Share

TRUTH, HALF TRUTHS AND LIES

SHOCKED.

Hindi mapaniwalaan niTheodore Rossell ang mga naririnig. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kausap niya sa telepono.

Na nasa morgue ang bangkay ng kanyang asawang si Solenne Stevens-Rossell!

"Bakit? Ano'ng nangyari?" Ang tanong na halos ayaw lumabas sa kanyang bibig.

"Nag-suicide po si Mrs. Rossell."

"Paano...?

"Ayon sa mga witness na nakasaksi ay sinalubong niya ang isang sasakyan na matuling tumatakbo sa highway. Tumilampon ang kanyang katawan na bumalandra sa isang bus na matulin rin ang takbo..."

Bumagsak sa kalsada ang katawan ng kanyang asawa at hindi na makikilala pa dahil sa pagkadurog ng mukha nito nang masagasaan matapos mabundol.

Nakaramdam agad ng guilt si Theodore.

Maliwanag na bumabalik sa kanyang alaala ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa asawa. Ang mga pananakot at pagbabanta niya ng pagdedemanda ng attempted murder sa ginawa nitong pakikipagsabwatan kay Domingo Sabado na natuklasan niyang pagpatay sa kanya ang pakay at hindi pagnanakaw na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status