LOGINNapahinto sandali ang kanyang mga hakbang. Hindi niya alam kung sinasadya ba iyon ni Catriona o wala itong ibang maisuot, pero sa dami ng damit na puwedeng gamitin, bakit ang T-shirt pa niya? Ano ba talaga ang ibig ipahiwatig ng babaeng ito?Napailing siya at nagpasyang huwag na lang iyong bigyan ng kahulugan. Hindi niya kailangan ng panibagong problema.Diretso siyang naglakad patungo sa pinto habang hinihila ang kanyang maleta. Ngunit bago pa niya tuluyang mabuksan ang pinto, tumayo si Catriona mula sa sofa.“Lewis…”Hindi siya lumingon. Maya-maya, naramdaman niyang lumapit ito sa kanya.“Lewis… aalis ka? Iiwan mo ako dito?”Napahinto siya nang maramdaman ang pagkapit nito sa kanyang braso. Pumikit sandali si Lewis at humugot ng malalim na hininga. Hindi niya gustong makipagtalo, hindi niya rin gustong saktan si Catriona, pero kailangan niyang magtakda ng hangganan.“Doon muna ako sa hotel.”“What?” Halatang nabigla ito. “But why?”Ngayon ay tuluyan na siyang lumingon. “You know why
Napabalikwas ng bangon si Lewis. Agad niyang hinawakan ang kanyang ulo nang biglang kumirot ang sentido niya. Para bang may mabigat na bagay na paulit-ulit na humahampas sa kanyang bungo. Kumurap-kurap siya, pilit inaayos ang malabong paningin.Ngunit nang mapatingin siya sa sarili, tuluyan siyang natigilan. Bukas ang kanyang pantalon at wala siyang saplot na pang-itaas. Nanlamig siya, mabilis niyang inayos ang suot at saka napalingon sa paligid. Saka lang niya napansin ang isang presensiya sa kabilang bahagi ng kama.Si Catriona… Nakaharap ito sa kanya, nakaupo sa kama at tila hindi man lang nag-abala na takpan ang sarili. Nakasuot lang ito ng bra at panty. Nakayuko ito at mahigpit na nakakapit ang mga kamay sa kumot, tila hindi rin alam kung ano ang dapat sabihin.Napatitig si Lewis dito, sandali siyang hindi nakapagsalita. Ano ang nangyari kagabi? Bakit narito si Catriona at bakit ganoon ang kalagayan nilang dalawa?Napahawak siyang muli sa kanyang sentido habang pilit binabalikan
Samantala ...Nasa isang tahimik na sulok ng isang bar si Lewis, mag-isa at tahimik na umiinom. Sa harap niya ay isang baso ng whiskey na kanina pa niya hawak, marahang iniikot ang laman habang nakatulala sa mga yelong unti-unting natutunaw.Maingay ang paligid, may mga taong nagtatawanan, may mga magkakaibigang nagkukuwentuhan, at may musikang umaalingawngaw sa buong lugar. Pero kahit napapaligiran siya ng mga tao, pakiramdam niya ay mag-isa pa rin siya.Hindi niya maiwasang isipin ang nangyari kanina. Sandali siyang nakaramdam ng hindi pagiging komportable mula nang silang dalawa lang ni Catriona ang magkasama sa iisang bahay.Oo, siya mismo ang nagprisinta na samahan ito papuntang Paris. Alam niyang mas magiging panatag si Catriona lalo na’t sa mga nangyari noong mga nakaraang araw. Bilang pinsan nito, natural lang para sa kanya na protektahan ito.Pero mula nang silang dalawa na lang ang nasa apartment, parang may kakaibang pagbabago sa kilos ni Catriona. Hindi niya maintindihan,
Dali-dali niyang kinuha ang cellphone na nakapatong sa bedside table at agad na hinanap ang pangalan ni Lewis sa contacts. Ilang segundo lang siyang naghintay bago nito sinagot ang tawag.“Hello?”Bahagya siyang nakahinga, pero hindi niya hinayaang marinig nito ang anumang kaba sa kanyang boses.“Where are you, Lewis? Bakit wala ka dito sa kwarto mo?”Sa halip na sagutin ang tanong niya, tila nagulat pa si Lewis sa narinig. “You went into my room?”Napakurap siya. Sandali siyang natigilan bago mabilis na nag-isip ng dahilan.“Ah… eh… kasi may ipis sa kwarto ko. Gusto ko sanang makitulog sa kwarto mo, pero wala ka roon.” Pagdadahilan niya.Tahimik sa kabilang linya. Napakagat siya ng kanyang labi. Ramdam niyang unti-unting umiinit ang kanyang mukha. Hindi niya alam kung naniniwala ba si Lewis sa palusot niya o sadyang pinagdududahan na nito ang tunay niyang pakay.“Do you think it’s appropriate, Catriona?”Nanigas siya, hindi siya agad nakasagot. Nahalata kaya nito ang plano niya? Nan
Tinapos niya ang pagligo na may ngiti sa mga labi. Habang pinupunasan ang basang buhok, hindi niya mapigilang mapangiti sa sarili. Sa dami ng nangyari sa kanyang buhay nitong mga nakaraang araw, sa lahat ng problema, takot, at maling desisyong ginawa niya, ngayon lang niya muling naramdaman ang kakaibang gaan sa kanyang dibdib.Ngayon lang siya muling sumaya. At habang nakatitig siya sa kanyang repleksiyon sa salamin, isang tanong ang biglang pumasok sa kanyang isip.Bakit ngayon lang niya naisip iyon? Kung hindi siya humabol kay Tyler noon… kung hindi niya ibinigay ang lahat ng atensiyon niya rito at sa halip ay pinili na lang niyang bigyan ng atensyon si Lewis, marahil ay hindi na sana humantong sa ganito ang lahat.Hindi sana siya napilitang makipagsabwatan kay Arthur. Hindi sana niya inilagay sa panganib ang sarili niyang buhay. At higit sa lahat, hindi sana siya napunta sa sitwasyong ngayon ay pilit niyang inaayos.Napabuntong-hininga siya. Maaari siyang magsisi habang buhay, per
Tahimik lang si Lewis habang kumakain. Wala itong kamalay-malay na habang abala siya sa kaniyang pagkain, ibang-iba naman ang takbo ng isip ni Catriona. Sa halip na pagkain ang iniisip, si Lewis ang unti-unting pumupuno sa kaniyang isipan.Pinagpapantasyahan na niya ang sarili niyang “pinsan.” Hindi niya alam kung kailan eksaktong nagsimulang magbago ang paraan ng pagtingin niya rito. Siguro dahil sa lahat ng nangyari sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Siguro dahil si Lewis ang taong nanatili sa tabi niya nang pakiramdam niya ay wala nang ibang kakampi sa kaniya. O baka… Sadyang ngayon lang niya napansin kung gaano ito ka-attractive.Muli siyang pasimpleng napatingin dito. What if…“Are you done, Catriona?”Napakurap siya at agad na ibinalik ang atensiyon sa kaniyang plato. “Huh?”Tumingin si Lewis sa kaniya. “You’re not eating anymore.”Napatingin siya sa natitira niyang pizza. Hindi niya namalayang matagal na pala siyang hindi kumakain.“Yes. I’m done.”Tumango si Lewis. “Okay.”T
ARIA'S POV: Nakasimangot siya habang nakasakay sa kotse ni Clarkson, nasa front seat siya at ito ang nagda-drive. Pauwi na silang dalawa sa bahay nito. Ang kuya Tyler niya ay nagpaiwan dahil may imi-meet pa daw itong mga kaibigan. Hanggang ngayon ay masama pa din ang loob niya nang malaman na ma
Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na ang photoshoot. She was exhausted, but satisfied.“Great job, everyone!” sigaw ni Kelly. “This is going to be amazing!”“Thank you, Kelly. I’m so glad you liked it.” nakangiting sabi nya sa kaibigan“Liked it? I loved it! This is going to be the talk of the to
"Wag! Bitawan mo ako, Dylan! Bitawan mo ako!!!"Hawak siya ni Dylan sa kamay at nanlilisik ang mga mata nito na parang demonyo. Sa sobrang pagpupumiglas niya na makawala sa pagkakahawak ni Dylan ay nahulog siya mula sa kung saan.Napamulat siya ng mata at palinga-linga sa paligid. Nasa kwarto siya
“Babe…”Sambit ni Madison saka kumapit sa braso niya pero iwinaksi niya iyon.“Paano nangyaring buntis ka, Madison? We haven’t had sex lately?” singhal nya“What do you mean? We have sex countless times! Kanino pa ba ang batang ito, eh ikaw ang boyfriend ko?”“Tama na yan!” sigaw ng dad niya.Napasa







