Share

Chapter 2. Pregnant

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2023-04-06 15:45:10

[Kiara]

"KIARA!"

Napapitlag siya sa gulat ng dumagundong ang boses ng kanyang nakatatandang kapatid na si Kier.

"H-Ha?" Wala sa sariling sambit niya.

"Kanina ka pa tinatanong ni Dad, Kiara. Bingi ka ba?" May inis sa boses ng kuya Kier niya habang nakatingin sa kanya. "May ginawa ka bang kalokohan ha, Kiara?" Nagdududang tanong nito.

Pilit na ngumiti siya. "Si kuya Kier naman, may ginawa agad kalokohan? Nagdi-daydream lang naman ako." Palusot niya. Lima silang magkakapatid, siya ang bunso at nag iisang babae. Sa bahay nila ay mas kinakatakutan ang kuya Kier niya. Tila isa itong batas na bawal suwayin, gano'n pa man ay mataas ang respeto ng kapatid niya sa kanilang ama.

"Better be, Kiara, dahil malilintikan ka sa akin sa oras na gumawa ka ng kalokohan." Banta ni Kier. "By the way, I want you to break up with that man name Cyrus, I don't like him for you."

"Kier, let Kiara finish her food." Sabat sa usapan ng kanilang ama, ang kanilang ina ay nakikinig lang, nakahanda na mangialam at magsalita kung mayro'n itong hindi magustuhan.

"I already did, Kuya." Nakayuko na saad niya.

Dalawang buwan na ang nakakaraan simula ng makuha ang virginity niya ng tao na hindi niya kilala. Nang magising siya ay gusto niya na magsumbong sa pulis at magsabi sa magulang niya pero hindi niya nagawa, pinangunahan siya ng takot. Kilalang businessman ang ama at mga kapatid niya, kaya natatakot siya sa maaaring idulot na gulo at kahihiyan sa pamilya niya ang nangyari sa kanya. Ang una niyang ginawa ng magising siya ay nakipaghiwalay siya kay Cyrus. Hindi niya kaya na ituloy pa ang relasyon nila. Nandidiri siya sa kanyang sarili at natatakot siya na madikitan nito. Pakiramdam niya ay mayro'n itong gagawin na hindi maganda sa kanya.

"Really? Well that's good. Kumain ka na dahil ako na ang maghahatid sayo sa university." Ani Kier.

Mabuti nalang at wala sa bahay ang lahat ng mga kuya niya. Dahil tiyak siya na hindi lang ang kuya Kier niya ang nagsasalita ngayon, maging ang mga ito.

Natigil siya sa pagsubo ng maramdaman ang pag ikot ng sikmura niya.

"Kiara!" Tawag ng kuya Kier niya ng patakbong umalis siya sa hapagkainan.

Agad na sinuka niya ang lahat ng kinain ng makarating sa banyo. Nanghihina na sumandal siya sa bowl at pumikit. Tatlong linggo na siyang nakakaranas ng pagsusuka tuwing umaga.

"Buntis ka ba, Kiara?"

Dumilat siya at nakita ang mommy niya. Nakatayo na ito sa harap niya habang ang mata ay puno ng pagdududa. Napalunok siya. Pilit na inaalala niya ang huling dalaw niya.

Umawang ang labi niya ng maalala na hindi siya dinatnan ng dalawang buwan!

"I'm asking you again, Kiara, buntis ka ba?!" Malakas na ang boses na tanong ng Mommy niya. Halata ang pagpipigil ng galit sa boses nito.

Nagsimulang mangilid ang luha sa pisngi niya. Saka lang niya naalala ang mga pagbabago na nangyari sa kanya— sa katawan niya. Lahat ng perfume niya ay pinalitan niya dahil nasusuka siya sa amoy. Ang amoy ng black coffe ng daddy niya ay gustong-gusto niya, samantalang noon ay ayaw niya. Hindi rin siya dumidikit sa mga kapatid niya, specifically sa pangalawa niyang Kuya na si Kevin dahil sa amoy nito, na dati ay gustong-gusto niya.

SLAP!!!

Isang sampal ang nagpagising sa kanya. Sampal ng Mommy niya.

"Sino ang ama?" Halata ang pagpipigil sa boses ng Daddy niya. Nakatayo na ito ngayon sa tabi ng Mommy niya.

"Dad-"

"Sino ang ama!"

Napaiyak siya sa takot. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nasigawan ng daddy niya. Itinuring siya nito na parang isang prinsesa. Ito ang kakampe niya sa tuwing pagagalitan siya ng mga kapatid niya at ng Mommy niya.

"Si Cyrus ba? Ang binanggit ng Kuya mo kanina?" Hinarap ng Daddy niya si Kier. "Come on, Kier, let's find that man, kailangan niyang managot sa ginawa niya sa kapatid mo-"

"No, Dad!" Agad niya itong hinawakan sa kamay upang pigilan. "Hindi po siya ang ama." Ayaw man niya iyong sabihin ay wala siyang pagpipilian.

"Then tell us who is that fucking man, Kiara!" Giit ng kuya Kier niya. Bakas na ang galit sa mukha nito ngayon.

Paano niya sasabihin sa mga ito kung maging siya ay hindi niya kilala kung sino nga ba ang nakabuntis sa kanya?

"I...I don't know, Dad." Humihikbing sambit niya. Hinding-hindi siya aamin na nagahasa siya. "I was drunk and I don't remember his face-" Isang sampal muli ang natamo niya sa kanyang ina.

"Isa kang kahihiyan! Nagpabuntis ka sa taong hindi mo kilala!" Galit na galit na ang Mommy niya habang nakatingin sa kanya.

Nasasaktan siya hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi dahil sa binigay niyang sama ng loob at kahihiyan sa mga ito.

Sigurado siya na hindi matatanggap ng Mommy niya ang kahihiyan na maaari n'yang dalhin sa pamilya nila.

"Get out of this house, Kiara, at wag kang babalik hangga't hindi mo naihaharap sa amin ang lalaking bumuntis sayo!" Namumula sa galit na sigaw ng Daddy niya. "Roberto at Berting!" Tawag ng kanyang ama sa naglalakihang tauhan nito. "Ilabas niyo ang babaeng 'yan sa pamamahay ko!"

Natigilan ang dalawa. "Eh sir, si ma'am Kiara ho?" Tanong ni Berting ng hindi makatiis, naninigurado ang tono nito.

"You heard my husband, Berting. Take her away, now!" Matigas na utos ng mommy niya.

‘Hindi!’ Sigaw ng utak niya.

Umiling-iling siya. "No! Daddy please!" Nagsimula siyang magpumiglas ng hawakan siya ng dalawa. Bakas sa mukha ng mga ito ang awa para sa kanya. "Kuya Kier, help me please! Kuya—"

"Tama si mommy, Kiara, isa kang kahihiyan sa angkan ng Somana... Simula ngayon ay wag mo na ako tawaging 'kuya' dahil hindi ka na namin kilala." Ani Kier na walang emosyon ang mukha.

Halos madurog ang puso niya sa narinig na sinabi ng kapatid.

"K-Kuya, please wag naman kayong ganito sa akin." Humihikbing yumakap siya sa nakatatandang kapatid pero itinulak siya nito. Luhaan ang mukha na nag angat siya ng tingin rito. “K-Kuya, nagmamakaawa ako…” Puno ng pagsamo ang tinig niya.

"Ilabas niyo na siya at wag hayaan na makabalik sa loob ng pamamahay na ito. Narinig niyo naman ang sinabi ni dad. Take her away from this house.” Ani kuya Kier at tinalikuran na siya kasama ang magulang niya.

Pakiramdam niya at dinurog ang puso niya sa sakit. Tila namanhid ang sistema niya sa narinig. ‘Hindi… hindi nila ito kayang gawin sa akin!’

"Daddy! Mommy!" Tawag niya na may pagmamakaawa. Ngunit hindi siya nilingon ng mga ito. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak. Hindi niya akalain na magagawa ito ng kanyang pamilya sa kanya.

Ang pamilya na akala niya ay siyang unang tutulong sa kanya sa oras na kailangan niya ay wala na. Ang mga ito pa ang unang tumalikod sa kanya.

Kung totoo nga na buntis siya. Paano na siya ngayon?

Hinawakan niya ang puson. Hindi niya napigilan ang mapahagulhol ng malakas.

“P-Paano na ako ngayon?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Salamat po sa pagbabasa ...
goodnovel comment avatar
linda mandayog
kawawa tlga si kiara
goodnovel comment avatar
linda mandayog
mayron tlgang magolang kaya itakwil ang anak
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LOVE SERIES#1 [LOVE AND LIES]   Special Chapter

    Magkakasama sina Tyler, Dimitri, Brix at Grant, sa malaking bahay nila Brix. Nagsisimula na silang uminom ng alak ng dumating si Kier. Saglit na natigilan si Grant habang nakatingin sa dalagita na kasama ni Kier. "Kier—I.. I mean, Kuya pala." Tabingi ang ngiti sa labi na sabi ni Bea na agad sumalubong kay Kier. "Kuya, dito ako matutulog ngayon. Ipaalam mo 'ko kay daddy, please." Kumapit sa braso ni Kier ang kasama nito. Kuya? Wait, may kapatid si Kier na ganito kaganda? Damn, Grant! Nagagandahan ka sa isang bata? Mukhang seventeen years old palang ito, pero maganda na ang hubog ng katawan. "Ano ka ba, Kiara, ako ang mag-i-sleep over sa inyo, di'ba?" Singit ni Bea. "Ayos lang ba, K-Kuya?" Parang sinilihan sa mukha na tanong ni Bea kay Kier. Hindi sumagot si Kier rito at sumulyap lang sa kapatid. "No, Kiara. Sasabay ka rin sa akin pag uwi." "Sungit." Bulong ni Bea ng hindi ito pansinin ni Kier. Tinuon niya ang atensyon sa pinag uusapan nilang magkakaibigan at inalis sa isip an

  • LOVE SERIES#1 [LOVE AND LIES]   91. He's back

    [Kiara]Puno ng saya ang dibdib niya habang nakatingin sa Yatch na tanaw niya mula sa hindi kalayuan. Alam niya na ito na ang Kuya Kier niya. "I'm glad that you made it, Kiara." Nakangiting bungad ni Kier ng makababa. Nawala ang ngiti sa labi nito ng sumulyap kay Grant. "Bastard." Ani nito bago nilapitan si Walter.Kumunot ang noo niya. Teka, magkagalit ba si Grant at ang Kuya Kier niya? "Mukhang may something sa inyo ni Kuya Kier, ah." Galit ba ang kapatid niya dahil sa pag iwan sa kanila ni Grant? Pero hindi naman iyon ang nakita niya noong hinatid siya dito ng Kuya niya."He's mad because of what I did to you and to him." Natuptop niya ang bibig ng marinig ang pag amin nito. "Nagawa niyo 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Marahan na tumango si Grant sa kanya."I was desperate that time, Mahal. I'm sorry." Ani Grant.Namewang siya. "Hindi ka dapat sa akin manghingi ng sorry, Mahal. Doon ka sa kanya humingi ng sorry. Kahit ako ang nasa kalagayan niya magagalit din ako." Bumunt

  • LOVE SERIES#1 [LOVE AND LIES]   90. Sorry

    [Kiara]Ramdam niya ang pagdampi ng mainit na bagay sa kanyang mukha. Nakapikit man ay alam niya na ang asawa niya ito. Napangiti siya. "Hi." Paos ang boses niya. Agad na binawi ni Grant ang kamay ng marinig ang boses niya kaya naman napasimangot siya. "Ibalik mo, mahal." Utos niya. Gusto niya kasi maramdaman ang mainit nitong palad.Nakatulog na siya bago pa ito makabalik. Kung wala lang siyang sakit ay niyakap na niya ito ng mahigpit, pero dahil may sakit siya ay naglagay siya ng unan sa gitna nila.Dumilat siya. "Gusto kitang yakapin." Aniya habang nakatagilid ng higa katulad ni Grant. Tulad niya ay nakatingin din ito sa kanya."You can hug me if you want." Ani Grant bago nag iwas ng tingin. "Kung kailan naman ako may sakit saka ka naman naging mabait. Di sana ay niyakap na kita gabi-gabi kung hindi mo 'ko sinusungitan." May pagtatampo na sambit niya kunwari."I'm sorry." Halos bulong lang na sabi ni Grant pero umabot iyon sa pandinig niya. "I'm sorry dahil naging makasarili ako."

  • LOVE SERIES#1 [LOVE AND LIES]   89. I can't protect you

    [Kiara]"Go back now, Kiara. Ako na ang bahala na maghanap kay Grant."Umiling siya. "Hindi ako babalik hangga't hindi nakikita ang asawa ko." Pagmamatigas niya.Bumuntong-hininga si Walter. "Look, alam kong nag aalala ka kay Grant, baby. Pero—Kiara!" Malakas na tawag nito sa pangalan niya ng mauna siyang maglakad.She need to find her husband. Paano kung katulad niya kanina ay nasa panganib pala ito?Mas lalong bumilis ang paglakad niya dahil sa naisip. Ang takot na nararamdaman niya ngayon ay hindi na para sa sarili kundi para na sa asawa niya ngayon."Mahal!" Malakas na tawag niya."Kiara!" Hinawakan siya ni Walter sa braso. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kahit si Grant ay tiyak na hindi ka hahayaan na hanapin siya mag isa rito sa gubat. Kaya bumalik ka na." Tila nauubusan na ng pasensya na sabi nito. Hinila niya ang braso at masama itong tiningnan. "Hindi mo naiintindihan, Kuya. Paano kung nasa panganib ngayon ang asawa ko? Baka mamaya ay... a-ay napapaligiran pala siya ng mga ma

  • LOVE SERIES#1 [LOVE AND LIES]   88. His reason

    [Kiara]"P-Please, Kiara... Let me go...." Ang malamig na ekspresyon ni Grant kanina ay napalitan ng sakit. Nakatingin ito sa kanya ng puno ng pagsamo. "H-Hindi mo ako dapat patawarin... Hindi dapat—""Shh," Hinarang niya ang daliri sa labi nito, pero agad ding inalis. "Kasama sa pagmamahal ang pagpapatawad, Mahal. Pinapatawad na kita kaya wala ng dapat pumigil sa'yo na balikan kami ng anak mo." Agad na pinahid niya ang luha na tumulo galing sa mata. "Lolokohin ko lang ang sarili ko kung ikakaila ko na galit pa rin ako sa'yo. Ramdam mo naman, di'ba?" Kinuha niya ang kamay ng asawa at inilagay sa dibdib. "Mahal na mahal kita, Grant. Hindi ako magiging masaya ng wala ka sa buhay ko."Tumulo ang luha ni Grant at tuluyang napahagulhol ng hindi napigilan ang nararamdaman. "You don't understand, Kiara." Tumayo siya at binaba ang ulo para idikit ang noo niya sa noo ng asawa niya. Pumikit siya. "Paano kita maintindihan kung hindi mo pinapa-intindi sa akin ang lahat? Wag mo sarilinin ang nas

  • LOVE SERIES#1 [LOVE AND LIES]   87. Guilt

    [Grant]He's crying every day and night since he got an accident. Hindi dahil sa nangyari sa kanya kundi dahil sa pangungulila sa mag ina niya. Until one day he realized that he deserved everything happened.Natanggap niya ang karma na para sa kanya.Ilang buwan na siyang naghihirap sa sobrang sakit at pangungulila sa mag ina niya ng bigla nalang dumating si Kiara sa isla kung nasaan siya.Halo-halo ang nararamdaman niya. Masaya siyang makita ito, masayang-masaya.Pero wala siyang karapatan na maging masaya! Noong panahon na nagising siya mula sa aksidente ay na-realized niya na hindi niya deserve ang babaeng katulad ni Kiara....Hindi siya karapat-dapat rito dahil sa napakabigat na kasalanang nagawa niya. Nakikita niya na nasasaktan ito sa tuwing titingin ito sa kanya gaano man siya nito kamahal. Tumingin siya kay Kiara na nakayukyok ang ulo sa gilid ng kama na kinahihigaan niya. Nagising nalang siya na narito na si Kiara at nakatulog na nga sa posisyon nito.Kumuyom ang kamay niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status