Share

PAALAM, BRENDON

SINAKSAKAN NG INJECTION si Brendon.

Ilang saglit lang ay biglang dumilat ito. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa wala. Biglang nanigas at nanginig ang katawan kasabay sa bigla ring pag-ungol.

“Doc, bakit biglang nag-seizure ang pasyente?” Tanong ng nurse na uma-assist sa doctor.

Nag-iisip ang doctor na nag-iniksiyon kay Brendon.

“Mali kaya ‘yung na-injection kong gamot?” Ang nasa isip na tanong sa sarili.

Tinutukan nito ng liwanag ng flashlight na hawak ang mga mata ng pasyente. May pag-aalala sa mga matang ni-recall sa isip ang mga signs or symptoms ng sakit na naging dahilan niya upang turukan ng ineksiyon ang pasyenteng walang malay taong isinugod sa ospital.

“May relatives ba na naririto sa ospital ang taong ito?” Tanong niya sa nurse.

“Palaboy lang sa daan ‘yan, doctor,” pagbibigay alam ng nurse, “homeless, ayon sa ibinigay na impormasyon ng nagsugod dito. Nakisilong lang daw sa mall nang umulan. Tapos biglang hinimatay.”

“Nasaan ‘yung mga taong nagdala sa kanya rito?”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status