Ang pag-ibid daw ay sugal. At isusugal ni Gemma ang lahat kung ano mayroon siya manalo lang sa pakikipaglaban kay Solenne. na ang nakataya ay si Theodore Rossell! -Em Dee C.
“MANIWALA PO KAYO sa ‘kin, Sir Theodore, nagkaroon lang kami ng mainit na pagtatalo ni Gemma noong araw na ‘yon,” pagpapaliwanag ni Roman sa amo, “LQ lang po ‘yon na lumala hanggang sa magkainitan kami. At napilitan akong tutukan siya ng baril para sumama siya sa akin.” Hindi iniaalis ni Theodore Rossell ang kanyang tingin na may pagdududa sa nagsasalita. “May asawa’t anak ka, hindi ba?” ang kanyang tanong, “bakit kailangang mambabae ka pa? Hindi ka ba maligaya sa piling ng iyong pamilya?” pagpapalawak niya sa ibig malaman. Hindi makasagot ang lalake. Maligaya siya sa piling ng pinakasalan at sa dalawa nilang anak. Ngunit paano niya sasabihin sa kanyang amo na ginagamit lamang niya si Gemma para sa mga personal niyang pakinabang. “Inakit ako ni Gemma, Sir Theodore,” pagsisinungaling niya, at pagpapababa na rin sa pagkaabae at pagkatao ng kanilang pinag-uusapan,“tinukso. Wika nga po ng kasabihan, manok na ang lumalapit sa palay, so, natural lamang po na tukain iyon ng manok.” “Bak
POOT ANG AGAD na naramdaman ni Gemma sa muling paghaharap nila ni Roman. Sa paningin niya ay ang lalaking kaharap ang siyang isa sa malaking hadlang at magpapahamak sa kanya. Ito ang taong sisira sa lahat ng kanyang mga plano at kailangang maalis sa kanyang buhay. “Bakit mo sinabi kay Theodore na may relasyon tayo,” usig agad niya sa lalake, “wala taong relasyon! Pinagsamantalahan mo lang ako. Binlakmeyl!” Nginisihan siya ng lalake. “At ganoon din ang gagawin ko ngayon,” nakakaloko ang tingin sa kausap na saad ni Roman, “bablakmeylin kita ulit. Sasabihin ko kay Sir Theodore na ikaw ang mastermind sa nabigong pagkidnap sa kanyang asawa.” Napaghandaan na ni Gemma ang mga isasagot sa mga gagawing pamba-blackmail sa kanya ng head security sa mansion ng mga Rossell. “Pasisinungalingan ko lahat ang sasabihin mo, Roman,” sagot ni Gemma, “sasabihin kong sinisiraan mo lang ako.” “It’s your words against mine,” pakikipag-utakan ni Roman sa kausap, “tingnan natin kung sino ang paniniwalaan
HINDI MATANGGAP NI Gemma ang nagawa niyang pakikipagkasundo kay Roman Romano. Pakikipagkasundong hindi niya ganap na napag-isipan. Gulo ang isip at wasak ang damdamin na nagpatuloy siya sa pagmamaneho patungo sa apartment na kanyang inuupahan sa isang subdibisyon sa labas ng Metro Manila. Nais niya’y makalayo na nang mga sandaling iyon. Takasan ang galit ni Owen at ni Theodore sa pag-aalalang natuklasan na nga ng mag-ama ang buong katotohanan tungkol sa relasyon ng dalawa sa isa’t isa. Kailangan na rin niyang takasan si Roman. Abot ng kaniyang pag-iisip na agad susunggaban ng dating head ng security force ng Rossell mansion ang ano mang magandang pagkakataon na matitiyempuhan nito upang ibagsak at magantihan siya sa paglalaglag niya dito kay Theodore Rossell. Subalit nagdadalawang isip siya. Pinanghihinayangan ang mahabang panahon at mga hirap na isinakripsiyo niya sa pagpapalaki sa kakambal ni Russell. “Ano’ng gagawin ko,” tanong sa sarili, “ganitong alam na ni Owen na hindi ko
HINDI NAG-AKSAYA NG kahit isang saglit si Shelley. Mabilis niyang natapos ang pagpu-proof read ng script na in-email sa kanya ni Owen. At katulad din ng gusto nitong mangyari ay mabilis niya itong nadala sa printing company upang magpa-print ng konting kopya ASAP. “Huwag ka nang makipagtawaran sa halaga ng printing,” saad pa ni Owen sa email nito sa kanya, “mas mahalagang mai-print agad ‘yan, kahit ilang copies lang.” “Bakit kaya apurang-apura ang Russell na ‘to sa pagpapa-print ng book,” tanong niya sa sarili habang binabasa ang email ni Owen na inaakala niyang si Russell, “parang hindi importante sa kanya kung magka-profit man o hindi ang book na ginawa namin.” “Padalhan mo agad ng copy si Sir Theodore Rossell,” bilin pa nito sa kanyang email, “ibig kong siya ang unang makabasa ng librong ‘yan.” “Ano kaya ang connect ng boss niya sa book na kanyang ipinasulat?” Naalala niya ang pagsugod noon sa kanya ng nababalitang fiancée ni Russell Rossell na si Joanne Javier. Ang matinding
“MATAGAL KO NANG hindi nakikita si Roman,” pakikipag-usap ni Solenne sa kanyang bodyguard, habang hinihintay siya nitong pumasok sa loob ng kotse, “alam mo ba kung nasaan siya?” ang tanong. Pakiramdam ni Owen ay nanigas ang kanyang katawan sa pagkakatayo sa tabi ng pintuang bukas, ng kotseng sasakyan ni Solenne, dahil sa narinig. Nanatiling pinid ang kanyang mga labi. “Bakit interesado kang malaman kung nasaan si Roman, Solenne?” Hindi nilingon ni Owen ang nagsalita na kilalang-kilala niya ang tinig. Tinig ni Theodore Rossell. Napigil ang pag-angat ni Solenne sa kanyang mga binti. Nanatili itong nakayapak sa semento. Natitigilang napatitig siya sa asawang palapit sa kanila. “Tinatanong kita, Solenne, ano ang interes mong malaman kung nasaan si Roman Romano?” Lumabas ng sasakyan ang asawa ni Theodore. Taas ang mukhang tumindig at hinarap ang nagtatanong sa kanya. “Wala ba akong karapatang malaman ang mga pangyayaring nagaganap sa mansion na ‘to,” patanong na sagot, “lalo na sa
KRRIINNGG…KRIINNNG… Inis na binuksan ni Solenne ang ilaw sa lampara na nasa side table ng kama. Dinampot ang teleponong nag-iingay. Unknown number. Ni-reject niya ang tawag. Hindi siya interesadong kausapin ang kahit sinong tumatawag sa kanya na hindi niya kilala. Padabog na ibinalik sa side table ng kama ang phone. Diretsong inihiga ang katawan. Ipinikit ang mga mata. Ngunit hindi pa naglilipat saglit ay nag-ring na muli ang kanyang telepono. “Lintek!” Inis na inalis ang kumot na nakatakip sa katawan. Dinampot ang cellphone. Pinatay. Pabalagbag na ibinalik sa pinagkunan. Tumagilid ng higa. Nakadama ng kahungkagan ang puso nang makitang wala si Theodore sa lugar na higaan nito. Ang totoo, sanay na siyang wala sa kanyang tabi ang asawa. Sanay na siyang may mga bagay na mas mahalaga kay Theodore kaysa sa kanya na asawa nito. Bagay na sa simula pa lamang ng kanilang pagsasama ay niliwanag na sa kanya ng pinakasalan. “Don’t ever ask me where was I in case you won’t find me besid
“CELINE CAMACHO!” Napaangat ang mukha ni Solenne pagkarinig sa masayang tinig na bumanggit sa kanyang alias. Pinilit niya ang ngumiti. Nanlalamig ang mga paa’t kamay niya habang pinagmamasdan ang papalapit sa kanyang si Domingo Sabado a.k.a. Sandy Samedi. Napagplanuhan na niya na ipagtatapat sa dating naging ka-live in ang tungkol sa relasyon nito kay Brendon. Dahil iyon ang nakikita niyang pinakamagandang paraan upang malaman ang kinaroroonan ng kanyang anak. Na ito ay pagsisikapang hanapin ni Domeng kapag nalaman nito na si Brendon ay anak nila. Subalit nabalutan siya nang walang pangalang takot nang nasa harap na niya ito. Kinatakutan niya ang magiging reaksiyon nito. Hindi niya ipinahalata ang takot na namumuyo sa kanyang puso. Kailangan niyang magpakita ng lakas ng loob at tibay ng damdamin upang seryosohin siya ng lalaking kakausapin. Kumislap ang gintong ngipin ng lalake sa pang-ibabang gilagid nang iyon ay tamaan ng liwanag. Ismid ang ngiting naglaro sa sulok ng bib
“WALA NA SA PILIPINAS si Joanne, Domeng,” pahayag ni Solenne nang abutan ang hinabol na hired killer, “walang makapagsabi kung saang parte ng mundo siya nagtatago ngayon,” dagdag na paliwanag pa. Nangingipuspos na napasandal sa pader si Domingo. “Kay tagal kong pinangarap na magkaanak,” ang nasabi, “saan ko hahanapin ngayon ang katuparan ng pangarap kong anak?” paghihimutok ito. “Marami kang koneksiyon sa underground, Domeng,” pagpapaalala ni Solenne sa naguguluhang isip ng ama ni Brendon, “gamitin mo sila. Pakilusin mo ang lahat ng tauhan mo para matagpuan ang anak natin.” Tinitigan ni Domeng ang dating ka-live in. Naramdaman ni Solenne ang malalim na kalungkutang nasa mga matang nakatitig sa kanya. “Pagud na pagod na ‘ko “Solenne,” pagtatapat nito sa kanya,” matagal ko nang gustong magbagong buhay. Manahimik. Magkaroon ng pamilyang mamahalin at magmamahal sa akin.” Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ni Solenne na nangingilid ang luha ng cold blooded criminal na kanyang kaha