Share

CHAPTER 1075

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-10-10 23:29:32

Napayuko siya at mariing pumikit. Pilit niyang pinipigilan ang pag-init ng mga mata niya.

Baby sister... Iyon lang talaga siya kay Clarkson. Wala palang kahulugan ang mga titig, ang mga biro, at ang yakap nito dahil isa lang siyang kapatid.

“Aria...” tawag nito sa kanya nang mapansin siguro ang pananahimik niya. “Okay ka lang ba? Parang ang tahimik mo.”

“Okay lang ako. Busy lang,” sagot niya, hindi man lang tumingin dito. Tinuon niya ang atensyon sa monitor ng computer at nag-type ng pinapagawa ni Madison. Kailangan niyang magmukhang busy para tigilan na siya ni Clarkson.

“Good.” Ngumiti si Clarkson at tumayo. “I’ll check on Dad first, then I’ll come back for lunch, ha?”

Ngumiti siya ng pilit. “S-sure.”

Pagkaalis nito, saka siya napabuntong-hininga.

Bakit ba ako umaasa? bulong niya sa isip. Alam ko namang wala akong karapatan.

Habang tumatakbo ang oras, sinubukan niyang ibuhos sa trabaho ang sakit. Binilisan niya ang pag-type para matapos niya agad iyon.

Maya-maya ay biglang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (65)
goodnovel comment avatar
Jojie Diadema
madam author, Baka pwede Naman bymawi Ka SA main Kung ano na nag mangyayari SA loveteam NI aria at Clarkson, d na ako nakkaatulog SA Kaka abang, remember may isang love episode pa Tayo si Tyler pa
goodnovel comment avatar
Jupril
pati narin cguro c author di na ngandahan sa story ni Clarkson at aria kaya wla na ring GANA mg update.
goodnovel comment avatar
Sabel Escarlan Bulatao
wag muna ituloy ung story nila author kng ganyan putol putol ngsasayang ka lng ng Oras kaumay
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1237

    ARIA’S POV:Natulala siya habang pinapanood si Clarkson na lumabas sa kanyang kwarto. Hindi niya inaasahan na iiwan siya nito sa ganoong sitwasyon. Siya lang ang pinaligaya ng nobyo.Nalulungkot pa rin ba ito dahil sa nalaman na balita? Alam niyang hindi iyon madali para kay Clarkson, pero ginagawa naman niya ang kanyang makakaya na iparamdam sa nobyo na bale-wala lang iyon sa kanya. Pero mukhang hindi pa din iyon matanggap ni Clarkson. Mukhang matatagalan pa bago matanggap ni Clarkson ang kalagayan nito... o baka hindi na.Dahan-dahan siyang tumayo at muling sinuot ang kanyang pajama. Dahil sa pagod ay inantok na siya. Sabi ni Clarkson ay magpapahangin ito sa labas. Gusto niyang puntahan ang nobyo, pero bibigyan niya ito ng space. Baka gusto nitong mapag-isa.Pinikit niya ang kanyang mga mata at muling natulog, parang hinihile ang kanyang katawan lalo na't pinagod siya ni Clarkson. *****Nagising siya kinaumagahan na wala si Clarkson sa kanyang tabi. Bigla siyang napaisip. Ang akala

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1236

    CLARKSON’S POV:Madaling-araw na pero gising pa rin siya. Si Aria na nasa tabi niya ay nakayakap at tulog na tulog na. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa tawag na natanggap niya kanina mula kay Doc Vicky. Kung gaano kasaya siya sa kanyang engagement, saka naman parang binagsakan siya ng langit at lupa. How’s that possible? Paano siya naging baog?Di kaya dahil sa pag-abuso niya sa kanyang katawan dati? Aaminin niyang halos lunurin niya ang sarili sa alcohol dahil sa pagkabigo kay Aria. Hindi niya lubos akalain na magdudulot pala iyon ng malaking impact sa kanya sa hinaharap.Ngayon, ito ang pagbabayaran niya ng habang-buhay… ang kanyang maling nagawa sa nakaraan. Pati ang kaligayahan ni Aria na magkaroon ng anak, hindi niya na rin maibibigay.Muli niyang tiningnan si Aria na mahimbing na natutulog. Naalala niya kanina ang mainit na halik nito sa kanya. Hindi siya tumugon at mga haplos nito sa kanya. Alam niyang gusto ni Aria makipag-sex pero hayagan niya itong inaya

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1235

    Ngumiti si Clarkson pero hindi umabot sa tenga nito. Ramdam niya ’yon. Ramdam niya ang pilit na tapang sa likod ng ngiting iyon, ang takot na pilit ikinukubli, ang pangambang baka kahit anong sabihin niya ay hindi pa rin sapat. “Hindi gano’n kadali ’to sa bubuuin nating pamilya, Aria. May kulang sa akin,” mahinang sambit ni Clarkson. “Wala nawawala,” mariing sagot niya. “Ikaw ang pinili ko. Ikaw lang.” Ngunit umiwas ng tingin si Clarkson, para bang natatakot itong maniwala sa mga salitang iyon. “Hindi ko alam kung hanggang kailan mo masasabi ’yan,” sabi nito. “Kapag dumating ang araw na makita mong lahat ng kaibigan mo may anak na… kapag maramdaman mong may kulang… baka sumbatan mo ako.” Sumakit ang dibdib niya. Lumapit siya at hinawakan ang pisngi nito, pinilit itong tumingin sa kanya. “Clarkson,” mariin niyang sabi. “Huwag mong desisyunan ang mararamdaman ko sa hinaharap. Hayaan mo akong manatili. Hayaan mo akong pumili.” Nanginig ang labi ni Clarkson. “At kung balang araw… pa

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1234

    Tumigil siya sa paglalakad at bahagyang nagtago sa gilid ng pader, sapat lang para marinig ang usapan pero hindi siya makita. “Sigurado ka na ba, anak?” seryosong tanong ni Ninong Clark. “Opo, Dad. Kailangan malaman ni Ninong James ang lahat bago kami magpakasal ni Aria,” walang pag-aalinlangang sagot ni Clarkson. “pinag-isipan ko ito ng mabuti, ayokong magsimula ang kasal namin na may kasinungalingan. Deserve niyang malaman ang totoo… ang lahat.” Nakita niyang nalungkot ang kanyang daddy. Mukhang malaki ang impact ng sinabi ni Clarkson sa ama niya. Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan. Ano ang tinatago ni Clarkson na sekreto sa kanya? “Nasaan na ba siya?” tanong ng daddy niya. “Nasa kwarto po. Naliligo,” sagot ni Clarkson. Napapikit siya. Siya pala ang tinutukoy. “Clarkson, mahal na mahal ka namin. Pero si Aria ang makakapagdesisyon. Kung ano man ang desisyon niya ay sana igalang natin,” sambit ng kanyang ng kanyang Daddy James. Sumikip ang dibdib niya. Gusto niyang lumabas

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1233

    Napatingin siya kay Clarkson na ngayon ay lumuluha na rin.“Are you crying?” biro niya.“Ah no… napuwing lang ako,” sambit nito sabay punas nang mabilis sa mga mata.“No… you’re crying!” asar niya.“And so are you, babe…” balik nito sa kanya. Iyak-tawa silang dalawa.Tiningnan niya ang singsing na inilagay ni Clarkson sa kanyang daliri. It cost a fortune for sure, sa laki ng diamante na nakapatong doon.“Babe, you don’t have to buy me this very expensive ring…”“No, babe. You deserve all the beautiful things in the world. Sa tingin mo, sa lahat ng pinagdaanan natin, titipirin ba kita?”“Hihihi… so ito pala ang pinagkakaabalahan mo kaya hindi mo ako sinama kanina?”“Sorry, babe… kung isasama kita, papalpak ang plano ko. Sorry kung nagtampo ka.”Muli siyang ngumiti. “It’s okay, it’s worth the tampo.” Niyakap siya ni Clarkson nang mahigpit.“Okay, okay, love birds. Tama na ’yan.." interrupt ni Ninang Jonie sa kanila.“Ninang!” sabi niya saka ito niyakap. Nasa likod nito si Ninong Ken na

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1232

    Bumaba sila ng hagdan at agad silang sinalubong ng masiglang tugtog ng banda. May ilang bisita ang napalingon sa kanya, may mga ngiti, may mga bulungan, at may ilan na napapahinto sa pag-uusap. “Grabe… lahat yata napatingin sa’yo...” bulong ni Phern sa tabi niya.Hindi siya sumagot. Mas abala ang kanyang mga mata at may gustong makita… si Clarkson.Ngunit kahit saan siya tumingin... sa garden, sa may buffet table, sa gilid ng stage, wala ito roon.“Aria!”Napalingon siya nang marinig ang boses ng Daddy niya. Palapit ito kasama ang Mommy, parehong nakangiti.“Dad, what is this party all about? Bakit ang bongga naman yata.”Tumawa ang Daddy niya. “We already told you, we have something important to announce.”Hindi na niya pinansin ang sinabi nito at sumimangot “Dad… nasaan si Clarkson?”Nagkatinginan ang Mommy at Daddy niya. Parang may silent conversation na naganap sa pagitan ng mga ito.Ngumiti ang Mommy niya. “Mamaya mo na malalaman. Enjoy ka muna.”“Mom…” napakunot ang noo niya. “

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status