Tinanggap ni Maribel Lopez ang maging other woman ni Calixto Condor dahil mahal niya ito. Hindi naman niya pinagsisihan ang naging desisyon dahil naging masaya siya sa piling ng lalaki, na hindi naglihim sa pagiging pinuno ng mafia. Kaya naman tumagal ang kanilang pagsasama hanggang sa magkaroon sila ng anak, na binuhay nilang limitado ang pakikisalamuha sa kapwa. Si Alexa, na lumaki at nagkaisip na may pribadong buhay. Pero dahil din sa pag-ibig ay binuksan ang sariling mundo para papasukin ang isang guwapong estangherong binata. Si Kaizer John Avila, na natagpuan niya sa gitna ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. Walang malay-tao ang lalaki, na isa palang pinuno ng mafia. Bagay na nalihim sa kanyang kaalaman dahil malayo ito sa hitsura nito. Kahit may pasa ito sa pisngi at may sugat sa noo ay napaka-amo ng mukha. Kaya iniligtas niya ito sa naka-ambang sakuna at inalagaan hanggang sa gumaling. Inilihim sa kanya ni Kaizer John na ipinakidnap ito ng kalaban, na gustong makuha ang pagiging pinuno ng mafia. Kaya nanatili ito sa kanyang bahay hanggang sa gumaling. At lumakas. Bagay na naging dahilan kaya lihim na nakilala nito ang kanyang Ama na si Calixto Condor. Nagkaroon din ito ng pagkakataon na matuklasang si Alexa ang itinatagong anak sa labas ni Calixto, na batid na nagpakidnap dito. Kaya gumawa ito ng paraan para manatili pa ito sa kanyang bahay, na ang pakay ay gamitin siya sa paghihiganti sa sariling Ama. Mawawalan kaya ng saysay ang pagmamahal na iniukol ni Alexa para kay Kaizer John? Paano niya matutuklasang pinuno pala ng mafia ang iniibig na lalaki, na nais patayin ng kanyang Ama para mabawi dito ang kapangyarihan sa hinahawakang grupo? Wala nga kaya itong nararamdamang pag-ibig sa kanya at ang tanging mananaig ay ang paghihiganti?
View MoreAlexa's Point of ViewWALANG-WALA sa isip ko na may isang estrangherong lalaki ang lalapit sa akin at mayabang na sumabay sa paglalakad ko, habang papunta sa room sa loob ng campus."Hi," he said confidently, "I'm Ceasar Arevalo. A fourth year engineering student here."Inilahad niya ang kamay pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, na parang walang narinig. Pagak siyang tumawa saka ipinamulsa ang kanang kamay. Nagpatuloy siya sa pag-agapay sa akin."So, totoo pala na isnabera ka. Babaing walang pakialam sa mga tao sa paligid..."Binilisan ko ang paglalakad pero sumunod pa rin siya. Bagay na hindi ko nagustuhan kaya tumigil ako. Mabilis siyang tumayo sa harapan ko kaya pinandilatan ko ng tingin."Bakit ba ang suplada mo?""Sorry. Pero wala akong time sa pakikipag-kaibigan. For your information, I am not suplada or snob. Hindi ko lang talaga ugaling makipag-usap sa hindi ko kilala."Bigla niyang inilahad ang kanang kamay at muling nagpakilala. Pero hindi ko na n
Kaizer John's Point of ViewNILAPITAN na ng iba pang mangangalakal ang nakahandusay na katawan ni Benjo. May mga lumapit din sa akin na kahit hindi nagsalita ay dama ko na inuusig ako ng kanilang mga tingin."H-hindi ko sinasadya..." anas ko, na ramdam ang aking pamumutla habang nanginginig sa takot ang buong katawan."Pinatay mo si Benjo, Kaizer," sabi ng kapitbahay kong mangangalakal din. "Hindi mo dapat ginawa iyon. Makukulong ka!"Napalunok akong tumingin sa kanya. Lalo akong natakot nang sumenyas siya at nagsalita. "Lagot ka! Huhulihin ka ng mga pulis!""Hindi!" sabi kong umiiling. "Ayokong makulong!"Kumaripas ako ng takbo. Halos magkandarapa ako sa pag-uwi sa aming bahay dahil tuluyan na akong nilamon ng aking takot."Ayokong makulong!" bulong ko habang nanlalamig ang buong katawan. "Hindi ako dapat mahuli ng mga pulis..."Habol ko ang aking hininga nang makapasok sa pintuan ng aming bahay. Nasapo ko ang sariling dibdib habang humihingal. Nang maisara ko ang dahon ng pinto ay n
Kaizer John's Point of ViewMULA pagkabata ay hindi ko na nakilala kung sino ang tunay kong Ama. Lumaki ako sa piling ni Nanay Belinda, na tunay kong Ina. Ang sabi niya ay halang daw ang kaluluwa ng Tatay ko at pinagsamantahan siya. Kaya siguro naging madamot siya sa akin simula't sapol. Pero ganoon pa man ay pinapakain niya ako ng tama sa oras sa kabila ng aming kahirapan. At tinatanaw ko iyong malaking utang na loob dahil lumaki ako na hindi nagutom. Itinanim ko na lang sa aking utak na kaya hindi niya ako binibigyan ng iba pang bagay, na gusto ko sanang magamit ay dahil kapos kami sa mga pangangailangan. At apektado na rin nito ang hindi niya maibigay na pagmamahal bilang isang magulang. Oo, hinanap ko talaga iyon sa kanya pero namatay na siya dahil sa sakit na tuberculosis ay hindi pa rin niya naipadama sa akin. Kinse anyos ako ng panahong iyon at dahil minahal ko siya ay sobra akong nasaktan Nalungkot. Kahit kasi hindi niya ako minahal bilang anak ay ako pa rin ang nag-alaga sa
Alexa's Point of ViewNGAYON ay maliwanag na sa akin kung bakit mula pagkabata ay parang ipinagdadamot ako ng aking mga magulang. Musmos palang ako ay halos hindi ako ipakalong kahit sa mga kamag-anak namin. At hindi lang pala iyon bunga ng aking pagiging anak sa labas, na hindi inilihim sa akin ni Mama, kundi dahil ang Papa ko ay pinuno ng mafia.Imagine that? sa isip-isip ko. Napakabait na tao ng Papa ko pero isa pala siyang mafia boss!Ah! Sino bang mag-aakala na ang Ama ko ay miyembro ng mafia? At isa pang pinuno!Ang totoo ay hindi halata sa kanya. Sa pagsasalita at pagkilos ay hindi aakalaing nasa ganoong uri siya ng organisasyon. Pero siguro ay iniingatan talaga niya na hindi mahalata ng mga tao sa paligid na miyembro siya ng mafia, na isinasa-alang-alang din marahil ang kapakanan naming mag-ina.Siguro nga, sa isip-isip ko pa. Marahil ay ganoon na nga!Natawa ako sa aking sarili at nasabi ko, na ibang klase pala talaga ako. Kaya natural lang na magkaroon ako ng pribadong buhay
Alexa's Point of ViewNAPATINGIN ako sa nakasaradong pintuan ng aking kuwarto nang marinig ang tatlong katok mula sa labas. Isinara ko ang binabasang libro habang nakaupo sa ibabaw ng aking kama. Tinanong ko ito kung sino habang nakatuon ang aking mga mata sa bumukas na dahon ng pinto."Ma," usal ko nang makita si mama Maribel na bahagyang ngumiti nang pumasok, "bakit po?""Mabuti at gising ka pa, anak," tugon niyang lumapit matapos isara ang pintuan. "Naka-abala ba ako?"Humalik ako sa pisngi niya. "Hindi naman, Mama. Binabasa ko lang ang book na bahagi ng lesson namin bukas sa Science. May sasabihin ho kayo?"Tumango siya. Sumiryoso ang mukha. Bigla naman akong kinabahan dahil sa reaction niyang iyon. Lalo na nang hawakan niya ang isa kong kamay."Kinabahan naman ho ako," sabi ko na pinilit ngumiti. "Is it a serious matter, Mama?""Mafia..."Nangunot ang noo ko dahil sa narinig na word. Mafia?"Ano ho ang tungkol sa bagay na 'yan, Mama?"Tinanong niya ako kung may alam tungkol sa ba
Maribel's Point of View"MAHAL kita, Mabel," sabi ni Calixto habang tuwid na nakatitig sa aking mga mata. "Seryoso ako sa 'yo. Hindi ko man magagawang pakasalan ka ay handa ko namang panagutan ang mamamagitan sa ating dalawa..."Hindi ko napigilan ang aking mga luha sa pagpatak. Damang-dama ko ang sinsiridad sa kanyang sinabi, lalo pa at nakatitig siya sa aking mga mata. Tila ba ay tumagos sa puso ko ang salitang binitiwan niya. Kaya naman lalo pa akong naging desidido na ipagkaloob sa kanya ang aking kalinisan bilang babae.Oo. Handa na akong magpa-angkin kay Calixto tutal naman ay mahal na mahal ko siya. Nang ayain niya ako sa motel na kinaroroonan namin ngayon ay bukal sa loob ko ang pagsang-ayon. Bagama't takot ako at kinabahan sa mangyayari ay inihanda ko na ang aking sarili. Pilit kong binura sa isip ang hiya at sinikap na unawain ang magaganap."Mabel, kung may ibunga man ang ating pagsisiping ngayon ay magiging Ama ako sa bata. Hindi ako mangingiming ibigay sa kanya ang apelyi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments