Share

3. Anak

[Kiara]

"Ma'am Kiara, tinatanong ni Mr. Cruz kung pwede na ikaw na ang pumunta sa venue, mas mainam daw na ma-check niyo ang lugar para ma-finalized po ang flower arrangement design na mas babagay." Saad ni Lyca ng makita siya nito.

"I'll call him later, Lyca. Iyong sa wedding anniversary nila Mrs. Polita, natapos na ba?" Tanong niya na tinanguhan naman agad nito. "Mabuti naman. Nasaan si Kian?" Aniya habang nililibot ang kanyang mata sa paligid.

"Mi!"

Gumuhit ang ngiti sa labi niya ng makita ang limang taon na anak. "Miss you my baby boy." Aniya sa malambing na tinig. Pinaghahalikan niya ang anak sa mukha na ikinatawa nito ng mahina.

"Miss you more, Mi." Ani Kian, Mi is short for Mommy.

Sandali lamang niya itong hindi nakasama subalit pakiramdam niya ay nawalay ito ng matagal sa kanya.

Nang matuon ang atensyon ni Kian sa hawak na laruan ay lumapit sa kanya si Dina.

"Kamusta na ang date? Pasado ba?" Tanong ni Dina, nasa flower shop ang mga kaibigan niya para bantayan si Kian at hintayin siya mula sa blind date na ang mga ito ang nag-set.

Pabagsak na umupo siya sa couch at umismid. "Katulad ng dati, wala silang pinagkaiba." Hindi niya mapigilan ang mapasimangot sa naalala. Gusto agad siyang ma-ikama ng mga nakaka-blind date niya. Hindi na iyon bago pa sa kanya. Ganito naman palagi kapag nalalaman ng ka-date niya na may anak na siya. Iniisip ng mga ito na isa siyang easy-to-get dahil sa mayro’n na siyang anak— at wala pang ama na kinikilala.

"That's why I'm telling you na huwag kang makinig dito kay Dina. Dating is for kids, and we are not kids anymore! Let's just go and find a bar, have sex and enjoy life while we are young and still fresh!" Malanding pakli ni Klea.

Pinandilatan niya ito ng mata. “Watch your mouth. Alam mo naman na nari’yan si Kian.” Aniya sa kaibigan.

"Puro sex nalang ang nasa isip mo, bakit ha, Klea, natusok na ba 'yang pechay mo? Hindi pa naman ah!" Pambabara ni Bea rito na ikinatahimik nito.

Sex? Hindi niya naisip ang bagay na 'yan simula ng mangyari ang gabing 'yon. Maisip palang niya na may ibang hahawak sa kanya ay natatakot na siya. Paano kung maulit ang nangyari sa kanya anim na taon na ang nakararaan?

Nakikipag-blind date lang naman siya sa pag aakalang mawawala ang trauma niya at para magkaroon ng ama ang anak niya na makakaya itong tanggapin.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na ang mga kaibigan niya. Malapit ng mag alas singko, uuwi na rin sila ng anak niya.

"GRANT SAAVEDRA IS NOW BACK HERE IN THE PHILIPPINES at ngayon nga ay live tayo habang hinihintay siya na dumaan dito—nariyan na siya!" Natuon ang mata niya sa telebisyon ng marinig ang pangalan na binanggit ng isang reporter.

Isang sikat na singer na ngayon si Grant. Hindi niya halos nakilala ang binata dahil malaki ang pinagbago nito. Ang dating payat na binata, ngayon ay malaki na ang katawan. Maikli na rin ang buhok nito na dating mahaba. Ang makapal na salamin sa mata ay wala na. Pantay na rin ang maputing ngipin nito.

"MR. SAAVEDRA, MAAARI BA NAMIN MALAMAN KUNG BAKIT NAGBALIK KA DITO SA PILIPINAS, gayong sinabi mo sa isang interview mo noon na wala ka ng balak bumalik rito?" Tanong ng reporter sa binata.

Hindi sumagot si Grant at nagpatuloy sa paglakad, kaya naman ang babaeng reporter ay nagmamadali na humabol sa binata. Malaki rin ang pinagbago ng ugali ni Grant. Dati ay ngumingiti 'to ng madalas, lalo na kapag nasa stage ito at kumakanta, ngayon ay kahit isang tipid na ngiti ay tila hirap itong magbigay.

Naalala niya na pakanta-kanta lang si Grant sa mga bar, parang walang pangarap sa buhay. Kaya nga nagtataka siya kung bakit kaibigan ito ng kapatid niya.

Kinabukasan ay sinama niya si Kian sa mall, wala naman itong pasok kaya papasyal muna sila. Pero halos hindi sila makapasok sa sobrang dami ng tao. Siksikan at nagtitilian ang lahat ng kababaihan, mapa-bata man o matanda.

Ano ba ang mayro'n at nagkakagulo ang mga tao?

Binundol ng kaba ang dibdib niya ng bumitaw sa kanya si Kian at tumakbo. Sa takot ay hinabol niya ang anak. Maluha-luha siya ng hindi niya ito naabutan.

"Kian!" Malakas na tawag niya. Wala siyang pakialam kahit na nakatingin na sa kanya ang iilan. Dahil mas inaalala niya ang anak niya.

"Hello, Grant! I'm Kian Somana, can you be my daddy?" Tinig iyon ng bata na kilalang-kilala niya.

Si Kian! Ang anak niya!

Ang ilan ay napasinghap sa pagkabigla, dahil sa bata na bigla na lamang umakyat sa stage kung nasaan ang binatang si Grant Saavedra, ang ilan naman ay tumitili dahil akala ng iba ay isa lang 'yon palabas o prank.

Samantalang siya ay halos takbuhin kung nasaan ang stage para puntahan ang anak.

"Kian!" Agad na yumakap siya sa anak ng makita ito. Ang kaninang tumatakbo sa isip niya na hindi maganda ay nawala. Akala niya ay baka nasaktan na o naapakan na ng mga tao ang maliit na katawan ng anak niya. Ngayon ay nakahinga na siya ng maluwag dahil maayos naman pala ang lagay nito.

"Mi, pwede ko ba siya maging daddy?"

Kumunot ang noo niya at sinundan ng tingin kung sino ang itinuturo ng maliit na hintuturo ng anak. Bahagya pang napaawang ang kanyang labi ng makita ang isang matangkad na lalaki na may magandang pangangatawan. Perpekto din ang gwapo nitong mukha. Napalunok siya at nag iwas ng tingin ng mapansin na matiim na nakatingin sa kanya ang lalaki na walang iba kundi si Grant, ang ex-boyfriend niya!

"Uuwi na tayo, Kian—"

"Mi, please! I want him to be my daddy! Mi, please!" May luha sa mata na pamimilit ni Kian sa kanya.

Natigilan siya. Ngayon lang binanggit ng anak niya na gusto pala nito ng isang Daddy. Pinigil niya ang sarili na huwag mapa-iyak.

"Mi, please! Gusto ko siya maging Daddy! Siya nalang, please! I really like him a lot, magaling din po siya kumanta, Mi. I'm sure hindi ka niya iiwan matapos ka niyang hubaran ng panty!" Ani Kian na umiiyak pa rin. Napasinghap ang lahat sa narinig. "Matagal ko na po gusto magkaroon ng Daddy, Mi! Naiinggit po ako sa mga classmates ko dahil sila pong lahat may Daddy! I overheard them talking about my real Daddy po. Hinubaran ka lang daw po ng panty ng totoong Daddy ko then he left you na po. Please, Mi... I want him to be my Daddy." Patuloy na pamimilit ng anak niya.

Hindi na siya nagdalawang isip. Binuhat niya ang umiiyak na anak at saka bumaba sa stage. Hindi niya gusto na makilala siya ni Grant at hintayin na baka ano pa ang isipin ng mga fans ng binata. Bukod do'n ay nakakahiya ang sinabi ng kanyang anak! Hindi niya alam kung saan nakuha o narinig ng anak niya ang mga salitang 'yon, pulang-pula ang mukha niya sa hiya!

Pagdating sa bahay ay kinausap niya ang anak. "Kian, saan mo narinig ang mga sinabi mo kanina?" Agad na tanong niya.

"Narinig ko po kay Ninang Dina, totoo po ba, Mi, na iniwan ka ni daddy? Wala na po talaga akong daddy?" Pigil ang luha na tanong ng anak niya.

Tila may bumara sa lalamunan niya. Limang taon na ang anak niya pero hindi ito naghanap kahit minsan ng isang ama. Ngayon na naghanap na 'to ay hindi naman niya alam kung paano sasabihin ang totoo. Hindi rin niya magawa na magalit sa kaibigan. Ang buong akala ng mga 'to ay itinatago lang niya kung sino ang ama ni Kian. Hindi niya magawa na sabihin sa mga ito ang tungkol sa nangyari sa kanya. Dahil sigurado siya na sisisihin nito ang mga sarili.

"Mi, is that true? Hindi po ba niya tayo mahal? Hindi niya po ako mahal?" Nagsimulang humikbi ang anak niya na halos ikadurog ng puso niya.

"M-Mahal na mahal ka niya, anak. Bakit hindi niya mamahalin ang tulad mo, eh ang cute-cute mo kaya." Pinisil niya ang pisngi ng anak.

"Talaga po, Mi? Kung mahal niya po ako, bakit hindi po natin siya kasama?"

Natigilan siya, hindi niya alam kung tama ba pero ito nalang ang lumabas sa labi niya.

"Makikilala mo siya, Kian, pangako ko 'yan sayo." Aniya.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Salamat po sa pagbabasa ...️
goodnovel comment avatar
linda mandayog
kawawa nmn ang bata wlang tatay
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status