LOGINAng buong akala ni Arisha Ganzon, tunay siyang minahal ng kanyang asawa na si William Ross, ang CEO ng Ross Jewelries Corporation. Sa katunayan, plano pa sana niyang i-surprise ito sa kanilang first anniversary para sabihin ang tunay niyang identity bilang tagapagmana ng isang trilyonaryong pamilya. Pero gumuho ang mundo niya nang malaman ang katotohanan: ginamit lang pala siya ni William. Kondisyon kasi ng ama ni William na kailangan muna nitong mag-asawa bago ipamana ang kompanya. Dahil alam ni William na may gusto sa kanya si Arisha, ginawa niya itong libreng kasangkapan para makaiwas sa pagkuha ng isang wife for hire. At ang pinakamasakit sa lahat, peke lang pala ang kasal nila. Nang mamatay ang ama ni William, tuluyan nang nagbago ang trato ng lalaki at ng biyenan niya sa kanya. Isang araw, umuwi pa si William kasama si Angelica Villamor, ang kanyang nagbabalik na first love, para ianunsyo ang kasal nila. Durog na durog man, nagdesisyon si Arisha na bumalik sa kanyang pamilya, ang mga Ganzon na may-ari ng Ganzon’s Globe International Company. Sila ang main supplier ng ginto at diamante sa Asya, at sila rin ang may pinakamalaking investment sa kompanya ni William. Galit na galit ang mga magulang ni Arisha at gustong i-pull out ang lahat ng kanilang pera para pabagsakin si William. Pero nakiusap si Arisha na hayaan siyang personal na maghiganti at maningil sa kanyang ex-husband. Sa gitna ng kanyang plano, dalawang bilyonaryo naman ang papasok sa buhay niya para makuha ang puso niya. Sa pagitan ng paghihiganti at ng bagong pag-ibig, alin ang mananaig sa puso ng isang Arisha Ganzon?
View More"Sino ako?" mahina ngunit mariing ulit ni Arisha. Tiningnan niya si William nang diretso sa mga mata, walang kahit anong bakas ng takot. "Malalaman mo rin ang sagot, William. Sa tamang panahon.""Anong tamang panahon?!" singhal ni William habang nakatingin sa kanya nang may pandidiri. "Sino ka ba sa tingin mo? Ang Presidente ng Pilipinas para magsalita nang ganyan?!"sarkastiko pa itong tumawa. Nagsisigaw sa tawa si Angelica sa tabi ni William, hawak-hawak pa rin ang dibdib habang puno ng pang-uuyam ang mukha. "Grabe, William! Ang tindi ng ilusyon ng peke mong asawa. Ilusyonada!"PAKKK!Isang malakas at mabilis na sampal ang bumasag sa tawa ni Angelica. Napalingon ang mukha ng kabit sa lakas ng puwersa, at agad na namula ang pisngi nito."Ouch! How dare you to slap me?!" tili ni Angelica habang hawak ang kanyang namumulang pisngi at agad na nagtago sa likod ni William habang umiiyak."William, napakasama talaga ng babaeng 'yan!" umiiyak na sabi ni Angelica para magpaawa sa binata."Ar
Sa halip na matakot o umiyak, nanatiling kalmado si Arisha. Palihim niyang ipinasok ang kanyang kanang kamay sa bulsa ng kanyang apron. Kinapa niya ang screen ng kanyang phone at pinindot ang record button. Handa na ang lahat. Titiyakin niyang ang bawat salitang lalabas sa bibig ng asawa niya ay magiging matibay na ebidensya ng panloloko nito. Tumingin siya kay William nang may halong pekeng takot at lungkot, pilit na pinanginginig ang kanyang boses upang mas makuha ang tiwala ng mag-ina. “H-Hon... hindi ko alam na ganyan kaanghang ang Beef Steak,” pagsisinungaling ni Arisha habang dahan-dahang umaatras. “Baka naman po napasobra lang ang nailagay kong paminta. Bakit mo ba ako sinisigawan ng ganyan sa harap ng bisita mo? At bakit... bakit ganyan ka kung mag-alala sa kanya?” “Walanghiya ka talaga! Huwag ka nang magmaang-maangan pa, babae!” sabat ni Mrs. Ross habang hinahaplos pa rin ang likod ng humihingal na si Elaine. “William, palayasin mo na ang babaeng iyan! Kita mo naman ang
Nang matapos ang tawag, ibinaba na ni Arisha ang kanyang phone. Mabilis siyang naglakad patungo sa mga tindahan sa palengke upang mamili. Bukod sa karne ng baka, may isang hiwalay na supot siyang binili na naglalaman ng kalahating kilo ng pinakamalalaking siling labuyo.Pagkauwi niya sa mansyon, agad siyang nagtungo sa kusina. Isang malapad at makahulugang ngiti ang nasa labi ni Arisha habang mabilis siyang kumikilos sa loob ng kusina ng mga Ross. Habang paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isip ang mga masasakit na salita nina William at Mrs. Ross na narinig niya kanina, mas lalong tumitindi ang galit sa kanyang dibdib.Kinuha niya ang almires at buong lakas na dinikdik ang bawat sili. Kitang-kita ang panginginig ng kanyang mga kamay, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa nag-uumapaw na poot. Sinadya niyang ibuhos ang lahat ng nadurog na sili at katas nito sa sarsa ng Beef Steak upang pagbayarin ang mga ito. Dahil natatakpan ng itim na kulay ng toyo at makapal na paminta, hindi naging
Matapos niyang sabihin 'yon, huminga siya ng malalim upang maipakalma ang sarili. Sa isip niya, magpanggap siyang walang alam at magbait-baitan. Hahabaan niya ang kanyang pasensya para hindi sila makahalata sa kanyang plano.Pinunasan niya ang kanyang mukha at isinuot ang kanyang simpleng apron. Lumabas siya ng kwarto at bumaba papuntang kusina. Pagkababa pa lang niya ng hagdan, agad siyang sinalubong ng matatalim na tingin ni Mrs. Ross."Napakabagal mo namang kumilos, Arisha! Anong oras na, wala pa rin bang meryenda?!" galit na sabi ng matanda.Isang taon. Isang taon din siyang nagsisilbi sa kanila na parang katulong. Nakiusap kasi noon si William na imbis na mag-hire sila ng katulong, siya na lang ang mag-asikaso sa bahay para naman daw maramdaman ng lalaki ang pagiging asawa niya. Idinahilan pa nito na simula nang mamatay ang daddy nito, madami silang naiwang bayarin kaya dapat silang magtipid. Parte lang pala ’yon ng plano ng mag-ina para mapakinabangan siya nang husto."Pasensya






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.