MasukNagdaan pa ang mga araw, at pabalik-balik si Daniel sa Pampanga upang dalawin si Margie. Hindi na rin naulit ang insidente ng lalaking namaril, at wala na rin siyang nakitang misteryosong lalaking nagmamasid gabi-gabi mula sa poste.Marahil ay nagkataon lamang ang lahat. Mukhang hindi naman talaga sila ang binabantayan nito, taliwas sa mga hinalang gumugulo sa kanyang isip noon.Ngayon, natapos na ang isang buwang bakasyon ni Jolie at oras na para bumalik sila sa Maynila.Kasalukuyan silang nasa sasakyan, binabagtas ang mahabang kalsada pauwi. Hawak niya ang kamay ni Jolie habang ang isa naman niyang kamay ay nasa manibela.“Magiging busy ka na naman,” sambit niya.Napabuntong-hininga si Jolie. “Ayaw ko man bumalik sa trabaho, kailangan. May mga kontrata pa akong kailangang tuparin.”“It’s okay, love. Palagi naman akong nakasuporta sa’yo. Ako ang driver at bodyguard mo kahit saan ka magpunta.”Napangiti si Jolie.“Hihihi... ano ba ang plano mo sa sarili mo? Ayaw mo na ba talagang bumal
Nagising si Tyler na mabigat ang pakiramdam at tila nanunuyo ang kanyang mga mata. Ilang sandali siyang nakatitig lamang sa kisame bago niya napagtanto ang katotohanan... Hindi naman pala siya nakatulog.Buong gabi siyang nakadilat, tahimik na nagbabantay habang nakayakap sa kanya si Jolie. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya ang lalaking nakita niya sa poste kagabi. Hindi niya maalis sa isip ang anyo nito at ang kakaibang pakiramdam na iniwan nito sa kanya.Pakiramdam niya ay may hindi tama. May kung anong panganib na hindi pa niya nakikita ngunit unti-unti nang papalapit.Naputol ang kanyang pag-iisip nang maramdaman niyang gumalaw si Jolie sa kanyang tabi. Dahan-dahang iminulat nito ang mga mata at agad na sumiksik sa kanyang dibdib."Good morning, love..." malambing nitong bati.Napangiti siya at hinigpitan nang bahagya ang yakap dito. "Good morning.""Kakagising mo lang din?""Oo. Kakagising ko lang."Mabilis ang naging sagot niya kahit alam niyang isa iyong malaking ka
Agad na sumiksik si Jolie sa kaniyang katawan nang humiga ito sa kama. Para itong batang naghahanap ng mapagtataguan matapos makaranas ng matinding takot.Maingat niyang hinaplos ang mahaba nitong buhok."Are you scared?" mahina niyang tanong.Bahagyang tumango si Jolie habang nakadikit ang mukha sa kaniyang dibdib."Baka kasi tayo ang target dito..."Napangiti siya at mas hinigpitan ang yakap dito. "Hahaha... bakit mo naman nasabi 'yan?" malumanay niyang saad. "Walang mangangahas na lumapit sa atin. Sa dami ba naman ng bodyguards natin."Nang marinig iyon ni Jolie ay tila unti-unting lumuwag ang tensiyon sa katawan nito. Ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniyang damit ay dahan-dahang lumuwag.Lihim din siyang nakahinga nang maluwag. Sa totoo lang, ibang klaseng gabi sana ang nasa isip niya. Pagkatapos ng kanilang hapunan at ilang oras na magkasama, balak sana niyang sulitin ang pagkakataong makapiling si Jolie para maglabing-labing. Ngunit dahil sa nangyari sa labas ng mansion, t
Kasalukuyan siyang nakasandal sa headboard ng kama habang hawak ang cellphone sa isang kamay. Kakakatapos lamang nilang maghapunan at bahagya pa ring umiikot ang kanyang ulo dahil sa mga nainom kanina kasama si Daniel.Napabuntong-hininga siya nang makita ang pangalang nakalagay sa screen.... Tiffany.Sa totoo lang, wala siyang balak sagutin ang tawag nito. Ilang beses na niya itong pinabayaan, ngunit hindi ito tumitigil sa pagtawag. Paulit-ulit na nagri-ring ang kanyang telepono na para bang hindi ito titigil hangga't hindi niya sinasagot.Sa huli, napilitan siyang pindutin ang answer button. At agad din niya iyong pinagsisihan. Kung anu-anong bagay ang pinagsasabi nito upang makuha lamang ang kanyang atensyon.Kung minsan ay nagmamakaawa, kung minsan naman ay nagagalit. Ngunit ang pinakanakakainis ay nang simulang takutin siya nito.May mga taong gustong manakit sa kanya? Sino naman? Wala naman siyang kilalang may galit sa kanya. Wala rin siyang nakaaway na maaaring umabot sa ganoon
Mahigpit niyang hinawakan ang baso. Dapat noon pa nito naintindihan... Kung hindi siya nagpakita... Kung hindi siya nagparamdam... Ibig sabihin ay ayaw na niya. Tapos na. Wala nang dapat pag-usapan.Ngunit mukhang hindi ganoon ang iniisip ni Victor.Napabuntong-hininga siya. Kapag nalaman ni Tyler ang buong katotohanan... na may asawa siya... na hindi pa pala siya legal na hiwalay... wala na siyang pag-asa.At kahit ayaw niya itong aminin, umaasa pa rin siyang balang araw ay mababawi niya si Tyler. Naniniwala siyang may natitira pa ring pagtingin ito sa kanya. Kaya hindi niya maaaring hayaan na masira ang lahat.Bigla namang tumunog ang kanyang cellphone. Agad siyang napaupo nang tuwid. Nagliwanag ang kanyang mukha... Baka si Direk iyon.Kinuha kasi nito ang kanyang numero at nangakong tatawag para sa isang bagong proyekto. Mabilis niyang sinagot ang tawag."Hello?"Ngunit walang sumagot.Nagsimulang kumunot ang kanyang noo. "Hello?"Makalipas ang ilang segundo, isang pamilyar na bose
Napatawa si Daniel. "Hindi naman siguro. Mukha namang okay lang kina Tyler.""Eh kasi..." Nag-iwas siya ng tingin. "Bakit mo naman ako dadalawin?"Napangiti si Daniel. "Bakit? Bawal ba?""Hindi naman sa bawal...""Kung gano'n?"Napakamot si Margie sa ulo. "Wala lang. Karaniwan kasi, dumadalaw lang kapag may sakit."Natawa si Daniel. "Ang kulit mo talaga."Nakapanguso itong tumingin sa kanya. "Ano? Totoo naman.""Iyon nga ang gusto ko sa'yo."Natigilan si Margie.Hindi rin agad napansin ni Daniel ang sinabi niya."I mean..." mabilis niyang dugtong habang napapailing. "Palagi mo kasi akong napapatawa."Biglang uminit ang magkabilang pisngi ni Margie. "Hihihi... ginawa mo naman akong clown!""Mas gusto ko ngang tawagin kang stress reliever."Natawa sila pareho. At sa pagkakataong iyon, unti-unting nawala ang ilang at hiya sa pagitan nila. Pakiramdam nila ay parang matagal na silang magkaibigan. Tila ba natural na lamang ang presensya ng isa't isa.Huminga nang malalim si Daniel bago muli
Sabay silang kumakain pero tahimik silang dalawa. Ayaw niyang kausapin si Clarkson. Tila ay ayaw din nitong makipag-usap dahil mukhang may malalim na iniisip.Wala din si Ninang Fe at Ninong Clark doon dahil may pinuntahang party. Lately ay sila lang palagi ni Clarkson ang naroon sa bahay.“Masarap
Pagkatapos mag-ayos ni Tito Ken ng konting gamit ay umalis na sila sa mansion at pupunta sa bahay ni Gov. Clark.Matinong politiko din si Gov. Clark Almonte kaya panatag ang loob niya kapag doon titira si Tito Ken, at saka halos magkapatid na nga ang mga ito. Naalala niyang dati ay may kinasasangku
"Ang mabuti pa love ay dito muna kayo tumira sa inyo. Siguradong magagalit si Dylan kapag nalaman niyang doon ka nakatira sa akin. Hindi natin siya bibigyan ng pagkakataon na ma-provoke. Ipaparamdam natin sa kanila na sunod-sunuran kayo ni Tito Kenn sa gusto nila habang nagkakalap kami ni Bert ng
"Ahm, dito mo lagay ang mga gamit mo..." iwas niya, para kasi siyang natutunaw sa pamamaraan ng pagtitig ni Finn sa kanya."Shh... maupo ka lang d'yan. Ayaw kong mapagod ka. Kaya ko na 'to, love..." wika ni Finn saka inakay siyang umupo sa kama. Sinunod naman niya ang utos nito.Habang nag-aayos si







