Share

CHAPTER 1538

Penulis: dyowanabi
last update Tanggal publikasi: 2026-06-11 23:18:30

Nagising si Tyler na mabigat ang pakiramdam at tila nanunuyo ang kanyang mga mata. Ilang sandali siyang nakatitig lamang sa kisame bago niya napagtanto ang katotohanan... Hindi naman pala siya nakatulog.

Buong gabi siyang nakadilat, tahimik na nagbabantay habang nakayakap sa kanya si Jolie. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya ang lalaking nakita niya sa poste kagabi. Hindi niya maalis sa isip ang anyo nito at ang kakaibang pakiramdam na iniwan nito sa kanya.

Pakiramdam niya ay may hin
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
chuchu
Malapit na cgurong hiwalayan ni Daniel si Jolisa hehe Sana author walang mangyare kay Tyler
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1539

    Nagdaan pa ang mga araw, at pabalik-balik si Daniel sa Pampanga upang dalawin si Margie. Hindi na rin naulit ang insidente ng lalaking namaril, at wala na rin siyang nakitang misteryosong lalaking nagmamasid gabi-gabi mula sa poste.Marahil ay nagkataon lamang ang lahat. Mukhang hindi naman talaga sila ang binabantayan nito, taliwas sa mga hinalang gumugulo sa kanyang isip noon.Ngayon, natapos na ang isang buwang bakasyon ni Jolie at oras na para bumalik sila sa Maynila.Kasalukuyan silang nasa sasakyan, binabagtas ang mahabang kalsada pauwi. Hawak niya ang kamay ni Jolie habang ang isa naman niyang kamay ay nasa manibela.“Magiging busy ka na naman,” sambit niya.Napabuntong-hininga si Jolie. “Ayaw ko man bumalik sa trabaho, kailangan. May mga kontrata pa akong kailangang tuparin.”“It’s okay, love. Palagi naman akong nakasuporta sa’yo. Ako ang driver at bodyguard mo kahit saan ka magpunta.”Napangiti si Jolie.“Hihihi... ano ba ang plano mo sa sarili mo? Ayaw mo na ba talagang bumal

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1538

    Nagising si Tyler na mabigat ang pakiramdam at tila nanunuyo ang kanyang mga mata. Ilang sandali siyang nakatitig lamang sa kisame bago niya napagtanto ang katotohanan... Hindi naman pala siya nakatulog.Buong gabi siyang nakadilat, tahimik na nagbabantay habang nakayakap sa kanya si Jolie. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya ang lalaking nakita niya sa poste kagabi. Hindi niya maalis sa isip ang anyo nito at ang kakaibang pakiramdam na iniwan nito sa kanya.Pakiramdam niya ay may hindi tama. May kung anong panganib na hindi pa niya nakikita ngunit unti-unti nang papalapit.Naputol ang kanyang pag-iisip nang maramdaman niyang gumalaw si Jolie sa kanyang tabi. Dahan-dahang iminulat nito ang mga mata at agad na sumiksik sa kanyang dibdib."Good morning, love..." malambing nitong bati.Napangiti siya at hinigpitan nang bahagya ang yakap dito. "Good morning.""Kakagising mo lang din?""Oo. Kakagising ko lang."Mabilis ang naging sagot niya kahit alam niyang isa iyong malaking ka

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1537

    Agad na sumiksik si Jolie sa kaniyang katawan nang humiga ito sa kama. Para itong batang naghahanap ng mapagtataguan matapos makaranas ng matinding takot.Maingat niyang hinaplos ang mahaba nitong buhok."Are you scared?" mahina niyang tanong.Bahagyang tumango si Jolie habang nakadikit ang mukha sa kaniyang dibdib."Baka kasi tayo ang target dito..."Napangiti siya at mas hinigpitan ang yakap dito. "Hahaha... bakit mo naman nasabi 'yan?" malumanay niyang saad. "Walang mangangahas na lumapit sa atin. Sa dami ba naman ng bodyguards natin."Nang marinig iyon ni Jolie ay tila unti-unting lumuwag ang tensiyon sa katawan nito. Ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniyang damit ay dahan-dahang lumuwag.Lihim din siyang nakahinga nang maluwag. Sa totoo lang, ibang klaseng gabi sana ang nasa isip niya. Pagkatapos ng kanilang hapunan at ilang oras na magkasama, balak sana niyang sulitin ang pagkakataong makapiling si Jolie para maglabing-labing. Ngunit dahil sa nangyari sa labas ng mansion, t

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1536

    Kasalukuyan siyang nakasandal sa headboard ng kama habang hawak ang cellphone sa isang kamay. Kakakatapos lamang nilang maghapunan at bahagya pa ring umiikot ang kanyang ulo dahil sa mga nainom kanina kasama si Daniel.Napabuntong-hininga siya nang makita ang pangalang nakalagay sa screen.... Tiffany.Sa totoo lang, wala siyang balak sagutin ang tawag nito. Ilang beses na niya itong pinabayaan, ngunit hindi ito tumitigil sa pagtawag. Paulit-ulit na nagri-ring ang kanyang telepono na para bang hindi ito titigil hangga't hindi niya sinasagot.Sa huli, napilitan siyang pindutin ang answer button. At agad din niya iyong pinagsisihan. Kung anu-anong bagay ang pinagsasabi nito upang makuha lamang ang kanyang atensyon.Kung minsan ay nagmamakaawa, kung minsan naman ay nagagalit. Ngunit ang pinakanakakainis ay nang simulang takutin siya nito.May mga taong gustong manakit sa kanya? Sino naman? Wala naman siyang kilalang may galit sa kanya. Wala rin siyang nakaaway na maaaring umabot sa ganoon

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND    CHAPTER 1535

    Mahigpit niyang hinawakan ang baso. Dapat noon pa nito naintindihan... Kung hindi siya nagpakita... Kung hindi siya nagparamdam... Ibig sabihin ay ayaw na niya. Tapos na. Wala nang dapat pag-usapan.Ngunit mukhang hindi ganoon ang iniisip ni Victor.Napabuntong-hininga siya. Kapag nalaman ni Tyler ang buong katotohanan... na may asawa siya... na hindi pa pala siya legal na hiwalay... wala na siyang pag-asa.At kahit ayaw niya itong aminin, umaasa pa rin siyang balang araw ay mababawi niya si Tyler. Naniniwala siyang may natitira pa ring pagtingin ito sa kanya. Kaya hindi niya maaaring hayaan na masira ang lahat.Bigla namang tumunog ang kanyang cellphone. Agad siyang napaupo nang tuwid. Nagliwanag ang kanyang mukha... Baka si Direk iyon.Kinuha kasi nito ang kanyang numero at nangakong tatawag para sa isang bagong proyekto. Mabilis niyang sinagot ang tawag."Hello?"Ngunit walang sumagot.Nagsimulang kumunot ang kanyang noo. "Hello?"Makalipas ang ilang segundo, isang pamilyar na bose

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1534

    Napatawa si Daniel. "Hindi naman siguro. Mukha namang okay lang kina Tyler.""Eh kasi..." Nag-iwas siya ng tingin. "Bakit mo naman ako dadalawin?"Napangiti si Daniel. "Bakit? Bawal ba?""Hindi naman sa bawal...""Kung gano'n?"Napakamot si Margie sa ulo. "Wala lang. Karaniwan kasi, dumadalaw lang kapag may sakit."Natawa si Daniel. "Ang kulit mo talaga."Nakapanguso itong tumingin sa kanya. "Ano? Totoo naman.""Iyon nga ang gusto ko sa'yo."Natigilan si Margie.Hindi rin agad napansin ni Daniel ang sinabi niya."I mean..." mabilis niyang dugtong habang napapailing. "Palagi mo kasi akong napapatawa."Biglang uminit ang magkabilang pisngi ni Margie. "Hihihi... ginawa mo naman akong clown!""Mas gusto ko ngang tawagin kang stress reliever."Natawa sila pareho. At sa pagkakataong iyon, unti-unting nawala ang ilang at hiya sa pagitan nila. Pakiramdam nila ay parang matagal na silang magkaibigan. Tila ba natural na lamang ang presensya ng isa't isa.Huminga nang malalim si Daniel bago muli

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1056

    ARIA'S POV: Nakasimangot siya habang nakasakay sa kotse ni Clarkson, nasa front seat siya at ito ang nagda-drive. Pauwi na silang dalawa sa bahay nito. Ang kuya Tyler niya ay nagpaiwan dahil may imi-meet pa daw itong mga kaibigan. Hanggang ngayon ay masama pa din ang loob niya nang malaman na ma

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-01
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1027

    LILLY'S POV:Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman ngayon, at andito na si Finn sa tabi niya. Noong siya lang mag-isa doon sa London ay kinakaya niya ang lahat. Wala siyang mapagsabihan ng weakness niya dahil kailangan niyang maging matapang at malakas.But now that Finn is here by her side, ay

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-01
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1079

    “Babe... Aria is trying to escape from work. Aalis na daw siya, hindi pa nga tapos ang work niya,” sumbong ni Madison.“Si Dad ang nag-utos sa kanya, Madison.. si Dad naman ang boss dito at hindi ikaw, ‘di ba?” Naiinis na siya sa panggigipit ni Madison kay Aria.Nagulat si Madison sa pamamaraan ng

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-01
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1061

    Nag-umpisa na silang magmartsa. Siyempre dahil partner sila ni Clarkson ay hahawak siya sa braso nito. Lalong naningkit ang mga mata ni Madison. Yun na nga ba ang sinasabi niya. Bakit kasi sumama pa ito doon? Hindi niya tuloy ma-enjoy ang kasal. Nakokonsensya siya dahil may nagseselos. Pero nag-e

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-01
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status