Share

CHAPTER 1

ZYRILLE'S POV

*GASP*

Agad akong napabangon sa pagkakatulog dahil sa isang panaginip. Isang panaginip na tila totoo kung ito'y susuriin, kakaibang panaginip, ngayon lamang akong nakaroon ng panaginip na ito. Pinagpapawisan din ako at nanlalamig, tila hindi agad ako nakagalaw at hinihingal hingal pa dahil sa labis na pawis. Tumingin muna ako sa aking paligid at nasa kwarto pa rin naman ako, at akala ko'y nasa isang panaginip pa rin ako.

Napapikit na lamang ako at humingang malalim sabay ayos sa aking buhok.

Sa aking panaginip nasa isa akong madilim na lugar isang malaking kwarto na wala masyadong liwanag, may kasama akong isang lalaking hindi pamilyar ang mukha sa akin. Nakagapos kami, nanghihina, at ang nakakakilabot pa roon, ramdam ko ang panghihina ko kahit na nasa panaginip lamang ako. 

Pumikit muli ako at saka pilit na inalala ang panaginip ko, isa rin sa mga naaalala ko ay, may isang lalaking nakatayo sa harapan namin, may mga sinasabi siya ngunit hindi ko na gaanong matandaan. Ang alam ko lang ay, gusto niya kaming patayin. Mayroon siyang baril, at gigil na gigil na itong tinututok sa amin at nais ipaputok. Pero hindi ko alam ang dahilan, ni hindi ko rin alam kung bakit ako naroon. 

Ano kayang pahiwatig no'n? Lubhang nakakakilabot, at sino naman ang kasama kong lalaki? Hindi ko na rin gaanong matandaan ang mukha niya pati ang mukha ng gustong pumatay sa akin.  

Napailing ako sa sarili ko at humingang malalim. Bakit ko nga ba sinasayang ang oras ko para isang panaginip na hindi ko naman maintindihan kung anong nais iparating. Hinimas himas ko ang ulo ko para ma-relax ito. Magsisimula palang ang araw pero nagpapaka-stress na ako sa hindi importanteng bagay.

Tama na nga ito, kahibangan lang siguro, sa sobrang kape ko lang siguro ito, panay kakaibang bagay na lang ang nasasabi't nakikita o nararamdaman ko simula nang ako'y mag-inom ng kape. Nakakaloka, kung mayroon lang sanang ibang paraan para magising ako at ganahan bukod sa isang nakakatuksong baso ng kape. 

Tumingin ako sa orasan at agad ding napahiga ulit nang malaman kong alas-kuwatro pa lamang ng madaling araw. Ang aga pa para bumangon, at sabado ngayon! Utang na loob, masyado pang maaga para bumangon at nakakatamad pang kumilos ngayon. Napa-stress ko na sa buhay ko at kailangan ko ring magpahinga.

Mabuti wala masyadong gagawin o aralin ngayon.

Gaya ng karamihan, isa lang din naman akong tamad at normal na tao. Hindi rin naman ako alien sa kung gano'n ang inaakala ninyo.

Ako si Zyrille Trixie Louis, isang college student. Isang detective trainee. Para sa isang college student na gaya ko, mahirap ang pinasok kong training, hindi biro ang kailangan mong pagdaanan upang makapasa. Kailangan mo ng parehong utak at lakas. 

Ngunit para sa akin, ito ang dapat kong tahakin. Dahil ang aking ina at ama ay parehong lingkod ng bayan bilang pulis at detective.

Ang nanay ko ay may mataas na posisyon sa pulisya, at ang tatay ko naman ay nagta-trabaho sa isang pribadong organisasyon ng mga detective. 

Isa rin akong detective gaya ng tatay ko, sumasama at nagtatraining ako kasama niya tuwing wala akong pasok. Ang hirap pagsabay-sabayin ang mga tungkulin ko pero kailangan kong magsikap para makamit ito.

Pangarap ko din palang maging isang mahusay na detective, ewan ko rin, ang cool kaya ng maging isang detective! 

Makikipag-laban ka sa mga masasama. Mag-iimbestiga ka ng ibat-ibang mga kaso at iba't-ibang sitwasyon. Magiging spy ka para mabuo at malutas ang isang kaso. Maraming proceso pero laban lang dapat. Pinakauna palang dapat matuto ka ng lumaban dahil hindi mo alam kung anong pwede mong kaharapin sa buhay. Dahil naniniwala rin akong hindi lang lakas ang dapat mong taglayin sa isang sitwasyong kagaya nito dahil ang lakas ay pananggalang mo lamang, at utak naman ang iyong sandata.

Bukod diyan ay marami pang iba, at pinakalayunin mo kapag naglilingkod ka sa bayan ay ang pagsilbihan sila at ipagtanggol, ipaglaban ang hustisyang dapat para sa nararapat. 

Madalas lang akong mag-isa sa bahay namin dahil sa dami ng ginagawa ng mga magulang ko. Kaya natututo na rin akong maging independent sa sarili ko. Mula sa simpleng gawain sa bahay hanggang sa mismong pamumuhay. 

Isa sa pinakamisyon ko ngayon ay medyo hindi common at sobrang hirap kung tutuusin. Lilipat ako sa isang eskwelahan, dahil may iibestigahan akong isang organization, isang malaking organization na matagal ng iniimbestigahan ng aking ama at sabi niya sa akin na panahon na para ako naman ang sumubok na mag-imbestiga.

At syempre kailangan ko ng matinding training dahil 'di biro ang pagdadaanan ko, alam kong marami akong kakaharaping mga pagsubok dito. Imagine isa lamang akong normal na teenager at haharap agad ako upang mag-imbestiga ng isang organisasyon? Nakakakaba. 

May mga nahawakan na rin akong mga kaso noon, may pagnanakaw, may mga gangster na nananakit ng mga tao, at mga ibang mga minor cases lang. Sapat na para sa isang trainee na kagaya ko. Ngunit syempre may kasama akong nakakatanda, bali tutulungan ko lamang sila mag-imbestiga. Tinutulungan ko silang mag-isip.

Dati, gustong gusto kong makipaglaban kaya nagpapaturo ako sa Tito Christian ko kung paano makipaglaban, at dahil nasa tamang edad na rin naman ako, tuturuan na niya akong humawak ng baril. Kaka-excite noh? Nasa tama at legal na edad na rin naman ako para rito.

Mas gusto ko ang makipaglaban kaysa sa mga tamang huli lang sa masasama ganu'n, walang ka thrill thrill, kakainis. Gusto kong matutunan at maranasan ng mag-isa lahat ng tungkulin ng isang detective.

Dati nakita ko si tatay kung pa'no siya makipaglaban noon sa isang malaking gang na bumibihag ng mga babaeng magaganda ang kutis. Isa itong kidnapping crime. Sobrang galing! Bawat hawak niya ng baril, bawat sipa at suntok niya sa mga kaaway, kasama ang iba pang mga pulis at kapwa niya detective. Naubos nila halos ang maraming malalaking tao, napakawalan nila ang maraming babae na binihag nito. 

Dahil isang pulis si nanay at may mataas itong pusisyon sa pulisya, bugbog sarado na nga kila tatay ang mga lalaki, nakulong pa sila. Angas ng pamilya ko ano? Ganu'n talaga, para sa'kin isang biyaya na mapunta sa ganitong klase ng pamilya, nakakapagbigay kami ng hustisya para sa iba. 

Masyado pang maaga para para bumangon, kaya hihiga na lang muli ako at susubuking makatulog. Baka mabawi ko pa ang panaginip ko at mas malaman ko pa ang mga nangyayari, nakaka-curious talaga. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status