Share

Chapter 121

last update Last Updated: 2025-07-07 23:03:54

“Margaret?? Marga?? Hello?”

Napatigil sa pag-iisip si Margaret nang paulit-ulit siyang tawagin ng kaibigang reporter sa kabilang linya.

“Gusto mo ba itong i-expose? Big scoop ‘to, kahit hindi pa confirmed, sasabog sa media to.”

Halata sa boses ng lalaki ang sabik at excitement pero iba ang dating nito kay Margaret. Alam niya kung gaano kabigat ang impormasyon, at kung gaano kalala ang pwedeng maging consequence ng maling paglalabas nito.

“I'm not in favor of fake news. Hindi tayo pareho,” malamig niyang sagot.

“Ang kailangan ko malaman, may contact ba si Rin kay Cassandra? May binanggit ba siya tungkol dito?”

“Wala, as in wala. Sa ngayon, base sa records at surveillance, never pa silang nagkausap. Magkaama lang sila, pero never silang nagtagpo.”

Napakurap si Margaret. Walang contact?

Kung gayon, yung 10 million yuan na hinihingi ni Madrid para sa kasal na nauwi sa pagka-ospital niya ay hindi galing sa utos ni Cassandra?

Ibig sabihin… baka may ibang mastermind.

Biglang pumasok sa isip
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Chapter 121

    “Margaret?? Marga?? Hello?”Napatigil sa pag-iisip si Margaret nang paulit-ulit siyang tawagin ng kaibigang reporter sa kabilang linya.“Gusto mo ba itong i-expose? Big scoop ‘to, kahit hindi pa confirmed, sasabog sa media to.”Halata sa boses ng lalaki ang sabik at excitement pero iba ang dating nito kay Margaret. Alam niya kung gaano kabigat ang impormasyon, at kung gaano kalala ang pwedeng maging consequence ng maling paglalabas nito.“I'm not in favor of fake news. Hindi tayo pareho,” malamig niyang sagot.“Ang kailangan ko malaman, may contact ba si Rin kay Cassandra? May binanggit ba siya tungkol dito?”“Wala, as in wala. Sa ngayon, base sa records at surveillance, never pa silang nagkausap. Magkaama lang sila, pero never silang nagtagpo.”Napakurap si Margaret. Walang contact?Kung gayon, yung 10 million yuan na hinihingi ni Madrid para sa kasal na nauwi sa pagka-ospital niya ay hindi galing sa utos ni Cassandra?Ibig sabihin… baka may ibang mastermind.Biglang pumasok sa isip

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 120

    "Are you having a nightmare?"Dahan-dahan ang boses ni Asher habang nakatayo sa hallway, naka-gray pajamas, tahimik lang, pero punô ng pag-aalala ang mga mata."Dumaan lang ako sa kusina para uminom ng tubig... pero narinig kita. Sumisigaw ka, Yanna."Napakurap si Margaret.Sumigaw siya?Hindi niya namalayang ganoon na pala kalalim ang bangungot niya. Unti-unti siyang tumango, pagod na pagod, at umupo sa gilid ng kama."Hindi na ako makatulog ng maayos," mahinang sabi niya.Tuwing pinipikit niya ang kanyang mata, bumabalik-balik ang mukha ni Xander na may dugo sa ulo, nakakulong sa madilim na selda. Nakakasulasok sa isip.Nag-isip siya sandali, at saka mahinang nagtanong. "Do you have sleeping pills?"Umiling si Asher, at may konting kunot ang noo. "Stop depending on sleeping pills. Lalo kang manghihina."Kita niyang nawalan ng pag-asa ang babae, kaya't nag-alok siya. "Kung okay lang sayo, puwede ba akong maupo sa tabi mo hanggang makatulog ka?"Napatigil si Margaret. Saglit siyang na

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Chapter 119

    Kahit pa gusto na niyang sipain palabas si Wayne, hindi na niya ito pwedeng itapon basta-basta. After all, si Mama pa rin ang may final say.“Just let me recover at saka mo na lang ako guluhin,” maikling sabi ni Xander.“Ohh~” sagot ni Wayne, kunyaring inosente habang nakatitig nang tuwid kina Cassandra at Xander, ngiting may malisya.Napakuyom ng kamao si Xander, halatang naiirita. Pero bago pa siya makapagsalita, naunahan na siya ng pinsan:“My dad ask me to go here every weekend. Kung hindi raw, I'll be punished. Tapos, may sakit ka pa! Eh kung ‘di ako dumalaw, hindi na ako tao n’un, ‘di ba?”"Get him out of here" Hindi na nagdalawang-isip si Rio. Parang laruan lang na binuhat si Wayne at inilabas sa kwarto.Pagbagsak sa labas, napa-“Aray!” si Wayne.“Tangina, lakas non!” Wayne cursed while still in shock.Pero syempre, hindi siya nagpatalo. Kumalampag siya sa pinto ng ward habang sumisigaw. "Bye, cousin~ See you tomorrow!"Tapos, mabilis siyang tumakbo pababa. Habang pababa sa ha

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 118

    "Hindi pa rin ikaw ang head of household?" Napakunot na ang noo ng staff sa presinto, at halatang nawawalan na ng pasensya. Mabilis ang pila, at mahaba ang naghihintay sa likod niya. "Medyo komplikado 'yan, Miss. Pumunta ka muna sa kasama ko para i-explain ang proseso. Marami pa kasing kailangang intindihin diyan." Margaret had no choice but to step aside and seek assistance. First time niya ito, at wala siyang kaalam-alam sa bureaucratic maze ng pagpapalit ng legal documents. "Ang pinakaimportante ngayon ay ang household registration mo. Kapag kumpleto ang info, usually, five days lang 'yan," paliwanag ng mas mahinahong staff. Pero... "Dahil hindi ikaw ang householder, kailangan mo ng kopya ng ID niya, o kung wala siya, kailangan mo ng authorization letter na may pirma niya." Of course. Of course kailangan pa rin si Xander. "Paano kung hindi naman nawala ang household book pero... ayaw lang niya ibigay?" tanong ni Margaret, halos pabulong, pero may bahid ng desperasyon

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 117

    Hindi na naman nakatulog ng maayos si Margaret.Magdamag siyang gising, nanlalaki ang mata sa dilim habang naka-on ang lampshade buong gabi, para bang may humahabol sa kanya sa bawat kisapmata.Kaya kinabukasan, bagsak ang katawan niyang bumaba ng hagdan, madilim ang ilalim ng mata at wala sa sarili.Pagkakita sa kanya ni Asher, na noon ay kagagaling lang mula sa kusina, pansamantalang napatigil ito.Napatingin ito sa eyebags ni Margaret, pero hindi na siya tinanong pa. Alam niyang pagod ito, hindi lang sa katawan, kundi lalo na sa loob.“Yanna, gusto mo bang matulog pa ulit?” alok nito habang inaayos ang mesa. “We ran out of some groceries kaya hindi ako makagawa ng favorite mong hash browns. But I made brown sugar pie!”Alam pa rin niya... Kahit lumipas na ang pitong taon, hindi pa rin nakalimot si Asher.Samantalang ang pamilya ni Xander… kahit minsan, hindi man lang tinanong kung anong gusto niya.Tahimik siyang naupo sa dining table. Sumunod si Asher, may bitbit na gatas at saril

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 116

    Habang busy ang mga kaibigan ni Xander sa pagbatikos at paninirang-puri kay Margaret, tahimik lang si Cassandra, umiiyak kuno, nakayuko, habang tinatanggap ang mga kaibigan.Pero sa likod ng basang mga mata niya ay may kung anong tuwa.Tumayo siya, nagpanggap na pupunta lang sa cr para maghilamos, ngunit dumiretso siya sa stairwell, sinigurong walang ibang tao, saka agad kinuha ang cellphone.Pagkasagot ng kabilang linya, malamig ang boses niya.“Have someone trace what really happened between Xander, Margaret, and Asher back in university. I want the full details, every little thing, even the tiniest flick.”Ang akala niya noon, ang biglaang pagpapakasal ni Xander kay Margaret dala lang ng galit dahil hindi siya bumalik agad ng Pilipinas.Pero ngayon, iba ang kutob niya.May mas malalim.At hindi siya mapapalagay hangga’t hindi niya alam ang buong katotohanan."And Asher, I want to know everything about him. From childhood up to now. Background, connections, everything."Kailangan ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status