Share

LOVE UNTIL DEATH
LOVE UNTIL DEATH
Penulis: Ghorlalu

PROLOGUE

"Mga paki-elamero! Gusto niyo ba talaga akong kalabanin 'no?" Galit na sigaw ng isang lalaki na kanina pa nakatayo sa harapan ng dalawang taong nakagapos, nanghihina sa sahig.

Out of nowhere bigla na lamang inihagis at itinulak ng lalaki ang isang mesa na nag dulot ng matinding ingay at lalo pang nagkagulo ang lahat. Mas tumindi rin ang kaba ng dalawang taong nakagapos, gusto nilang tumayo, lumaban ngunit sa sobrang panghihina hanggang tingin nalang ang kaya nilang magawa.

Lalo pang nagalit ang lalaki dahil patuloy sila sa paglaban at pagsagot sa kanya. 

"Wala kaming pakielam kung mamatay kami, at lalong hindi kita titigilan hanggang sa huling hininga ko! TANDAAN MO 'YAN!" sigaw ng isang lalaki habang nanggagalaiti sa galit. Siya ang isa sa mga nakagapos.

"Hindi namin papalagpasin ang lahat ng mga ginawa mong kasamaan at pagpatay sa mga tao rito, magbabayad ka!" sigaw naman ng isang babaeng nanghihina na ngunit pansin pa rin ang tindi ng pagkagalit niya at determinasyong makalaban ang taong pilit silang inaabuso. Siya ang kasama ng lalaking nakagapos.

"Ang tapang niyo naman, ngayon dito kayo masindak," nang-aasar na tono ng lalaking nagpapahirap sa kanila. 

Matang tinginan niya ang dalawang nakagapos, at humugot ng baril mula sa kanyang bulsa. Itinutok niya iyon sa dalawang, at ngumiti ng nakakatakot, ngiting hindi kaylan ma'y gustong makita. 

Tingingnan niya sa mata ang dalawa, at dahan dahang inilagay ang darili niya sa trigger ng baril. 

"Matitikman niyo kung ga'no kasarap ang mamatay, pero walang thrill eh, gusto ko makita niyo kung pa'no kayo mamatay, gusto ko kayong pahirapan. Masyadong mabilis kapag binaril ko lamang kayo," at muli itong ngumiti sa kanila. Ngiting alam niya sa sariling mapapatay niya ang dalawa ng walang kahirap hirap dahil sila'y wala nang laban. 

"Kahit anong mangyari, hindi madadaig ng kasamaan ang kabutihan," mariin na sabi ng lalaking nakagapos, sa lalaking may hawak ng baril. 

At dahil sa inis, kinasa nito ang baril sabay tutok muli sa kanilang dalawa. 

Napapikit ang dalawa dahil sa takot na maari na silang mamatay sa oras na paputukan sila ng bala ng baril ng taong may galit sa kanila. 

*BANG*

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status