LOGINSino iyon? Bakit sinusubukan nitong pumasok sa unit niya?Mahigpit niyang napisil ang flower vase habang pilit pinipigilan ang sariling mapasigaw. Halos manginig ang mga kamay niya sa kaba habang nakatitig sa lalaking nasa labas ng pinto.Makalipas ang ilang segundo, tila napansin nitong hindi nito mabubuksan ang unit kaya bigla itong tumigil. Pagkatapos ay mabilis na itong naglakad palayo.Doon lamang siya muling nakahinga, ngunit panandalian lang ang ginhawang iyon. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng pinto habang nanlalamig ang buong katawan. Pakiramdam niya ay nanghihina ang mga tuhod niya.Sino ang lalaking iyon, at bakit pakiramdam niya… matagal na siyang binabantayan nito?Naalala niya tuloy ang ilang beses na pakiramdam niyang may matang nakatingin sa kanya tuwing umuuwi siya galing trabaho. Akala niya noon ay dala lang iyon ng sobrang pagod at stress.Pero paano kung hindi? Paano kung totoong may sumusunod sa kanya?Bigla siyang napayakap sa sarili. Safe pa ba siya sa condo
Pagkauwi sa condo, halos matumba na siya sa sobrang pagod. Mabigat ang bawat hakbang habang tinatahak ang sala bago tuluyang bumagsak sa malambot na sofa. Napapikit siya sandali at marahang isinandal ang ulo sa sandalan.Sobrang tahimik ng buong unit. Ganito na palagi ang routine niya araw-araw... uwi, pahinga sandali, ligo, saka tulog. Paulit-ulit. Parang isa na lamang siyang robot.Okay lang sana kung trabaho lang ang dahilan ng pagod niya. Kahit nakakapagod ang taping at sunod-sunod na schedules, fulfilling naman iyon para sa kanya.Pero ang kailangang pakisamahan araw-araw sina Queenie at ang grupo nito? Iyon ang totoong nakakaubos ng lakas niya.Hindi niya maintindihan kung bakit tila hindi siya kayang tantanan ng mga ito. Kapag may eksena siyang pinupuri ng direktor, siguradong may masasabi si Queenie pagkatapos. Mga pasimpleng lait. Mga tinging puno ng inggit at pangmamaliit.Mahina siyang napabuntong-hininga bago dinampot ang remote control at binuksan ang TV. Agad na kumalat
Matapos ang nakapapagod na take na iyon, muling nagtawag si Direk ng break. Bakas ang frustration sa mukha ng direktor at tila sasabog na ang ulo nito dahil sa paulit-ulit na pag-ulit ng eksena. Alam ng lahat na ang dahilan ay ang panggugulo nina Queenie at ng barkada nito.Dahil oras na rin ng hapunan, nagpasya si Direk na ituloy na lamang ang shooting pagkatapos kumain."Jolie, mauna ka na sa tent, ha? Mag-si-CR lang ako sandali. Doon na lang tayo magkita," paalam ni Dolor sa kanya."Sige," maikling sagot niya bago nagsimulang maglakad patungo sa kanilang tent. Medyo may kalayuan pa ito mula sa mismong set.Habang naglalakad sa madilim-dilim na bahagi ng lokasyon, muli siyang nakaramdam ng kaba. Parang may nakamasid at sumusunod sa kanya. Hindi nga siya nagkamali, nang lumingon nakita niya ang apat na babaeng kanina pa siya pinahihirapan.“Ang galing mo ring umarte, ’no?” boses iyon ni Queenie, puno ng sarkasmo. “Acting innocent habang pinagmumukha mo akong tanga sa harap ni Direk.
Nang makaalis ang mga ito ay agad napabuntong-hininga si Jolie.“Dapat hindi mo na lang sila pinansin, Dolor,” mahina niyang sabi. “Lalo lang silang nanggigigil sa akin.”“Hayaan mo silang magalit,” walang pakialam na sagot nito habang umuupo muli. “Akala mo kung sino eh. Mga kabago-bago lang din naman sa industriya.”Mas matagal nang artista si Dolor kaysa sa kanila kaya hindi ito basta-basta natitinag.“Bakit kasi hindi mo sabihin kay Direk?” seryosong tanong nito habang nakatingin sa kanya. “Hinahayaan mo silang i-bully ka. Dapat sa pelikula lang ’yun. Pati ba naman sa totoong buhay?”Napayuko siya. “Hayaan mo na sila,” mahinang sabi niya. “Narinig mo naman sinabi nila, ’di ba? Kilala ng mga magulang nila ang director at producers.”Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. “Nakakahiya kina Daniel at Mama Jess kung unang project ko pa lang ay magiging palpak na agad. Pinaghirapan nila kung nasaan man ako ngayon.”Napabuntong-hininga si Dolor. “Hmp. Pero hindi ibig sabihin no
Pagpasok niya sa lobby ay napansin niyang nakangiti ang ilang tao habang nakatingin sa kanya. Para bang nahihiya lamang ang mga itong lumapit, ngunit halatang namumukhaan siya. Marahil ay napanood siya ng mga ito sa telebisyon kanina.Nakayuko siyang naglakad patungo sa elevator. Hindi pa rin siya sanay sa atensyon at bahagya pa rin siyang nahihiya sa mga titig na ipinupukol sa kanya.Pagpasok niya sa elevator ay bahagya siyang nakahinga nang maluwag nang makitang mag-isa lamang siya roon. Pinindot niya ang button ng tenth floor. Dahil medyo matagal pa bago makarating, sumandal siya sa dingding ng elevator at pumikit sandali.Ramdam niya ang pagod mula sa party kanina. Malamang na pagdating niya sa kwarto ay matutulog na lang siya. Tutal ay busog na rin naman siya sa dami ng nakain.Nang marinig niya ang mahinang click ng elevator, saka lamang siya nagmulat ng mata. Hinintay niyang tuluyang bumukas ang pinto bago lumabas.Ngunit pagkalabas pa lamang niya ay sandali siyang natigilan. P
Sandali silang nagkatitigan. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Dahil sa paraan ng pagtitig ni Daniel sa kanya, kahit siya ay muntik nang maniwala na totoo ang lahat ng ito.“Okay guys, that’s it for today,” dagdag pa ni Daniel habang nakaakbay pa rin sa kanya. “Magpapahinga na si Jolie. Salamat sa oras n’yo.”Pagkatapos noon ay dahan-dahan na siyang iginiya ng lalaki palayo sa mga media. Pakiramdam niya ay lutang siyang naglalakad.Akmang aalisin sana niya ang kamay nito sa kanyang balikat ngunit mabilis siyang pinigilan ni Daniel.“Stop it, Jolie...” mahinang sabi nito habang nakangiti pa rin sa mga camera. “Nakatingin pa sila sa atin. Malalaman nilang pinepeke lang natin ito.”Napatingin siya rito. Hindi niya maintindihan kung bakit may kakaiba siyang naramdaman sa narinig. Na pinepeke lang.Oo nga naman, parte lang ito ng trabaho, parte lang ng showbiz. Kaya tahimik na lamang siyang sumunod at nagpaubaya.Pagdating nila sa parking area ay nadatnan nila si Mama Jess na naghi
****************** CINDY'S POV: Lihim siyang napangisi nang iwan si Clark doon na nakatulala. Ni hindi man lang niya binigyan si Clark ng option. "Sorry, Clark... kailangan kitang linlangin para makuha ka. Akala mo ba ay papakawalan pa kita kapag nakuha na kita?" "No! Hahaha... hindi ako makakap
Hindi nagsalita si Cindy at nanatili lang itong nakayuko at umiiyak."What is happening here?" Isa pang dumating ay si Bryan na hindi niya alam kung saan nanggaling. Bilib talaga siya sa radar nito. Kada may nagaganap ay always present ito.Napansin niyang lalong kinabahan si Cindy sa pagdating ni
"Thank you, guys... kahit paano ay sinusuportahan n'yo ako sa lahat ng desisyon ko kahit palpak paminsan-minsan...""Hindi ka palpak, bestie... you are the most efficient employee I have. Palpak ka lang sa larangan ng pag-ibig... hindi talaga ibibigay ni Lord sa'yo lahat. Matalino ka sa trabaho per
Napangisi si Clark. "Why? Ayaw mong malaman ko na tinatamaan ka na din ng libog? Hmm?" wika nito habang inuumpisahan nang laruin ang tingg*l niya. Pumikit siya at kinagat ang ibabang labi. Ayaw niyang ipakita na nasasarapan siya. Pinipilit niya ang sarili na huwag umungol."Let it out, baby... wag







