Share

CHAPTER 4

Kaizer John's Point of View

NILAPITAN na ng iba pang mangangalakal ang nakahandusay na katawan ni Benjo. May mga lumapit din sa akin na kahit hindi nagsalita ay dama ko na inuusig ako ng kanilang mga tingin.

"H-hindi ko sinasadya..." anas ko, na ramdam ang aking pamumutla habang nanginginig sa takot ang buong katawan.

"Pinatay mo si Benjo, Kaizer," sabi ng kapitbahay kong mangangalakal din. "Hindi mo dapat ginawa iyon. Makukulong ka!"

Napalunok akong tumingin sa kanya. Lalo akong natakot nang sumenyas siya at nagsalita. "Lagot ka! Huhulihin ka ng mga pulis!"

"Hindi!" sabi kong umiiling. "Ayokong makulong!"

Kumaripas ako ng takbo. Halos magkandarapa ako sa pag-uwi sa aming bahay dahil tuluyan na akong nilamon ng aking takot.

"Ayokong makulong!" bulong ko habang nanlalamig ang buong katawan. "Hindi ako dapat mahuli ng mga pulis..."

Habol ko ang aking hininga nang makapasok sa pintuan ng aming bahay. Nasapo ko ang sariling dibdib habang humihingal. Nang maisara ko ang dahon ng pinto ay n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status