano naman sayo kung dito ako matutulog wala kanang pakialam doon." pabalang niyang sagot habang patuloy pa rin sa paglalakad.
"Wala nga akong pakialam pero hindi naman pwedeng pababayaan ko nalang ang fiance ko di ba?" agad nitong sagot sa kanya.
Kumunot ang noo niya sa naging sagot ng lalaki. Nilingon niya ito at inirapan. "Wala na bang pag-asang maging manipis yang pagmumukha mo? Masyado na kasing makapal eh. Bakit pumayag na ba ako? Wala sa plano ko ang magpakasal sayo. Hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi mo noon sakin. Alam ko naman eh. kaya ka bumalik dito para tanongin ulit ako tungkol sa ino-offer mong kasal diba? Pwes ito ang sagot ko, Napakalaking "NO! kaya please lang po sir, tantanan mo na ako dahil wala sa plano kong makihati sa yaman mo." agad niyang tinalikuran ito at mabilis na naglakad palabas ng Park.
Medyo malayo narin ang kanyang nilakad ng bigla siyang may naalala..
Kumaripas siya ng takbo pabalik sa kanyang maleta pero hindi na niya ito nakita. Umikot ang kanyang paningin sa buong paligid ng park at ganun nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita niya ang kanyang maleta na hila-hila ng isang lalaki papasok sa itim na sasakyan. Mabilis niya itong hinabol.
"Hoy!! Mama!! Maleta ko yan!.. puchang mamang yan oh! .. wala naman akong pera bakit niya ninakaw yong maleta ko!"
Tumakbo siya ng mabilis papunta sa sasakyan kung saan ipinasok ang kanyang maleta.
Humihingal siyang kumatok sa tented glass window nito. Ganun nalang ang pagkagulat niya ng biglang magbukas ang pinto ng kotse at iniluwa ang gwapong mukha ni Marco na kampante at eleganteng nakaupo sa loob. Nakapagpalit na rin ito ng tuyong damit. Kahit simpleng White T-shirt lang ang suot nito pero halatang hindi ito mumurahin. Nalunok niya ang sasabihin sana kanina ng mapako ang kanyang paningin sa mga matitigas na muscles nito sa braso. Parang ang sarap parin sa pakiramdam hanggang ngayon habang niyayakap ng mga bisig nito ang katawan niya kanina.
"What? titingin ka na lang ba dyan?" naiinip na tanong ni Marco.
Bigla siyang natauhan ng magsalita ito." Hoy Madman! di ba malinaw ang usapan natin kanina? Bakit ka parin ba nangingi-alam? Akin na yong maleta ko!" pagmamatigas niya sa lalaki
.
"Di mo makukuha ang maleta mo kung hindi ka sasakay. Pumasok kana." sabay sensyas ni Marco sa kanya."
"Aba't! sa tingin ba nito ngbibiro ako? Akin na kasi ang Maleta ko!" parang maiiyak na siya dahil hindi parin binibigay ang kanyang maleta.
"Kaya nga sumakay kana dito. kung hindi ka sasakay saan ka ngayon magbibihis, dahil wala ka namang inuuwian? Baka mamaya pasukin kapa ng lamig sa katawan. Mayroon akong kilala na pwede mong maupahan habang hindi kapa nakahanap." malambing ang boses nitong nagpapaliwanag sa kanya.
Nagliwanag naman bigla ang kanyang mga mata sa narinig. "Talaga? pero baka naman mahal ang singil wala pa akong pambayad."
"Pumasok kana muna kasi! Mamaya na tayo mag-usap. Mag aala- una na ng madaling araw, hindi kapa ba napapagod? Alisin mo na muna yang pride mo sa katawan ok? Bukas mo nalang ilabas ulit yan." sabay bigay ng nakakalokong ngiti kay Katleah.
Napaismid siya sa sinabi nito. Kahit nagdadalawang isip ay pumasok narin siya sa loob ng kotse. Kailangan na rin niyang magpahinga. Buong araw kasi siyang nakatayo sa pagtatrabaho sa mall at sa paghahanap ng mauupahan, maliban doon kailangan niya ring magpalit ng tuyong damit dahil naramdaman na niyang pinasok na ng lamig ang kanyang sistema at parang nanlalabo na rin ang kanyang paningin.. Wala na siyang lakas para makipagmatigasan sa lalaking ito. nanghihina na siya. Di nagtagal na nakapasok siya, agad din siyang nakatulog.
Naawa si Marco habang tinititigan ang dalaga na mahimbing na natutulog. Dahan-dahan siyang umusad sa tabi nito at inalalayan ang ulo nito para hindi mauntog sa pagkaka-alog ng sasakyan. Nagulat siya ng masagi ng kanyang kamay ang noo nito na nag-aapoy sa lagnat. Kinulong niya ang katawan nito sa kanyang bisig para mabawasan ang panginginig nito dahil sa lamig. Di nagtagal at huminto na rin ang sasakyan sa kanyang sariling mansyon.
Agad siyang bumaba at buong ingat niyang ipinangko ang dalaga na parang bagong kasal. Mabilis ang kanyang mga hakbang papasok ng guest room at pinahiga doon ang dalaga. Saglit muna siyang lumabas at inutusan si nanay Martha na palitan ng damit ang dalaga. Si Nanay Martha ay matagal na niyang katiwala sa loob ng bahay. Ito narin ang nag-aalaga sa kanya simula ng iniwan sila ng tunay niyang ina. Kaya bigla pa itong nagulat ng malaman nitong sa kauna unahang pagkakataon ay nagdala ito ng babae sa sariling bahay.
Wala pang limang minutos ay lumabas na si nanay martha mula sa silid kung saan natutulog si Katleah. Tapos na niyang bihisan ito ng tuyong damit.
"Iho, mataas ang lagnat niya. Kailangan niyang makainom ng gamot." agad na wika ni Nanay Martha ng lumabas na ito ng silid.
"Sige ho Nanay Martha ako na po ang bahala sa kanya. Maraming salamat. Magluto nalang po kayo ng mainit na sopas para may mahigop siya sakaling magising siya mamaya." sagot ni Marco sa matanda.
Tumango nalang si nanay martha saka agad na umalis.
Kinuha muna ni Marco ang gamot mula sa medicine cabinet bago pumasok sa kwarto ng dalaga.
Umupo siya sa gilid ng kama at tumabi kay Katleah habang mahimbing itong natutulog. Sinalat niya ang noo nito.
"Katleah, uminom ka muna ng gamot para bumaba ang lagnat mo." malambing niyang pagkakasabi sa dalaga.
Akmang tatayo na sana siya upang kumuha ng isang basong tubig ngunit bigla siyang napatigil ng hinawakan nito ang kamay niya.
"Huwag mo akong iwan, Huwag mo kong iwan please.." nagdidiliryong pakiusap ni Katleah sa kanya.
Napatingin si Marco sa dalaga habang namumungay ang mga mata nitong nakatingin sa kanya na waring nakikiusap na h'wag siyang umalis sa tabi niya.
"Don't Worry Katleah, nandito lang ako sa tabi mo hindi kita iiwan." malambing na sagot ni Marco habang nakatingin sa mukha ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sa tuwing kaharap niya ang babaeng ito ay lumalambot kaagad ang kanyang puso. Nagagawa niya ang mga bagay na kahit kailanman ay hindi niya kayang gawin sa kahit sinomang babae na nagkakagusto sa kanya.
Matamang tinitigan niya ng mabuti ang animo'y mala anghel nitong mukha habang natutulog, simula sa singkit at mahahaba nitong mga pilik-mata, matatangos na ilong hanggang sa bumaba ang kanyang paningin sa kulay rosas nitong mga labi. Tumagal ang pagkatitig niya doon, at para bang may kung anong bagay na nag-udyok sa kanya para halikan ang mga iyon. At sa pagkakataong ito hindi na niya napigilan ang sarili.
Dahan-dahan niyang tinawid ang pagitan ng mga labi nila ng dalaga. Buong suyo niya itong hinalikan at nagdudulot iyon ng kakaibang sensasyon sa kanyang buong katawan. Ang simpleng halik na iyon ay mas lalong lumalim ng maramdaman niyang gumaganti din ang dalaga sa mga halik niya. Matagal na naghinang ang kanilang mga labi, at nang makabawi ay mataman niyang tinitigan uli ang dalaga. Mahimbing parin itong natutulog. "Siguro akala ng dalaga ay panaginip lang itong nangyayari sa kanila.
Mag aalas tres na pala ng madaling araw. Hinalikan niya ulit ito sa noo at saka maingat na lumabas ng silid.
Kinabukasan...
Nagising siya sa isang silid na hindi pamilyar sa kanya. Inikot niya ang kanyang paningin at sinuri ang buong paligid.Agad niyang nakita ang maliit na mesa malapit sa kanyang higaan. Sa ibabaw nito ay may nakapatong na gamot na parang hindi pa nabubuksan at sa tabi nito ay isang maliit na palanggana na may nakababad na maliit na tuwalya sa loob. Akmang babangon na siya ng makaramdam siya ng pagkahilo. Mabigat pa rin ang ulo niya. Bumalik muna siya sa pagkakahiga. Kailangan niyang makaipon ng lakas para makalabas ng kwarto at hanapin si Marco.Bakit niya, siya dito dinala? Napakalaking kwarto nito, atsaka mukhang mamahalin baka di niya kayang bayaran ang renta dito. Atsaka teka, bakit parang naka pajama siya? takang tanong niya sa sarili.Tiningnan niya ang sarili sa ilalim ng kumot, kaagad siyang napasigaw at napabalikwas ng makitang iba na ang suot niya na damit.Bakit iba na ang damit ko, sinong nagbihis sa akin? Oh my!!!Kagabi napanaginipan niyang kahalikan niya si Marco.. Sobran
DELA VEGA CORP. CONFERENCE ROOM"Alright! that's all for now. Dismissed.! agad nang tinapos ni Marco ang meeting. Hindi na kasi siya makapag concentrate ng maayos sa mga dinidiscuss na report ng mga department heads ng bawat departamento ng kanyang kompanya. Puro mukha nalang ni Katleah ang kanyang nakikita. Hindi siya mapakali sa sobrang excitement sa tuwing kanyang maiisip na bukas lagi na niya itong makakasama.Makikitang nakayuko ang lahat na mga empleyado habang mabilis ang mga hakbang na nagsisilabasan ng conference room sa takot na baka mapansin at mapagbuntunan pa ng galit ng kanilang boss."James?"" Yes, Boss?"" Ipaayos mo ang loob ng opisina ko. Gusto kong lagyan mo ng isa pang table sa loob. Doon banda sa makikita kaagad ng mga mata ko.""Teka Boss, para saan po ba yung isa pang table sa office nyo?" tanong nito habang nakakamot sa ulo."James? Ako ba ang boss o ikaw? Baka gusto mo nang magbakasyon at mananatili sa bahay mo? sabihin mo lang.. ayoko nang secretary na masya
Ang daming tumatakbo sa isipan ni Katleah sa mga nangyari kanina. Mayroong naiinis siya kay Marco, parang lalo lang kasi nitong ginugulo ang buhay niya. Ayaw niyang isipin na may nararamdaman na ito para sa kanya, ngunit sa lahat ng mga magagandang ipinakita ni Marco sa kanya nitong mga huling araw kailangan ba niyang umasa? "Hindi.. Hindi pwedeng mahulog ang loob niya sa lalaki. Natatakot siyang masaktan. Kaya ayaw niya na munang isipin yon hanggat hindi pa niya nakikita ang tunay niyang mga magulang." Agad siyang nakabawi ng marinig niya na nagsalita si Marco. "Bakit ba atat na atat kang bumalik ng supermall? Di ba sinabi ko na sayo na wala kang ibang gagawin kundi ang magpahinga na muna sa bahay?" "How sweet mo naman Mr. Dela Vega, pero hindi lahat ng gusto kong gawin ay dapat ko pa na ipaalam sayo. Kaano-ano ba kita? Ano ba ako sayo? Wala tayong relasyon para isipin ko pa ang magpaalam sayo bago ako umalis." Na froze siya sa sagot ng dalaga, "pero teka bakit iba yata ang sagot
Pagbukas ni Katleah ng kuwarto agad na bumungad sa kanya ang daming shopping bags na nakalatag sa kanyang kama. Sa gilid nito ay may nakalagay na cards. Kinuha niya ito at binasa kung ano ang nakalagay. "For you my wife. Hope you like it. From: Your Husband." Sumilay ang ngiti sa kanyang labi pagkatapos niya itong basahin. Aaminin niyang nadadala ang puso niya sa sobrang kasweetan ni Marco sa kanya, pero alam niyang may kakambal din iyon na pagdurusa. Ikakasal siya kay Marco dahil lamang sa daddy nito, at yon ang masakit sa part niya. Ang lungkot niya ay saglit na nawala, ng makita ang laman ng mga shoppings. May mga mamahaling set na pantulog, at office attire, dress at mga ano to... lingeries?" agad siyang pinamulahan sa mukha. Parang ayaw na niyang lumabas at sumabay magdinner kay Marco sa sobrang hiya. Hindi niya inaasahan sa lalaking yon na pati mga lingeries niya ay ito pa ang personal na bibili. KINABUKASAN Maaga siyang nagising at naghanda para sa kanyang First job as a pe
Pagkatapos ng trabaho ay sabay silang lumabas ng opisina" Akmang papasok na siya sa Elevator for employees ng bigla siyang hinatak ni Marco at pinapasok sa Elevator na exclusive lang para sa CEO ng kumpanya. Nagulat ang ibang employees na nakasaksi sa ganitong eksena. "Nakita mo ba kung sino ang babaeng yon na hawak-kamay ni boss?" biglang tanong ni Mazie, head ng finance department. "Hindi. Bago ko lang siya na nakita dito. Pero narinig ko na may bagong personal assistant ngayon si boss na doon mismo sa loob ng opisina niya nakapwesto, baka siya nga yan." sagot ng kanyang assistant. "Sa tingin mo siya na kaya ang naririnig nating balita na Fiancee ni Boss?" sabad naman ng isa pang kasabayan din nila na naglalakad sa hallway. "Kung siya nga yun, paano si Miss Sandra? Eh di ba matagal na yung relasyon nila?" nalilitong tanong ng assistant ni Mazie na si Clare. "Sino naman nagsabi sayo na may relasyon si Sandra at Boss? Nakikita mo bang magkasama sila? Sobrang pihikan ni boss sa b
CITY HALL OF JUSTICE: MARCO & KATLEAH DELA VEGA WEDDING Sabay sina Katleah at Marco na bumaba sa kotse sa harapan ng City hall of Justice. Habang papasok sila sa loob, naisip ni Katleah na sabihin kay Marco ang tunay niyang pagkatao. "Babe, okay lang kaya na ikakasal ako sayo tapos hindi ko man lang alam kung totoo ang nakalagay sa birth certificate ko?" tanong ni Katleah kay Marco. "Bakit babe, mali ba ang nakalagay doon sa birth certificate mo?" " Eh, hindi ko kasi alam babe kung ano ang tunay kong edad eh. Inamin kasi sakin ni lola bago siya mamatay na nakita lang daw nila ako sa labas ng nasusunog na bahay ampunan. Hindi nila alam kung ilang taon na ako, dahil hindi naman daw ako nagsasalita.. iyak lang daw ako ng iyak. Kaya yung ginawa ni Nanay kung kailan nila ako nakita yun din yung ginawa nilang birthday ko. Sa tingin mo kaya ilang taon na ako ngayon? kasi sabi sa birth certificate ko 18 years old palang ako." "Don't worry babe, kahit ano pa man ang totoo, hindi pa rin yan
ALAS, DYES NA NG GABIKanina pa siya pabiling biling at pabali-balikwas sa higaan, ngunit hindi parin siya dalawin ng antok. Panay ang labas niya sa kanyang silid upang e check kung dumating na ba si Marco, pero mula pa kanina hindi parin ito bumabalik ng Mansion. Hindi niya rin ito matawagan dahil hindi pa siya nakakabili ng kanyang sariling cellphone.Nag-alala na siya baka kung ano na ang nangyari sa kanyang asawa. Nangako ito kanina sa kanya na susunod itong uuwi sa bahay pagkatapos nitong ma settle ang problema ng kanilang kompanya, pero bakit hanggang ngayon wala parin siya? Lumabas siya ulit ng kanyang silid upang hintayin ang asawa sa veranda.( DELA VEGA MANSION)Magkaharap ngayon ang mag-amang Marco at Don Philip Dela Vega sa Study room. Hindi alam ng kanyang ama kung ano ang isasagot sa mga tanong niya. Bakas ang paghihirap nito na magsalita at hindi ito tumitingin ng diretso sa kanyang mga mata."Dad, please.. sagutin mo ang tanong ko! Kilala mo ba kung sino si Don Simon C
Maingat niyang inilapag si Katleah, sa malambot na kama. Matagal muna niya itong tinitigan bago pinasadahan ng mga maliliit na mga halik ang buong mukha nito. "I love you so much my wife, ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pala kayang mawala ka sa buhay ko. Ang isipin ko palang na may mangyayaring masama sayo ay ikakabaliw ko na." "Babe ano ka ba? Bakit ba mula pa ng dumating ka kanina, yan na ang bukambibig mo? Walang mangyaring masama sa akin okay? Di ba sumumpa ako sayo nung kasal natin na lagi akong naririto para sayo? Sayong-sayo ako babe at hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo.” malambing na sabi niya sa asawa. Masuyong pinagmasdan ng mabuti ni Katleah ang kanyang asawa, at nakikita niyang may namumuong luha sa mga mata nito. Naramdaman niyang may tinatago itong problema. "Babe, sabihin mo na sa akin kung ano ang gumugulo diyan sa utak mo, handa akong makinig. Asawa mo na ako ngayon, ayoko rin na mawala ka sa buhay ko babe, hindi ko kaya, Baka magugulat nalang ak..... "S