Share

7. The truth

[Grant]

Nanatiling tikom ang labi niya at hinayaan si Bea na saktan siya. Hindi niya inakala na may taong nakakaalam ng sekreto niya six years ago. Alam niyang mali ang ginawa niya. Pero dahil sobra siyang nasaktan at bulag sa pagmamahal niya kay Kiara ay hindi na siya nakapag isip ng tama. Nang makita n'yang ngumingiti 'to kay Cyrus ay kinain siya ng selos.

Gusto niyang balikan siya ni Kiara!

Nang makita niya ang dalaga na mag isang pumasok sa kwarto ay tila na-demonyo ang utak niya. Naghalo-halo ang nararamdaman niya.

Selos at galit.

Pero ng mahimasmasan siya ay nagsisi din siya sa nagawa niya. Pero huli na

Nagawa na niyang kunin ang dangal nito. Nang umalis siya ng tuluyan sa Pilipinas ay pilit niyang binaon ang ginawa niya at sinabi na hindi na siya babalik ng Pilipinas. Pero nagbago lahat 'yon ng malaman niya ang nangyari kay Kiara ng magkwento ang kaibigan niyang si Kier sa kanya ng bisitahin siya nito sa America.

Hindi niya inakala na nagbunga ang ginawa niya at si Kiara ay nagdusa ng sobra. Kinain siya ng pagsisisi. Gusto niyang bumalik para aminin ang lahat kay Kiara. Gusto niyang makita ang anak nila at makasama pero pinigil niya ang sarili. Alam niya na hindi siya tatanggapin ng mahal niya dahil sa ginawa niya at sa pisikal niyang anyo. Kaya naman inaral niyang mabuti ang pagpapatakbo ng kanilang negosyo at nagsimulang mag ehersisyo. Para sa pagbalik niya ay karapat-dapat na siya sa dalaga. Ang pagsikat niya sa ibang bansa ay hindi naman niya inaasahan.

Akala niya ay magugustuhan na siya ni Kiara pero mali siya. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya magustuhan nito. Mabuti nalang at nagustuhan siya ng kanilang anak. Ang pagkagusto sa kanya ng anak niya ang gagamitin niya para mabuo ang pamilya niya.

Isang sampal muli ang pinadapo ni Bea sa mukha niya.

"Magbabayad ka sa batas, Grant!" Ani Bea. "Kulang pa ang sampal para sa mga ginawa mo! Magbabayad ka sa ginawa mo!"

"Wag ka mangingialam sa mga plano ko, Bea-"

"At sino ka para pagsabihan ako niyan, Grant? Wala akong pakialam sa plano mo dahil ang kasalanan mo ang pinag uusapan natin dito!" Giit ng galit na si Bea.

"Shut your mouth kung gusto mong tulungan kita na makuha si Kier!" Natahimik si Bea sa sinabi niya.

Alam niya ang lihim ni Bea. At gagamitin niya iyon para manahimik ito.

"Mahal mo si Kier, di'ba? Kaya ka nga nakipagkaibigan noon kay Kiara ay dahil sa kuya niya. Para may dahilan ka para mapalapit lalo kay Kier ng hindi niya nahahalata. Ngayon sabihin mo sa akin. Gusto mo bang matululoy ang kasal ng kapatid mo kay Kier o gusto mong tulungan kita na mapasa'yo siya?"

[Bea]

Naumid ang dila niya. Hindi siya nakapagsalita. Paano nalaman ni Grant ang tungkol sa bagay na 'yon?

Ngayon ay nahahati ang isip niya. Gusto n'yang tulungan si Kiara para makamit nito ang hustisya. Pero ang isipin na matutuloy ang kasal ng ate Britanny niya sa lalaking mahal na mahal niya ay hindi niya kaya.

Baka ikamatay niya kapag nangyari ang bagay na 'yon!

FLASHBACK...

"Beatrix!" Malakas na sigaw ni Kuya Brix ng makita siya na pinakikialamanan ang cellphone nito.

"K-Kuya-"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wag mong pakialamanan ang gamit ko?" Kinuha nito ang cellphone sa kamay niya. "Pansin ko lang, ha. Bakit palagi ka nangingialam ng cellphone ko? Umamin ka nga."

Nagdududa na tumingin sa kanya ang Kuya niya. "Ano ba ang hinahanap mo sa phone ko? Just tell me what it is-"

"Wala nga sabi eh!" Namumulang tumakbo siya palayo sa kuya niya. Hinding-hindi siya aamin na hinahanap niya ang cellphone number ni Kier!

Hindi niya kasi magawang hingin ang number ni Kier sa kaibigan niyang si Kiara. Nahihiya siya at natatakot na makahalata ang kaibigan sa nararamdaman niya para sa kapatid nito. Kaya halos araw-araw siyang nasa bahay nila Kiara ay dahil sa kapatid nitong si Kier, napupuno ng saya ang puso niya sa tuwing nakikita niya ito. Wala ng papalit dito sa puso niya. Simula ng makita niya si Kier ng sampong taon palang siya ay pinangako niya sa sarili na ito lamang ang mamahalin niya. At isang araw ay gagawa siya ng paraan para mapansin siya nito.

END OF FLASHBACK...

Gumuhit ang matagumpay na ngiti sa labi ni Grant ng makita sa mukha niya ang pagkalito.

"I will help you if you will shut your mouth, kaya kung gusto mong mapasa'yo si Kier, sundin mo ang gusto, 'yon ang pananahimik mo, Bea. Pretend you didn't know anything and Kier will be yours." Ani Grant sa kanya.

Hindi niya mapigilan ang mapaluha. Hindi niya gustong maglihim kay Kiara. Pero hindi niya kayang mapunta si Kier sa iba.

"Hindi ko akalain na tuso ka pala, Grant." Malayo na 'to sa Grant na kilala niya noon.

"Nagbabago ang tao depende sa sitwasyon, Bea. Tulad ng sitwasyon na mayro'n ka ngayon. Pumili ka, ang makasal ang kapatid mo kay Kier, o pigilan ang kasal nila?" Tanong ni Grant.

[Kiara]

Gulat na tumingin siya sa kaibigan na si Bea ng bigla 'tong sumulpot sa harap niya. Namumula ang mata ng kaibigan niya. Halata na galing 'to sa pag iyak. Nabigla siya ng biglang yumakap sa kanya ang kaibigan habang umiiyak.

"I'm sorry.... I'm really sorry, Kiara." Humihikbing saad ni Bea. Nasa mukha niya ang labis na konsensya.

Nakokonsesnya ba 'to dahil sa nangyari sa kanya?

Gumanti siya ng yakap rito. "Wala kang kasalanan, Bea. Kaya ayaw ko sabihin sa inyo dahil alam ko na sisisihin niyo ang mga sarili niyo." Nakabuntonghininga na saad niya.

[Bea]

"Sana balang araw ay mapatawad mo ako, Kiara... Patawarin mo 'ko dahil sa nagawa ko." Kulang ang salitang paghingi niya ng tawad sa kaibigan. Alam niya na balang araw ay malalaman nito ang tungkol sa bagay na 'to. Dahil walang sekreto na hindi mabubunyag.

Sa ngayon ay puso niya muna ang pagbibigyan niya. Dahil hindi niya makakaya na mapunta si Kier sa ibang babae.

"I'm really sorry talaga..." Aniya sa kaibigan habang patuloy sa pag iyak.

SEENMORE

Salamat sa pagbabasa 🥰 Wag niyo kalimutan na i-rate ang story ko🙂 Comment din kayo 🥰🙂

| 1
Comments (12)
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Thank you po...
goodnovel comment avatar
Mikaela Bagio Rama
nice story..love it.........
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Salamat po sa pagbabasa ...️ ... ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status