Share

SINO ANG ITUTULAK? SINO ANG KAKABIGIN?

NANGINGITI SA KANYANG pag-iisa si Atty. Jasmine Generoso habang ibinabalik sa kanyang alaala ang mga naging pag-uusap nila ni Gemma Garcia.

“Ayokong makulong,” nagkakandaiyak na sinabi sa kanya ng nurse nang una silang magkaharap, “gawin mo ang lahat ng paraan upang huwag akong makulong!”

“Lahat ng manipulations at pakiusap ay ginawa ko na pero hindi pa rin pumayag ang judge na makapag-bail ka.” Paliwanag niya sa babae.

Matagal niyang pinagmasdan si Gemma. Pinag-aralan sa isip kung mapapapayag niya ito sa paraan na kanyang naiisip upang ang nurse ay hindi magdusa sa loob ng bilibid.

“Kaya mo bang magbaliw-baliwan?” Tanong niya dito.

Noon nagsimula ang pagbabaliw-baliwan ni Gemma na naging kapani­-paniwala sa mga nasa city jail kaya siya’y agad na ipinadala sa ospital ng mga wala sa sariling pag-iisip.

“Huwag kang mag-alala,” bulong ng kanyang abogado, “may mga kamag-anak at kakilala ako rito sa ospital na ‘to, kaya madali kong magagawan na paraan na maitakas ka rito.”

“Sigurado kan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status